Medyo nagulat si Charlie at binigyan niya ng thumbs up si Vera bago sinabi, “Miss Lavor, ang talino mo talaga! Ngayon, mas naiintindihan ko na kung ano ang isang Transcendent dahil sa paliwanag mo.”Pagkatapos, muling tumingin si Charlie sa punla at tinanong siya, “Miss Lavor, sigurado ka bang ito ang Mother of Pu’er Tea?”Tumango nang matatag si Vera at sinabi, “Walang duda! Ang aura niya ay eksaktong kapareho ng sa Mother of Pu’er Tea. Bukod pa roon, kung isasaalang-alang ang lahat ng mga nangyari kanina, sigurado akong ito nga ang Mother of Pu’er Tea.”Bahagyang tumango si Charlie at binulong, “Kung gano’n, ibig sabihin ba nito na naging Transcendent ang Mother of Pu’er Tea sa mga puno?”Sumagot nang walang pag-aatubili si Vera, “Gano’n na nga ang ibig sabihin nito, pero ang konsepto ng mga Transcendent ay base lang sa mga narinig kong kwento noon. Wala pa akong pagkakataon na patunayan ito. Kaya sa ngayon, hula ko lang ito.”Tumango si Charlie at umupo sa tabi niya habang tini
Kitang-kita sa maamong mukha ni Vera ang pagtanggi niya, kaya pinilit siya ni Charlie, “Napitas na natin ang mga dahon, sayang naman kung hindi natin titikman. At saka, ikaw lang ang tunay na nakakaintindi sa Mother of Pu’er Tea. Hindi sapat ang hinala lang, kailangan mo itong malasahan para makumpirma mo!”Pagkasabi nito, inabot niya ang isang dahon sa bibig ni Vera habang kinain naman niya ang isa, sinasabi. “Halika, tikman natin ito nang sabay.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit ni Charlie, alam niyang hindi niya siya matitiis. Kaya, bahagya siyang tumingin nang matalas sa kanya at sinabi, “Sige na nga, titikman ko.”Pagkatapos itong sabihin, binuksan niya nang bahagya ang mga pulang labi niya at marahan na kinagat ang berdeng dahon.#Nang makita ni Charlie na kinain na rin ito ni Vera, nakahinga siya nang maluwag at nilagay na rin ang isang dahon sa kanyang bibig bago ito nguyain.Ang akala niya, ang dahon ay may matapang lang na amoy ng tsaa at dapat may masarap na lasa, p
Napatanong si Vera sa gulat, “Young Master, kukunin mo siya?”Matatag na sumagot si Charlie, “Siyempre! Bukod sa ayaw ko siyang iwan dito, hindi ba sayang ang mga mahahalagnag materyales kung mapupunta siya sa maling tao o mahukay ng isang taong walang alam?”“Pero…” nag-aalangan si Vera. “Pero dito na siya lumaki ng sampu-sampung libong taon… Ito na ang ugat niya…”Kumaway si Charlie at sinabi, “Hindi, hindi, indi. Ang katotohanan na hindi siya nagtagumpay sa heavenly tribulations matapos ang sampung libong taon ay isang patunay na hindi ito ang tamang lugar para sa kanya. Ang tao, hindi dapat nadadapa sa parehong lugar ng dalawang beses. Ganun din sa mga puno. Kailangan nating humanap ng bagong lugar para sa kanya at alagaan siya ng maayos.”Nagtanong si Vera, “Young Master, saan mo siya balak ilipat?”Sainbi ni Charlie, “Sa tingin ko, maganda ang maliit na courtyard sa tuktok ng Scarlet Pinnacle Manor. Hukayin natin siya at itanim malapit sa hot spring pool mo. Alam mo kung paa
Nagawa ni Vera ang lahat ng pakay niya sa pagbisita sa Yorkshire Hill sa pagkakataong ito. Bumalik siya sa Diggero, nagbigay-galang sa kanyang mga magulang, at pagkatapos ay bumalik sa Heavenly Lake, ang lugar kung saan nabigo noon ang Mother of Pu’er Tea na malampasan ang tribulation.Ngayon na biglang sinabi ni Charlie na aalis na sila, wala siyang naramdamang panghihinayang.Bukod pa roon, may hindi inaasahang biyaya ang pagpunta nila sa Yorkshire Hill. Dati, matagumpay niyang naabot ang kanyang limitasyon sa ilalim ng pagbabantay ni Fleur, at ngayon, hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng isang batang punla ng muling isinilang na Mother of Pu’er Tea.Gayunpaman, nang sabihin ni Charlie na dadalhin niya ang Mother of Pu’er Tea pabalik sa Aurous Hill, nakadama siya ng matinding kaba. Sa una, iniisip niyang dapat manatili rito ang punlang ito upang patuloy na lumaki, pero nang marinig niya ang sinabi ni Charlie, naantig siya.Sa anumang larangan, kung ipipilit mo na sundan ang
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas, “Hoy, Char
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaki
Nagawa ni Vera ang lahat ng pakay niya sa pagbisita sa Yorkshire Hill sa pagkakataong ito. Bumalik siya sa Diggero, nagbigay-galang sa kanyang mga magulang, at pagkatapos ay bumalik sa Heavenly Lake, ang lugar kung saan nabigo noon ang Mother of Pu’er Tea na malampasan ang tribulation.Ngayon na biglang sinabi ni Charlie na aalis na sila, wala siyang naramdamang panghihinayang.Bukod pa roon, may hindi inaasahang biyaya ang pagpunta nila sa Yorkshire Hill. Dati, matagumpay niyang naabot ang kanyang limitasyon sa ilalim ng pagbabantay ni Fleur, at ngayon, hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng isang batang punla ng muling isinilang na Mother of Pu’er Tea.Gayunpaman, nang sabihin ni Charlie na dadalhin niya ang Mother of Pu’er Tea pabalik sa Aurous Hill, nakadama siya ng matinding kaba. Sa una, iniisip niyang dapat manatili rito ang punlang ito upang patuloy na lumaki, pero nang marinig niya ang sinabi ni Charlie, naantig siya.Sa anumang larangan, kung ipipilit mo na sundan ang
Napatanong si Vera sa gulat, “Young Master, kukunin mo siya?”Matatag na sumagot si Charlie, “Siyempre! Bukod sa ayaw ko siyang iwan dito, hindi ba sayang ang mga mahahalagnag materyales kung mapupunta siya sa maling tao o mahukay ng isang taong walang alam?”“Pero…” nag-aalangan si Vera. “Pero dito na siya lumaki ng sampu-sampung libong taon… Ito na ang ugat niya…”Kumaway si Charlie at sinabi, “Hindi, hindi, indi. Ang katotohanan na hindi siya nagtagumpay sa heavenly tribulations matapos ang sampung libong taon ay isang patunay na hindi ito ang tamang lugar para sa kanya. Ang tao, hindi dapat nadadapa sa parehong lugar ng dalawang beses. Ganun din sa mga puno. Kailangan nating humanap ng bagong lugar para sa kanya at alagaan siya ng maayos.”Nagtanong si Vera, “Young Master, saan mo siya balak ilipat?”Sainbi ni Charlie, “Sa tingin ko, maganda ang maliit na courtyard sa tuktok ng Scarlet Pinnacle Manor. Hukayin natin siya at itanim malapit sa hot spring pool mo. Alam mo kung paa
Kitang-kita sa maamong mukha ni Vera ang pagtanggi niya, kaya pinilit siya ni Charlie, “Napitas na natin ang mga dahon, sayang naman kung hindi natin titikman. At saka, ikaw lang ang tunay na nakakaintindi sa Mother of Pu’er Tea. Hindi sapat ang hinala lang, kailangan mo itong malasahan para makumpirma mo!”Pagkasabi nito, inabot niya ang isang dahon sa bibig ni Vera habang kinain naman niya ang isa, sinasabi. “Halika, tikman natin ito nang sabay.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit ni Charlie, alam niyang hindi niya siya matitiis. Kaya, bahagya siyang tumingin nang matalas sa kanya at sinabi, “Sige na nga, titikman ko.”Pagkatapos itong sabihin, binuksan niya nang bahagya ang mga pulang labi niya at marahan na kinagat ang berdeng dahon.#Nang makita ni Charlie na kinain na rin ito ni Vera, nakahinga siya nang maluwag at nilagay na rin ang isang dahon sa kanyang bibig bago ito nguyain.Ang akala niya, ang dahon ay may matapang lang na amoy ng tsaa at dapat may masarap na lasa, p
Medyo nagulat si Charlie at binigyan niya ng thumbs up si Vera bago sinabi, “Miss Lavor, ang talino mo talaga! Ngayon, mas naiintindihan ko na kung ano ang isang Transcendent dahil sa paliwanag mo.”Pagkatapos, muling tumingin si Charlie sa punla at tinanong siya, “Miss Lavor, sigurado ka bang ito ang Mother of Pu’er Tea?”Tumango nang matatag si Vera at sinabi, “Walang duda! Ang aura niya ay eksaktong kapareho ng sa Mother of Pu’er Tea. Bukod pa roon, kung isasaalang-alang ang lahat ng mga nangyari kanina, sigurado akong ito nga ang Mother of Pu’er Tea.”Bahagyang tumango si Charlie at binulong, “Kung gano’n, ibig sabihin ba nito na naging Transcendent ang Mother of Pu’er Tea sa mga puno?”Sumagot nang walang pag-aatubili si Vera, “Gano’n na nga ang ibig sabihin nito, pero ang konsepto ng mga Transcendent ay base lang sa mga narinig kong kwento noon. Wala pa akong pagkakataon na patunayan ito. Kaya sa ngayon, hula ko lang ito.”Tumango si Charlie at umupo sa tabi niya habang tini
Seryosong sinabi ni Charlie, “Sa tingin ko, pwedeng ipaliwanag ang cultivation gamit ang siyensya. Ang problema lang, hindi pa naaabot ng teknolohiya natin ang totoong paliwanag dito. Ang Reiki ay isang mas mataas na anyo ng enerhiya, parang atomic energy. Noong unang panahon, mahirap paniwalaan na ang isang kilong nuclear fuel ay kayang maglabas ng enerhiya na katumbas ng libu-libong tonelada ng uling. Siguro, ganito rin ang Reiki, isang hindi nakikitang enerhiya na hindi pa lubos na nauunawaan.”Ngumiti si Vera at sinabi nang tapat, “May punto ka. Baka nga ang Reiki ay isang uri ng mas mataas na enerhiya na hindi pa natutuklasan o napag-aaralan ng karamihan.”Nagpatuloy si Charlie, “Pero kahit ang Reiki ay dapat sumusunod sa batas ng conservation of energy, hindi ba? Sobrang daming ulan kanina. Tumigil na ang ulan, pero dapat nandiyan pa rin ang tubig, iyon ang energy conservation. Pero ngayon, saan napunta ang tubig?”Dinugtungan pa niya, “At saka, ginamit ko ang halos lahat ng R
Sa sandaling iyon, ang buong atensyon ni Vera ay nasa punla na nasa harapan niya. Nakaluhod siya sa lupa at nakatitig dito nang hindi kumukurap, bakas sa kanyang mukha ang labis na pananabik.Si Charlie, na nakatayo sa tabi niya, ay nakatingin din sa malagong punla, sobrang nalilito.Pakiramdam niya, parang hindi na sapat ang laman ng utak niya para ipaliwanag ang lahat ng ito. Hindi niya maintindihan kung paano, pagkatapos ng isang matinding ulan, ay bigla na lang naglaho nang walang bakas ang lahat ng tubig-ulan.Sa loob ng siyam na taong pormal na edukasyon na natanggap niya, iisang bagay lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ngayon: “Hindi ito siyentipiko. Hindi talaga ito siyentipiko.”Sinuri niya ang sarili niya mula ulo hanggang dibdib, mula dibdib hanggang likod, mula likod hanggang bukung-bukong. Hindi niya rin napigilan ang sarili niya na hubarin ang mga sapatos niya para kapain ang loob nito. Pero kahit saan siya humawak, tuyo ang lahat, wala ni isang bakas na n
Habang nakatayo silang dalawa, dumagundong ang kulog sa gitna ng madidilim na ulap, nanatili ito sa itaas ng tuyong lupa.Sa sandaling iyon, biglang bumagsak mula sa madilim na mga ulap ang isang kidlat na kasinlaki ng mangkok at tumama nang direkta sa tuyong lupa.Sa isang iglap, nagliwanag ang buong kalangitan na parang umaga. Kasabay nito, isang napakalakas na dagundong ang umalingawngaw, parang libo-libong bomba ang sumabog sa tabi ng kanilang mga tainga, halos nabingi sila sa lakas nito.Kasabay ng pagbagsak ng kidlat, biglang bumuhos ang matagal nang namumuong ulan. Bumagsak ang tubig mula sa langit, parang walang katapusang sinulid na nagdudugtong sa kalangitan at lupa.Wala nang matakbuhan sina Charlie at Vera, kaya agad silang nabasa mula ulo hanggang paa.Pero kahit basang-basa, hindi ito pinansin ni Vera. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa bahaging iyon ng tuyong lupa, kung saan nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation.Nagulat si Charlie sa
Nabigla si Charlie sa sinabi ni Vera!Pakiramdam niya, sobrang daming kakaibang sitwasyon na nagkataon dito.Bakit biglang lumitaw ang nakakapanindig-balahibong madilim na ulap? At bakit nito nabuo ang imahe ng Hexagram of Thunder? Bakit walang kulog o kidlat sa mga ulap? At bakit eksaktong dito ito lumitaw, kung saan dati nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation ilang taon na ang nakalipas?Bukod pa dito, kagagamit lang niya ng Thunderstrike wood na mula mismo sa sanga ng Mother of Pu’er Tea upang gawin ang isang bagong Thunder Order. Sa dami ng nakakagulat na koneksyon, ang haka-haka ni Vera ang nag-iisang paliwanag na maaaring makasagot sa lahat ng ito.Dahil sa mga naiisip niyang ito, sinabi ni Charlie nang walang pag-aatubili, “Kung ganoon, tatawagin ko ang isang heavenly thunderbolt sa mga ulap na ito!”Mabilis na tumango si Vera, bakas sa kanyang mga mata ang pananabik. “May koneksyon ako sa Mother of Pu’er Tea. Sana matulungan mo siya, Young Maste
Bigla na lang napaiyak si Vera. Itinuro niya ang lupa sa ilalim ng kanyang mga paa at sinabi nang may matinding pananabik at kaba, “Alam ko kung sino ang humihingi ng tulong! Siya! Ang Mother of Pu’er Tea!”Mas lalong naguluhan si Charlie sa sagot na iyon. “Hindi ba nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang tribulation tatlong daang taon na ang nakalipas? Paano siya makakahingi ng tulong sa atin ngayon?! At saka, isa lang siyang puno, paano niya magagamit ang mga ulap sa langit para humingi ng tulong sa atin?!”Binulong ni Vera, “Hindi ko alam ang dahilan at naiintindihan ko kung bakit ka may pagdududa, pero ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam na iyon. Ang Mother of Pu’er Tea ito…”Sinabi ni Charlie, “Sige. Sabihin na nating tama ka at ang Mother of Pu’er Tea nga ang humihingi ng tulong sa atin gamit ang mga ulap. Pero ano mismo ang kailangan niyang gawin natin? Paano natin siya matutulungan?”Nakaramdam din ng pagkabalisa si Vera habang sinasabi, “Hindi ko alam… Ang nararamd