Hindi makapaniwala si Fleur. Pagkatapos mabuhay ng apat na raang taon, hinding-hindi niya inaakala na makikita niya ulit ang pangalan na ‘Marcius Stark’! Siya ang master niya na pumanaw na mahigit tatlong daang taon na nang nakalipas!Pinulot niya ulit nang mabilis ang kanyang cellphone at pinindot ang push notification habang nanginginig ang mga kamay. Agad siyang nilipat sa short video app at nagsimulang umandar ang video mula sa Calligraphy and Painting Association.Sa video, may suot na balabal si Marcius habang nakatayo siya sa dulo ng isang bangin habang may mahabang buhok at puting balbas na pumapagaspas sa hangin, nagbibigay ng isang pambihirang aura na kahanga-hanga.Tinakpan ni Fleur ang kanyang bibig nang hindi namamalayan, at puno ng takot ang mga mata niya. Natataranta siya habang binulong sa sarili niya, “Paano lumitaw ang portrait ni Master sa Aurous Hill? Pero mahigit tatlong daang taon nang walang si Mater, kaya sino ang nagpinta ng portrait niya?!”Para bang hinam
Mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas simula noong nakaramdam ng ganitong takot si Fleur.Dumagsa ang hindi pamilyar na pakiramdam ng takot sa kanyang isipan na parang isang baha, binigyan siya ng pakiramdam na tila ba pabilis nang pabilis ang pagbagsak niya.Kahit na nabuhay na siya ng apat na raang taon at mas lumakas siya sa paglipas ng panahon, parang lumiit ang tapang niya habang tumatanda siya. Sa mga nagdaang taon, may dalawang bagay siya na pinaka kinatatakutan: ang mamatay sa pagtanda, at mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Kaya, kahit na maraming miyembro sa Qing Eliminating Society, sobrang kaunti lang ang nakakaalam talaga sa tunay na pagkakakilanlan ng pinuno nito.Bukod sa apat na great earl, ang lahat ay ang mga miyembro ng pamilya Griffin. Ang mga miyembro ng pamilya Griffin ay mga supling din ni Fleur, at umaasa sila sa kanya para sa kanilang maluhong buhay, kaya sobrang taas ng katapatan nila sa kanila.Para naman sa kaunting pasaway sa mga Griffin, hindi na
Naisip ni Fleur si Mr. Chardon dahil dito, na namatay na sa pagsabog. Hindi niya maiwasang sabihin, “Tama! Nakahanap si Mr. Chardon ng isang mahiwagang instrumento sa sandaling dumating siya sa Aurous Hill, at kaya pa nitong tawagin ang banal na kidlat. Ngayon, mukhang hindi talaga ito swerte ni Mr. Chardon, ngunit isang patibong na ginawa ng kabila para puntiryahin siya nang maaga!”“Kung gano’n, siguradong naghihintay siya na patayin ang mga taong ipinadala ko! Alam niya na siguradong magpapadala ako ng mga eksperto sa Reiki, kaya sadya siyang gumamit ng mahiwagang instrumento para akitin ang mga tao ko sa patibong!”Nang maisip ito, hindi na nag-abala si Fleur na ayusin ang lahat ng mga bakas at posibilidad sa isipan niya. Gusto niya lang tawagan at pabalikin nang mabilis ang tatlong elder. Dahil, kung hindi man lang natakot ang kabila sa pagsabog ni Mr. Chardon, marahil ay hindi rin siya matapatan ng tatlong elder.Kung darating ang tatlong ito sa Aurous Hill at mapapatay ng pat
Agad naramdaman ni Charlie na bumabaliktad na ang sitwasyon nang makita niya na umikot ang eroplano ng tatlong elder. Kahit na malinaw na dehado siya kaharap ang Qing Eliminating Society, paulit-ulit siyang nanalo sa ilang labanan nila.Sa ngayon, hindi lang nawalan ang Qing Eliminating Society ng isang buong base ng mga dead soldier at tatlong great eral, ngunit ang mas mahalaga, naging maingat si Fleur dahil sa estratehiya niya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya.Inisip ni Charlie ang mga iniisip ni Fleur. Kahit na hindi niya pa siya nakikilala, kaya niyang maramdaman ang ilang mahalagang katangian ng babaeng ito. Isa siyang natural na mapaghinala at sobrang maingat siya.Kung hindi siya natural na mapaghinala, hinding-hindi niya gagawin ang nepotismo, na ang buong Qing Eliminating Society ay kinokontrol lang ng mga Griffin. Kung hindi siya sobrang maingat, hindi niya patuloy na itatago ang pagkakakilanlan niya dahil natatakot siya na malalaman ng mga taga
Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na
Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma
Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata
Nang makita ni Vera ang pangungusap na ito, agad niyang sinabi, “Ang Queens na ito ay siguro ang Queens, New York City. Kaya't ang larawang ito ay talagang kuha sa Queens. Tungkol naman sa ‘Cole’, mukhang ang tao sa larawan kasama ang tatay mo ay may apelyidong Cole at siya ay may lahing Oskian. Ang hindi lang natin alam ay ang buong pangalan niya.”“Tama ka…” Tumango si Charlie nang marahan habang patuloy na nakakunot ang kanyang kilay.Bumulong siya, “May pakiramdam ako na pamilyar ang lalaking may apelyidong Cole, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati.”Nagmamadaling sinabi ni Vera, “Wag kang mag-alala, Young Master. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar ay tiyak na may pinagmulan sa iyong alaala. Baka lang hindi malalim ang alaala mo sa taong iyon, o baka saglit lang ang pagkikita niyo. Kaya, wag kang mag-alala. Kung mag-iisip ka nang mabuti, tiyak may maalala kang mga palatandaan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanong ni Vera si Charlie, “B
Itinuro ni Vera ang isang karatula na may postcode sa tabi ng pinto ng tindahan at sinabi, “Young Master, ang tindahang ito ay nasa Queens, New York.”Nagtanong si Charlie nang mausisa, “Ganoon ba? Paano mo nalaman? Hindi ko halos mabasa ang mga salita dito dahil sa resolution na ito.”Ipinaliwanag ni Vera, “Dati akong nakatira sa Queens. Ang laki, kulay, at pwesto ng karatulang ito para sa postal code ay tipikal na istilo ng Queens noon. Hindi ko lang alam kung sinusunod pa nila ang parehong istilo ngayon.”“New York…” Tumango si Charlie, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyuhin niya ilang araw na ang nakalipas. Bumili ang mga magulang niya ng set ng mga sinaunang libro mula sa isang antique shop sa New York. Ang set ng mga librong ito ay walang iba kundi ang Preface to the Apocalyptic Book.Kasama ng antique shop sa larawan, biglang naalala ni Charlie ang isang bagay at sinabi kay Vera, “Maaaring ito nga ang antique shop kung saan nabili ng tatay ko ang Preface to the Apocalypti
Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Vera, tumingin siya agad sa itim na photo album na hawak niya. Sa unang tingin, halatang luma na ang album.Sa nakaraang dekada, dahil sa mabilis na pag-usbong ng mga smartphone, hindi namamalayan ng karamihan na nadidigitize na nila lahat ng mga larawan nila. Kunti na lang ang bumibili ng mga photo album na iba't ibang laki at kapal tulad ng ginagawa ng mga tao dalawampung taon na ang nakalipas para ayusin ang mga litrato nila.Hindi alam ni Charlie kung ano ang laman ng album, kaya kinuha niya ito mula kay Vera at maingat na binuksan ang unang pahina. Ang unang bagay na tumama sa mata niya sa unang pahina ay dalawang magkahiwalay na larawan ng dalawang kabataan na kuha sa harap ng Statue of Liberty sa America.Ang lalaki sa larawan ay kamukhang-kamukha ni Charlie, pero medyo luma ang pananamit dahil suot ng lalaki ang kilalang knit sweater at kupas na jeans na sikat noong mga panahong iyon. Siya ang ama ni Charlie, si Curtis.Ang babae sa