Tinanong siya nang mabilis ni Kathleen, “Nakipag… Nakipagkita ka na ba kina Lord Acker at Lady Acker?”Bumuntong hininga si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Hindi pa, pero natatakot ako na hindi ko na matatago ang pagkakakilanlan ko sa kanila kung nasa panganib talaga sila ngayon.”Tinanong nang kinakabahan ni Kathleen, “Mr. Wade, kailangan mo ba ng kahit anong tulong? Kung kailangan, titipunin ko ang lahat ng tauhan ko para papuntahin sa Aurous Hill sa lalong madaling panahon!”Sinabi nang kalmado ni Charlie, “Hindi na. Sobrang komplikado ng kasalukuyang sitwasyon sa Aurous Hill, at mas lalong magiging magulo kung dadami ang tao. Kung hindi, hindi ko iisipin na paalisin muna si Claire sa Aurous Hill.”Pagkasabi nito, tinanong ni Charlie si Kathleen, “Miss Fox, pwede mo ba akong tulungan na mag-isip ng paraan para papunthin si Claire sa United States at manatili siya doon pansamantala? Mas maganda kung mas maaga.”Pumayag nang walang pag-aatubili si Kathleen at sinabi, “Wala
Kahit na may malambot na pagkatao si Claire, noon pa man ay determinado na siya na maging isang malakas na career woman. Naantig din siya sa mga sinabi ni Charlie.Paano magagawa ng babae na dalhin palagi ang asawa niya sa tuwing lumalabas siya para magtrabaho? Hindi lang na magmumukha siyang hindi kwalipikado, ngunit magmumukhang walang silbi rin ang asawa niya.Bukod dito, tama rin ang huling sinabi ni Charlie.Mabuting magkaibigan sina Claire at Kathleen. Hindi rin pwede na dalhin palagi ni Claire ang asawa niya sa tuwing nakikipagkita kay Kathleen, kung hindi, siguradong iisipin ni Kathleen na kakaiba ito.Nang maisip ito ni Claire, tumango na lang siya at humingi ng tawad kay Charlie, “Honey, kung gano’n, kailangan kong pumunta nang mag-isa. Kailangan mong alagaan ang sarili mo kapag wala ako sa Aurous Hill. Pakitulungan din akong alagaan ang mga magulang ko.”“Makasisiguro ka.” Pagkatapos ay tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Siya nga pala, Honey, hindi mo pa sinasagot nan
Hindi na tumanggi si Claire nang sinabi ni Kathleen na wala ng oras at marahil ay lumampas ng 10 million dollars araw-araw ang pagkalugi ng kumpanya niya.Pinaalalahanan siya ulit ni Kathleen, “Siya nga pala, Claire, hindi mo kailangan magdala ng maraming bagahe. Mayroon ako ng lahat ng kailangan mo dito, kasama na ang mga pang araw-araw na gamit o kahit ano na kailangan mo sa trabaho. Pwede kang manatili sa kwarto ko sa bahay ko pagkatapos mong pumunta dito. Pwede mong gamitin ang kahit ano kung may kahit anong kailangan ka, kaya kaunti lang ang iimpake mo ngayon. Mas mabuti kung mas simple.”“Okay.”Hindi na nangahas si Claire na antalain ito dahil sinabi ni Kathleen na sobrang madalian ang sitwasyon nyia. Binaba niya ang tawag at bumalik sa kwarto kasama si Charlie at nagsimulang mag-impake ng gamit.Kahit na sinabi ni Kathleen na kaunti lang ang kailangan dalhin ni Claire, inimpake pa rin ni Claire ang lahat ng kailangan na personal na gamit para hindi na niya maabala si Kathle
Nakabangon na sina Charlie at Claire sa pagsikat ng araw kinabukasan. Nakapaghanda na sila ng alas sais ng umaga at nagmaneho sa airport bago pa magising sina Jacob at Elaine.Ito ang unang biyahe ni Claire sa malayo pagkatapos nilang ikasal ni Charlie ng napakaraming taon. Kahit na nag-aalangan silang dalawa na magpaalam sa isa’t isa, alam nla na hindi nila maiiwasan ang pansamantalang paghihiwalay na ito.Gustong siguraduhin ni Charlie ang kaligtasan ni Claire. Sigurado siya na aalagaan nang mabuti ni Kathleen si Claire kung ipapadala niya si Claire sa kanya.Pakiramdam ni Claire na kailangan niyang tulungan si Kathleen na lutasin ang problema niya, kaya pansamantala lang siyang mahihiwalay sa asawa niya.Habang nagpapaalam sila sa isa’t isa, namumula ang mga mata ni Claire, at niayak niya nang marahan si Charlie habang binulong, “Honey, hindi ko alam kung gaano katagal ako sa United States ngayon, kaya kailangan ko iwan sayo ang lahat sa bahay…”Hinimas ni Charlie ang likod ni
Pero, ang puso niya na isang daan at limampu’t anim na taon nang tumitibok ay parang tumitibok sa hindi karaniwang bilis nang walang dahilan. Minsan ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya at minsan ay mabagal ito, parang isang rollercoaster, kaya natakot siya.Alam ni Mr. Chardon na ang abnormal na kilos na ito ay dahil kinakabahan siya.Kahit na hindi pa siya kinakabahan nang sobra sa loob ng napakaraming taon, naaalala niya pa rin na nararamdaman niya ito paminsan-minsan kapag kinakabahan siya dati. Isa itong gawi na mayroon siya simula kabataan.Hindi mapigilang alalahanin ni Mr. Chardon ang mahabang paglalakbay niya. Lumaki siya sa panahon ng mga miserableng digmaan. Hindi siya kailanman nagkaroon ng sapat na makakain, walang sapat na masutt, at palagi siyang napapaligiran ng mga mababangis at masasamang tao.Noong bata pa siya, walang bisa at sobrang gulo ng bansa. May mga problema sa loob at labas, at sobrang sama ng kalagayan ng mga tao.Hindi mabilang ni Mr. Chardon kung g
Kahit na may iba’t ibang pananaw sa mundo ang maraming relihiyon, lahat sila ay binabanggit ang isang konsepto, at iyon ay ang Degenerate Age of Dharma.Sa madaling salita, naniniwala ang mga relihiyon na ito na ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga tao ay unti-unting binabawasan ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at kalikasan, langit at lupa, at ang universe, kaya pinapalaki ang distansya sa pagitan ng mga tao at ng Diyos.Ayon sa mga Taoist, sa una ay puno ng Reiki ang mundo, at kayang maging immortal ng mga tao basta’t magiging dalubhasa ang mga tao sa pamamaraan ng paghigop at pagbabago ng Reiki. Pero, halos naubos na ang Reiki sa kalikasan ngayon, at nawalan na ng posibilidad ang mga tao na umangat sa imortalidad, kaya ito ang itinuturing nila na Degenerate Age of Dharma.Kahit na totoo o hindi ang pahayag na ito, ang personal na karanasan ng mga na-master ang Reiki ay wala nang Reiki sa kalikasan. Kailangan nilang gumamit ng mga pill o mga espesyal na gamit na may laman na Reiki
Kaya, sinabi niya nang may ngiti na humihingi ng tawad, “Sa totoo lang, ito ang unang pagpunta ko sa Aurous Hill, kaya hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Matanda na rin ako at malabo na ang mata ko, kaya medyo nalilito ako.”Pagkatapos itong sabihin, naglabas siya ng isang daang dolyar na papel sa bulsa niya, binigay ito kay Landon, at sinabi, “Tanggapin mo sana ang maliit na pasasalamat na ito mula sa akin. Kung ayos lang sayo, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong paraan ng transportasyon ang pinakamabilis?”Sa una ay ayaw kausapin ni Landon ang matandang lalaki, pero nagbago agad ang ugali niya sa sandaling nakita niya na naglabas ng isang daang dolyar na papel ang kabila.Ngumiti siya at kinhua ang isang daang dolyar na papel mula sa kamay ni Mr. Chardon, at sinabi lang, “Siguradong ang subway ang pinakamabilis, pero lampas alas diyes na ngayon at tapos na ang rush hour sa umaga, kaya ayos lang kahit na sumakay ka sa taxi papunta sa siyudad. Aabutin ka lang ng kalahating ora
Lumaki ang mga mata ni Landon sa sandaling nakita niya ang pera. Nang makita niya na binigyan siya ng ilang isang daang dolyar na papel ng kabila, hindi na siya nag-abala na bilangin ang pera at mabilis na kinuha ang pera mula kay Mr. Chardon bago tumingin sa paligid nang may makitid na tingin sa kanyang mukha at sinabi kay Mr. Chardon, “Tatang, sa totoo lang, hindi ko pwedeng ibenta ang singsing na ito kahit na gusto ko dahil pagmamay-ari ito ng boss ko. Sinabihan niya ako na isuot ito bilang isang tanda at sunduin ang isang tao sa airport.”“Isang tanda?” Kumunot nang bahagya ang noo ni Mr. Chardon.Hindi naman sa wala siyang pagdududa kung bakit may isang mahiwagang instrumento ang isang ordinaryong tao.Kung nagkataon na nakuha talaga ito ng lalaking ito, masasabi na sobrang swerte ni Mr. Chardon kung mabibili niya ang singsing sa kanya sa medyo mas mataas na presyo.Pero, sinabi ng lalaki na ito na ang singsing na ito ay isang tanda na binigay sa kanya ng iba, kaya medyo nagin
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni