Agad naintindihan nina Nanako at Aurora ang sikreto at simula ng martial arts dahil sa mga sinabi ni Rosalie. Nakikita at nararamdaman ng mga tao ang mundo sa paligid nila, pero hindi nila maramdaman ang panloob na sarili nila.Ayon kay Rosalie, basta’t masisira nila ang mga kadena ng panlabas na pananaw ng isang ordinaryong tao at talagang magiging dalubhasa sa endoscopic ability, mararamdaman nila ang mga meridian at elixir field.Sa sandaling iyon, kasama na ang mga kumpletong martial arts mental cultivation method, matututunan nila kung paano gamitin ang elixir field nila at buksan ang mga meridian.Nang maisip ito nina Nanako at Aurora, tumaas nang sobra ang kumpiyansa nila. Hinihintay na lang nila na opisyal na magsimula ang klase para maintindihan talaga ang mga misteryo ng martial arts sa ilalim ng gabay ni Caden.Puno ng kumpiyansa si Aurora sa sandaling ito habang kinuyom niya ang kamao niya at sinabi nang matatag, “Kailangan kong maging isang tunay na martial artist para
Hanamg nag-uusap sila, maraming tao sa likod nila ang bumabati kay Charlie. Lumingon silang tatlo at nakita na naglalakad nang magkasama sina Charlie at Porter. Yumuyuko nang magalang ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at mga miyembro ng Harker kay Charlie.Tumango si Charlie sa lahat bilang sagot. Mabilis na kumaway si Aurora kay Charlie at sinabi nang masaya, “Hello, Master Wade!”Ngumiti si Charlie sa kanya. Hindi niya napansin si Sonia, na nasa kabila. Sa halip, dumiretso siya sa kanilang tatlo at tinanong nang nakangiti, “Ano ang pakiramdam niyo tungkol sa lugar na ito? Sanay na ba kayong tumira dito?”Ngumiti si Aurora at sinabi, “Medyo maganda ito! Maayos ang kwarto at masarap ang pagkain!”Pagkatapos nito, ngumiti siya agad habang sinabi kay Charlie, “Master Wade, pinag-uusapan namin ang martial arts kanina. Sinabi sa amin ni Rosalie na mas mabilis kaming makakapasok sa landas ng martial arts dahil ininom namin ang pill na binigay mo sa amin. Totoo ba ito?”Tumango si
Kahit ano pa ang karaniwang lakas ni Caden, pagkatapos sanayin ang Taoism ng maraming taon, nakatipon na si Caden ng pambihirang tindig at kilos. Bukod dito, parang nasa kalahating-indibidwal na estado siya ng maraming taon bilang isang Taoist. Kulang sa sustansya ng katawan niya sa punto na kasing payat na niya ang isang panggatong, at nagmukhang sobrang lakas ng payat na katawan niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-eensayo niya ng martial arts, binibigyan nito ang mga tao ng pakiramdam ng pagiging misteryoso. Mas lalo pang naging mataas ang pakiramdam ng pagiging maharlika niya dahil sa mahaba at puting balbas niya.Pambihira ang temperamento niya sa larangan ng metaphysics at kahit sa larangan ng sining.Halimbawa, iisipin ng lahat na medyo nakakabagot kung wala man lang siyang balbas sa larangan ng isang direktor, pintor, o kahit manghuhula. Kung may malaking balbas siya, maghihiyawan ang mga tao kahit na nagpinta lang siya ng ilang guhit sa kanvas gamit ang isang paintbrush.Si Cad
Nang makita ni Caden na alas otso na, humingi siya ng paumanhin mula kina Charlie at Porter at pagkatapos ay naglakad sa harap ng lahat, kaharap sila.Itinaas ni Caden ang kanyang kamay at hinawakan ang mahabang balbas niya bago sinabi nang malakas, “Kayong lahat, maligayang pagdating sa unang martial arts conference na inorganisa ni Master Wade! Ako si Caden Howton, ang tatlumpu’t siyam na leader ng Taoist Sect, at swerte akong matanggap ang pagpapahalaga ni Master Wade, kaya nandito ako para magturo ng martial arts sa inyong lahat. Sa mga daraan na panahon, ituturo ko ang natutunan ko sa buong buhay ko nang walang pag-aatubili, at sana ay magkaroon ako ng progreso kasama kayo!”Pumalakpak nang malakas ang mga estudyante na nakatayo sa harap niya sa sandaling natapos siya magsalita.Hinintay ni Caden na tumigil ang palakpakan bago siya nagpatuloy, “Sa leksyon na ito, ituturo ko ang lahat ng laman ng unang chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method nang walang tinatago. Dahil sobrang de
Pinaalalahanan siya ni Isaac, “Sinabi ni Master Howton na tandaan natin na huwag lampasan ang antas ng pag-eensayo pagdating sa martial arts, at dapat unti-unti at matatag tayong mag-ensayo. Nasa pag-aaral ng teorya pa lang tayo bago matutong magmaneho. Kailangan muna natin matutunan ang teorya at pagkatapos ay pumasok sa kotse para mag-ensayo. Medyo maganda talaga ito dahil natututo tayo sa bawat hakbang.”Humagikgik si Albert at sinabim, “Gusto kong magkaroon ng tagumpay sa lakas ko sa lalong madaling panahon. Pagdating ng oras, ipapakita ko ang mga kakayahan ko sa mga tauhan ko at ipapaalam ko sa kanila na bata pa rin ako!”Umabante si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Mukhang may mas maayos na pang-unawa si Mr. Cameron kaysa kay Albert.”Nang mapansin ng dalawang lalaki na papalapit si Charlie, sinabi nila nang mabilis at magalang, “Master Wade! Young Master!”Tumango nang bahagya si Charlie sa kanilang dalawa at sinabi, “Matagal ang paglalakbay sa martial arts, kaya partikula
Matagal nang alam ng mga Acker na gustong pumunta ni Lady Acker sa Aurous Hill. Bukod dito, inaprubahan na ng buong pamilya ang desisyon niya.Pagkatapos maranasan ang sakuna na halos umubos sa pamilya nila, nawalan ng interes ang mga Acker sa career, pera, at katayuan, at umaasa sila na gawin ang lahat ng makakaya nila para makabawi sa mga pagkukulang nila sa buhay nila sa hinaharap.Ang pinakamalaking pagsisisi para sa mga Acker ay ang pagkamatay ni Ashley, at kasunod nito ay ang kinaroroonan ni Charlie.Hindi na maaayos ang pagkamatay ni Ashley, at ang tanging bagay kung saan sila makakabawi ngayon ay ang mahanap si Charlie.Lalo na at mas nagiging seryoso ang Alzheimer’s disease ni Lord Acker. Ayaw ng mga Acker na mahanap si Charlie sa hinaharap kung saan tuluyan nang nakalimutan ni Lord Acker si Charlie.Bilang taong namamahala sa mga panloob na gawain ng pamilya Acker, nagpadala si Christian ng mga tauhan para bumili ng mga villa sa Willow Manor sa Aurous Hill. Sa parehong o
Tumango rin sina Kaeden at Lulu sa pagsang-ayon.Sinabi nang masaya ni Lady Acker, “Mabuti naman. Simula ngayon, hangga’t hindi nasisira ang Qing Eliminating Society, ang mga tao lang na pwedeng gumawa ng desisyon para sa lahat ng malalaking bagay sa pamilya natin ay ako, si Keith, at kayong apat na magkakapatid. Ang mga anak ng mga Acker na wala pang dalawampu’t apat na taon ay hindi pwedeng mangialam, o pwedeng pagkatiwalaan nang ganap ang kahit sinong tagalabs.”Tumango ang lahat. Inaprubahan ng lahat ang mga kilos ni Lady Acker sa mahalagang oras na ito.Pagkatapos ay sinabi ni Lady Acker kay Christian, “Christian, pakitawagan si Merlin at tingnan mo kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kung may oras siya, papuntahin mo siya sa Aurous Hill kasama natin. Bukod kay Nana, si Merlin lang ang tagalabas na tao na mapagkakatiwalaan ko sa ngayon. Walang mas magaling maghanap ng tao kaysa sa kanya, kaya siguradong malaki ang maitutulong niya kung makakasama siya sa atin.”Sinabi agad ni C
Tinawagan niya agad si Charlie. Gabi na sa Aurous Hill, at nanonood sa telebisyon si Charlie sa salama sa unang palapag kasama ang pamilya niya.Nang makita ni Charlie na tumawag si Merlin, lumabas siya sa bakuran at sinagot ang tawag.Sinabi ni Merlin sa kabilang linya, “Mr. Wade, pinapapunta ako ng tito mo sa Aurous Hill kasama siya at ang lolo at lola mo. Ang layunin ay maghanap ng mga bakas tungkol sayo. Aalis kami ngayong gabi. Pumayag na ako sa hiling nila, kaya iniisip ko kung may mga utos ka ba para sa akin?”Hindi nasorpresa si Charlie nang marinig ang mga sinabi ni Merlin. Dahil, nang pumunat siya sa Willow Manor kasama si Caden ilang araw na ang nakalipas, alam niya na malapit nang pumunta ang pamilya ng lola niya sa Aurous Hill.Kaya, sinabi niya kay Merlin, “Pwede mo silang tulungan sa pag-iimbestiga tulad ng dati. Ako na ang bahala sa lahat ng bakas sa Aurous Hill, pero kailangan mong makipag-usap sa akin nang maaga at ipaalam sa akin kung saan ka magsisimula.”Sinab
Kahit na maraming estudyante ang pumunta para mag-report sa university ngayong araw, gumawa pa rin ng malaking kaguluhan at reaksyon ang pagdating ni Claudia.Hindi lang maganda si Claudia, ngunit may magandang katawan at bihirang hitsura siya dahil halo ang lahi niya. Maraming tao ang nagbibigay ng atensyon sa kanya kahit saan siya pumunta. Kapag lumitaw ang isang magandang babae na nasa ganitong antas, para bang isa siyang dakilang nilalang sa mga bagong estudyante na pumunta para mag-register, pati na rin sa mga estudyante na responsable sa pagtanggap ng mga bagong estudyante.Maraming lalaki pa ang nakaisip na ang babaeng ito, na isang freshman, ay maaaring maging isang kandidato bilang bagong campus belle ng Aurous University.Hindi inaasahan ni Claudia na makakakuha siya ng maraming atensyon pagdating niya sa Aurous University. Pero, hindi interesado si Claudia sa mga lalaki sa paligid niya na patuloy na sumisilip sa kanya, at wala siyang kahit anong espesyal na pressure dahil
Sabik na sabik si Holly sa punto na medyo hindi na maintindihan ang sinasabi niya, at patuloy niyang binubulong, “Magaling! Magaling! Hindi na lumalala ang kondisyon mo! Sa totoo lang, umunlad ito nang sobra. Mas malinaw ang memorya mo kahapon kaysa sa akin. Para naman sa mga dating memorya mo, naniniwala ako na unti-unti itong babalik. Hindi mahalaga kahit na hindi bumalik ang mga memorya mo, pwede natin itong suriin nang unti-unti. Dahil bumuti nang sobra ang kasalukuyang memorya mo, siguradong mababawi at maaalala mo ang mga dating memorya mo basta’t patuloy ka naming tutulungan sa pagsusuri ng mga ito!”Pagkasabi nito, sinabi nang nagmamadali ni Holly, “Bumaba tayo at sabihin natin kina Christian at Merlin ang magandang balita!”Samantala, sa sala sa first floor, sinabi ni Christian kay Merlin habang kumakain siya, “Merlin, na-edit at naisabay na sa normal na oras ang video kahapon. Sa tingin mo, gaano karaming bagay ang maaalala ng ama ko ngayong araw?”Sinabi nang nakangiti ni
Ang simpleng hapunan na inihanda ng mga Ito ay binago ang landas ng mga Ito sa hinaharap.Nagpasya si Nanako na ibigay ang lahat ng makakaya niya para umangat sa rurok ng martial arts simula ngayon, habang nagpasya si Yahiko na maghanap ng mga angkop na professional manager para maibigay niya ang Ito Holding sa isang team ng mga professional manager upang pamahalaan ang operasyon at pagpapatakbo ng Ito Holdings. Para naman kay Yahiko, siya ang mamamahala sa likod ng eksena at kokontrolin ang direksyon ng pag-unlad ng Ito Holding para siguraduhin na hindi babagsak ang Ito Holding sa kamay ng mga professional manager na iyon.Kung gano’n, hindi na maaabala si Nanako ng Ito Holdings.Napuno ng paghahangad ang mag-ama para sa hinaharap.Nagsimula na ring maunawaan ni Nanako ang katotohanan. Hindi mahalaga kung magiging sila ba ni Charlie sa hinaharap, ngunit ang pinakamahalaga ay mananatili siya sa tabi ni Charlie sa napakahabang panahon sa hinaharap basta’t mag-eensayo siya nang mabut
Sinabi nang nagmamadali ni Nanako, “Huwag mo sanang sabihin iyan, Otou-san…”Tumingin si Yahiko kay Nanako at humikbi habang sinabi, “Nanako, mahirap para sayo na maintindihan ang emosyon ng isang magulang. Kung isang tao lang sa pagitan ng isang magulang at isang anak ang pwedeng mabuhay, karamihan ng mga magulang ay pipiliin na isakripisyo ang sarili nila. Maiintindihan mo ang mga nararamdaman ko kapag naging isa kang ina sa hinaharap.”Nang makita ni Charlie ang malungkot na paligid, sinabi ni Charlie, “Mr. Ito, hindi mo kailangan gawing seryoso ang paksa. Malayo pa ang mararating ni Nanako sa hinaharap, pero hindi rin maikli ang hinaharap mo.”Pagkatapos nito, pinulot niya ang wine glass at sinabi nang malakas, “Bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan sa pagitan natin? Ano sa tingin mo?”Tinanong nang mausisa ni Yahiko, “Anong kasunduan ang gusto mong gawin kasama ako, Mr. Wade?”Hindi sinagot ni Charlie ang tanong niya at tinanong niya lang nang nakangiti, “Gusto ko ang bahay
Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga nang emosyonal. Sa opinyon niya, pinapahalagahan talaga ni Yahiko ang anak niya at ang iniisip niya palagi ay ang kalagayan niyal. Magaling talaga ang ginawa niya bilang isang ama.Natural na iba ang pakiramdam ni Charlie para kay Nanako, at mukhang sa talento ni Nanako, malaki ang posibilidad na malayo ang mararating niya sa landas ng martial arts.May pakiramdam siya hindi ang Dark Realm, Transformation Realm, at Master Realm ang dulo para kay Nanako.Kung gano’n, marahil ay mabuhay pa ng isang daan o kahit dalawang daang taon si Nanako.Sa sandaling maabot niya ang Master Realm, marahil ay ma-master niya ang Reiki tulad ni Charlie. Sa sandaling na-master niya ang Reiki, marahil ay mabubuhay pa siya ng limang daang taon o mas matagal pa, tulad ng Longevity Master, si Marcius Stark.Paano niya siya mahahayaan na maglakad nang mag-isa sa mahabang landas na ito?Nang maisip ito, tumayo si Charlie, kinuha ang baso mula sa mga kamay ni
Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Nanako, “Kaya, ang mahirap sa martial arts ay ang pagkontrol at ligtas na paghihiwalay ng kamalayan sa katawan nang walang ginagawang pinsala sa sarili. Posible lang para sa isang tao na magkaroon ng endoscopic ability sa pamamagitan nito. Kaya, naisip ko ang paraan ng pag-iisip na nahulog ang kamalayan ko sa mataas na lugar at mabilis na hinanap ang ligtas ng paraan kung saan muntik kang mamamatay. Sinubukan ko lang ito, pero hindi ko inaasahan na agagana ito…”Walang sinabi si Charlie, pero hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang inisip niya, ‘Isa talagang henyo sa martial arts si Nanako at naisip niya ang ganitong paraan…’Pagkatapos itong marinig, may nagulat at nahumaling na ekspresyon si Yahiko sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilang ibulong, “Hinding-hindi ko inaakala na sobrang misteryoso ng martial arts. Maganda na maging bata. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para subukan ito kung bata pa ako!”Ngumiti si Nanako at sinabi,
Si Yahiko ay isa talagang ganap na martial artist simula noong bata pa siya. Isa siya sa mga tao na naimpluwensyahan nang sobra ni Bruce Lee sa 1970s at 1980s.Nahumaling si Nanako sa martial arts simula noong bata pa siya dahil sa impluwensya niya.Noong pa man ay handa nang mag-invest ni Yahiko sa libangan ng kanyang anak na babae. Kaya, inimbita niya ang mga pinakamagaling na karate master pati na rin ang mga combat at fighting master sa Japan para turuan si Nanako.Nagpakita ng pambihirang talento si Nanako sa proseso ng pag-aaral ng mga combat skill na ito.Noong 15 years old si Nanako, naturo na ng mga sikat na master sa Japan ang lahat na natutunan nila sa buong buhay nila. Umaasa si Yahiko na makahanap ng pagkakataon na matutunan ni Nanako ang martial arts sa panahon na iyon.Sa Japan, ang dalawang bagay lang na kaugnay sa martial arts ay ang ninjutsu at swordsmanship.Pero, medyo kahabag-habag at hindi angkop ang ninjutsu para sa isang babae tulad ni Nanako. Sa kabilang
Yuyuko na si Nanako at pasasalamatan si Emi nang bigla niyang narinig na tumunog ang doorbell. Sinabi niya nang mabilis, “Nasa ibaba na siguro si Charlie-kun. Susunduin ko siya!”Tumango si Emi at sinabi nang nakangiti, “Sige.”Ang lahat ng apartment sa Thompson First ay mapapasok lang gamit ang elevator. Hindi ka makakapasok sa elevator kung walang pisikal na access card.Nang pumunta si Charlie para bisitahin sila, pinindot niya lang ang doorbell ng unit sa entrance ng pinto sa underground parking lot. Pagkatapos mabuksan mula sa taas ang pinto, makakapasok siya sa elevator at mapipindot ang pindutan para sa palapag na iyon.Kailangan lang buksan ni Nanako ang pinto para kay Charlie sa itaas, pero sinabi niya pa rin kay Charlie sa access control system, “Mangyaring maghintay ka saglit, Charlie-kun. Bababa ako at susunduin ka.”Sa tradisyonal na konsepto sa Japan ni Nanako, kung hahayaan niya ang lalaking mahal niya na sumakay sa elevator nang mag-isa, katumbas ito sa isang asawa
Yumuko si Mr. Raven at umalis. Pagkatapos ay hinawakan ni Vera ang scroll gamit ang dalawang kamay at mabagal na naglakad papunta sa mahabang lamesa. Ang memorial tablet na palaging dala ni Vera ay nakalagay sa mahabang lamesa. Ang mga salitang ‘Elijah Lover, Father’ ay nakasulat sa memorial tablet.Lumuhod nang mabagal si Vera sa harap ng memorial tablet, pagkatapos ay maingat na nilagay ang scroll sa gilid. Pagkatapos ay pinagdaup niya ang mga kamay niya, tumingin sa memorial tablet, at sinabi nang magalang, “Pa, kung swerte ako, makikita ko ulit ang benefactor ko, si Charlie Wade, bukas. Kapag lumitaw ako sa harap niya, siguradong tataas ang pag-iingat niya. Hindi ko alam kung makukuha ko ang tiwala niya, pero sana ay ibigay mo sa akin ang biyaya mo para makuha ko ang tiwala niya…”Habang sinasabi ito ni Vera, mayroon siyang kumplikadong ekspresyon saglit bago niya inabot ang kanyang kamay at hinawakan ang scroll sa sahig at sinabi niya nang malambot, “Kung… Kung hindi magtitiwala