Noon pa man ay may malakas na paniniwala na si Lady Acker sa Feng Shui. Maraming naranasan na paghihirap ang mga Acker sa mga nagdaang panahon pero palagi nilang naiiwasan ang kamalasan, kaya pakiramdam niya na ito ay kabutihang-loob ng mga Acker. Kaya, mas binibigyang atensyon ni Lady Acker ang Feng Shui ngayong pupunta ang mga Acker sa Aurous Hill.Nagkataon lang na nasa Aurous Hill si Caden, kaya naisip niya na humingi ng tulong kay Caden para tingnan ang Feng Shui ng bagong lupa nila bago pumunta ang mga Acker sa Aurous Hill.May malaking respeto si Caden para kay Lady Acker, kaya hindi niya tinanggihan ang hiling niya. Bukod dito, mas lalo siyang obligado na sundin ang mga hiling niya dahil siya ang lola ni Charlie.Nang makita ni Lady Acker na pumayag si Caden sa hiling niya, mabilis niya siyang pinasalamatan, “Salamat, Master Howton! Hindi maaapektuhan ang plano mo dahil sa hiling ko, tama?”Ngumiti si Caden at sinabi, “Lady Acker, sa totoo lang, balak ko nang manatili nang
Huminto siya saglit at tinanong si Caden, “Binanggit ba ng lola ko kung kailan siya pupunta?”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Master Wade, gusto ng lola mo na tulungan ko siya at pumunta sa bagong biling bahay niya para tingnan ang Feng Shui doon. Sa tingin ko makakapunta na siya kung walang problema.”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya nang mabilis, “Siya nga pala, Master Wade, gusto mo bang maghanap ako ng ilang problema sa Feng Shui sa lugar para tulungan kang magkaroon pa ng oras?”Bumuntong hininga nang malambot si Charlie at sinabi nang walang bahala, “Hindi na. Darating ang nakatakdang dumating. Salungat sa layunin kung paulit-ulit tayong maghahanap ng iba’t ibang rason para pigilan ito.”Pagkatapos ay nagtanong ulit si Charlie, “Siya nga pala, saan ang lupain na binili ng pamilya ng lola ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Master Wade, isa itong lugar na tinatawag na Willow Manor. Hindi ako masyadong pamilyar sa Aurous Hill at hindi pa ako nakakapunta doon, per
Ang mga taong pumunta sa Aurous Hill ngayon ay ang butler at mahigit dalawampung tao na nagtatrabaho para sa mga Acker. Ang trabaho nila ay humanap ng isang angkop na bahay, bilhin ito, at i-renovate ito.Pagkatapos kumpirmahin na walang direktang miyembro ng mga Acker sa eksena, nagpadala si Caden ng isang text message kay Charlie para ipaalam sa kanya ang sitwasyon. Sumagot din nang mabilis si Charlie, sinasabi na papunta na siya doon.Pagkatapos ay sinabi ni Caden sa butler, “Ah, siya nga pala, may disipulo ako na maraming alam sa mga sikreto ng Feng Shui. Papupuntahin ko siya para tumingin mamaya. Pwede namin mapunan ang mga pagkukulang ng isa’t isa, kaya mas magkakaroon kami ng mas komprehensibnong tingin sa Feng Shui.”Sinabi nang walang pag-aatubili ng butler, “Maganda talaga iyon! Salamat sa pagsisikap mo, Master Howton!”Ngumiti nang bahagya si Caden, kinaway ang kanyang kamay, at sinabi, “Ito ang dapat kong gawin.”Mabilis na nagmaneho si Charlie sa main entrance ng Will
Sobrang lakas ng bisa ng Rejuvenating Pill kapag ginamit sa mga ordinaryong tao. Kahit na isang Rejuvenating Pill ang gamitin para sa buong pamilya ng lola niya, sapat na ito para iparamdam sa kanila na umuunlad nang sobra ang pisikal na kalusugan nila.Bukod dito, gumamit din si Charlie ng ilang Reiki nang itinayo ang formation. Sa tulong ng kapangyarihan ng Reiki para tulungan ang lakas ng Rejuvenating Pill, magiging mas malakas ang kabuuang epekto kaysa sa Rejuvenating Pill lang.Pero, ayaw ni Charlie na may mapansin na kakaiba ang lola niya at ang mga Acker. Kaya, sadya niyang ginamit ang formation na ito para tulungan ang Reiki sa unti-unting paglalabas ng Rejuvenating Pill.Sa ganitong paraan, matatanggap ng mga taong ito ang kaunting nutrisyon mula sa Reiki at ang mga epekto ng Rejuvenating Pill araw-araw. Basta’t magpapatuloy ito ng ilang araw, bibigyan nito ang mga tao ng mas relax na pakiramdam. Kung mananatili sila nang magkakasama, maraming mahirap at kumplikadong sakit
Sa una ay isa itong conference hall na ginagamit ng Champs Elys Resort para magsagawa ng mga pagpupulong para sa mga kliyente. Kasya dito ang daang-daang tao, pero wala na itong laman ngayon at ito na ngayon ang main training hall para sa martial arts training na ito.Ang orihinal na platform na mahigit isang daang metro kwadrado sa training hall ay giniba at kasalukuyang pinalitan ng isang napakalaking arena na may parehong sukat.Ito ang magiging pangunahing lugar para sa mga estudyante kung saan matututo sila sa isa’t isa at matututunan ang mga martial arts sa teacher nila.May training ground na gawa sa mga solidong kahoy sa harap ng arena. May mahigit isang daang futon na nakalagay doon. Ang mga estudyante ay uupo sa futon na naka-krus ang paa kapag nakikinig sa klase.Sabik na sabik sina Nanako at Aurora sa punto na hindi sila nakatulog buong gabi.Mahal nilang dalawa ang martial arts, pero wala silang pagkakataon na matutunan ang martial arts.Ang lahat ng nagsanay ng innf
Agad naintindihan nina Nanako at Aurora ang sikreto at simula ng martial arts dahil sa mga sinabi ni Rosalie. Nakikita at nararamdaman ng mga tao ang mundo sa paligid nila, pero hindi nila maramdaman ang panloob na sarili nila.Ayon kay Rosalie, basta’t masisira nila ang mga kadena ng panlabas na pananaw ng isang ordinaryong tao at talagang magiging dalubhasa sa endoscopic ability, mararamdaman nila ang mga meridian at elixir field.Sa sandaling iyon, kasama na ang mga kumpletong martial arts mental cultivation method, matututunan nila kung paano gamitin ang elixir field nila at buksan ang mga meridian.Nang maisip ito nina Nanako at Aurora, tumaas nang sobra ang kumpiyansa nila. Hinihintay na lang nila na opisyal na magsimula ang klase para maintindihan talaga ang mga misteryo ng martial arts sa ilalim ng gabay ni Caden.Puno ng kumpiyansa si Aurora sa sandaling ito habang kinuyom niya ang kamao niya at sinabi nang matatag, “Kailangan kong maging isang tunay na martial artist para
Hanamg nag-uusap sila, maraming tao sa likod nila ang bumabati kay Charlie. Lumingon silang tatlo at nakita na naglalakad nang magkasama sina Charlie at Porter. Yumuyuko nang magalang ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at mga miyembro ng Harker kay Charlie.Tumango si Charlie sa lahat bilang sagot. Mabilis na kumaway si Aurora kay Charlie at sinabi nang masaya, “Hello, Master Wade!”Ngumiti si Charlie sa kanya. Hindi niya napansin si Sonia, na nasa kabila. Sa halip, dumiretso siya sa kanilang tatlo at tinanong nang nakangiti, “Ano ang pakiramdam niyo tungkol sa lugar na ito? Sanay na ba kayong tumira dito?”Ngumiti si Aurora at sinabi, “Medyo maganda ito! Maayos ang kwarto at masarap ang pagkain!”Pagkatapos nito, ngumiti siya agad habang sinabi kay Charlie, “Master Wade, pinag-uusapan namin ang martial arts kanina. Sinabi sa amin ni Rosalie na mas mabilis kaming makakapasok sa landas ng martial arts dahil ininom namin ang pill na binigay mo sa amin. Totoo ba ito?”Tumango si
Kahit ano pa ang karaniwang lakas ni Caden, pagkatapos sanayin ang Taoism ng maraming taon, nakatipon na si Caden ng pambihirang tindig at kilos. Bukod dito, parang nasa kalahating-indibidwal na estado siya ng maraming taon bilang isang Taoist. Kulang sa sustansya ng katawan niya sa punto na kasing payat na niya ang isang panggatong, at nagmukhang sobrang lakas ng payat na katawan niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-eensayo niya ng martial arts, binibigyan nito ang mga tao ng pakiramdam ng pagiging misteryoso. Mas lalo pang naging mataas ang pakiramdam ng pagiging maharlika niya dahil sa mahaba at puting balbas niya.Pambihira ang temperamento niya sa larangan ng metaphysics at kahit sa larangan ng sining.Halimbawa, iisipin ng lahat na medyo nakakabagot kung wala man lang siyang balbas sa larangan ng isang direktor, pintor, o kahit manghuhula. Kung may malaking balbas siya, maghihiyawan ang mga tao kahit na nagpinta lang siya ng ilang guhit sa kanvas gamit ang isang paintbrush.Si Cad
Hindi inaasahan ni Charlie na tatawagan siya ni Claudia dahil gusto niyang gamutin niya ang sakit ng ulo ni Vera.Pero, naalala niya ang huling beses na nakita niya si Vera. Dinamihan niya ang ang Reiki noong naglagay siya ng psychological hint sa kanya, at mukhang gumawa ito ng malaign sequelae kay Vera.Alam niya Charlie na ito ay dahil gumamit siya ng sobrang daming Reiki sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang responsibilidad ngayong tinawagan siya ni Claudia para humingi ng tulong.Kaya, sinabi niya kay Claudia, “Kung gano’n, hintayin mo ako saglit. Magmamaneho na ako ngayon papunta diyan.”Sinabi nang masaya ni Claudia, “Okay, Charlie. Tawagan mo ako pagdating mo!”“Okay.” Pumayag si Charlie at sinabi kay Claire, “Honey, kailangan kong lumabas at may gagawin ako. Babalik agad ako.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Lagpas alas otso na. Sino ang naghahanap sayo ngayong gabing-gabi na?”Hindi itinago ni Charlie ang katotohanan mula kay Claire at sinabi, “Si Claudia. May kaunt
Alam ni Vera na ang sakit ng ulo niya ay ang squelae ng huling psychological hint na nilagay sa kanya ni Charlie. Wala nang ibang paraan para lutasin ito maliban sa hintayin itong gumaling nang unti-unti.Nag-isip saglit si Claudia, pagkatapos ay biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, Veron, naaalala mo pa ba si Charlie?”Nagulat si Vera. Alam niya na sinubukan ni Charlie na burahin ang proseso ng pagtatanong niya sa kanya dati, pero nabigo siyang burahin ang lahat ng memorya niya sa kanya. Kaya, nagpanggap siyang mausisa at tinanong, “Iyon ba ang lalaking pumunta para ihatid ka dati?”Tumango si Claudia at sinabi, “Oo. Narinig ko na binanggit ni Stephanie na sobrang galing ni Charlie. Tinatawag siyang Master Wade ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya sa Aurous Hill. Mukhang marunong siya sa Feng Shui at may ilang galing din siya sa medisina. Bakit hindi ko papuntahin si Charlie para tingnan ang kondisyon mo?”“Huh?!” Kahit na gustong makilala ni Vera si Charlie mula
Samantala, sa Aurous University.Nakumpleto na ng mga freshmen sa Aurous University ang registration, class placement, at pagtatalaga ng mga counselor. Nagbigay ng mga orientation uniform ang university sa lahat ng estudyante sa hapon, at opisyal na magsisimula bukas ng umaga ang dalawang linggong orientation.Dahil sa parang militar na pamamahala pagkatapos magsimula ng orientation, pinili nina Vera at Claudia na tumira sa campus. Kung hindi, kailangan nilang bumangon at magtipon ng alas sais ng umaga araw-araw, o hindi sila makakarating sa university sa oras.Nag-uusap silang dalawa sa dormitoryo habang nililinis ang mga kama at mga gamit nila.Simula noong pinatay ang pamilya niya, naging sobrang ingat ni Claudia sa iba at ayaw niyang makipag-ugnayan sa iba. Noong nasa Canada siya, ang dalawang tao lang na pinagkakatiwalaan niya ay sina Mrs. Lewis at Stephanie.Pero, sa kung paano man, si Claudia, na madalas na tahimik, ay may maraming magkaparehong paksa kay Vera. Kahit ano pa
“Ano bang alam mo?!” Tumingin nang mapanghamak si Jacob sa kanya, pagkatapos ay sinabi kay Charlie, “Siya nga pala, Charlie, malapit nang magsagawa ng isang ancient calligraphy and painting exhibition ang Calligraphy and Painting Association. Sobrang taas ng mga pamantayan ng ancient calligraphy and painting exhibition na ito. Sobrang suportado rin ang siyudad dito, kaya malaking kilos siguro ito para sa bansa natin! Marahil ay imbitahin pa namin ang Central Oskia Media para magbigay ng kumpletong ulat sa buong event!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Sobrang laking event nito? Hindi maituturing na base ang Aurous Hill para sa calligraphy at painting, kaya hindi ba’t masyadong puwersahan na gawin ang napakalaking event dito?”Sinabi ni Jacob, “Hindi mahalaga kung hindi ang Aurous Hill ang base para sa calligraphy at painting. Ayos lang ito basta’t kayang ipakita ng Aurous Hill ang mga magagandang calligraphy at painting, kaya nangongolekta kami ngayon ng mga likha ng mga sikat na a
Samantala, gabi na sa Aurous Hill.Naghanda na ng hapunan si Elaine at inimbita sina Charlie at Claire sa lamesa. Sa parehong oras, hindi niya mapigilang magreklamo, “Alas otso na, kaya bakit wala pa rin sa bahay ang g*gong iyon, si Jacob? Nasaan na kaya siya ngayon!”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Ma, si Papa na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, kaya siguradong abala siya. Sana ay maging maunawain ka.”Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Bakit ako magiging maunawain sa kanya? Sa tingin mo ba ay wala akong alam sa abilidad niya? Sa tingin ko ay bulag ang taong namamahala sa Calligraphy and Painting Association para hayaan siyang maging vice president!”Habang nagsasalita siya, binuksan ni Jacob ang pinto at pumasok.Mabilis siyang binati ni Claire at sinabi, “Pa, maghugas ka na ng kamay at maghapunan tayo!”Tinanong nang kaswal ni Jacob, “Anong klaseng mga pagkain ang mayroon? May karne ba?”Nanumpa si Elaine at sinabi, “May takip, gusto mo bang nguyai
Sa gabing iyon, umupo si Mr. Chardon sa sahig ng kanyang pansamantalang bahay habang naka-krus ang mga paa. Mukhang nagme-meditate siya habang nakapikit ang mga mata, pero sa totoo lang, kinakalkula niya kung kailan siya aalis para pumunta sa Aurous Hill.Bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang cellphone, at ang British Lord pala ang gustong kumausap sa kanya.Binuksan niya agad ang cellphone niya, pumasok sa espesyal na software, at kumonekta sa British Lord.Narinig ang malamig na boses ng British Lord sa cellphone, “Mr. Chardon, sinabihan kita na pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang anak ni Curtis Wade. Bakit hindi ka pa pumupunta?”Mabilis na nagpaliwanag si Mr. Chardon, “British Lord, may ilang ideya ako, at gusto kong i-report ang mga ito sayo!”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Sabihin mo!”Sinabi nang magalang ni Mr. Chardon, “British Lord, noon pa man ay pakiramdam ko na marahil ay nasa Eastcliff si Vera, kaya naghahanap ako ng mga bakas tungkol
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek