Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas, “Hoy, Char
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaki
Ang dalawang anunsyong inilabas ng Emgrand Group ay yumanig sa buong Aurous Hill na parang isang malakas na lindol.Nang malaman ng pamilya Wilson ang pagbabago sa mga posisyon sa loob ng Emgrand Group, nasagot ang kanilang katanungan kung bakit nahinto ang kanilang pakikipagtrabaho sa pamilya White. Mukhang ang bagong may-ari ng Emgrand ay hindi iniisip ang pamilya White.Balik tayo sa punto, sino si Mr. Wade? Binili niya ang Emgrand Group na nagkakahalaga ng ilang daang bilyong dolyar nang ganun-ganun na lang—napakamakapangayarihang tao niya, hindi ba? Kahit ang pinakamayamang tao sa Aurous Hill ay hindi kayang gawin ‘yon.Sa isang iglap, maraming mayayamang pamilya ay desididong gumawa ng aksyon. Gusto nila magkaroon ng maganda koneksyon sa misteryosong si Mr. Wade habang sa kabila ng kanilang mga isipan ay ninanais nilang ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya.Bukod pa rito, ang anunsyong tungkol sa Emgrand Group’s investment na dalawang bilyong dolyar para sa pag
Ang anunsyo ni Claire ay nagpadala ng isang alingawngaw sa buong silid, ang lahat ay napanganga sa sobrang gulat.Inisip ng lahat na wala na sa kaisipan si Claire!Ito ang pinakapangit na oras upang tumayo at magpasikat! Bukod sa malungkot na pagkabigo, wala na siyang ibang makukuha!Ang Emgrand Group ang pinakamalaking kumpanya sa Aurous Hill at ang pamilya Wilson ay wala kundi isang hamak na langgam lamang sa kanila! Kung sino man ang tatanggap ng hamon ay mabibigo lamang!Hindi maiwasanag mangutya nang sarkastiko si Harold, “Claire, sa tingin mo ba ay makakakuha ka ng kasunduan mula sa Emgrand Group?”Nagpatuloy si Wendy na may pangungutyang tono pagkatapos ng kanyang kapatid na lalaki, “Claire, sino ka ba sa tingin mo, ano ang tingin mo sa Emgrand Group? Ang pagiging walang ingat at hindi makatwiran mo ay magpapahiya lamang sa atin, ang pamilya Wilson!”Nagdagdag pa ang isang tao, “Tama si Wendy! Kung siya ay papaalisin ng Emgrand Group, magiging katawa-tawa ang pamilya natin sa Au
Nang makitang kinukutya si Charlie ng kanyang mga magulang, nagbuntong-hininga si Claire at sinabi, “Pa, Ma, huwag niyong sisihin si Charlie para dito. Ito ang aking ideya. Ayoko nang maliitan nila ang ating pamilya. Hindi pa ba sapat ang pagdudusa natin sa mga nagdaang taon?” Sinabi nang ina ni Claire, “Kahit na, hindi mo dapat kinuha ang ganitong gawain. Hindi lang ikaw, kahit pa pumunta ang iyong lola, hindi siya papansinin!” Mayroong mapait na ngiti si Charlie habang pinakikinggan ang pagtatalo. Pupusta siya na ang kanyang mga supladong biyenan ay hindi maniniwala na siya ang totoong nagmamay-ari ng Emgrand Group.Sa sandaling ito, mayroong katok sa pinto.“Papunta na…” Naglabas nang malalim na bugtong-hininga si Elaine habang siya ay naglakad sa pinto at binuksan ito. Nilipat ni Charlie ang kanyang tingin sa pinto at nakita ang isang batang lalaki na may suot na Armani habang nakatayo sa pinto. Ang lalaki ay kahanga-hanga at kaakit-akit na may relong Patek Philippe sa kanyang
Kinabukasan, dinala ni Claire ang dokumento na puno ng panukala na hinanda niya buong gabi at pumunta sa opisina ng Emgrand kasama si Charlie. Habang nakatayo sa harap ng 100 na palapag na gusali, biglang naramdaman ni Claire na ang kanyang puso ay malalim at walang laman. Paano makikipagtulungan ang isang kamangha-manghang kumpanya tulad ng Emgrand sa pamilya Wilson? Hindi pa sinasabi na naghahangad sila ng tatlumpung milyong dolyar na kontrata. Ito ay parang isang pulubi na lumapit sa isang mayaman na lalaki upang manghingi ng tatlumpung milyong dolyar na barya. Talagang katawa-tawa. Gayunpaman, nangako siya sa kanyang lola at tinanggap ang hamon sa harap ng lahat, kaya dapat niya itong gawin kahit anong mangyari… Nang maramdaman ang kanyang pagkabalisa, hinaplos nang malmabing ni Charlie ang kanyang ulo at sinabi, “Mahal, huwag kang mag-alala, magpatuloy k lang, kaya mo yan. Magtiwala ka sa akin.” Nalulungkot na nagbuntong-hininga si Claire at binulong, “Sige, sana nga! Hintay
“Haha!” Biglang hindi napigilan ni Sonia na matawa nang marinig niya ang mga sinabi ni Caden.Nang marinig ni Caden ang tawa ni Sonia, namula ang mukha niya sa galit, at tinanong niya nang paulit-ulit, “Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?”Nakita ni Sonia ang nakamamatay na tingin sa mga mata ni Caden, kaya mabilis niyang pinigilan ang tawa niya at yumuko habang sinabi, “Pasensya na, Master, pero hindi ko talaga ito mapigilan…”Pagkatapos nito, sinabi niya nang seryoso, “Pero mas swerte pa rin ako kumpara sayo. Kahit na sinara rin ni Mr. Wade ang mga meridian ko, hindi niya binaba ang cultivation level ko…”Kinuskos ni Caden ang mga sentido niya, kinaway ang kanyang mga kamay, at sinabi, “Kalimutan mo na. Sabihin mo na lang kay Master Wade ang totoo kapag nakita mo siya mamaya. Sasabihin ko rin sa kanya ang saloobin ko. Kapag opisyal na nagsimula ang training bukas, gagamitin ko ang mga praktikal na kilos ko para ipahayag ang saloobin ko sa kanya pagdating ng oras…”Tumango si So
May medyo nahihiyang ekspresyon si Caden habang sinabi niya, “Sinabi ko na sayo na ang dahilan kung bakit nawala ko ang medicine cauldron ay dahil sa mga masasamang motibo ko. Sa totoo lang, may isa pa akong bagay na hindi sinabi sayo…”Tinanong ni Sonia, “Ano ito?”Yumuko si Caden at sinabi nang malungkot, “Sa una ay balak ni Master Wade na tanggapin ako bilang disipulo niya, at gusto niyang sundin ko ang utos niya. Tapat niya pa akong binigyan ng isang pill, na nagpaangat sa cultivation ko para maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm…”Sinabi nang nasorpresa ni Sonia, “Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Mater, naabot… naabot mo na ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Bakit hindi ko narinig na binanggit mo ito nakaraan?”“Ah…” Sinabi ni Caden sa sobrang kahihiyan, “Naabot ko nga ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm bago ka dumating. Gusto ni Master Wade na ibunyag ko ang martial arts mental cultivation method ng Taoist Sect, pe
Saglit na walang nasabi si Caden sa mga sinabi ni Sonia.Sa totoo lang, alam niya na kahit na nagsikap siya nang sobra para sa buong Taoist Sect sa nakaraang ilang dekada, hindi niya matanggal ang responsibilidad na nawala niya ang medicine cauldron.Dahil, isa itong kayamanan ipinaman sa libo-libong taon at tatlumpu’t siyam na henerasyon. Ayos lang kung tahimik itong naglaho. Magsisisi siya nang kaunti at makokonsensya sa maikling panahon, pero unti-unting gagaan ang pakiramdam niya makalipas ang matagal na panahon.Pero, ang problema ay matagal nang alam ng disipulo niya ang tungkol sa medicine cauldron, at kung sasabihin niya sa ibang miyembro ng Taoist Sect ang totoo, magiging habang buhay na makasalanan talaga siya sa sect.Kaya, naiintindihan ni Caden kung bakit ayaw ni Sonia na kunin ang sisi para sa kanya.Pero, nasa mahirap na sitwasyon talaga si Caden ngayon. Itinanggi ni Sonia na siya ang ika-apatnapung leader ng Taoist Sect, at walang duda na siya pa rin ang leader ng
Sa daan paangat sa bundok, tinanong siya ni Caden, “Sonia, anong sinabi mo sa mga miyembro ng Taoist Sect? Paano mo sila napa sang-ayon na pumunta dito nang napakabilis?”Sa totoo lang, ang ibig sabihin ni Caden ay kakuha lang ni Sonia ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect, kaya malabo para sa lahat ng tao sa Taoist Sect na tanggapin nang buo ang pagkakakilanlan niya bilang leader ng Taoist Sect sa loob lang ng ilang araw, lalo na ang makumbinsi at sundin ang mga utos niya.”Hindi tanga si Sonia, kaya sinabi niya nang direkta, “Master, nang bumalik ako, hindi ko sinabi sa kanila na pinasa mo sa akin ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect.”Tinanong ni Caden sa sorpresa, “Ano? Hindi mo sinabi sa kanila?”Ngumuso si Sonia at sinabi, “Bakit ko ito sasabihin sa kanila? Kung sasabihin ko ito sa kanila, maiimpluwensyahan ko pa rin ba sila?”Sinabi ni Caden, “Jusko! Huwag mong sabihin na sinabi mo sa kanila na ideya ko na ilipat ang Taoist Sect sa Aurous Hill?!”Tumango si Sonia
Hindi lang kayang pataasin ng medicine cauldron ang bisa ng gamot, ngunit kaya rin nito pabilisin ang totoong oras ng paggawa nito ng limang beses.Sa ganitong paraan, mababawasan nang sobra ang gagamitin na pisikal na lakas at Reiki ni Charlie.Pagkatapos punuin ang mga likido, pansamantalang nilagay ni Charlie ang mga likido sa mga mid-level villa at balak na niyang bumalik sa siyudad.Sa hindi inaasahan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Caden nang lalabas na siya. Sinabi nang magalang ni Caden sa kabilang linya, “Master Wade, may kailangan akong i-report sayo. Naistorbo ba kita ngayon?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Master Howton, sabihin mo lang kung may sasabihin ka.”Sinabi ni Caden, “Master Wade, ang disipulo ko, si Sonia, ay dumating na sa Aurous Hill kasama ang mahigit dalawang daang tao mula sa Taoist Sect…”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Gano’n ba? Kailan sila dumating?”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Master Wade, katatawag lang ni Sonia sa akin, at kapapaso
Habang isa-isang dumating ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, dumating din ang mga miyembro ng Harker para mag-report sa Champs Elys Resort sa ilalim ng pangunguna ni Rosalie.Dumating din sina Nanako at Aurora sa parehong oras at nasa parehong grupo sila ni Rosalie.Bukod dito, dahil halos sabay-sabay silang nag-check, magkakatabi rin ang mga kwarto nila.Nagreserba si Albert ng isang room para sa kanya sa tabi ni Isaac para hindi sila mahirapan. Ang dahilan kung bakit nila gustong tumira sa tabi ng isa’t isa ay dahil kilala nila nang sobra ang isa’t isa. Sa isang dako, may magandang relasyon sila at pamilyar sila sa isa’t isa. Sa kabilang dako, marahil ay sila lang ang mga baguhan sa training na ito na walang kahit anong pundasyon sa martial arts, kaya kung mas malapit ang tirahan nila sa isa’t isa, mas madalas silang makakapag-usa at mapapagaan ang loob ng isa’t isa.Sa mga sinabi ni Albert, mabuting magkaibigan sila kahit na ang ranggo nilang dalawa ay nasa dulo ng kahit an
Kinuha na ni Albert ang trabaho bilang direktor ng admissions office sa Champs Elys Resort. Ginawa na niya ang buong preparasyon para tanggapin ang mga bagong estudyante. Hindi lang na naghanda siya ng pang araw-araw na gamit para sa bawat estudyante, ngunit naghanda pa siya ng mga training uniform at mga panulat para sa lahat para sa pag-aaral nila.Ang training uniform na inihanda ni Albert ay gawa sa mga sobrang sopistikadong materyales na sobrang komportable kapag isinuot. Para bigyan-diin ang pagkakapare-pareho, sinabihan pa ni Albert ang tao na gumawa ng mga gawang-kamay na burda ng isang dahon sa kaliwang itaas ng training uniform.Habang iniisip ang logo para sa burda, nilagay ni Albert ang mga katangian ng kultura sa Oskia. Pakiramdam niya na walang mas angkop kaysa sa dahon ng ginkgo para isagisag ang tradisyonal na kultura sa Oskia. Dahil, ang kabuuang pakiramdam ng ganitong training uniform na may nakaburda na dahon ng ginkgo ay sobrang natatangi talaga sa kultura ng Oski
Naiintindihan ni Rosalie ang ibig sabihin ni Charlie.Kahit na sobrang bihira ng mga eight-star martial artist, isa lang ito sa mga istasyon kung saan huminto saglit ang mabilis na tren ni Charlie. Swerte siya na nakasakay sa tren na ito, pero wala siyang masyadong oras para pahalagahan ang tanawin sa istasyon na ito dahil mabilis na pupunta sa sunod na istasyon ang tren.Ang susunod na istasyon ay ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm!Alam ni Rosalie na marami na siyang nasabing pasasalamat, pero namutla at nanghina rin siya sa harap ng pabor na ipinapakita ni Charlie sa kanya, kaya lumuhod siya sa isang tuhod, pinagdaup ang mga kamay niya nang matatag, at sinabi nang determinado, “Siguradong ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, Mr. Wade!”Tumango nang nakangiti si Charlie.Namula na ang mga mata ni Holden dahil sa sabik.Naiintindihan niya mula sa mga sinabi ni Charlie na patuloy na tataas ang cultivation ni Rosalie. Sobrang bata pa ni Rosalie, kaya sa tuloy-tuloy
Pinagdaup ni Holden ang mga kamay niya habang tumingin siya kay Charlie at sinabi, “Mr. Wade, nagsasanay pa rin si Rosalie sa seklusyon, at wala sa Aurous Hill sina Sheldon at Yashita. Sana ay ayos lang sayo na nabigo ang pamilya nila na lumabas para batiin ka.”Tumango si Charlie at tinanong siya, “Umalis sina Aunt Yashita at Sheldon nang magkasama?”Sinabi ni Holden, “Oo. Pumunta silang dalawa sa Europe para sa honeymoon nila, ilang araw na ang nakalipas, at ilang araw pa bago sila bumalik.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Holden, “Nag-eensayo pa rin si Rosalie sa basement, at wala pa akong oras para ipaalam ito sa kanya.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Lord Harker, kumuha ka sana ng tao para paakyatin si Rosalie. May kailangan akong sabihin sa inyo ni Rosalie ngayong araw.”Tinawag agad ni Holden ang isa sa mga apo niya at sinabi, “Paakyatin mo si Rosalie sa sala. Sabihin mo sa kanya na nandito si Mr. Wade!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang magalang ni Holden kay C