Si Elaine, na nagdadasal, ay biglang ginambala ng anak niya, kaya sinabi niya nang hindi nasisiyahan, “Oh, hinihiling ko lang na biyayaan ako ni Buddha, kaya bakit mo ako ginagambala? Talaga naman…”Hininaan ni Claire ang boses niya at pinaalalahanan siya, “Paano mo nagawang kausapin si Buddha nang ganito?! Pwede kang humiling ng pera kung gusto mo, at tutulungan ka ni Buddha na makamit ang mga hiling mo kung gusto niya talaga, pero bakit mo sinasabi ang mga problema mo kay eldest aunt dito? Hinihiling mo pa kay Buddha na parusahan siya?!”“Tama!” Sinabi nang sobrang seryoso ni Elaine, “Gusto ko lang na parusahan din siya ni Buddha! May mahigit walong bilyong tao sa mundong ito, at kahit sino ay pwedeng yumaman bukod kay Hannah Queen!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang seryoso ni Elaine, “Sinasabi na ang Jade Emperor ang namamahala sa lugar natin, kaya ang katotohanan na kayang yumaman ni Hannah ay pagpapabaya sa tungkulin niya. Kung hindi siya magkukusa na ayusin ito, kailangan
Sinabi nang walang magawa ni Claire, “Ma, huwag mo na pahirapan si Charlie!”Si Vera, na naglakad na sa pinto, ay nagulat dahil sa mga sinabi ni Claire.Binulong niya sa puso niya, ‘Charlie ulit? Dalawang araw pa lang ako sa Aurous Hill at hindi talaga ako makalayo kay Charlie araw-araw. Gano’n na ba ako kalapit sa kanya ngayon? Sinong Charlie ang manugang na lalaki ng bastos ng babae kanina lang, kung gano’n? Maaari ba na si Charlie rin ito mula sa pamilya Wade sa Eastcliff na hinahanap ko?’Nang maisip ito ni Vera, tumingin siya nang hindi nag-iisip kay Claire, at inisip niya, ‘Mukhang kasing tanda ng dalagang ito si Charlie, na hinahanap ko. Kaunti lang ang mga taong may pangalan na Charlie sa panahon ngayon. Maaari ba na kasal na ang Charlie na hinahanap ko? Ang asawa niya ba ay ang babae sa harap ko?’‘Sa tingin ko ay kasing tanda niya si Charlie, at maganda ang hitsura niya at pag-uugali. Maituturing din na isa sa isang milyon siya, pero pambihira talaga ang kanyang ina…’‘H
Kahit na hindi encrypted ang impormasyon nina Claire at Elaine, hindi madali para kay Emmett na alamin ang mga pagkakakilanlan nila gamit ang isang larawan.Kahit papaano, medyo mahirap na gawin ito sa maikling panahon.Kaya, tinawagan ni Emmett si Vera at inulat sa tawag, “Miss, may ibang impormasyon ka ba sa dalawang tao na ito? Medyo madaling imbestigahan ito kung may iba kang impormasyon.”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Wala akong masyadong impormasyon dito, pero marahil ay asawa ni Charlie ang dalaga na iyon. Pero, encrypted ang impormasyon ni Charlie, at hindi natin alam ang kasalukuyang identification number ni Charlie. Kaya mo bang makuha ang lahat ng impormasyon ng babae sa Aurous Hill na kasal sa lalaking nagngangalang Charlie Wade?”Sumagot si Emmett, “Dahil encrypted ang impormasyon ni Charlie, kahit na gamitin natin si Charlie bilang starting point,at kunin ang lahat ng impormasyon ng mga babaeng kasal sa isang Charlie Wade, marahil ay hindi mo mahanap doon ang ta
Dito, sakto ang mga pangalan, edad, at relasyon ng mga taong binanggit ni Vera.Pagkatapos nito, sinuri ni Emmett ang file information nine Elaine at Claire. Nakita niya ang identification photo nila at kinumpara sila sa mga litrato na ipinadala ni Vera. Agad niyang nakumpirma na ang dalawang tao na ito ay ang mga taong hiniling ni Vera na imbestigahan niya.Nang bumalik si Vera sa Scarlet Pinnacle Manor, nakuha na niya ang lahat ng impormasyon ng dalawang tao na ito.Nang makita niya si Vera, sinabi niya nang magalang, “Miss, bumalik ka sa tamang oras. Nakuha ko na ang impormasyon ng dalawang tao na hiniling mong imbestigahan ko.”Tinanong nang masaya ni Vera, “Ang bilis? Bilis, ipakita mo sa akin!”Binigay ni Emmett ang cellphone niya kay Vera gamit ang dalawang kamay at sinabi nang magalang, “Miss, pakitingnan mo ito.”Tiningnan ni Vera ang litrato ni Elaine. Ang litrato na ito ay kinuha noong binago ni Elaine ang identification card niya, ilang taon na ang nakalipas. Kahit na
Nahanap ni Vera ang lahat ng impormasyon tungkol sa dobleng pagkakakilanlan ni Charlie gamit sina Claire at Elainke, kaya nanabik talaga siya nang sobra.Pakiramdam niya na mukhang nakakatanggap siya ng tulong sa langit nang pumunta siya sa Aurous Hill, ginawang napakadali ang lahat para sa kanya.Pero, hindi niya balak lapitan ang mag-ina, lalo na si Charlie.Pakiramdam niya na kailangan niyang manatili sa plano kahapon at huwag magkusang tawagan si Charlie hangga’t hindi pa nagsisimula ang school at maging kaibigan niya si Claudia.Sa sandaling ito, hindi alam ni Charlie na ang dalaga na aksidente niyang niligtas sa Northern Europe ay nahanap na ang dalawang patong ng pagkakakilanlan niya.Tinawagan ni Isaac si Charlie sa sandaling ito at sinabi nang magalang sa tawag, “Young Master, kinumpirma ko na ito kay Mr. Waldron. Ang matandang babae na hinahanap mo ay kababalik lang sa natal home niya sa Skywinger kasama ang anak na lalaki niya kailan lang. Nakuha ko na ang tiyak na addr
“Okay, Young Master.” Sinabi ni Isaac nang walang pag-aatubili, “Ipapadala ko na ito sa WhatsApp ngayon.”Ipinadala ni Isaac ang information file kay Charlie pagkatapos ibaba ang tawag.Pagkatapos itong tingnan ni Charlie, nakita niya na sobrang simple ng background ng matandang babae, pero mukhang may pambihira rin dito.Fumiko Jenson ang pangalan ng matandang babae. Ipinanganak siya sa bulubundukin na lugar ng timog ng Skywinger, at lumaki siya sa mga bundok ng Skywinger simula noong bata pa siya. Hindi siya kinasal sa malayo at kinasal sa isang binata mula sa parehong nayon.May malaking posibilidad na bihira siyang umalis sa maliit na nayon sa bundok sa limampung taon dahil permanenteng mamamayan siya ng pamilya tuwing census, at malinaw na nakamarka sa impormasyon na nakikipagtulungan siya sa census.Sa kapanahunan nito, may nasa apatnapung bahay lang sa nayon na may mahigit tatlong daang tao, pero may seryosong pagbaba sa populasyon, at nasa isang dosenang bahay na lang na m
Sa gabing iyon, pagkatapos umuwi ni Claire, sinabi ni Charlie sa kanya ang tungkol sa biyahe nila ni Isaac bukas.Dahil si Isaac ang may-ari ng Shangri-La, sa mga mata ng ordinaryong tao, naisip ni Claire na tutulungan ni Charlie si Isaac na tumingin ng Feng Shui.Kahit na medyo nabalisa siya na titingin ng Feng Shui si Charlie kahit na kauuwi pa lang nila sa Oskia, hindi niya siya pinigilan dahil sinabi niya na gumawa na siya ng appointment kasama si Isaac.Kinabukasan ng umaga, pumunta sina Charlie at Isaac sa Granger Province, na matatagpuan sa timog kanluran ng Oskia.Dahil naisip ni Charlie mula sa pangalan ng matandang babae na hindi simple ang background ng pamilya ng matandang babae, tinawagan niya si Porter pagkatapos umalis ng eroplano.Nang kumonekta ang tawag, tinanong nang magalang ni Porter, “Mr. Wade, ano ang mga utos mo para sa akin?”Sinabi ni Charlie, “Porter, kailangan kong sabihin mo sa akin ang estado ng matandang babae at ang performance niya nang detalyado
Sumagot si Porter, “Mr. Wade, pagkatapos nilang magising, nagpadala ako ng tao para i-record ang lahat ng identity information nila. Dahil nasira ang mga passport nila, kumuha ako ng tao para tulungan silang tawagan ang embassy para palitan ang mga dokumento nila at pagkatapos ay bumili ng mga ticket para makauwi sila. Binigyan ko ang bawat isa ng 3,000 US dollars na emergency cash at isa-isang pinasakay sa eroplano.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Porter, “Pero eksepsyon ang matandang babae at ang anak niya.”“Nagpadala ako ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies para ihatid sila pabalik sa bansa sa personal, at pagkatapos ay hinatid sila hanggang makauwi sila.”“Bago umalis, gusto ng sundalong namamahala sa paghahatid sa kanila na bigyan ang matandang babae at ang anak niya ng 100,000 dollars ayon sa utos ko, pero tumanggi ang matandang babae na tanggapin ito. Naisip ko na binanggit mo na bibisitahin mo sila pagkatapos bumalik sa bansa, kaya hindi ko na sinabihan ang sundalo na m
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa