"Sinabi niya na kliyente niya ako?"Tinanong nang mausisa ni Kathleen, “Sino ang tinutukoy mo?”Agad na itinuro ni Madien si Charlie, na nasa hindi kalayuan, at sinabi niya nang nakangiti, “Ang lalaking iyon, sinabi niya na siya ay isang Feng Shui master, at binanggit din niya na ikaw ay isa sa mga kliyente niya. Kilala mo ba siya, Miss Fox?”Agad na nakilala ni Kathleen si Charlie pagkakita pa lang sa kanyang likuran.Sa una, siya ay natuwa ngunit hindi naiwasang kumunot ang noo niya habang inisip niya, ‘Hindi tama ang tono ni Madien. Mukhang normal naman ang sinabi niya kanina, pero bakit tinanong niya kung kilala ko si Mr. Wade sa huli? Maaaring pinaghihinalaan niya na nagsisinungaling si Mr. Wade?’Nang maisip ito ni Kathleen, agad niyang nahulaan ang nangyayari at naisip niya, ‘Mukhang hindi naniniwala ang lalaking ito sa sinabi ni Mr. Wade, kaya malamang na sinamantala niya ang pagkakataong ito par batiin ako, pagkatapos ay sinadya niyang banggitin si Mr. Wade dahil gusto ni
Ngumiti si Kathleen nang hindi nagsasalita at bahagyang tumango bago siya sumunod kay Madien papunta kina Charlie at Claire.Nang makita ni Amily na papalapit si Kathleen, nanabik siya nang sobra sa punto na hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay.Bago makita si Kathleen, ang chairman ang pinaka-prestihiyoso at respetadong tao na nakita niya sa buong buhay niya. Mayroon siyang sampung porsyento ng shares ng kumpanya, na nagkakahalaga ng higit sa one billion US dollars.Pero ano ang katayuan ni Kathleen? Siya ang namamahala sa financial empire at mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit one trillion US dollars. Si Madien ay isang mahirap na kabahayan lamang kumpara sa kanya, at ang agwat sa pagitan nila ay mailalarawan na isang buong mundo na pagkakaiba.Nang makita ni Amily, na isang mapangmata, ang ganitong marangal at makapangyarihang tao, natural na nanabik siya nang sobra. Agad din niyang naisip ang isang milyong paraan para makagawa ng relasyon kay Kathleen
Nang magsalita si Kathleen, parehong napatigil sina Madien at Amily na parang tinamaan sila ng kidlat, at sila ay nanatiling tulala sa lugar.Pareho silang naghihintay na makita si Kathleen na ibunyag ang kasinungalingan ni Charlie, pero sa gulat nila, yumuko pa si Kathleen sa kanya nang magalang at tinawag pa siyang 'Master Wade'!Agad na pinagpawisan nang malamig si Madien sa takot, at biglang nabasa ang buong likod niya. Hindi niya maiwasang tumingin kay Amily na parang nagtataka. May halong pagkagulat din ang mga mata niya.Ito ay dahil talagang hindi niya maunawaan kung ano ang nangyayari.Maaari ba na ang batang asawa ni Claire ay isang tunay na Feng Shui master?!Nanginginig din sa takot si Amily!Sa kanyang mga mata, si Kathleen ay isang katauhan na parang Diyos na hindi maaabot, ngunit sa hindi inaasahan, kayang payukuin ng asawa ni Claire si Kathleen at pagsalitain siya nang sobrang galang!Kung ganoon... Para bang naghahanap lang siya ng gulo kanina, hindi ba?!Haban
Nang marinig ito nina Madien at Amily, akala nila na hindi magagalit si Charlie sa aknila, at agad na nag-relax ang kanilang mga ekspresyon.Pero, sinabi nang malamig ni Charlie, “Pero hindi ngayong araw!!”Nanginig ulit sa takot ang dalawa nang marinig ito.Tumingin si Charlie kay Madien at sinabi nang kalmado, “Mr. Peterson, kakausapin kita nang hiwalay mamaya.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin siya kay Amily at bahagyang ngumiti habang sinabi, “Miss Wang, okay lang na kuwestiyunin mo ako, pero sobrang sarkastiko ka rin sa asawa ko. Sinabi mo pa na may masamang pag-iisip at malisyoso siya. Kahit gaano pa ako kabait, imposible para sa akin na tiisin ang panghuhusga mo sa asawa ko.”Namutla si Amily at mabilis na nagpaliwanag, “Mr. Wade, ako... nasabi ko lang ang maling bagay dahil sa bugso ng damdamin. Huwag... Huwag mo sanang mamasamain...”Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis siyang tumingin kay Claire at nakiusap, “Claire, patawarin mo sana ako ngayon dahil hindi k
Iniwas ni Madien nang hindi namamalayan ang sisi kay Amily para protektahan ang sarili niya, pero hindi niya inaasahan na magagalit nang sobra si Amily.Lagi niyang iniisip na sumusunod si Amily sa kanya dahil isa siyang gwapo at matagumpay na apatnapung taong gulang na lalaki na may pambihirang karisma sa mga babae, kaya sobrang masunurin si Amily sa kanya. Akala niya na siguradong hindi magagalit si Amily kung ililipat niya ang sisi sa kanya sa ganitong kritikal na sandali.Pero, napasobra ang tingin niya sa kanyang tinatawag na karisma.Para kay Amily, pera ang tunay na pinagmumulan ng karisma.Basta’t may sapat siyang pera, kahit pa harapin niya ang isang siyamnapung taong gulang na lalaki, kikilos siya na para bang nahuhumaling siya sa kanya at hindi siya makawala.Pero, kung walang pera, hindi siya titingin sa kabila kahit na kasing gwapo niya si Tom Cruise.Nang sinabi ni Kathleen na pagbabawalan siya sa design industry kanina, mapuputol ang kanyang mapagkukunan ng pera. H
Tinakpan ni Amily ang kanyang mukha, tiniis ang matinding sakit, at sinabi nang galit, “Sinisiraan kita?! Sa tingin mo ba ay wala akong ebidensya?!”Habang nagsasalita siya, nilabas niya agad ang kanyang cellphone, hinanap ang chat history nila ni Madien, at nahanap ang maraming litrato ni Clairen a palihim niyang kinuha. Pagkatapos ay sinabi niya kina Charlie at Kathleen, “Mr. Wade at Miss Fox, pwede niyong tingnan kung anong oras ipinadala ang mga litratong ito. Ang pinakamaaga ay isang buwan na ang nakalipas, at kakikilala ko lang kay Claire sa master class sa sandaling iyon. Nahulog din si Madien kay Claire sa oras na iyon!”Sinabi nang kinakabahan ni Madien, “Pinadala mo sa akin ang mga litrato na iyon, kaya paano mo nasabi na nagustuhan ko si Miss Wilson?!”Sinabi nang malamig ni Amily, “Hindi ka aamin, hindi ba? Nandito ang chat history natin, kaya makikita nina Mr. Wade at Miss Fox kung paano ka sumagot sa akin!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Kathleen at sinab
Tumingin si Kathleen kay Amily at sinabi nang may kaunting ngiti, “Tigilan mo na ang pangangarap mo nang gising. Hindi ka niya mabibigyan ng kahit isang US dollar, lalo na ang 100 million US dollars.”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Amily, “Bakit? Papupuntahin ko siya sa presinto kung hindi niya ito ibibigay sa akin!”Tumingin si Madien kay Kathleen nang natataranta at ipinaliwanag, “Miss Fox, huwag mo akong masamain. Kahit kailan ay hindi ko ginawa ang mga bagay na binanggit ni Amily, pero pinangako ko lang ang pera sa kanya dahil ayokong lumabas siya at sirain ang reputasyon ko…”Ngumisi si Kathleen sa pangit na palusot na ito at sinabi nang magaan, “Mr. Peterson, huwag mong kalimutan na ang pamilya Fox ang pinakamalaking shareholder sa kumpanya mo. Ang paggamit ng posisyon mo bilang chairman ng kumpanya para palakihin ang bulsa mo ay isang korupsyon, at pinaghihinalaan ka rin ng money laundering. Ang nilabag mo ay ang interes ng lahat ng shareholder ng kumpanya mo, kasama na ang
Hindi inaasahan ni Madien na ang dalaga at nakangiting si Kathleen ay magiging isang bangungot na gustong itulak sa bangin!Gayunpaman, naisip niya ang dahilan para dito.Noon pa man, ang maling paggamit ng pondo ng kumpanya ay ang pinaka-nakakadiri para sa mga shareholders ng malalaking corporate group.Kahit na maraming hawak na shares ang mga shareholder, karaniwan na hindi sila direktang nakikialam sa operasyon ng kumpanya. Ang operasyon ng kumpanya ay karaniwang ipinapasa sa founder ng shares na may maliit na porsyento.Pareho ang maraming kilala at malalaking kumpanya sa mundong ito.Kung ang kumpanya ay orihinal na may net profit na 500 million US dollars, pagkatapos ng paglaan ng budget sa susunod na taon, kung may nais kumuha ng natitirang pera, ito ay upang bigyan ang lahat ng shareholders ng proporsyonal na bahagi ng dibidendo.Pero, kahit na si Madien ang founder ng kumpanya, naghahanap siya palagi ng financing para sa paglago at pag-unlad ng kumpanya, at sa huli ay n
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,
Sa sandaling ito, si Ruby, na nakatago sa dilim, ay natulala nang tuluyan! Hindi niya inaasahan na ang malakas na lalaki na nakaitim sa harap niya ay ang anak na lalaki ni Curtis!Samantala, hindi alam ni Charlie na may nakatagong cultivator pa rin sa dilim na sampung talampakan ang layo. Nakay Mr. Chardon lang ang atensyon niya, na nasa harap niya. Kahit nakita niya ang miserable at takot na hitsura ni Mr. Chardon, hindi nakaramdam si Charlie ng simpatya para sa kanya.Tumingin siya kay Mr. Chardon at sinigaw ulit, “Halika, kidlat at kulog!”Isang nakabibinging pagsabog ang umalingawngaw habang isa pang kidlat ang bumaba mula sa langit! Ngayon, direktang tumama ang kidlat sa kanang kamay ni Mr. Chardon, ginawa itong uling!Sa nakaraang ilang kidlat, sadyang kinontrol ni Charlie ang lakas nito para paglaruan si Mr. Chardon. Pero, ngayon, sadya itong nilakas ni Charlie, direktang binaldado ang kanang kamay ni Mr. Chardon.Nakaramdam si Mr. Chardon ng matinding hapdi ng pagkasunog s
Dalawang malapit na pagsabog lang ang narinig, at ang dalawang dulo ng ispada ay ginawang abo ng mga kamao ni Charlie!Si Mr. Chardon, na may isang pares lang ng panloob na nagbabalot sa buong katawan niya, ay sampung talampakan pa lang ang nararating. Sa una, ginamit niya ang kanyang ispada para tumakas nang balisa nang hindi lumilingon para iligtas ang buhay niya.Pero, pagkatapos marinig ang dalawang pagsabog, isang biglaang bugso ng pananabik ang dumaan sa puso niya!Malinaw na iba ang dalawang pagsabog na ito kanina nang tumama ang atake ng ispada sa mga soul blade. Ang tunog ng dalawang pagsabog na ito ay parang resulta ng pagtama ng ispada sa katawan ng target!‘Maaari ba… Maaari ba na hindi naiwasan ni Charlie ang palihim na atake ko?!’ Biglang natuwa nang sobra si Mr. Chardon nang maisip ito.Lumingon siya agad-agad, gustong makita kung nasugatan ba si Charlie ng dalawang ispada niya. Kung gano’n, masasamantala niya ito at marahil ay makuha pa ang ulo ni Charlie! Pero, sa
Bukod dito, alam ni Mr. Chardon na ang nag-iisang mahiwagang teknik na kaya niyang gamitin sa malayo ay ang atake ng ispada mula sa kahoy na ispada ng British Lord. Sa kabaliktaran, ang mga teknik ni Charlie ay mayroong invisible na atake ng ispada katulad ng kanya, at ang banal na kidlat na bumababa sa langit.Hindi kayang saktan ng kahoy na ispada ni Mr. Chardon si Charlie, at wala siyang matataguan mula sa banal na kidlat. Kaya, kung magpapatuloy ito, siguradong manghihina siya kay Charlie. Ang solusyon lang para sa kanya ay makipaglaban nang malapitan sa kanya!Nang maisip ito, nagngalit si Mr. Chardon at sinigaw nang malamig, “Bata, ngayong araw, ikaw o ako—isa lang sa atin ang mabubuhay!”Pagkatapos itong sabihin, nilagyan niya ng Reiki ang mga binti niya at ginamit ang teknik ng teleportation na itinuro sa kanya ng British Lord habang sumugod siya nang nakakakilabot kay Charlie, na parang isang space jump.Ang pinakamalaking kalamangan ng teknik na ito ay ang mailap na direk
Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan
Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi
Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam