Hindi namamalayan ni Helena na nagpakita siya ng kaunting inggit at kawalan ng pag-asa sa ekspresyon niya nang marinig niya na binanggit ni Charlie na gusto niyang bumalik para samahan ang asawa niya.Hindi niya mapigilan na mahiya nang kaunti nang maisip niya ang ginawa niya.Pero, nagpapasalamat din siya sa kailaliman ng puso niya na wala rin siyang ginawang mapangahas kanina. Kung hindi, posible na nabigo na siya at tinanggal ang lahat ng posibilidad kay Charlie nang tuluyan.Nang maisip ito ni Helena, tumango na lang siya kahit na nag-aatubili siya na hayaan si Charlie na umalis, at sinabi, “Mr. Wade, dapat bumaba muna tayo para mananghalian. Ipapahanda ko na ang helicopter para makabalik tayo sa Oslo City pagkatapos kumain.”“Okay.” Tumango nang bahagya si Charlie at lumabas sa kwarto kasama si Helena.Habang nakatayo si Charlie sa tabi ni Helena, naamoy niya ulit ang bango sa katawan niya, na ang parehong bango na naamoy niya nang magising siya.Pero, nagpasya pa rin siya s
Ang humanitarian organization na ito ay medyo kilala sa Sweden pati na rin sa buong mundo. Isa silang non-profit humanitarian charity organization sa labas, pero sa totoo lang, ang totoong background nito ay bahagi ito ng misteryosong organisasyon na iniimbestigahan ni Charlie na may ugat sa Sweden at kahit sa buong central Northern Europe.Ang humanitarian organization na ito ay aktibong nagsasagawa ng charitable activity, tinatawag ang mga tao na bigyang atensyon ang mga third-world country, protektahan ang kalikasan, at global warming, pero kapag may kailangan ang organisasyon, kaya nitong sumagot nang mabilis at umalis agad sa central at Northern Europe, tatakpan ang apat na bansa ng Northern Europe, Latvia, at Lithuania, na nasa kabila ng dagat mula sa Sweden.Hindi tulad ng ibang ispyonahe at non-governmental organization na sobrang tago, ang humanitarian organization na ito ay may pasikat na istilo sa pagsasagawa ng trabaho nila. Hindi lang na madalas nilang ginagamit ang medi
Samantala, sa parking lot sa labas ng cargo area ng Gothenburg International Airport.Naghihintay nang balisa ang head ng humanitarian organization habang nakaupo sa pampasaherong bahagi ng truck.Tatlong truckload ng supply ang ipapadala sa Nigerian gayon.Ayon sa orihinal na schedule, dapat ay napadala na ng Armed Calvary Guards ang mga tao sa airport gamit ang espesyal na transport vehicle ngayon. Pagkatapos ay dadalhin nila sila nang magkasama bago sasabihan ang customs na ipasok ang mga target sa eroplano nang mabilis.Para siguraduhin na madali nilang malalampasan ang customs, tinawagan ng taong namamahala sa humanitarian organization ang dating kilalang environmental protection na dalaga, ang trump card nila, habang naghanda ang taong namamahala na dalhin siya para siguraduhin na magtatagumpay ang misyon.Pero, hindi pa sila nakakatanggap ng kahit anong impormasyon tungkol sa Armed Calvary Guards sa ngayon.Pagkatapos maghintay ng kalahating oras pa, wala pa rin balita, at
Direkta siyang ginambnala ng dalaga at sinabi nang malamig, “Madamdamin ako sa environmental protection, hindi sa charity. Ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi uri ng aktibidad na gusto ko. Kaya ko pang magkaroon ng pasensya kung sasabihan mo ako na magprotesta laban sa mga Asian sa paggamit ng chopstick, laban sa mga European na nagpapalipad ng eroplano, o laban sa mga Amerikano na nagmamaneho ng kotse.”Pagkasabi nito, sinabi nang mayabang ng dalaga, “Bukod dito, sino ang magbibigay atensyon sa mga bagay tulad ng pagtulong sa Nigeria bukod sa mga Nigerian? Mas mabuti na pumunta ako sa United Nations Climate Change Conference para magsagawa ng mga protesta. Sinabi ng ama ko na bibigyan ng atensyon ng media sa buong mundo ang balita sa United Nations at mga maunlad na bansa, habang hinding-hindi makakarating sa headlines ng Western world ang mga balita tungkol sa mga third world country.Natulala ang driver nang marinig ito, at nainis din siya nang sobra.Pero, dahil sobrang mahal
Matapos maisuot ang real-time transmission camera, itinulak ng lalaking nasa driver seat ng Volvo ang pinto at lumabas ng kotse.Pagkatapos kumpirmahin na walang tao o sasakyan na dumadaan, gumamit siya ng lock-picking tool para mabuksan ang pinto.#Sa totoo lang, bukod sa mga ordinaryong lock ng pinto, may mga nakatagong latches na nakatago sa itaas at ibaba ng frame at isang buong set ng control system na na-upgrade para sa lock ng pinto sa bahay na tinitirhan ni Vera.Sa normal na sitwasyon, gagamitin ni Vera ang kanyang cell phone para i-lock ang nakatagong latch, natutulog man siya o lalabas. Kahit na ang pinakamahusay na locksmith ay hindi masira ang ganitong uri ng lock ng pinto na maaari lamang i-unlock sa pamamagitan ng internet. Gayunpaman, nang lumikas si Vera at ang kanyang personal na tagapaglingkod sa pagkakataong ito, sinadya nilang iwanang naka-unlock ang nakatagong latch para madaling makalusot ang taong ito sa kwarto.Sa parehong oras, sa isang tiyak na sulok ng
Kahit na simple lang ang nakangiting mukha, sobrang linaw nito, at may kaunting panghahamak pa na makikita sa ngiti.Habang nahumaling siya kawalan ng pagkakamali ng pangungusap, biglang narinig ang malalim at mababang boses na binago. Mukhang galit na galit siya habang sinigaw, “Letse, Vera Lavor! Letse! Letse!!!”Pagkatapos nito, sumigaw siya nang galit, “Pasabugin mo ito para sa akin!”Nasorpresa nang kaunti ang lalaki at tinanong nang hindi nag-iisip, “Pasabugin? Pasabugin ang ano?”Nang matapos siyang magsalita, biglang sumabog nang marahas ang portable camera na nakasabit sa harap ng kaliwang dibdib niya!Sinira ng epekto ng malakas na pagsabog ang buong desk! Nasunog din at naging abo agad ang kaligrapiya na nakasulat sa rice paper dahil sa mataas na temperatura na ginawa ng pagsabog.Para naman sa lalaking pumunta para mag-imbestiga, bigla siyang nakaramdam ng matalas na sakit sa puso niya bago niya pa malaman kung ano ang nangyayari. Pagkatapos ay tumalsik siya at namata
Hindi mapigilan ng tagapaglingkod ni Vera na makaramdam ng kaunti pang paghanga para sa kanya nang makita niya na sobrang kalmado niya.Pagkatapos ay tinanog siya ni Vera, “Siya nga pala, gaano katagal ang biyahe papunta sa Vladivostok?”Sumagot ang tagapaglingkod niyam, “Miss, Arctic Ocean route ang daan natin, kaya aabutin tayo ng dalawampu’t limang araw ayojn sa bilis ng barko na ito.”“Masyado itong mabagal.” Sinabi nang magaan ni Vera, “Bababa ako sa Murmansk at sasakay sa eroplano papuntang Eastcliff.”Pagkasabi nito, tinanong niya ang tagapaglingkod niya, “Kaya ko bang makarating sa Murmans sa loob ng apat na oras?”Sinabi nang nagmamadali ng tagapaglingkod niya, “Oo, makakarating tayo doon, pero Miss, nagmamadali ka bang pumunta sa Oskia?”“Oo!” Tumango si Vera nang sigurado at sinabi nang seryoso, “Hindi na ako makapaghintay na mahanap si Charlie Wade sa lalong madaling panahon. Siguradong maraming masaya at nakakaaliw na sikreto ang taong ito.”Pagkatapos itong sabihin
“May napaka kaunting tao lang na may Reiki. Kung ibubunyag ni Charlie ang lakas niya balang araw, agad siyang pagtutuunan ng pansin ng kabila, at gagawa ito ng maraming problema para sa kanya.”Hindi mapigilan ng tagapaglingkod niya na bumuntong hininga. “Sobrang lakas niya, kaya bakit hindi niya ito naisip?”Ngumiti si Vera at sinabi, “Ang lakas ay lakas, pero marahil ay wala siyang sapat na karanasan sa totoong pakikipaglaban. Kung hindi, hindi rin ako makakatakas sa mga daliri niya.”***Samantala, sa Gothenburg, Sweden.Dahil nakuha na nila ang video data ng eksena sa Bergen at nakita ang pangungusap na isinulat mismo ni Vera, agad na napagtanto ng misteryosong organisasyon na ang misyon na ito ay ganap na nabigo at malamang ay matagal nang nakatakas si Vera.Kahit na galit ang British Lord, binigay niya na lang ang utos na tapusin nang maaga ang misyon na ito na nabigo nang ganap.Kaya, nakatanggap ang head ng convoyt na naghihintay para sa Armed Calvary Guards sa labas ng
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni