“Pumayag ka?!”Nang marinig ni Merlin ang sagot ng kanyang manugang na lalaki, nasorpresa ang buong katawan niya, at muntik na siyang tumalon sa saya.Kahit na sinabi niya na makaluma si Lord Acker, matagal na rin siyang nakumbinsi ni Lord Acker.Alam niya dapat punahin kahit papaano ang ganitong makalumang pag-iisip, pero sumang-ayon din siya sa lohika ni Lord Acker, kung anong apelyido ang dapat ipasa.Kahit na lalaki ito o babae, basta’t may anak na may parehong apelyido, magpapatuloy ang lahi nila.Pero, sa sandaling naputol ito sa kalagitnaan, mawawala sa kasaysayan ang lahi na ito sa loob lang ng ilang dekada.Kaya, kung papayag ang manugang na lalaki niya na hayaan ang anak ng anak niya na kunin ang apelyido na Lammy, patuloy na mapapasa ang apelyido ng pamilya.Sabik na sabik si Merlin na marinig na papayag ang manugang na lalaki niya dahil dito.Pero, hindi niya inaasahan na ang manugang na lalaki niya, na palaging itinuturing ang sarili niya bilang isang high achiever
Medyo natulala si Merlin nang marinig ito, at hindi niya mapigilan na itanong, “May ganitong epekto ang 100 million US dollars?!”Tumango nang mabigat ang manugang na lalaki ni Merlin nang walang pag-aatubili, “Tama! Pa, ang 100 million US dollars ay may ganitong kapangyarihan sa mga kamay ng mga mayayamang tao!”Pagkasabi nito, nagpatuloy siya, “Syempre, ang pinakamahalagang punto rito ay kayang siguraduhin ng pamilya Acker ang annual net interest rate ng 8%. Sinabi ni Uncle Christian na kung bababa ang market at hindi maaabot ang net interest rate na 8% o kung may pagkalugi, babayaran din ng pamilya Acker ang 8% na net profit ng trust natin. Halimbawa, sa normal na sitwasyon, ang 100 million US dollars ay magiging 108 million US dollars sa unang taon, pero kung hindi maganda ang market sa taon na ito at 90 million US dollars lang ang 100 million US dollars sa huli, maglalabas ang pamilya ACker ng 18 million US dollars para siguraduhin na may 108 million US dollars na matitira sa tr
Biglang naramdaman ni Merlin na medyo mahiwaga ang mundong ito nang makita niya ang kinakabahan at sabik na ekspresyon ng manugang na lalaki niya.Sa una ay hinahangaan niya nang sobra ang manugang na lalaki niya at palagi niyang nararamdaman na may hindi sumusuko ang batang ito, hindi siya takot sa kahirapan ,at hinding-hindi siya yuyuko o susuko.Sa madaling salita, pakiramdam niya na katulad niya ang manugang na lalaki na ito, at nakikita niya pa ang kaunti ng sarili niya sa manugang na lalaki na ito.Dahil din dito kaya tapat na tinrato ni Merlin ang manugang na lalaki na ito bilang sarili niyang anak na lalaki dahil wala siyang anak na lalaki.Pero sa sandaling ito, napagtanto niya sa kilos ng manugang na lalaki niya na bilang isang detective na nakakita na ng hindi mabilang na tao, may kinikilingan ang pananaw ng manugang na lalaki niya iato, mali, at musmos pa siya.Dati ay iniisip niya na ang manugang na lalaki niya ay isang uri ng tao na may marangal na pagkatao na hindi
Lahat sila ay kailangan maghintay ng labing walong taon, kahit na para ito sa luxury mansion, luxury car, o para mabuhay nang maluho sa mataas na lipunan.Kung isasaalang-alang nila na may walong buwan pa bago ipanganak ang bata, para bang maghihintay sila ng labing siyam na taon.Pero, iba ang 10 million US dollars na binigay ni Kathleen kay Merlin. Hindi ito isang kondisyonal na family trust, ngunit isang totoong cheque ng pera.Basta’t dadalhin ni Merlin ang cheque na ito sa kahit anong bangko sa United States, pwedeng ipagpalit ang cheque sa halagang 10 million US dollars nang direkta.Nang marinig ni Merlin na tinatanong nila ang tungkol sa 10 million US dollars, hindi niya mapigilan na sabihin, “Ang orihinal na ideya ko ay ilagay ang pera na ito sa trust, pero ang trust na tiningnan ko ay walang taunang return na kasing laki ng 8%. Kinalkula ko na taunang interes lang ito na 3.8%, at halos magiging 20 million US dollars lang ito sa trust makalipas ang labing walong taon. Pagk
Sa sumunod na araw, habang may suot na facemask sina Yahiko at Hiroshi habang nag-jogging sila sa Central Park, nagpaalam si Rosalie at ang mga magulang niya kay Charlie nang may malaking pasasalamat bago sila pumunta sa airport at kumuha ng flight pabalik sa Aurous Hill.Nanatili pa ng dalawang araw si Charlie sa New York. Pagkatapos magpalipas ng oras kasama si Nanako at ang ibang miyembro ng pamilya Ito ng dalawang araw, nagpaalam na rin nang nag-aatubili si Nanako kay Charlie bago bumalik ang pamilya niya sa Japan.Pagkatapos umalis ni Nanako, inutusan ni Charlie si Porter na dalhin si Clarissa, ang taong nagbigay ng kontrabando kay Elaine, pabalik sa New York.Ang totoong pangalan ni Clarissa ay Clara Holt. Sa mga nagdaang taon, nagtatrabaho siya bilang tauhan ni Martha. Ang pangunahing gawain niya ay magpanggap bilang isang businesswoman na may pekeng pagkakakilanlan na Clarissa Zinn at magbigay ng mga kontrabando na kailangan ilabas sa bansa sa mga mule na pinili ni Martha.
Sa sandaling ito, tumingin si Elaine sa babaeng guwardiya bago niya binaba nang mabagal ang magazine sa kamay niya at sinabi nang medyo hindi nasisiyahan, “Lucia, hindi naman sa gusto kong magreklamo tungkol sayo, pero masyadong boring ang mga magazine na binibigay mo sa akin sa mga nagdaang araw. Pangit, bastos, at walang matututunan sa mga kuwento sa magazine. Pwede mo ba akong bigyan na lang ako ng ilang kopya ng ‘Soulmates’?”“‘Soulmates’?” Ang babaeng guwardiya ay isang katutubong Oskian-American, kaya hindi niya alam kung ano ang Soulmates. Kaya, tinanong niya nang kinakabahan, “Elaine, ano ang ‘Soulmates’ na tinutukoy mo?”Sinabi nang mayabang ni Elaine, “Ang Soulmates ay isang napakalalim at pampanitikan na Oskian magazine. Ito ang paboritong literary publication ko nang napakaraming taon. Kung hindi dahil sa diskriminasyon, nanalo na ng Nobel Prize ang author ng Soulmates para sa Literature! Talagang laganap na ang imperyalismo!”Sinabi nang nahihiya ng babaeng guwardiya, “
Namutla ang mga mukha nina Chloe at Jacelyn sa takot dahil sa malamig na boses ni Elaine.Parang impyerno na ang mga buhay nila sa nakaraang ilang araw.Tiyak na mapapahamak sila dahil sa ginawa nila kay Elaine dati, kasama na ang mapaghiganting pagkatao ni Elaine.Sa una, bubugbugin at papahirapan sila ni Elaine, pero ngayon, unti-unti na niyang binago ito at pinapahiya na niya sila ngayon at tinatrato sila bilang alipin niya.Hindi pagpapakain sa kanila, paghahanap ng iba’t ibang uri ng trabaho para sa kanila, at ang panonood silang maghirap na parang mga bihag na kinulong nang hindi man lang nakakapaghinga, ang pinaka paboritong gawain ni Elaine.Halimbawa, kapag mainit, mahilig maglakad ng nakapaa si Elaine sa selda, kaya magpapalitan silang dalawa sa pagpupunas ng sahig ng nasa limang beses sa isang araw. Kung magiging madumi ang mga paa nila pagkatapos maglakad sa selda ng isang araw, hindi sila makakatulog sa gabing iyon. Habang natutulog ang iba, kailangan nilang lumuhod s
Habang iniisip niya ito nang masaya, sumugod ang Oskian na babaeng guwardiya kanina sa dining table niya at sinabi nang masaya, “Elaine, Elaine! May magandang balita, Elaine!”Nang makita ni Elaine ang sabik na ekspresyon niya, tumibok nang malakas ang puso niya, at hindi niya mapigilan na sabihin, “Anong magandang balita? Bakit sabik na sabik ka?”Ipinaliwanag nang nagmamadali ng babaeng guwardiya, ‘Elaine, nandito ang abogado mo!”“Ang abogado ko?!” Agad nanigas ang ekspresyon ni Elaine at sinabi, “Si Jakel White ba ito? Anong ginagawa niya rito?!”Sabik na sinabi ng babaeng guwardiya, “Nandito siya para makipagkita sayo. Sinabi niya na may ilang magandang balita siya na gusto niyang sabihin sayo sa personal.”Natulala si Elaine at kumunot ang noo habang sinabi, “Maaari ba… Maaari ba na nilinis na niya ang hinala sa akin?!”Sinabi nang walang pag-aatubili ng babaeng guwardiya, “Gano’n siguro. Kung hindi, paano ito magiging magandang balita?! Binabati kita, Elaine! Malapit nang