“Gusto mong magsuot ng qungua para samahan akong enjoyin ang mga cherry blossom?”Hindi rin mapigilan ni Charlie na asamin ito nang marinig niya ang mga sinabi ni Nanako.Kahit na hindi niya pa nakikita ang imahe ni Nanako na may suot na pulang qungua, kasama na ang pink at puting cherry blossom kung saan-saan, siguradong magiging napakagandang imahe ito.Kaya, sinabi niya kay Nanako, “Kung gano’n, dapat akong pumunta sa Japan sa susunod na tagsibol!”Sinabi nang sobrang saya ni Nanako, “Talaga?! Deal na, kung gano’n! Hihintayin kita sa Japan sa susunod na tagsibol!”Nagkasundo ang dalawa, at sobrang ganda ng kalooban ni Nanako. Hindi niya mapigilan na hawakan ang braso ni Charlie at nagkusa siyang hawakan ang kamay niya at sabihin nang malambot sa tabi niya, “Charlie-kun, sobrang saya ko talaga ngayong araw. Kaarawan ni Otou-san, at hindi ko man lang naisip na pupunta ako sa New York para makita ka. Ang pinakamahalaga, gumaling si Otou-san, na sobrang laki para sa kanya…”Pagkas
Hindi niya mapigilan na bumuntong hininga at sabihin, “Charlie-kun, sa opinyon ko, hindi kakaiba para sa pamilya na magkaroon ng daang-daang taon na kasaysayan. Kahit na iba’t ibang kaguluhan ang nangyari sa buong mundo sa nakaraang ilang daang taon, may heograpikal na kalamangan ang Japan, kaya hindi talaga nagkaroon ng kahit anong digmaan sa tinubuang-bayan namin. Kaya, halos lahat ng ninja family sa Japan ay may daang-daang taon na kasaysayan, at maraming brand din sa mahabang kasaysayan…”“Pero sa totoo lang, wala pa akong naririnig na pamilya o organisasyon na lumaki at umunlad sa sobrang palihim na paraan ng daang-daang taon…”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Nanako, “Charlie-kun, ang mga dead soldier na binanggit mo kanina lang ay mahigpit na kinokontrol ng organisasyon na ito ng daang-daang taon, at hindi pa nalalaman ng mga dead soldier na ito ang mga detalye ng organisasyon ng daang-daang taon. Hindi man lang nila alam kung saan sila karaniwang nakatira, at ang ibig sabihin a
Halos kalahating oras na tumakbo sina Yahiko at Hiroshi sa Central Park, pero hindi pa rin sila kuntento sa pagtakbo.Kung hindi dahil sa oras na para magsimula ang birthday banquet, tatakbo pa silang dalawa hanggang hatinggabi.Sa daan pabalik, sobrang saya ni Yahiko. Habang pinupunasan niya ang pawis gamit ang mga kamay niya, sinabi niya kay Hiroshi, “Hiroshi, hindi pa ako kuntento sa pagtakbo kanina. Tatakbo ako bukas ng alas sais ng umaga. Tatakbo ako ng tatlong laps paikot sa Central Park!”Sinabi agad nang magalang ni Hiroshi, “Masusunod, Mr. Ito!”Hindi mapigilan ni Nanako na paalalahanan siya, “Otou-san, kagagaling mo lang, kaya mas mabuti na hindi ka mag-ehersisyo ng sobra.”Kinaway ni Yahiko ang kamay niya at sinabi nang seryoso, “Ayon sa mga utos ni Mr. Wade, hindi ako makakalabas nang kaswal para makatakbo pagbalik ko sa Japan, kaya dapat subukan kong maglakad at tumakbo hangga’t maaari sa United States dahil kaunting tao lang ang nakakakilala sa akin dito. Pagkatapos
Samantala, lumilipad nang napakabilis ang Gulfstream business jet ng pamilya Schulz sa itaas na United States. May isang oras na lang ng flight para makarating ang eroplanong ito sa New York.Si Sheldon, ang panganay na anak na lalaki ng pamilya Schulz, pati na rin ang ama nina Sophie at Rosalie, ay natulog sa loob ng kwarto sa eroplano sa buong biyahe.Nang malapit na sila sa destinasyon, sa wakas ay nagising na si Sheldon at lumabas sa kwarto.Sa sandaling ito, nakaupo si Yashita sa tabi ng bintana habang nakatingin siya nang tulala sa labas ng bintana.Tiningnan ni Sheldon ang gilid ng mukha ni Yashita, at nakaramdam siya ng bugso sa puso niya.Sa totoo lang, sobrang ganda ni Yashita. Ang taon-taon na pagsasanay sa martial arts ay pinagmukhang mas bata siya sa karaniwang babae sa parehong edad, at pinanatili rin nitong payat ang katawan niya, kaya mukhang nasa 30s pa lang siya.Pero, ang nag-iisang sayang lang ay walang laman ang kanang manggas niya.Kailan lang, pagkatapos m
Si Sheldon, na nasa kumplikadong kalooban, ay nag-alangan at umupo sa harap ni Yashita.Nang makita siya ni Yashita na lumapit, ngumiti siya nang bahagya at tinanong siya, “Kumusta ang tulog mo?”“Maayos naman,” sumagot si Sheldon. Tumingin siya sa labas ng bintana at tiningnan si Yashita habang tinanong siya, “Bakit hindi ka pumunta sa loob at magpahinga?”Medyo nabigla si Yashita. Ang loob ng Gulfstream aircraft ay binago at ginawang isang kwarto lang. Kahit na sinabi ni Sheldon sa simula na pwede silang dalawang magpahinga sa kwarto nang magkasama, pakiramdam niya pa rin na medyo hindi ito angkop.Natatakot si Sheldon na mali ang pagkakaintindi ni Yashita sa kanya, kaya sadya niyang diniin na wala itong ibang ibig sabihin. Naisip niya lang na pwede silang maghati sa kwarto para makapagpahinga silang dalawa sa daan dahil mahabang biyahe ito.Hindi siya tinanggihan ni Yashta, ngunit sinabihan niya lang si Sheldon na magpahinga muna habang umupo siya sa labas nang mahigit sampung
Pero, sa sandaling nagsimulang mapunta sa pinakababa ang buhay ng ganitong uri ng lalaki, tataas din ang puso niya sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, siguradong makakaramdam siya ng pagtataboy at pandidiri sa mga taong sa una ay naaakit sa kanya.Maraming taon nang mahal ni Yashita si sheldon, at mag-isa niyang pinalaki si Rosalie, kaya matagal na siyang sanay sa antas na emosyon ng isang tao. Kaya, ayaw niyang tanggapin si Sheldon sa pinakamababang punto ng buhay niya at magkaroon ng kahit anong emosyonal na kagustuhan sa kanya.Marahil ay kapag isang araw, nasa maayos na kalooban si Charlie, makakapagbigay si Sophie o Rosalie ng ilang magagandang salita para kay Sheldon sa harap ni Charlie. Marahil ay tanggalin ni Charlie ang parusa para sa kanya, at siguradong magiging mainipin si Sheldon at gugustuhin na umalis sa Aurous Hill para maibalik ang sarili niyang buhay.Dahil, nasa kamay na ni Sophie ang pamilya Schulz ngayon. Sa sandaling nakalaya si Sheldon, siguradong sisiguraduhin n
Lumipad ang eroplano sa kalangitan sa gabi ng New York at tumigil nang matatag sa JFK Airport.Matagal nang naghihintay dito nang balisa si Rosalie.Naiinip si Rosalie na hintaying huminto nang mas maaga ang eroplano ng kanyang ina pagkatapos makita na tumubo ulit ang mga naputol na paa nina Yahiko at Hiroshi gamit ang sarili niyang mga mata.Pagkatapos dumaan nina Yashita at Sheldon sa customs nang magkasama, mabilis na lumapit si Rosalie sa kanila nang makita niyang lumabas sila sa passage. Hindi niya maitago ang pananabik niya at sinigaw, “Ma!”Nang makita ni Yashita si Rosalie, tumakbo siya nang masaya at niyakap si Rosalie gamit ang isang kamay habang tinanong nang nakangiti, “Gaano katagal ka nang naghihintay dito?”Sinabi ni Rosalie, “Saglit pa lang ako nandito.”Tumango si Yashita at binulong, “Batiin mo ang ama mo.”Tumingin si Rosalie kay Sheldon, na nasa malapit. Kahit na medyo nahihiya siya, sinabi niya pa rin nang magalang, “Hello, Mr. Sheldon.”Medyo natulala si S
Ang cultivation level mo Rosalie nang pumunta siya dito ay three-star martial artist, kaya sa una ay nababasa pa ni Yashita ang cultivation level ni Rosalie.Pero, nang makita niya ulit si Rosalie ngayon, nalaman niya na hindi na niya makita ang cultivation leven ni Rosalie. Kaya, hula niya na tumaas ang cultivation level ni Rosalie.Tumango nang seryoso ni Rosalie at sinabi, “May ilang progreso ako sa cultivation level ko salamat sa biyaya ni Mr. Wade.”Sinabi agad nang sabik ni Yashita, “Magaling! Bukod sa lolo mo, may isa pang four-star martial artist ang pamilya natin! Binabati kita! Magiging sobrang saya ng lolo mo kapag nalaman niya ang tungkol dito!”Tinikom ni Rosalie ang mga labi niya at sinabi nang seryoso, “Ma, five-star martial artist na ako ngayon…”“Five-star?!” Nagulat si Yashita at tinanong nang hindi nag-iisip, “Rosalie, kailan lang tayo nagkita, kaya paano mo nagawang umangat ng dalawang cultivation level at maging isang five-star martial artist?! Masyado… Masyad
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro