Ngumiti nang kaunti si Charlie at naglakad sa harap niya habang sinabi, “Ayos lang. Medyo naging emosyonal lang si Mr. Ito kanina. Masyado siyang nanabik kasi masaya siya, kaya hindi mo kailangan mag-alala masyado. Lalabas siguro siya makalipas ang ilang minuto.”Nalito nang kaunti si Nanako at tinanong nang maingat, “Anong nangyari at naging sobrang saya ni Otou-san sa punto na iiyak siya?”Sobrang misteryoso ni Charlie habang sinabi, “Huwag kang mag-alala. Malapit mo nang malaman.”Nang makita ni Nanako na ayaw itong sabihin nang lantaran ni Charlie, tumango siya at sinundan si Charlie pabalik sa sala kasama ang kanyang tita.Habang iniisip pa rin ni Nanako kung ano ang nangyari, si Rosalie, na nasa tabi niya, ay nananabik na nang sobra sa punto na nagpapawis na ang mga palad niya.Isa na siyang five-star martial artist ngayon, at ang talas ng mga pakiramdam niya ay hindi na katulad ng dati. Kaya, kahit na walang intensyon si Rosalie na makinig nang palihim sa usapan nina Charli
Nagulantang sina Emi at Nanako sa mga sinabi ni Yahiko!Tumingin sina Emi at Nanako sa isa’t isa habang may hindi makapaniwalang tingin sa kanilang mga mukha.Nang makita ni Yahiko ang nagulantang na histura nila, hindi niya mapigilan na sumipa nang ilang beses habang sinabi niya nang sabik, “Emi, Nanako, tingnan niyo! Hindi ako nagbibiro sa inyo. Hindi prostheses ang mga binti na ito! Sarili kong binti ang mga ito!”Biglang sinabi ni Emi, “Ano?! Oni-chan! Ito… Paano ito nangyari?!”Si Nanako, na nakatulala habang nakatayo siya sa gilid, ay biglang natauhan, sumugod sa kanyang ama, at tinanong nang sabik, “Otou-san! Hindi ba talaga ako nananaginip? Ang mga binti mo… bumalik na ba talaga ang mga binti mo?”Napuno ng mga luha ang mga mata ni Yahiko, at hindi niya mapigilan na tumango nang hindi walang kontrol. “Totoo ito, Nanako! Bumalik na nga ang mga binti ko!”Tuwang-tuwa si Nanako, at tumingin siya sa paligid nang hindi namamalayan para hanapin si Charlie, na hindi malayo sa li
Nang makita ito ni Hiroshi, tumakbo rin siya at inabot ang dalawang kamay niya para salubungin siya.Pinagdaup ng master at tauhan ang mga kamay nila sa sobrang sabik. Napuno ng luha si Yahiko habang sinabi niya nang maluwag, “Hiroshi, hindi ako mabubuhay kung wala ang proteksyon! Sobrang saya ko talaga at gumaling ka rin. Wala talaga akong pagsisisi!”Humikbi rin si Hiroshi at sinabi, “Mr. Ito, mas mahalaga sa kahit ano ang makita kang makatayo ulit sa mga paa mo!”Naantig si Charlie nang makita niya na pinapahalagahan ng master at tauhan ang isa’t isa, pero sa parehong oras, hindi niya mapigilan na paalalahanan sila, “Medyo nakakagulat pa rin sa buong mundo ang pagtubo ulit ng mga pinutol na binti niyo, kaya kapag bumalik kayong dalawa sa Japan, dapat bigyang atensyon niyo na huwag magbunyag ng mga detalye sa pagbabalik ng mga binti niyo sa harap ng mga di kilalang tao para hindi makakuha ng mga hindi kailangan na atensyon sa sarili niyo.”Sinabi ni Yahiko nang walang pag-aatubil
Central Park, New York.Sina Yahiko at Hiroshi, na may suot na sportswear at shorts, ay may suot na mga facemask habang naglalakad sila sa parke.Nagsimula ang dalawa sa paglalakad, pero pagkatapos ng ilang hakbang, hindi nila namamalayan na pabilis nang pabilis ang lakad nila, at sa huli, parang isa itong karera papunta sa dulo habang iniwan nila sina Charlie at Nanako.Si Nanako, na may suot na kimono, ay hindi pinansin ang mga nasorpresang tingin ng mga taong dumadaan at naglakad siya nang hindi nagmamadali sa tabi ni Charlie. Tumingin siya sa likod ng kanyang ama at ni Hiroshi habang sinabi niya nang nakangiti, “Charlie-kun, mukhang nagkakarera sina Otou-san at Tanaka-san.”“Gano’n ba?” Nang makita ni Charlie na palayo sila nang palayo, hindi niya mapigilan na sabihin nang masaya, “Maaari ba na nagkakarera sila para makita kung sino ang mas mabilis maglakad?”“Gano’n siguro.” Tinikom ni Nanako ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Tingnan mo si Otou-san! Mukhang tumatal
Hindi alam ni Charlie kung ano ang sumagi sa kanya habang sinabi niya, “Hindi ito mahalaga. May susunod pa na taon kung hindi mo ito nagawa ngayong taon.”Pagkasabi nito, napagtanto niya na mali ang sinabi niya.Pero, huli na nang mapagtanto niya ang pagkakamali niya.Nang marinig ni Nanako ang mga sinabi ni Charlie, tumalikod siya, tumingin nang sabik sa kanya, at lumaki ang mga mata niya habang tinanong, “Charlie-kun! Handa ka ba talagang samahan ako para enjoyin ang mga cherry blossom sa susunod na taon?”Tumango si Charlie nang hindi namamalayan at pumayag nang makita niya ang umaasang ekspresyon ni Nanako.Sa sobrang sabik ni Nanako, hindi niya mapigilan na sabihin nang umaasa, “Magaling! Ipapakita ko sayo ang mga pinakamagandang cherry blossom sa Japan!”Dahil sinabi na ni Charlie ang mga salitang ito, hindi na siya nag-atubili at sinabi, “Sabihin mo sa akin ang dalawa pa. Susubukan kong tuparin ang mga hiling mo sa susunod na taon.”“Talaga?!” Agad napuno ng sukdulan na s
“Gusto mong magsuot ng qungua para samahan akong enjoyin ang mga cherry blossom?”Hindi rin mapigilan ni Charlie na asamin ito nang marinig niya ang mga sinabi ni Nanako.Kahit na hindi niya pa nakikita ang imahe ni Nanako na may suot na pulang qungua, kasama na ang pink at puting cherry blossom kung saan-saan, siguradong magiging napakagandang imahe ito.Kaya, sinabi niya kay Nanako, “Kung gano’n, dapat akong pumunta sa Japan sa susunod na tagsibol!”Sinabi nang sobrang saya ni Nanako, “Talaga?! Deal na, kung gano’n! Hihintayin kita sa Japan sa susunod na tagsibol!”Nagkasundo ang dalawa, at sobrang ganda ng kalooban ni Nanako. Hindi niya mapigilan na hawakan ang braso ni Charlie at nagkusa siyang hawakan ang kamay niya at sabihin nang malambot sa tabi niya, “Charlie-kun, sobrang saya ko talaga ngayong araw. Kaarawan ni Otou-san, at hindi ko man lang naisip na pupunta ako sa New York para makita ka. Ang pinakamahalaga, gumaling si Otou-san, na sobrang laki para sa kanya…”Pagkas
Hindi niya mapigilan na bumuntong hininga at sabihin, “Charlie-kun, sa opinyon ko, hindi kakaiba para sa pamilya na magkaroon ng daang-daang taon na kasaysayan. Kahit na iba’t ibang kaguluhan ang nangyari sa buong mundo sa nakaraang ilang daang taon, may heograpikal na kalamangan ang Japan, kaya hindi talaga nagkaroon ng kahit anong digmaan sa tinubuang-bayan namin. Kaya, halos lahat ng ninja family sa Japan ay may daang-daang taon na kasaysayan, at maraming brand din sa mahabang kasaysayan…”“Pero sa totoo lang, wala pa akong naririnig na pamilya o organisasyon na lumaki at umunlad sa sobrang palihim na paraan ng daang-daang taon…”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Nanako, “Charlie-kun, ang mga dead soldier na binanggit mo kanina lang ay mahigpit na kinokontrol ng organisasyon na ito ng daang-daang taon, at hindi pa nalalaman ng mga dead soldier na ito ang mga detalye ng organisasyon ng daang-daang taon. Hindi man lang nila alam kung saan sila karaniwang nakatira, at ang ibig sabihin a
Halos kalahating oras na tumakbo sina Yahiko at Hiroshi sa Central Park, pero hindi pa rin sila kuntento sa pagtakbo.Kung hindi dahil sa oras na para magsimula ang birthday banquet, tatakbo pa silang dalawa hanggang hatinggabi.Sa daan pabalik, sobrang saya ni Yahiko. Habang pinupunasan niya ang pawis gamit ang mga kamay niya, sinabi niya kay Hiroshi, “Hiroshi, hindi pa ako kuntento sa pagtakbo kanina. Tatakbo ako bukas ng alas sais ng umaga. Tatakbo ako ng tatlong laps paikot sa Central Park!”Sinabi agad nang magalang ni Hiroshi, “Masusunod, Mr. Ito!”Hindi mapigilan ni Nanako na paalalahanan siya, “Otou-san, kagagaling mo lang, kaya mas mabuti na hindi ka mag-ehersisyo ng sobra.”Kinaway ni Yahiko ang kamay niya at sinabi nang seryoso, “Ayon sa mga utos ni Mr. Wade, hindi ako makakalabas nang kaswal para makatakbo pagbalik ko sa Japan, kaya dapat subukan kong maglakad at tumakbo hangga’t maaari sa United States dahil kaunting tao lang ang nakakakilala sa akin dito. Pagkatapos
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka