Ngumiti si Charlie at sinabi, “Oh, narinig mo na ang tungkol sa Rejuvenating Pill. Narinig mo ito sa tito ko, tama?”“Tito mo…” Natulala saglit si Merlin, at bumungad sa kanya ang pagpapakilala ni Charlie noong kagigising pa lang niya, at sinabi niya, “Si Christian nga ang nagsabi nito sa akin…”Tumango si Charlie at tinanong nang nakangiti, “Dahil binanggit niya ang Rejuvenating Pill sayo, siguro ay binanggit niya rin na pinaalis siya ng organizer sa auction para sa Rejuvenating Pill, tama?”Lumaki ang mga mata ni Merlin sa gulat habang sinabi, “Paano… Paano mo nalaman iyon?”“Syempre alam ko.” Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Dahil tulad ng Regenerating Pill, sa akin din ang Rejuvenating Pill. Ako ang sponsor sa likod ng auction, at ako ang nagsabi sa mga tauhan ko na paalisin siya sa auction.”Nagulat si Merlin at sinabi, ‘Bakit mo siya pinaalis kahit na alam mo na siya ang tito mo?”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Noong pinaalis ko siya, hindi ko alam ang tunay na pa
Naramdaman din ni Merlin na medyo bastos para sa kanya na umupo lang sa pool na ito.Kaya, tinanong niya nang hindi akma, “Ah, may kahit anong damit ba na magagamit ko?”Tumingin si Charlie kay Kathleen, na nasa gilid, at sinabi, “Miss Fox, pwede mo bang tulungan si Chief Lammy sa problema niya?”Tumango si Kathleen at sinabi nang nagmamadali, “Maraming damit sa trabaho para sa mga scientific researcher dito. Kukuha ako ng isang set para kay Chief Lammy!”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Salamat, Miss Fox.”Tumalikod at umalis si Kathleen, at mabilis siyang bumalik dala-dala ang isang set ng mga damit para kay Merlin.Pagkatapos isuot ni Merlin ang mga damit, sinundan niya si Charlie papasok sa lounge sa kabilang kwarto.Pagkatapos ay binigyan ni Charlie ng isang bote ng tubig si Merlin. Pagkatapos itong kunin ni Merlin, hindi na siya nakapaghintay na inumin ang buong bote ng tubig, at pagkatapos punasan ang bibig niya, hindi niya mapigilan na sabihin, “Young Master Wade, sa
Sinabi ni Charlie, “Narinig ko sa dating tauhan ng aking ama na noong namatay ang mga magulang ko, inatake sila ng isang grupo ng mga dead soldier. Pagkatapos nilang magtagumpay, kinagat nilang lahat ang mga lason sa bibig nila at namatay agad. Ang pamamaraan na ginamit nila ay katuald sa mga grupo ng dead soldier na nakita natin sa stadium. Kahit na may dalawampung taon na layo ang dalawang pangyayari, kung isasaalang-alang ang katotohanan na daang-daang taon na ang organisasyon ng kabila, sa tingin ko ay parehong organisasyon nag nasa likod ng dalawang pangyayari na ito.”Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Young Master Wade, paano mo nalaman na may kasaysayan na daang-daang taon ang organisasyon na ito?”Sinabi ni Charlie, “May nahuli akong isang buhay at sinabihan siya na bigyan ako ng ilang impormasyon tungkol sa mga dead soldier.”Pagkasabi nito, sinabi ni Charlie kay Merlin ang lahat ng impormasyon na nakuha niya mula kay 547 sa sandaling iyon.Nagulat nang sobra si Merlin sa
Nagulat si Merlin nang marinig niya ito, at matagal siyang hindi natauhan.Sobrang pamilyar siya sa Ten Thousand Armies dahil sa dati niyang trabaho, at alam niya pa na nag-invest ng maraming pera ang Ten Thousand Armies para itayo ang sarili nitong permanenteng base sa Syria.Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng permanenteng base para sa isang mercenary organization ay mas angat sila sa lahat ng ibang mercenary organization.Ang mga mercenary ay mas nakakadiri para sa mga law enforcement agency sa iba’t ibang bansa kaysa sa mga underground force tulad ni Albert.Karamihan ng mga mercenary organization ay itinuturing na kalaban ng publiko na pinupuna at tinataboy ng lahat ng bansa sa buong mundo. Kaya lang nilang mabuhay nang palihim, at hinding-hindi sila maglalakas-loob na ipakita ang signboard nila maliban kung kayang makipagtulungan nang malalim ng organisasyon sa gobyerno.Kahit na maraming mercenary organization sa United States, bukod sa ilang organisasyon na pwedeng makipagt
Tumango si Charlie at sinabi, “Nakilala nila ako sa gabing iyon at alam nila na nagpadala ako ng tao para kunin ka, pero baka hindi nila inaasahan na mabubuhay ka muli. Kapag nakita mo sila, sabihin mo sa kanila na isang misteryosong tao ang nagligtas sayo pagkatapos kang bigyan ng isang pill. Pagkatapos nila, sinabihan nila si Miss Fox na ipadala ka para makipagkita sa kanila. Para naman sa kung sino talaga ang misteryosong tao, sabihin mo sa kanila na hindi mo alam. Siguradong iuugnay nila ang taong nagligtas sayo sa taong nagligtas sa kanila. Hayaan mo na sila ang manghula.”“Okay, Young Master Wade!” Sinabi nang seryoso ni Merlin, “Tatandaan ko ito.”Tumango si Charlie, binuksan ang pinto, tinawagan si Kathleen, at sinabi, “Miss Fox, mangyaring maghanda ka ng isang helicopter para dalhin si Chief Lammy sa Ark Building sa Manhattan. Mas mabuti na tawagan mo muna ang tito ko. Sabihin mo lang sa kanila na gusto mo silang bisitahin. Noong niligtas ko sila sa araw na iyon, ikaw ang na
Ang isang family trust ay isang sobrang ligtas na asset protection sa Europe at United States.May kasabihan sa Oskia na ang kayamanan ay hindi tumatagal ng tatlong henerasyon. Ang dahilan para dito ay ang mga ama ang kumita ng mga kayamanan habang ang mga anak at apo ang nabuhay nang gastador, nag-aaksaya ng salapi, may mababang pannaw, at walang kakayahan para panatilihin ang mga negosyo nila na madaling hahantong sa bankruptcy at pagbalik nila sa orihinal nilang anyo.Ang dahilan para dito ay ang abilidad at pagkatao ng mga anak at apo ay wala sa kontrol nila. Sa sandaling may problema sa abilidad at pagkatao nila, mahirap na pigilan ang paglubog ng pamilya.Bukod dito, may iba’t ibang natural na sakuna rin bukod sa mga sakuna na gawa ng tao.Pero, epektibong tinatanggal ng family trust ang panganib ng natural na sakuna at sakuna na gawa ng tao.Ang ibig sabihin ng paglalagay ng pera sa trust ay susuko ang isa na magkaroon ng direktang kontrol sa pera sa labas. Ang mga supling
Sa sandaling ito, nagbago nang sobra ang mga mukha nila Kaeden, Christian, at Keith!Sinabi ni Kaeden, “Nakilala mo si Adrienne sa pangalawang taon pagkatapos pumanaw ni Ashley… Labing siyam na taon nang nananatiling nakatago si Adrienne sa tabi mo hanggang sa aksidente ngayong araw… Ang grupo ng mga tao na gustong pumatay sa atin ay kaugnay siguro sa taong pumatay kay Ashley dati!”Sinabi ni Keith sa paghanga, “Kung gano’n, hindi sila kuntento sa pagpatay lang kay Ashley at Curtis, at maingat silang nagtanim ng isang bomba sa tabi ni Jaxson para pasabugin makalipas ang labing siyam na taon. Ano ba talaga ang balak gawin ng mga taong ito?! Bakit naghintay sila nang napakatagal kung gusto nilang puksain ang buong pamilya Acker?”“Tama…” Nalito rin si Christian at sinabi, “Sobrang lakas at makapangyarihan sila, kaya hindi nila kailangan maghintay hanggang ngayon para atakihin tayo kung may malalim na galit talaga sila sa atin…”Sinabi ni Keith, “Ang hindi ko talaga maintindihan ay ga
Biglang dumilim ang ekspresyon ng tatlong magkakapatid dahil sa sinigaw ni Lord Acker.Kahit na unti-unting dumating sa konklusyon na ito ang lahat, nakaramdam pa rin ang lahat ng lamig sa likod nila nang sinigaw ito nang malakas ng matandang lalaki.Sinabi ni Kaeden habang may nalilitong ekspresyon, “Hindi ko maintindihan… Anong klaseng poot o galit ang mayroon ang mga taong ito sa atin? Bakit nila tayo binantayan ng dalawampung taon?”Nalito si Jaxson habang sinabi, “Walang ginawa ang pamilya Acker para saktan ang kahit sino sa mga taon noong iniipon natin ang asset natin! Sa mga nagdaang taon, karamihan ng asset natin ay nagmula sa Angel investment dati, lalo na sa ate ko, na sinuportahan ang kalahati ng Silicon Valley nang mag-isa. Sino ang magkakaroon ng ganitong awayan ng dugo sa atin?”Sinabi ni Christian habang may malamig na ekspresyon, “Marahil ay may gusto silang kunin sa atin.”Tinanong siya ni Jaxson, “Christian, ano ang ibig mong sabihin? Maaari ba na gusto nilang ku
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro