Tinatangkilik ng mga inmate ng buong selda ang palabas, at walang may gustong magsalita para bigyang hustisya si Elaine. Kaya, nagngalit na lang si Elaine at tumango.Kahit na sobrang sama ng kalooban ni Elaine, hindi siya nangahas na suwayin si Chloe.Dahil, wala siyang magawa kundi sumuko dahil hindi maganda ang sitwasyon niya. At saka, mas wala siyang magawa dahil nasa ibang bansa siya ngayon at wala siyang maaasahan.Buti na lang, kaya pang sumabay ni Elaine sa sitwasyon, at ang magagawa niya lang ay sumuko at sumunod nang makita niya na hindi niya kayang kalabanin si Chloe.Nang akita ni Chloe na nilunok ni Elaine ang lahat ng toothpaste na nasa bibig niya, ngumiti siya nang mapanghamak at tinanong nang malamig, “Tinulungan ka ba ng toothpaste na maalala kung paano magmasahe ng paa?”Tumango nang paulit-ulit si Elaine at sinabi, “Naaalala ko… Naaalala ko…”Suminghal si Chloe at pinagalitan siya, “Dahil naaalala mo na kung paano ito gawin, bakit hindi ka kumukuha ng isang pal
Tinanggal ni Chloe ang paa niya sa maligamgam na tubig at sinipa ang dibdib ni Elaine habang sinabi nang malamig, “Tanda, kailangan mong malaman ang lugar mo dito. Kapag nandito ka, may isang pagpipilian ka lang, at iyon ay sundin ang sinasabi ko. Kung hindi, may sampung libong paraan ako para parusahan ka. Naiintindihan mo ba ako.”May baling rib na si Elaine. Pagkatapos sipain nang ganito, kahit na hindi tinamaan ni Chloe ang baling rib niya, napaiyak si Elaine sa sakit.Hindi mapigilan ni Elaine na tumingin sa ibang inmate habang umaasa siya na may aabante para magbigay hustisya sa kanya o magmakaawa man lang kay Chloe para sa kanya. Pero, hindi niya inaasahan na ang lahat ng tao sa selda, kasama na ang Oskian na babae na kumausap sa kanya at nagsalin ng mga sinasabi nila para sa kanya kanina lang, ay nanonood lang habang pinapahirapan siya. Kaya, tumango nalang siya at humikbi at iniya, “Naiintindihan ko… Naiintindihan ko…”Ngumisi si Chloe at tumingin sa oras habang sinabi, “Na
Alam ni Elaine na maraming masasamang tao na nakikipagsabwatan sa lugar na ito, at hindi ito ang tamang oras para makipagtalo sa babaeng Amerikanong guwardiya na ito. Kaya, tinanong siya nang mabilis ni Elaine, “Pwede ko na bang tawagan ang pamilya ko ngayon?”“Oo.” Sinabi nang magaan ni Jacelyn, “Oras na para magpahinga pagkatapos maghapunan. Pwede mong gamitin ang ID card mo para tawagan ang pamilya mo kung gano’n.”Pagkasabi nito, palihim siyang naglagay ng isang piraso ng papel sa kamay ni Elaine at binulong, “Ito ang number ng nakababatang kapatid na babae ko. Pwede mo siyang tawagan kung gusto mong bumili ng mga sigarilyo.”Hindi na siya makapaghintay na tawagan si Charlie ngayon at umiyak para magawa ni Charlie ang lahat ng kaya niya para iligtas siya.Pero, kung gusto niyang tumawag sa bahay, kailangan niyang maghintay pagkatapos ng hapunan at nasa labas na ng field ang lahat.Kaya, sinundan na lang ni Elaine ang malaking grupo papunta sa dining hall.Habang nasa dining h
Medyo gumaan ang pakiramdam ni Elaine nang marinig ito.Hindi nga maliit na halaga ang two thousand US dollars kung gagawin itong Oskian dollars, pero naniniwala si Elaine sa abilidad ng manugang niya na kumita ng pera.Dahil, kayang kumita ni Charlie ng ilang milyong Oskian dollars sa tuwing lumalabas siya at nagbabasa ng Feng Shui para sa iba. Nasa daang-daang libong US dollars ito, at sapat na ito para mabuhay siya nang hindi nag-aalala sa presinto nang matagal.Nang maisip niya ito, sinabi niya nang nagmamadali kay Chloe, “Okay! Tatawagan ko ang manugang na lalaki ko pagkatapos maghapunan basta’t tutuparin mo ang pangako mo!”“Okay!” Tumango si Chloe nang kuntento.Matagal na siya sa Bedford Hills Correctional Facility, pero kahit kailan ay wala pa siyang nakikilalang inmate na may napakalakas na pananalapi.Sa una ay balak niyang magpabili ng sigarilyo kay Jacelyn para makatanggap din siya ng 50 US dollars bukod sa sigarilyo.At kanina lang, sinabi sa kanya ni Jacelyn nang
Hindi makontrol ni Elaine ang paghikbi niya sa tawag.Sinabi niya kay Charlie ang lahat sa kung paano siya binugbog ni Chloe, pinuwersa siyang masahehin ang paa ng walong tao, at kung paano siya bina-blackmail ni Chloe at Jacelyn. Pagkatapos sabihin ni Elaine ang lahat kay Charlie, mas lalo siyang nagalit at naagrabyado habang umiiyak at sinabi, “Mahal kong manugang, baka bugbugin nila ako nang sobra bukas kung hindi ka bibili ng dalawang sigarilyo sa guwardiya…”Alam ni Charlie na masama ang sitwasyon ng mga presinto sa United States, pero hindi niya inaasahan na sobrang sama nito.Sa una ay umaasa siya na makakatanggap si Elaine ng ilang praktikal na edukasyon sa presinto sa United States, pero mukhang ang reality education na ito ay masyadong masama ayon sa sinabi ni Elaine.Kaya, sinabi niya kay Elaine, “Huwag kang mag-alala, Ma. Hihilingin ko sa kliyente ko na tulungan akong bumili ng mga sigarilyo.”Huminga nang maluwag si Elaine at sinabi nang nagmamadali, “Siya nga pala, m
Tumawa si Kathleen at sinabi, “Maliit na prison warden lang ito, kaya sa totoo lang, kung gusto ko talaga siyang hanapin, baka kailangan kong dumaan sa ilang patong pababa sa mga koneksyon ko. Pero, kung may kahit anong kailangan ka sa warden, pwede kong sabihan ang mga kakilala ko sa judicial department na mangialam, at mabilis itong maaayos.”Sinabi ni Charlie, “Okay. Siya nga pala, sabihan mo ang kakilala mo na batiin ang warder at ilipat sa selda kung nasaan ang biyenan na babae ko ang tatlong babaeng sundalo mula sa Ten Thousand Armies na ipinadala ni Porter sa Bedford Hills Correctional Facility. Ibibigay ko sayo ang impormasyon tungkol sa mga pagkakakilanlan nila mamaya.”Pumayag agad si Kathleen, “Okay, Mr. Wade.”***Samantala, sa Bedford Hills Correctional Facility sa hilagang labas ng bayan ng New York.Sa kalagitnaan ng isang oras na pahinga, ang guwardiya, si Jacelyn, ay lumapit sa tabi ni Chloe at binulong, “Binayaran na ng pamilya ni 1024 ang mga sigarilyo. Magpapad
Mabilis na lumipas ang isang oras na pahinga, at pumila na ang mga inmate para bumalik sa mga selda nila sa ilalim ng pagbabantay ng mga guwardiya.Bumalik si Elaine sa selda kasama ang mga inmate habang puno ng pangamba. Mas lalo siyang nangamba pagdating sa selda niya.Hindi niya alam kung gaano katagal aabutin para magamit ni Charlie ang mga koneksyo niya upang makuha ang pera at ipadala ito sa kapatid na babae ni Jacely para sa mga sigarilyo, at hindi niya rin alam kung titigilan na ni Chloe ang pang-aapi sa kanya.Pagkatapos bumalik sa selda, tahimik na pumunta si Elaine sa kama niya, pero basa pa rin ang kama niya. Kahit hindi na matulog, hindi man lang siya makaupo dito.Lumapit si Chloe sa kama sa harap ni Elaine habang may ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos umupo, tumingala siya kay Elaine, na masunurin, at ngumiti habang sinabi, “1024, sinabi ng guwardiya na natanggap na niya ang pera mula sa pamilya mo para bilhin ang mga sigarilyo.”Nang marinig ito ni Elaine, huminga
Tumayo siya, inabot ang kamay niya, at sinunggaban ang kuwelyo ni Elaine habang tinitigan niya si Elaine sa mga mata niya at sinabi nang malamig, “Tandaan mo ito! Ako ang reyna sa lugar na ito! Tatayo ka kapag sinabi ko na tumayo ka, at luluhod ka kapag sinabi ko na lumuhod ka! Kahit na sabihan kita ng kumain ng dumi, kailangan mong buksan ang bibig mo at lunukin ito para sa akin! Dapat mong sundin ang lahat ng utos ko nang walang angal kung gusto mong mabuhay! Kung hindi, ipaparamdam ko sayo ang buhay na mas malala pa sa kamatayan! Naiintindihan mo ba?”Nataranta si Elaine at tumango. “Naiintindihan ko… Naiintindihan ko…”Suminghal si Chloe at nagpatuloy, “Dati ay may baguhan na katulad mo na sumusunod lang sa akin sa labas pero palaging masama ang loob at may galit sa akin. Pagkatapos, sinaksak ko ang dalawang mata niya gamit ang isang toothbrush habang natutulog siya. Kung hindi mo ako gagalangin sa kailaliman ng puso mo, ikaw ang sunod na tao na bubulagin ko!”Natakot nang sobra
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro