Sa kalagitnaan ng gabi, nagmamaneho si Christopher kasama si Kenneth at ang dalawang bodyguard niya at sumugod sila sa hospital.Hindi na hinintay ni Kenneth ang pila, sa halip, sumugod siya sa isa sa mga emergency room kasama ang mga bodyguard niya.Nang makita niya ang isang lalaking doktor na nakaharap sa computer, tinanggal niya ang kanyang sinturan at hinubad ang pantalon niya.Nagulat nang sobra ang lalaking doktor.“Hoy, anong ginagawa mo? Baliw ka ba?!”Tumili sa takot ang doktor, “Isuot mo ang pantalon mo o tatawagan ko ang mga guwardiya!”Walang makakaintindi sa ganitong kakaibang eksena sa kalagitnaan ng gabi.Nagmamadaling nagpaliwanag si Kenneth na may miserableng hitsura, “Doc, mali ang pagkakatintindi mo. Hindi ako baliw. May masamang nangyari sa katawan ko! Bilis at suriin mo ito! Tulungan mo ako, kung hindi, mabubulok ito!”Mas naging seryoso ang pagnanana nito sa sandaling ito.Sumulyap ang doktor sa ari niya at huminga siya nang malamig na hangin. Sinabi niy
Galit na umalis si Kenneth sa Silverwing Hospital at sumugod sa bahay ng pamilya Weaver kasama ang dalawang bodyguard niya.Nang dumating siya sa pinto nila, binati siya ng isang katulong at tinanong, “Mr. Wilson, bakit nandito ka sa ganitong oras…”Tumingin nang masama si Kenneth sa kanya gamit ang mga madilim na mata niya. Sinampal niya ang katulong at sumigaw, “Umalis ka sa daan ko!”Sa sandaling ito, siya ay parang isang naglalakad na bulkan na may galit at kahihiyan na kumukulo sa loob niya na maaaring sumabog sa kahit anong oras!Kasama ang dalawang matipunong bodyguard niya, sumugod si Kenneth papasok sa pamilya Weaver at sumigaw nang mabangis, “Jordan Weaver, lumabas ka ngayon din! Papatayin kita kung paghihintayin mo ako!”Nanginig ang buong pamilya Weaver sa malakas na sigaw ni Kenneth, tila ba may lindol na dumaan sa bahay.Hindi pa naaayos ni Jordan ang kanyang balabal nang lumabas siya ng kwarto niya gamit ang tulong ni Jeffrey. Lumaki sa gulat ang mga mata niya nang
Sa una, umaasa ang pamilya Weaver na aangat sa susunod na antas ang kumpanya nila gamit ang bagong medisina, pero kung titingnan, mukhang mas maganda ang dating medisina!Ang pinakamalalang side effect ng dating medisina ay lason sa atay at kidney, pero hindi ka ka magkakaroon ng penis necrosis dito.Kaya, walang laban ang pamilya Weaver sa atake ni Kenneth.Sa sandaling ito, sumugod ang mga bodyguard ni Kenneth at sinunggaban ang balik ni Jeffrey kahit na nagpumiglas siya at nag-protesta nang malakas. Binaluktot nila ang kanang braso niya sa isang nakakatakot na anggulo, tumunog nang malakas at nabali ito at nanginig ang lahat ng taong nanonood sa eksenang ito.“Put*ngina! Argh!!! Diyos ko!”Galit at takot si Jordan sa parehong oras. Si Jeffrey ang pinakamatandang anak niya at siya rin ang pinakamahal niya, pero maaari lang siyang manood nang takot habang binali ang braso ng anak niya at wala siyang magawa dito.Kalaunan, tumakbo si Professor Cruz papunta sa kanila at sinabi, “M
Isang nag-aalalang kunot ang lumitaw sa noo ni Jeffrey. Humarap siya sa ama niya, kay Jordan, at sinabi, “Pa, bakit hindi natin ibenta ang pag-aari at lupain natin at tumakbo gamit ang pera? Kung gusto talaga tayong atakihin ni Kenneth, mamamatay tayo!”Sumigaw si Jordan, “G*go! Ibenta ang lupain?! Kung ibebenta natin ito nang nagmamadali, ang bilyong-dolyar na kaharian ko ay baka maging 200 milyon na lang! Alam mo ba iyon, tanga! Ito ang pinaghirapan ko!”Tumango si Liam. “Tama si Papa. Jeff, mahalaga kay papa ang Weaver Pharmaceutical, paano natin ito ibebenta nang gano’n lang?”Itinaas ni Jeffrey ang kanyang kamay at sinampal si Liam. “Manahimik ka, anak sa labas! May karapatan ka bang magsalita dito?”Napaatras nang ilang hakbang si Liam dahil sa lakas ng sampal, habang hawak niya ang pisngi niya. Sumimangot siya sa dismaya, pero tinibayan niya ang sarili niya at sinabi nang matatag, “Jeff, sasabihin ko pa rin ito kahit na sampalin mo ako. Pinaghirapan ni papa ang kumpanya, hin
Talagang masarap na makita siyang mabaliw.Tapos na siya sa buong buhay niya dahil kailangan niyang kumain ng tae kada oras. Ngayon, wala na siyang oras para manira ulit ng buhay ng ibang babae kahit kailan.Ni-lock ni Charlie ang screen at sinabi kay Claire nang nakangiti, “Narinig ko ang tungkol sa lalaking ito.”“Talaga?” Tinanong ni Claire sa sorpresa. “Paano? Saan mo narinig ang tungkol sa kanya?”“Sobrang sama niyang tao at nakakadiring lalaki na mahilig manipulahin ang mga isip ng mga babae at pinupwersa silang saktan ang sarili nila at magpakamatay para lang matuwa siya.”Sinabi ni Charlie ang kasaysayan ng kasamaan ni Kian kay Claire.Sinabi ni Claire nang galit pagkatapos niyang makinig kay Charlie. “Diyos ko, ang g*go! Bakit niya gagawin ito sa anak na babae ng iba?”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Sa totoo lang, palaging may g*gong tulad niya na mahilig manakit ng iba para sa kasiyahan nila. Mga walang kwentang salot sila sa lipunan. Hindi matagal, kakagatin sila ng k
Pagkatapos utusan si Albert, tinawagan ulit ni Charlie si Isaac.Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi ni Charlie sa kanya, “Pagkatapos magtagumpay ni Ichiro ngayong gabi, siguradong susubukan niyang tumakas sa bansang ito sa lalong madaling panahon ngayong gabi. Kaya, dapat kang gumawa ng patibong para sa kanya sa Aurous Hill. Ang lahat ng tao sa grupo niya ay dapat maaaring makatakas maliban sa kanya!”Sumagot agad si Isaac, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Inayos ko na ang lahat. Siguradong pipigilan ko si Ichiro bago siya makatakas!”Pagkatapos, pinangako rin ni Isaac, “Sisiguraduhin ko rin na hindi malalabas sa bansang ito ang medisinang ninakaw ni Ichiro kay Anthony!”“Hindi!” Sinabi nang nagmamadali ni Charlie. “Gusto kong ibalik nila ang medisina sa Japan. Tandaan mo na dapat makalabas ng bansa ang medisina pero hindi dapat makalabas ng bansa si Ichiro!”Sumagot nang nagmamadali si Isaac, “Naiintindihan ko, Mr. Wade! Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang makatakas na
Kaya, tinaya ni Ichiro ang kinabukasan niya sa mga mangyayari sa gabing iyon.Habang iniisip niya ito, naging sobrang sabik ni Ichiro, at mabilis siyang umawag sa ama niya.Ang kanyang ama, na naparalisa pa rin sa kanyang kama, ay kinonekta ang tawag sa sandaling natanggap niya ito. “Ichiro, nasaan ka sa mga nakaraang araw? Bakit hindi mo ako binibisita?”Sumagot nang nagmamadali si Ichiro, “Pa! Naghahanap ako ng medisina para sa’yo sa Aurous Hill. Narinig ko na may henyong doktor dito na ginamot ang isang pasyenteng may malalang paraplegia kailan lang!”“Totoo ba?” Tinanong sa sorpresa ni Masao. “May mahiwagang doktor ba talaga sa Aurous Hill na kayang gamutin ang malalang paraplegia?”“Oo!” Sumagot si Ichiro. “Tiningnan ko na ang mga tala sa hospital at nakumpirma ko na gumaling nga ang pasyente mula sa malalang paraplegia! Nagtanong din ako sa mga tao at kinumpirma ng lahat na ang henyong doktor nga ang gumamot sa pasyente gamit lang ang kalahati ng mahiwagang tableta!”“Kalah
Naramdaman ni Ichiro na parang mababaliw na siya nang binaba niya ang tawag dahil sobrang sabik niya.Kung makukuha niya ang mahiwagang gamot, siguradong siya na ang magiging tagapagmana ng Kobayashi Pharma.Talagang sulit ang pagpunta niya sa Aurous Hill ngayon!Sa sandaling ito, ang assistant ni Ichiro, na nakaupo sa tabi niya sa loob ng Maybach, ay sinabi, “Mr. Kobayashi, alas onse na. Gawin na ba natin ito?”Tumango si Ichiro bago siya umirap at sinabi, “Gawin niyo na!”Mabilis na nilabas ng assistant ang kanyang walkie-talkie at inutos, “Gawin niyo na!”Sa sandaling narinig ang boses niya, anim na lalaki ang tahimik na pumasok sa Serene World Clinic ni Anthony.Ngayong gabi, natutulog si Anthony sa isang maliit na kwarto sa Serene World Clinic.Sa totoo lang, matiyagang naghihintay si Anthony sa mga Japanese na ito sa ganitong oras.Pero, para mas ligtas, pinatulog niya muna ang apo niya, si Xyla, sa hotel.Pagkatapos pumasok ng Serene World Clinic, agad pumunta ang anim
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl