“Infestation?!”Kumunot ang noo ni Aivan, at bigla siyang kinabahan nang kaunti.Ang pinaka kinatatakutan niya ay may nakatagong kahulugan talaga si Charlie sa mga sinasabi niya.‘Maaari ba na namatay talaga ang mga blood mosquito ko sa mga kamay niya?!’‘Pero hindi siguro gano’n… Kung namatay talaga ng mga blood mosquito ko sa mga kamay niya, mararamdaman ko ito. At saka, puno ng bulok at nakakalason na dugo ang mga tiyan ng blood mosquito. Kung may mamamatay dito, magiging mas malakas madugong amoy, pero walang amoy ng dugo dito, tila hindi pumunta dito ang mga blood mosquito…’Nang maisip ito ni Aivan, pinagaan niya ang kalooban niya, “Kahit na mukhang may mali sa koneksyon, wala siguro itong kinalaman kay Mr. Wade!’Kaya, suminghal siya nang malamig, tumingin kay Charlie, at tinanong, “Bakit? Sinasabihan mo ba ako na mag-ingat sa infestation nang sinabi mo na magkakaroon ako ng madugong kalamidad?”“Tama.” Tumango si Charlie at tumawa habang sinabi, “Huwag mong maliitin ang
Pinaalalahan lang siya ni Charlie nang dumating na ang mga blood mosquito itaas ng ulo ni Aivan, “Master Yaleman, mag-ingat ka sa mga malaking lamok na iyon!”Lumingon nang hindi nag-iisip si Aivan, pero sa sandaling iyon, lumipad na sa harap niya ang mga malalaking blood mosquito mula sa itaas.Ang unang reaksyon ni Aivan ay sorpresa habang inisip niya, ‘Letse! Hindi ba’t mga blood mosquito ko ito?!’Ang pangalawang reaksyon niya ay gulat at takot, at nagmula siya nang pabaya, “P*ta! Paano lumaki nang sobra ang mga blood mosquito na ito?!”Bago pa siya magkaroon ng pangatlong reaksyon, nakaramdam siya ng bugso ng matalas na sakit sa kanyang mukha, leeg, mga braso, at mga binti.Ang mga bibig ng mga blood mosquito na ito ay nagbago na mula sa lapad ng isang buhok, at naging kasing lapad na ito ng mga karayom ng isang syringe. Sobrang tigas din ng mga ito.Ang ganitong kirot ay mas malala pa kapag nakagat ka ng isang putakti.Bukod dito, mas lumaki ang katawan ng mga blood mosqui
Nang makita ni Charlie na mukhang nasa bingit na ng kamatayan si Aivan, umiing siya nang walang magawa at sinabi, “Hindi ka nakumbinsi nang sinabi ko sayo na magkakaroon ka ng madugong kalamidad. Ngayon, nasa ganitong sitwasyon ka na, at humihingi ka pa rin ng tulong sa akin para lutasin ang bagay na ito. Hindi ka ba nahihiya?”Mamamatay na si Aivan, at nagmakaawa siya, “Mr. Wade, Alam… Alam ko na mali ako… Gusto ko lang na mapanatili ang hayop na buhay ko ngayon… para hindi matapos dito ang pamilya Yaleman…”Sinabi nang magaan ni Charlie, “Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaang mamatay. Sa ngayon, syempre. Dahil, housewarming ceremony ngayon ni Uncle Janus, at sobrang malkas kung mamamatay ka dito.”Pagkasabi nito, umabante si Charlie, nilabas ang isang pakete ng medicinal powder mula sa bulsa ni Aivan, at tinanong, “Ito ba ang gamot?”“Oo…” Tumango nang paulit-ulit si Aivan.Kinurot ni Charlie ang bibig ni Aivan para bumukas at binuhos ang buong pakete ng medicinal powder sa
Nataranta si Aivan habang nakatingin kay Charlie at tinanong nang hindi makapaniwala, “Ang… Ang ama ko… Patay na talaga siya?!”Tumango si Charlie. “Katulad mo siya, at pinapalaki niya rin ang mga ganitong uri ng mababang lamok. Para naman sa master mo, si Falco, mahilig siyang magpalaki ng Parasitic Worm na mahilig kumain ng utak ng tao. Kaya tinanggal ko lang ang kasamaan para sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa impyerno.”“Ano?! Si Master Xanthos din…”Wala nang pag-asa si Aivan sa sandaling ito.Hindi na siya nagduda sa mga sinabi ni Charlie dahil sinasabi sa kanya ng pakiramdam niya na siguradong hindi nakikipagbiruan si Charlie sa kanya.Pero, wala na siyang pakialam na kamuhian si Charlie, at nagmakaawa na lang siya habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang mukha, “Mr. Wade… Basta’t… pagbibigyan mo ang buhay ko… hindi… hindi na ulit ako gagawa ng mali…”Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi ka ba natatakot sa kamatayan? Pwede akong tumawag ng ambulansya para
Mabilis na umandar ang ambulansya at kinuha si Aivan, na nasa malalim na coma na, palayo sa villa.May natitirang takot din ang iba sa eksena, at biglang hindi nila alam ang gagawin inla.Ang assistant ni Shawn, si Marley, ay may kaunting kaalaman kay Aivan, at hula niya na siguradong may pinalaking masamang bagay ang taong ito kaya siya nalagay sa kalunos-lunos at miserableng sitwasyon.Masyado siyang tamad para mag-abala sa buhay at kamatayan ni Aivan. Pero, malapit nang dumating ang tamang oras, at darating na rin si Shawn at ang pamilya ni Janus sa anumang sandali. Ayon sa proseso, isasagawa ang grand housewarming ceremony pagkatapos nilang dumating sa villa. Bukod sa lion dance troupe, ang pinakamahalagang bagay ay, sa totoo lang, ang ritwal na pangangasiwaan dapat ni Aivan.Pero, ang Feng Shui master na mangangasiwa dapat sa housewarming ceremony ay kinuha ng ambulansya dahil sa kakaibang injury bago pa dumating ang mga taong lilipat sa bago nilang bahay. Hindi alam ni Marley
Ngumiti nang kaunti si Charlie habang sinabi, “Ang pangunahing layunin ko sa pagpunta sa Hong Kon ay para lutasin ang problema ni Uncle Janus para sa kanya. Hindi ako magiging mapag kalkula kung si Shawn ba ang huling magkakaroon ng benepisyo dito o hindi.”Ngumiti si Kathleen at sinabi, “Mukhang nagkamali ako kanina lang. Sa tingin ko ay si Shawn siguro ang malulugi dito.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Bakit binago mo ulit ang opinyon mo?”Sinabi nang seryoso ni Kathleen, “Hindi ko naisip si Marianne kanin lang. Nahulog na siya sayo, kaya kahit na makuha ni Shawn ang endorsement ng pamilya Fox, mawawala sa kanya si Marianne. Kaya, sa huli, siya pa rin ang malulugi.”Sinabi ni Charlie nang medyo nahihiya, “Mukhang parang sinasabi mo na may ginawa ako para kay Miss Marianne. Nagpakita lang ako sa kanya ng kaunting pagpapahalaga bilang ordinaryong kaibigan. At saka, wala akong ginawa na kahit ano sa kanya, kaya paano maituturing na nawala siya sa akin ni Shawn?”Ngumiti nang ba
Sa sandaling naglakad si Charlie sa terrace sa third floor ng villa nang mag-isa, isa-isa nang pumasok ang convoy ni Shawn at ng pamilya ni Janus sa courtyard ng villa.Sumunod ang napakaraming reporter sa convoy. Pagkatapos ay nag-perform ng dalawang parang sayaw ng liyon ang mga pinakamagaling na lion dance troupe sa Hong Kong, at sobrang sigla ng eksena.Kahit na hindi gusto ni Charlie ang mga masisiglang eksena, gumaan nang sobra ang pakiramdam niya habang pinapanood niya ito.Ang makapal na usok na ginawa ng mga pagsabog ng paputok ay sinamahan ng isang malakas at mayaman na amoy ng pulbura. Nagbigay ng preskong pakiramdam kay Charlie ang ganitong pamilyar, pero hindi pamilyar na amoy.Sa paglaki niya, gusto niya ang amoy ng usok ng pulbura kapag nauubos ang paputok. Pero, matagal na niyang hindi naaamoy ang pamilyar na amoy na ito simula noong pinagbawalan ang mga paputok sa mga dumaan na taon.Marahil ay kaugnay ito sa pagmamahal ng mga Oskian sa mga paputok sa piyesta, kay
Habang bumubuntong hininga si Charlie nang emosyonal dahil sa mga iniisip niya, bigla niyang narinig ang isang pamilyar na boses sa tabi niya na tinatanong, “Mr. Wade, ano ang iniisip mo at parang naliligaw ka sa lalim ng mga iniisip mo?”Nabigla nang kaunti si Charlie. Tumalikod siya at nakita niya na dumating na pala si Marianne sa likod niya sa isang punto.Nasorpresa siya at natakot rin nang kaunti sa parehong oras.Hindi niya inaasahan na magiging sobrang manhid niya at walang ingat sa punto na hindi niya man lang napansin na nilapitan siya ng isang ordinaryong tao tulad ni Marianne.Natauhan agad siya, ngumiti nang bahagya, at sinabi kay Marianne, “Iniisip ko lang ang ilang bagay na nangyari dati.”Pagkasabi nito, tinanong siya ni Charlie, “Miss Marianne, kailan ka dumating?”“Kadarating ko lang.” Ngumiti rin nang bahagya si Marianne at naglakad sa tabi ni Charlie habang tumingin siya sa masiglang eksena sa ibaba at tinanong si Charlie, “Iniisip mo ba ang mga magulang mo ka
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro