Sinabi ni Donald sa dismaya, “Syempre alam kong hindi gumana ‘yung pampakalma, nakikita ko ito! Tinatanong kita, ano nang gagawin natin?”Huminto nang ilang sandali ang doktor at iminungkahi, “Taasan pa natin nang mas kaunti ang dosage. Kailangan muna nating pakalmahin siya kahit anong mangyari.”Tumango si Donald at inutos, “Anong pang hinihintay mo?! Bilisan mo na!”“Mr. Webb, kayang masira ng katawan kung sobra ang gagamiting pampakalma, kaya…”“Sinisira niya na ang katawan niya! Ang pinakamahalaga ngayon ay pakalmahin siya sa lalong madaling panahon!”“Okay!” Tumango ang doktor. Mabilis siyang naghanda ng mas malaking dosage at tinurok ito sa katawan ni Kian, pero mukhang hindi rin ito gumana.“Kakaiba talaga…” Sinabi ng doktor, “Sobrang lakas na ng epekto ng pampakalma na ito! Ginagamit ito sa mga nagwawalang elepante, pero masigla pa rin siya. Sobrang kakaiba nito…”Biglaan, sinabi ng cardiologist, “Naku, nanginginig ang katawan niya! Sa tingin ko ay sobrang taas na ng hea
Ang gabing iyon ay nakatadhana na maging pambihira at masigla.Sa isang dako, nakanganga ang lahat sa abnormal na kilos ni Kian. Sa kabilang banda ng siyudad, kasama ni Kenneth si Jeffrey, at nagmamadali silang bumalik sa bahay ng pamilya Weaver kasama ang tatlong tangkay ng mga one-hundred-years old na purple ginseng.Nabigo si Kenneth dahil hindi niya nakuha ang three-hundred-year-old na purple ginseng sa auction. Naramdaman niya na ang one-hundred-year old na purple ginseng ay hindi kasing galing ng three-hundred-year-old na purple ginseng, pero salamat kay Charlie, hindi na niya kailangan gumastos ng 90 milyon para doon...Binili ni Kenneth ang tatlong ginseng sa kaibigan ni Jeffrey sa halagang 3 milyong dolyar, kung saan gumastos si Charlie ng 100 milyon sa three-hundred-year-old na purple ginseng.Mas guminhawa ang pakiramdam niya nang maisip niya ang natipid niyang pera. Sa sandaling ito, inaasahan niya na lang na magagamot ng pinagandang reseta ng pamilya Weaver ang kanyang
Medyo naantig si Kenneth sa eksenang inilarawan ni Jordan. “Gano’n ba ito kalakas?”Sumagot nang tapat si Jordan, “Syempre. Mr. Wilson, ang mahiwagang medisina ng aming pamilya Weaver ay tatlo o apat na beses na mas epektibo sa Viagra, at ang pinagandang reseta ay nasa sampung beses na mas epektibo!”Nasabik nang sobra si Kenneth sa posibleng himalang epekto ng medisina. Mukhang tuluyan nang magagamot ang sakit niya!Tinanong nang mausisa ni Jeffrey, “Pa, kung gagawa tayo ng maraming medisina, kaya natin itong ibenta sa buong mundo at mapigilan pa ang benta ng Viagra, hindi ba?”Kumpiyansang iwinagayway ni Jordan ang kanyang kamay at sinabi , “Syempre! Sa sandaling gumawa tayo ng marami at ibinenta ito, ang mga lalaki sa buong mundo ay gagamitin na ang mahiwagang gamot ko imbis na Viagra. Isa lang ang magiging mahiwagang gamot ng lalaki sa merkado, at iyon ay ang mahiwagang gamot ko!”Pagkatapos, humarap si Jordan kay Kenneth at sinabi, “Mr. Wilson, iniisip ko kung interesado ka b
Hinawakan ni Kenneth ang mangkok ng maitim na lilang sabaw ng medisina na tila ba hawak niya ang isang kayamanan, nilapit niya ito sa kanyang bibig at ininom niya!Pinapanood siya nang matindi ng lahat, lalo na si Wendy.Sa totoo lang, mas gusto ni Wendy na mapunta kay Kenneth kaysa kay Jeffrey. Ang Modestway Group, ang kumpanya ni Kenneth, ay mas malaki, at mas mapagbigay si Kenneth sa kanya. Nakatanggap siya ng limang milyong dolyar na pera sa kanya dati.Sa kabilang dako, hindi siya nakakuha ng benepisyo sa kuripot na si Jeffrey.Kung mababalik ni Kenneth ang pagkalalaki niya, marahil ay hihilingin niya na kuhain siya kay Jeffrey!Pinapanood din ng mga miyembro ng pamilya Weaver si Kenneth.Maituturing na si Kenneth ang unang totoong clinical trial ng bagong gamot na ito.Sabik silang makita ang bisa ng gamot. Kung gagana ito nang magaling, magiging mayaman sila!Pagkatapos inumin ang medisina, nakaramdam si Kenneth ng mainit na daloy sa pagitan ng mga kidney niya, at mas na
Nagmamadaling sumagot si Jordan, “Mukhang kailangan pa ito ng oras para magkaroon ng epekto. Una, kailangan muna nitong ayusin ang sirang parte bago nito maibalik ang iyong pagkalalaki. Huwag kang mag-alala, sa tingin ko ay tatayo na ito pagkatapos ng kalahati o isang oras!”Ngumisi sa lugod si Kenneth, “Gano’n ba? Kung gano’n, nauubos na ang oras. Kailangan ko nang umalis, pasintabi.”Pagkatapos, hinila niya si Wendy at mabilis na umalis sa bahay ng pamilya Weaver.Sa daan pauwi, mas nagiging balisa at sabik si Kenneth. Habang nagmamaneho siya, sinabi niya nang hindi mapalagay, “Nararamdaman ko na mas lalong lumalakas ang init, pero bakit parang hindi pa nito naabot ang lugar na iyon…”Sinabi nang mabilis ni Wendy, “Hindi b;at sinabi ni Mr. Weaver na kailangan nito ng oras para ayusin muna bago ito pumunta sa lugar na iyon!”“Hahaha!” Sinabi nang sabik ni Kenneth, “Tulad lang iyon ng mga larong nilalaro niyong mga binata’t dalaga! May limang segundo ang kalaban para makapunta sa
Sa loob ng kwarto.Nakahiga si Kenneth sa kama, balisang hinihintay na dumating ang epekto ng medisina sa digmaan.Samantala, nag-suot si Wendy ng bathrobe at pumunta sa banyo.Sa kahit anong kadahilanan, nakaramdam si Kenneth ng kakaibang pakiramdam sa loob ng kanyang katawan. Kanina pa mainit ang ibabang bahagi ng tiyan niya habang nasa bahay pa siya ng pamilya Weaver, pero walang pagbabago sa ari niya.Sa totoo lang, nakaramdam siya ng kati at sakit.“Marahil ay gumagana na ang medisina ngayon!” Pinakalma ni Kenneth ang kanyang sarili.Lumabas si Wendy sa banyo at humiga sa mga braso ni Kenneth na parang isang mabangis na pusa. Tinanong niya nang malambot habang pinaglalaruan ang mga buhok sa dibdib ni Kenneth, “Kenneth, kamusta na ang pakiramdam mo ngayon? May nararamdaman ka na ba?”Umiling si Kenneth at sinabi habang nakakunot ang noo, “Wala pa, pero malapit na ata.”Sabik na si Wendy na gumanda ang tingin sa kanya ni Kenneth para makakuha siya ng mas maraming benepisyo s
Sa kalagitnaan ng gabi, nagmamaneho si Christopher kasama si Kenneth at ang dalawang bodyguard niya at sumugod sila sa hospital.Hindi na hinintay ni Kenneth ang pila, sa halip, sumugod siya sa isa sa mga emergency room kasama ang mga bodyguard niya.Nang makita niya ang isang lalaking doktor na nakaharap sa computer, tinanggal niya ang kanyang sinturan at hinubad ang pantalon niya.Nagulat nang sobra ang lalaking doktor.“Hoy, anong ginagawa mo? Baliw ka ba?!”Tumili sa takot ang doktor, “Isuot mo ang pantalon mo o tatawagan ko ang mga guwardiya!”Walang makakaintindi sa ganitong kakaibang eksena sa kalagitnaan ng gabi.Nagmamadaling nagpaliwanag si Kenneth na may miserableng hitsura, “Doc, mali ang pagkakatintindi mo. Hindi ako baliw. May masamang nangyari sa katawan ko! Bilis at suriin mo ito! Tulungan mo ako, kung hindi, mabubulok ito!”Mas naging seryoso ang pagnanana nito sa sandaling ito.Sumulyap ang doktor sa ari niya at huminga siya nang malamig na hangin. Sinabi niy
Galit na umalis si Kenneth sa Silverwing Hospital at sumugod sa bahay ng pamilya Weaver kasama ang dalawang bodyguard niya.Nang dumating siya sa pinto nila, binati siya ng isang katulong at tinanong, “Mr. Wilson, bakit nandito ka sa ganitong oras…”Tumingin nang masama si Kenneth sa kanya gamit ang mga madilim na mata niya. Sinampal niya ang katulong at sumigaw, “Umalis ka sa daan ko!”Sa sandaling ito, siya ay parang isang naglalakad na bulkan na may galit at kahihiyan na kumukulo sa loob niya na maaaring sumabog sa kahit anong oras!Kasama ang dalawang matipunong bodyguard niya, sumugod si Kenneth papasok sa pamilya Weaver at sumigaw nang mabangis, “Jordan Weaver, lumabas ka ngayon din! Papatayin kita kung paghihintayin mo ako!”Nanginig ang buong pamilya Weaver sa malakas na sigaw ni Kenneth, tila ba may lindol na dumaan sa bahay.Hindi pa naaayos ni Jordan ang kanyang balabal nang lumabas siya ng kwarto niya gamit ang tulong ni Jeffrey. Lumaki sa gulat ang mga mata niya nang
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro