“Pumunta sa Oskia?”Tumingin si Charlie kay Marianne sa sorpresa at tinanong, “Hindi ba’t palaging nag-aalangan kang umalis sa Hong Kong?”Sinabi nang hindi natural ni Marianne, “Dati iyon… Nag-aaral pa ako bago ito, kaya ayokong umalis sa Hong Kong. Pero, kung iisipin ko ang trabaho, siguradong mas malaki ang lugar para umunlad pagkatapos kong umalis sa Hong Kong.”Tumango nang kaunti si Charlie at sinabi nang seryoso, “Miss Marianne, kung interesado ka talaga na pumunta sa Oskia, pwede kang pumunta sa Oskia para tumingin pagkatapos ng graduation mo. Dapat maglakad-lakad ka muna at pumili ng isang siyudad na gusto mo para subukang magpaunlad doon. Dahil, mataas ang pinag-aralan mo at galing ka sa isang magandang pamilya, kaya sobrang dali siguro nito kahit saan mo gustong manatili.”Humuni nang kaunti si Marianne bilang sagot. Gusto niyang tanungin si Charlie kung saang siyudad siya, pero hindi niya nagawang sabihin ang mga salitang iyon nang dumating ito sa dulo ng dila niya.Sa
Sa hindi inaasahan, gusto lang siyang iwasan ni Solomon.Walang magawa si Rudy, at bumuntong hininga na lang siya nang malamig dahil nagsisisi siya nang sobra sa puso niya.Sa sandaling ito, si Solomon, na nasa gilid, ay mukhang nandidiri nang sobra sa kanya at sinabi, “Wala ka nang ibang gagawin dito. Bakit hindi ka na umalis? Kailangan mo pa bang tumayo dito at maging sakit sa mata ko?!”Bumuntong hininga si Dudy bago tumingin kay Hunter at tinanong nang magalang, “Pasensya na, maaari na ba akong umalis ngayon?”Hinagis ni Hunter si Dillion, na nasa balikat niya, sa harap niya at sinabi nang malamig, “Kunin mo na ang anak mo.”Tumingin si Rudy nang nandidiri kay Dillion, at nakaramdam siya ng matinding galit.Nawalan siya ng 10 billion US dollars sa isang hapon dahil sa alibughang anak niya. Masasabi na sobrang bait na ni Rudy dahil hindi niya pinatay si Dillion sa sandaling iyon, lalo na ang iuwi siya.Balak din ni Rudy na sirain ang relasyon nila bilang mag-ama. Ayaw niya na
Kagigising lang ni Dillion at masakit ang buong katawan niya, at puno siya ng mga hinaing. Sa hindi inaasahan, nakita niya na ilalabas na ng sarili niyang ama ang galit niya sa kanya. Hinding-hindi niya inaakala na tatratuhin siya ng kanyang ama bilang isang kalaban at susugod sa kanya para sipain siya nang marahas!Sobrang sakit ng pakiramdam niya pagkatapos sipain nang ilang beses ni Rudy. Umiyak siya at sinigaw, “Pa, baliw ka ba?! Bakit mo ako binubugbog?!”“Bakit kita binubugbog?!” Hiningal si Rudy habang sinumpa, “Binubugbog kita kasi gumawa ka ng maraming problema para sa akin, hayop ka!”Pagkatapos nito, umupo si Rudy kay Dillion, sinunggaban ang kwelyo niya gamit ang isang kamay, at sinampal siya sa mukha habang pinagalitan, “G*go ka! Palagi kang gumagawa ng problema! Malapit na akong mamatay sa inis!”Umiyak si Dillion at sinigaw, “Pa… Anong ginawa kong mali? Ayos lang kung hindi mo ako paghihiganti pagkatapos kong mabugbog nang ganito, pero bakit binubugbog mo pa rin ako?
Sinabi ni Shawn, “Gusto ko ito. Gustong-gusto ko ito!”Tumango si Charlie at sinabi, “Mr. Long, hindi mo kailangan mag-alala nang husto. Nilabas na ako ni Miss Marianne para sa masarap na hapunan ngayong gabi, kaya hindi na ako makakakain. Kahit ano pa, hindi na maaga, kaya pwede nating pag-usapan nang unti-unti ang mga bagay-bagay pagpunta natin sa kumpanya mo bukas.”Kumaway si Shawn at sinabi, “Wala ito. Pwede nating pag-usapan ang kolaborasyon sa kahit anong oras na gusto mo. Sasabihan ko si Marianne na patuloy kang ilibot bukas. Bata pa kayong dalawa kaya siguradong marami kayong karaniwang paksa na mapag-uusapan.”Pagkasabi nito, nagmamadaling tinanong ni Shawn si Marianne, “Marianne, wala ka sigurong gagawin bukas, tama? Kung wala kang gagawin, pwede mong samahan si Mr. Wade.”Tuwang-tuwa si Marianne, at papayag na sana siya sa hiling ni Shawn sa sandaling iyon. Pero, bago pa siya makapagsalita, sinabi nang direkta ni Charlie, “May charity sale si Miss Marianne sa Tsim Sha T
Sinundan ni Charlie sa Marianne at sumakay sa elevator papunta sa third floor ng villa.Pagkatapos nito, dinala ni Marianne si Charlie sa gitna ng dalawang pinto ng kwarto. Pagkatapos ay tinuro niya ang kwarto sa kanan at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, ito ang guest room kung saan ka matutulog. Isa itong suite na may laki na 80 square meters na may sala, kwarto, at hiwalay na banyo.”Pagkasabi nito, binuksan ni Marianne ang pinto at pumasok kasama si Charlie.Pagpasok sa pinto, biati sila ng sala ng suite, na nasa 30 square meters. Sobrang marangya ang dekorasyon, at may iba’t ibang uri ng gamit sa suite.Sinabi ni Marianne kay Charlie, “Mr. Wade, pwede mong tratuhin ang lugar na ito na parang isang hotel, at pwede mong tawagan ang butler kung may kahit anong kailangan ka. Magpapadala siya ng tao para pagsilbihan ka sa lalong madaling panahon. At saka, nasa katapat na kwarto ako, kaya pwede ka rin pumunta sa akin kung may kailangan ka.”Pinasalamatan siya ni Charlie at sinabi, “Ok
Nasorpresa siya nang kaunti habang tinanong si Charlie, “Mr. Wade, bakit sobrang aga mo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Gusto kong lumabas para maglakad at maglibot. Gusto ko rin makita kung gaano karaming mansyon ang mayroon sa Steerlain Island.”Tinanong ni Marianne sa sorpresa, “Mr. Wade, balak mo bang bumili ng bahay sa Steerlain Island?”Ngumiti si Charlie nang kaswal at sinabi, “Oo at hindi. Kahit na bilhin ko ito, hindi ako ang bibili nito.”Medyo hindi naintindihan ni Marianne ang ibig sabihin ni Charlie, pero mukhang interesado talaga si Charlie sa Steerlain Island. Kaya, sobrang saya niya at sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Wade, pwede ko itong ipakilala sayo kung interesado ka sa mga bahay dito. Binebenta ang Halbert Mansion sa tabi namin, at pagmamay-ari ito ng pamilya Halbert sa Hong Kong.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pupunta ako at titingin.”Tinanong nang nagmamadali ni Marianne, “Gusto mo bang samahan kita?”“Hindi, ayos lang.” Sinabi ni Charli
Naglakad si Charlie sa paligid ng Steerlain Island, at naramdaman niya na may kakaibang heograpikal na lokasyon talaga ang lugar na ito.Ang dami ng mga marangyang mansyon sa paikot-ikot na daan ay hindi mataas sa Steerlain Island kahit na kakaunti ang lupain sa Hong Kong. Ang bawat villa ay may manor at isang courtyard.Kasama na ang mainit-init at mahalumigmig na klima sa timog, hindi lang tahimik dito ngunit komportable rin na tirahan.Nakita ni Charlie ang Halbert Mansion na binanggit ni Marianne. Nakasara ang pinto, at mukhang matagal nang walang nakatira dito. Kahit na medyo luma na ang harap ng bahay, ang kabuuang hitsura nito ay makabago pa rin at engrande.Naglakad si Charlie sa paligid, at nang bumalik siya sa villa ng pamilya Long, kalalabas lang ni Marianne. Nang makita niya si Charlie, namula ang magandang mukha niya, at tinanong niya, “Mr. Wade, kumusta ito?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Maganda. Handa ka na bang umalis?”“Oo.” Ngumiti si Marianne at sinabi, “Susu
Si Jenna, na nasa gilid, ay ngumiti at sinabi, “Oh, Shawn, maganda talaga ang ideya mo. Siguradong may sariling mga gawain si Mr. Wade na kailangan gawin sa Oskia, pero siguradong makakapagpahinga siya sa Sabado at Linggo. Bakit hindi mo bilhin ang Halber Mansion sa tabi, i-renovate ito, at ibigay ito kay Mr. Wade? Pwede kang magpadala ng eroplano para sunduin si Mr. Wade at dalhin siya sa Hong Kong para mag-bakasyon sa bawat Biyernes.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Salamat sa kabaitan mo. Hindi mukhang sobrang angkop nito para sa akin, pero mukhang mas angkop ito para sa isa sa mga nakakatanda ko.”Pagkasabi nito, binago niya ang paksa at sinabi kay Shawn, “Mr. Long, pumunta na tayo sa kumpanya mo para mag-usap mamaya?”“Walang problema!” Sabik na sinabi ni Shawn, “Ipapahanda ko na ang kotse ngayon!”Si Jenna, na nasa tabi, ay tinanong, “Shawn, babalik ba kayo ni Mr. Wade para mananghalian? Gusto mo bang maghanda ako ng tanghalian?”Kumaway si Shawn at sinabi, “Hindi ako babalik
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl