Share

Kabanata 4454

Author: Lord Leaf
Tinawagan ni Charlie si Porter pagkatapos pumayag ni Claire na pumunta siya sa Hong Kong.

Sa sandaling kumonekta ang tawag, si Porter, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Master Wade, pinag-usapan niyo na ba ng asawa mo ang tungkol dito? Makakapunta ka ba para tulungan ako?”

Sinabi ni Charlie, “Pinag-usapan na namin ng asawa ko ang tungkol dito. Swerte ka at nagkataon na kadarating lang ng biyenan na babae ko sa United States. Kaya, matutulungan niya akong alagaan ang asawa ko. Kung hindi, hindi talaga ako makakapunta para tulungan ka.”

Sinabi nang nagmamadali ni Porter, “Magaling! Master Wade, anong oras ka makakapunta? Magpapadala ako ng business jet sa United States para ipadala ka dito!”

Tumanggi si Charlie at sinabi, “Hindi mo na kailangan magpadala ng business jet dito. Bibili na lang ako ng flight ticket.”

Sinabi ni Porter, “Aabutin ka ng 20 oras o higit pa kung pupunta ka gamit ang connecting flight. At saka, baka hindi mo mabili ang pinakamaagang ticket. Mas mabilis kun
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4455

    “Okay!” Tumango nang mabigat si Claire at sinabi, “Bilis at pumasok ka na. Hindi ba’t aalis ka ng alas otso? May kalahating oras na lang na natitira.”“Okay.” Lumabas si Charlie sa kotse, at pagkatapos umupo ni Claire pabalik sa kotse, kumaway siya sa kanya at sinabi, “Honey, mauuna na ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho pabalik.”Tumango nang masunurin si Claire at sinabi nang malambot, “Sabihin mo sa akin kaagad kapag natapos ka, at pupunta ako sa airport para sunduin ka pagbalik mo.”“Okay!”Pinanood ni Charlie na nagmaneho paalis si Claire bago siya tumaliko at pumasok sa airport.Pagkatapos ng isang simpleng security check, sumakay siya sa business jet na inihanda ni Porter.Umalis sa oras ang eroplano ng alas otso at pumunta sa Hong Kong nang napakabilis.Makalipas ang 14 na oras, alas diyes na ng umaga sa Hong Kong.Mahigit isang oras pa ang layo ng business jet ni Charlie mula sa Hong Kong.Kaya, tinawagan ni Charlie si Autumn at sinabihan siya na malapit na siyang makara

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4456

    Hindi inaasahan ni Autumn na gusto ni Shawn na manatili si Charlie sa bahay niya.Pero, hindi alam ni Autumn ang layunin ng pagbisita ni Charlie kay Shawn. Kaya, hindi siya nangahas na sumang-ayon sa ngalan ni Charlie nang walang pahintulot, at sinabi niya, “Mr. Long, hintayin mo na lang na makilala ang tao at kausapin mo siya tungkol dito sa personal. Tingnan mo kung ano ang gusto niya.”“Okay!” Ngumiti si Shawn at sinabi, “Miss Hart, makasisiguro ka na siguradong ipaparamdam ko sa kanya ang sigla at bait ng Hong Kong!”Sinabi ni Autumn, “Okay. Charlie Wade ang pangalan ng assistant ko. Siguraduhin mo na isulat ang pangalan niya sa isang sign at itaas ang sign sa entrance ng airport. Pupunta siya sayo kapag nakita niya ito.”“Walang problema!” Sinabi agad ni Shawn nang walang pag-aatubili, “Kung gano’n, maghahanda na akong umalis ngayon!”Pagkatapos nito, binaba niya ang tawag at sinabi kay Jenna, “Ipalinis mo sa mga kasambahay ang pinakamalaking guest room sa second floor. Kaila

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4457

    Binulong ni Jenna, “Hindi man lang nakikinig sayo ang anak na babae mo, kaya bakit siya makikinig sa akin kung madrasta niya lang ako? Ikaw dapat ang tumawag sa kanya kung gusto mo siyang pabalikin…”Medyo hindi nasiyahan si Shawn sa kilos ni Jenna, pero pagkatapos mag-atubili nang kaunti, kumaway siya at sinabi nang walang magawa, “Kalimutan mo na. Kakausapin ko siya kapag nasa daan na ako mamaya! Ayusin mo na ang lahat para sa iba!”“Okay!” Hindi nangahas si Jenna na tumanggi, at tumango siya nang nagmamadali.Samantala, natanggap ni Charlie ang tawag mula kay Autumn at nalaman niya na gusto talaga siyang imbitahin ni Shawn na manatili sa bahay niya.Nasorpresa siya, at hindi niya mapigilan na isipin na katawa-tawa ito. Kaya, tinawagan niya si Porter, at sa sandaling kumonekta ang tawag, tinanong siya ni Charlie, “Porter, nasaan ka ngayon?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Mr. Wade, naghahanda na ako ngayon na pumunta sa airport para sunduin ka.”Ipinaalam sa kanya ni Charlie,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4458

    Makalipas ang isang oras, dumating ang eroplano na sinasakyan ni Charlie sa Hong Kong International Airport.Samantala, sa exit ng airport.Ang sikat na Hong Kong tycoon, si Shawn, ay may hawak na sign na may mga salitang ‘Charlie Wade’ na nakasulat. Nananabik na talaga siya sa pagdating ni Charlie habang nakatayo siya sa airport kasama ang kanyang asawa, si Jenna.May suot na makapal na salamin si Jenna at isang facemask, at mayroong siyang medyo hindi masayang ekspresyon sa kanyang mukha.Wala siyang masyadong alam tungkol sa negosyo, pero naramdaman niya na bilang sikat na Mrs. Long sa Hong Kong, nakakahiya para sa kanya na sunduin ang isang tao sa airport sa personal.Walang pakialam si Shawn tungkol dito.Alam niya na ang isang negosyante ay hinding-hindi dapat magkaroon ng kahit anong problema sa pera.Kung kailangan niya lang isakripisyo ang maliit na bahagi ng reputasyon niya para maging madali ang kolaborasyon an ito, hindi ba’t magandang deal ito?Sa sandaling ito, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4459

    Kahit na malabo ang pananalita ni Charlie, binubunyag niya talaga ang dalawang taong ito.Kahit na hindi sinabi ni Charlie ang mga tiyak na ginawa ni Jenna, nagkataon na naisip ng mag-asawa ang pakikipag tanan ni Jenna kay Janus.Sa napakaraming toan, ang pangyayaring ito ang naging kahinaan ni Jenna sa harap ni Shawn, at ito rin ang ugat ng pinakamalalim na sakit ni Shawn.Ipinapahiwatig ni Charlie ang katotohanan na ito, kaya sobrang hindi naging komportable ang dalawang taong ito.Sadya rin itong sinabi ni Charlie.Gusto niya lang makita kung gaano kalaki ang pasensya ni Shawn sa harap niya.Inaasar niya lang nang kaunti si Shawn sa ngayon. Kung kaya itong tiisin ni Shawn, may mas malaking pang-aasar na naghihintay sa kanya sa susunod.Maganda kung mawawalan ng pasensya si Shawn sa harap niya ngayon.Dahil, pumunta dito si Charlie mula sa United States para turuan siya kung paano kumilos.Bukod dito, pinakamagaling si Charlie sa paggamit sa isang bagay bilang dahilan para g

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4460

    Nabasa na ni Charlie ang lahat ng impormasyon ni Shawn bago pa bumaba ang eroplano.Sobrang landi ng matandang lalaki na ito, at sa tatlong kasal niya, mayroon siyang limang anak.Ang panganay sa limang anak niya ay ang anak na babae niya, si Marianne.Pinanganak ng unang asawa ni Shawn si Marianne. 24 years old na ngayong taon si Marianne, at nag-aaral siya para sa isang doctorate sa Literature Department ng Hong Kong University.Namatay ang ina ni Marianne sa cervical cancer noong five years old siya, at isang taon pagkatapos pumanaw ng kanyang ina, ang kanyang ama, si Shawn, ay pinakasalan ang isang aktres mula sa entertainment industry ng Hong Kong na sampung taon na mas bata sa kanya.Makalipas ang ilang taon, bumalik si Jenna mula sa United States. Pagkatapos ay hiniwalayan ni Shawn ang pangalawang asawa niya at kinasal kay Jenna.Binigyan si Shawn ng dalawang anak na babae ng unang asawa niya, at si Marianne ang panganay na babae. Ang kapatid niya ay tatlong taon na mas ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4461

    Pagkatapos pumasok ng convoy, lumabas muna ang mga bodyguard sa kotse at binuksan ang pinto para kila Charlie, Shawn, at Jenna, na nasa ibang kotse.Binati ng mga kasambahay sina Shawn at Jenna na “Sir, Madam” nang sabay-sabay, pero direktang tinuro ni Shawn si Charlie at sinabi sa lahat, “Halika, batiin niyo si Mr. Wade!”Kaya, nagmamadaling yumuko ang mga tao kay Charli at binati siya ulit.Pagkatapos ay sinabi ni Shawn sa mga tao, “Mananatili si Mr. Wade sa bahay natin sa susunod na ilang araw. Kailangan niyong pagsilbihan nang mabuti si Mr. Wade at huwag niyong hayaan na makaramdam siya ng pagkayamot. Naiintindihan niyo ba ako?”Sumang-ayon nang sunod-sunod ang mga tao, at hindi sila nangahas na maging pabaya.Pagkatapos nito, sinabi ni Shawn kay Charlie, “Mr. Wade, pinalinis ko na sa mga kasambahay ang guest room bago ka pumunta. Mananatili ka dito kasama ako basta’t nasa Hong Kong ka. Hindi mo kailangan na maging magalang sa akin!”Sobrang saya rin ni Charlie na sumunod, ka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4462

    Habang nakatingin si Charlie kay Marianne sa unang pagkakataon, naramdaman niya na mas maganda ang babaeng ito kumpara sa mga litrato niya.Ang nakita ni Charlie sa mga dokumento ay ang mga litrato ng babae sa ID. May suot na salamin si Marianne sa mga ID niya, at hindi siya nakangiti. Mukhang medyo mas maselan at maganda siya, pero malayo siya sa pagiging kamangha-mangha.Pero, sa sandaling ito, si Marianne, na nasa harap niya, ay payat at matangkad na may maputi at mapulang balat. Ang katangian ng mukha niya na walang makeup ay mayroong alindog ng isang klasikong kagandahan sa Oskia. Mayroon siyang mahabang ponytail, at mukhang isa siyang anghel na nahulog sa kapitbahayan na ito at ang top version ng babaeng kapitbahay.Sobrang simple lang ng suot ni Marianne. Mayroon siyang ordinaryong dres na may simpleng pares ng itim na sandal habang may suot na shoulder bag na walang brand. Mas lalong tumaas ang pambihirang aura niya dahil sa kaswal na pananamit.Hindi talaga inaasahan ni Ch

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status