Tumango nang marahan si Charlie, at hindi niya mapigilan na maging emosyonal habang sinabi, “Sa opinyon ko, ang tanging paraan lang para maging malugod ang kaluluwa ng ama ko ay makatapak ang pamilya Wade sa rurok ng mundo.”Nagulat si Janus nang marinig ito.Hinding-hindi niya inaasahan na may ganitong ambisyon si Charlie.Pero, alam niya rin na hindi mahirap na magkaroon ng malaking ambisyon, pero sobrang hirap itong gawing realidad.Hindi rin siya masyadong sigurado kung gaano kalaki ang pagkakatulad ni Charlie kay Curtis, pero nang maisip niya ang kabaitan ni Curtis sa kanya, sa isang sandali, bigla siyang naantig na pagsilbihan si Charlie.Gayunpaman, ang naisip niya ay katulad ng mga naisip ni Charlie. Hindi dapat siya umasa na magkaroon ng malalim na pagkakaibigan dahil ito ang unang pagkikita nila. Dahil, hindi niya masyadong kilala si Charlie, at marahil ay hindi mataas ang tingin ni Charlie sa kanya.Kaya, palihim silang nagkasundo na mag-usap pa, at hindi matagal, pina
Hindi inaasahan ni Quinn na magiging interesado si Janus sa charity dinner, kaya, hindi siya nag-atubili na ngumiti at sabihin, “Uncle Janus, sumama ka samin ngayong gabi kung interesado ka!”Tumango si Janus at ngumiti habang sinabi, “Okay. Miss Golding, hindi ako gumagawa ng problema para sayo, tama?”Umiling si Quinn at sinabi, “Bakit naman? Inimbita nila ako bilang bisita, kaya, kailangan nila akong pagbigyan.”Bumuntong hininga si Janus at sinabi, “Mabuti naman… Sa totoo lang, ang huli kong punta sa isang charity dinner ay dalawampu o tatlumpung taon na sa Hong Kong. Kahit kailan ay hindi na ako pumunta sa ganitong okasyon simula noong pumunta ako sa United States. Kaya, ngayong araw ang tamang oras para sa akin para pumunta at magkaroon ng ilang karanasan.”Walang mga pagdududa si Charlie sa mga sinabi ni Janus.Bukod dito, hindi niya tinanong si Quinn sa mga detalye ng okasyon na ito nang maingat, kaya, hindi niya naramdaman na may kakaiba. Medyo mas mababa nga ang pagtingi
May ilang bodyguard pa na direktang naglakad papasok sa VIP channel para kumpirmahin at suriin ang daan na dadaanan ni Quinn.Narinig lang sa intercom ng driver ang boses ng kasamahan ng driver pagkatapos kumpirmahin na walang panganib sa paligid, “Handa na ang lahat. Maaari mo nang pababain si Miss Golding ngayon.”Sinabi agad ng driver, “Miss Golding, maaari ka nang bumaba.”Pagkatapos itong sabihin, binuksan niya ang pinto at binuksan ang pinto sa likod para kay Quinn.Bumaba nang magkasama sina Quinn at Charlie sa kotse, at sa sandaling ito, si Janus, na nakaupo sa kotse sa likod, ay bumaba na rin sa kotse.Dalawang bodyguard ang lumabas sa VIP channel at sinabi kay Quinn, “Miss Golding, pwede ka nang pumasok.”Tumango si Quinn. Sa sandaling ito, dalawang lalaki na nasa katanghaliang gulang at isang binata ang lumabas nang magkakasama sa VIP channel.Ang taong nasa unahan ay si Nathaniel, ang chairman ng New York Oskian Chamber of Commerce. Ang lalaking nasa katanghaliang gu
Hindi naniniwala si Cato sa sining ng Feng Shui, kaya hindi niya gusto si Charlie. Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, magaling! Mater Wade, dahil sinabi mo na, bibigyan din kita ng pagkakataon na ipakita mo sa akin ang mga kasanayan mo.”Nakikita ni Charlie na hindi talaga siya gusto ni Cato at sinasabi niya lang ang ilang magalang na salita para lang tapusin ito. Kaya, kahit na gusto talagang imbitahin ng lalaking ito si Charlie para tingnan ang Feng Shui niya, wala siyang pakialam.Ang mga tinatawag na social procedure ay kailangan ng kabila na magpakita ng ilang paghanga kahit na malinaw na hindi nila tinitingala ang isa’t isa. Marahil ay sinasabi nila ang isang bagay kahit na iba ang gusto nilang sabihin at ayaw nilang kausapin ang kabila sa hinaharap.Kaya, sinabi ni Charlie, “Pasensya na, Mr. Rows. Medyo puno ang schedule ko kailan lang, kaya kung gusto mo talaga ng kahit anong tulong sa Feng Shui, pwede akong mag-rekomenda ng ibang Feng Shui master sa iyo.”Hindi in
Kahit na ang lounge ay may marangyang dekorasyon at maayos ang mga gamit, naramdaman ni Janus na sobrang hirap na maramdaman na ligtas siya sa lugar na ito.Ito ay dahil may isang pinto lang sa pagitan ng lounge at panlabas na mundo. Bukod dito, ganap na nakasarang lugar ito.Sa normal na sitwasyon, maganda ang privacy ng kwartong ito, pero kapag may panganib, halos wala kang pagkakataon na makatakas sa kwartong ito.Nang maisip ito ni Janus,m hindi niya mapigilan na mag-alala nang kaunti. Patuloy niyang nararamdaman na ang charity dinner na ito at ang partikular na nakasarang kwarto na ito ay parang may mga nakatagong sikreto.Kaya, tinanong niya si Quinn, “Miss Golding, paano ka naimbita sa charity dinner na ito?”Sinabi ni Quinn, “Kaibigan ng ama ko ang vice-chairman, si Uncle Rows, at dahil sa relasyon na ito, tinawagan ako ng New York Oskian Chamber of Commerce para sa isang kolaborasyon para sa ilang tour ko dito. Ilang araw lang ang nakalipas, sinabi ni Uncle Rows na guston
Tumingin si Charlie kay Janus Campbell na may kaunting sorpresa bago tinanong sa mahinang boses, “ Uncle Janus, ano sa tingin mo ang problema dito?”Natuto si Charlie na maging kalmado palagi dahil patuloy na tumataas ang lakas niya. Kaya, hindi na niya kailangan kabahan palagi. Dahil, sapat na ang lakas niya para lutasin nang madali ang kahit anong emergency.Pero, iba ito para kay Janus.Maraming taon na ang nakalipas simula noong pumunta si Januns sa United States, at simula noon, nanatili siyang mapagbantay at namuhay nang maingat.Sa isang dako, nag-aalala siya na malalaman ng immigration bureau ang tungkol sa illegal immigrant identity niya, at sa kabilang dako, nag-aalala siya na si Long, ang mayaman na lalaki mula sa Hong Kong, ay magpapadala ng tao para sa kanya.Iyon ang dahilan kung bakit nanatili siyang mapagbantay sa lahat ng bagay sa paligid niya. Sobrang alerto siya at may matinding pakiramdam siya ng panganib.Sobrang higpit ni Janus habang sinabi niya sa mahinang
Napagtanto ni Charlie na pamangkin ni Kathleen si Homer pagkatapos mabasa ang mensahe.Sinabi ni Charlie kay Quinn, “Ah, nagkataon kasi na kilala ko ang tita ni Homer.”“Huh?” Tinanong ni Quinn sa sorpresa, “Paano mo nakilala ang tita niya?”Sinabi nang mapanuya ni Charlie habang nakangiti, “Medyo mahabang kuwento.”Hindi matagal, nakatanggap ulit ng mensahe si Charlie sa kanyang cellphone: [Mr. Wade, dati ay nag-aral sa parehong kolehiyo sina Finley at Homer. Sa parehong taon din sila nag-enroll. Collegemate sila.]‘P*ta!’ Tahimik na nagmura si Charlie sa puso niya. Pagkatapos mabasa ang mensahe, naging sobrang linaw ng lahat sa ulo niya. Inisip niya, ‘Hindi nakapagtataka na hindi namin mahanap si Finley sa kahit saan! Pumunta siya sa New York para sa proteksyon ni Homer!’‘Malakas ang pamilya Fox. Bukod dito, teritoryo nila ang New York. Paano malalabanan ng Ten Thousand Armies ang pamilya Fox kasama ang lakas nila at mga resources sa New York?!’‘Kung patuloy na magtatago si
Hindi ito maintindihan ni Janus. Sinabi niya na kay Charlie ang lahat tungkol sa panganib at kalalaan nito, pero sa kabila nito, hindi natinag si Charlie.Bumuntong hininga siya at nag-isip, ‘Sa tingin ba talaga ni Charlie na kaya niyang panatilihin ang lahat sa ilalim ng kontrol niya?’Nang maisip niya ito, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga. ‘Kapuri-puri ang tapang ni Charlie. Matapang siya, pero hindi niya makita ang buong sitwasyon… Paano kung hindi siya makatakas ngayong araw? Matatapos na ba ang supling ni Master Curtis?’Nagulat si Janus sa mga iniisip niya. Alam niya na may nag-iisang anak na lalaki si Curtis, si Charlie, pero, kailan niya lang nalaman na buhay pa si Charlie.Hindi niya pwedeng hayaan na mamatay ang nag-iisang anak na lalaki ng benefactor niya dito.Mahigit dalawampung taon siyang nakaligtas at wala siyang pagsisisi. Pero, bata pa si Charlie. Siya ang anak nina Curtis at Ashley. Hindi kaya ni Janus na panoorin lang siyang mamatay dito!Nilabas agad
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay