Sa lalong madaling panahon, 11th na.Sa ilalim ng masiglang rush hour sa New York ay isang malakas na alon na dumadaan nang napakabilis.Mahigit isang libong sundalo mula sa Ten Thousand Armies ang dumating na doon, at marami ang nakatago sa bawat sulok ng siyudad.Sina Finley at Homer ay naiinip na rin.Sa umaga, tinawag ni Homer si Finley sa study room niya. Mukhang nananabik siya at kinakabahan. “Finley, sa mga nakaraang araw, ang lahat ng media headline ay tungkol kay Quinn Golding. Kung mawawala siya ngayong gabi, marahil ay gumawa ito ng malaking kaguluhan sa buong mundo. Sigurado ka ba na hindi tayo madadamay?”Tumango nang kampante si Finley, at sinabi nang nakangiti. “Young Master Fox, natapos na ng mga Iga ninja ang tungkol kay Fisher. Ngayon, papasok na sila sa ballroom ng hotel bilang mga pansamantalang katulong sa ilalim ni Fisher. Gagamitin din ni Fisher ang kakulangan sa karanasan nila bilang dahilan para tulungan sila, habang nilalayo ng iba sa lounge ni Quinn Gold
Ngumiti si Quinn. “Binakante ko ang schedule ko ngayong araw. Sasamahan kitang kumain at maglibot pagkatapos nito. Na-book ko na rin ang restaurant.”Idinagdag niya nang maselan, “Mag-impake ka na ngayon, Kuya Charlie. Papapuntahin ko ang helicopter sa tarmac sa bubong ng hotel mo sa loob ng sampung minuto.”Sumang-ayon na lang si Charlie. “Okay, magbibihis muna ako.”Makalipas ang sampung minuto, isang medium-sized helicopter mula sa isang general aviation company ang dumating sa tarmac sa bubong ng hotel, tulad ng sinabi ni Quinn.Pagkatapos sumakay ni Charlie, mabilis na lumipad ang helicopter at pumunta sa New York.230 kilometers lang ang layo ng Providence sa New York, kaya inabot lang ng isang oras ang helicopter para lumipad papuntang New York.Sa kalaunan ay bumaba ang helicopter sa isang maliit na navigational site malapit sa Oskiatown sa New York. Isang babae na may itim na salamin ang lumapit kay Charlie, na kabababa lang sa helicopter. “Mr. Wade, hinihintay ka ni Qui
Natulala si Charlie, masyado siyang nagulat para magkaroon ng reaksyon.Pagkatapos, agad tinulungan ni Charlie na tumayo ang lalaki. Habang nalilito, tinanong niya nang magalang, “Maari ko bang malaman kung sino ka?”Sumagot nang magalang ang lalaki na nasa katanghaliang gulang, “Young Master Wade, ako si Janus Campbell. Sa una, dapat ay naging multo na ako. Sa kabutihang palad, niligtas ako ni Master Curtis. Iyon ang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon.”Nang marinig ni Charlie na si Janus ay matandang kakilala ng kanyang ama, pinagdaup niya ang mga kamay niya sa magalang na paraan. Habang yumuyuko, sinabi niya, “Binabati kita, Uncle Campbell. Ako si Charlie Wade.”Mas lalong nanabik pa ang masayang Janus dahil sa ginawa niya. Namula ang mga mata ni Janus habang sinabi niya, “Sabi ko na nga ba… Sabi ko na nga ba. Nang makita kita, alam ko na agad: siguradong ikaw si Young Master Charlie! Sa una, akala ko na guni-guni ko lang ito. Pero nang maalala ko ang sinabi ni Miss
Namuo ang mga emosyon sa dibdib niya habang nanaghoy siya sa katotohanan na iyon. Tinanong niya si Janus, “Uncle Janus, paano ko napunta sa New York pagkatapos nito?”Nagpakita si Janus ng isang nakangiwing ngiti kay Charlie, “Pagkatapos mamatay ni Mater Curtis, palihim akong pumunta sa Aurous Hill para magluksa. Nang pabalik na ako sa Hong Kong, nagkataon na nabalitaan din ng lalaking gusto ako patayin ang tungkol sa pagkamatay niya. Agad siyang nagpadala ng isa pang utos para kunin ang buhay ko. Napagtanto ko na hindi ako makakabalik sa Hong Kong, kaya umalis ako sa Oskia at pumunta sa United States. Nanatili ako dito simula noon…”Tinanong naman ni Janus si Charlie, “Nasaan ka sa mga nagdaang taon, Young Master Wade? Nilakbay ni Mr. Golding ang halos lahat ng sulok ng mundo para hanapin ka. Pumunta pa siya sa United States nang ilang beses. Tinulungan ko rin siya na hanapin ka dito, pero wala kaming nahanap…”Nagsalita si Quinn. “Kuya charlie! Noong pumunta kami ng ama ko sa New
Nasorpresa si Charlie nang marinig ang voice message ni Yule.Kung totoo nga ang sinabi ni Yule, kasama na ang pagpapahalaga ng kanyang ama kay Janus dati, sapat na ito para kay Charlie na makita na may napakalakas na abilidad si Janus.Alam din ni Charlie sa puso niya na ang pinakamalaking problema niya sa pag-unlad ay ang kakulangan sa talento.Kahit na malakas ang Ten Thousand Armies, hindi ito makikita sa publiko. Bukod dito, malulutas lang ng Ten Thousand Armies ang mga problema na kailangan ng puwersa.Sa hinaharap, magiging maliit na bahagi lang ang puwersa kung gustong palakasin ni Charlie ang pamilya Wade. Ang mas mahalaga ay ang operasyon at management.Kahit si Charlie ay nahuhuli nang sobra sa puntong ito.Hindi lang kailangan ng pamilya Wade ng isang leader na ituturo ang kurso pagdating ng oras, ngunit kailangan din nila ng isang magaling na trader na may pinakaligtas at pinakamaayos na pamamaraan para tulungan ang pamilya Wade, na isang malaking barko, na maglayag
“Hindi.” Umiling si Janus at sinabi, “Ang bahay ng mga ninuno ko ay sa Dothmain sa Grochex Province. Tumakas ang ama ko at pumunta sa Hong Kong noong digmaan, kaya pinanganak din ako sa Hong Kong. Pagkatapos nito, umasa ang ama ko sa sinaunang pag-iihaw ng gansa na galing niya para kumita ng pera sa Hong Kong bago siya nagkaroon ng ugat sa Hong Kong. Pagkatapos nito, unti-unting naging masagana ang pamilya ko, at ipinadala nila ako sa Europe at United States para mag-aral.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Kung gano’n, paano mo nakilala ang ama ko?”Sinabi ni Janus, “Nakilala ko ang ama mo noong nag-hiking kami sa United States. Mga estudyante pa kami noon, at nagkataon na nakita namin ang isa’t isa habang nag-hiking kami sa bakasyon. Bukod dito, halos magkapareho ang mga itineraryo namin, kaya, pumunta kami at naging magkaibigan pagkatapos nito. Simula noon, madalas kaming nag-uusap nang mahusay at tinuturo ang mga kasalukuyang mga maling bagay. Nagkasundo kami nang sobra!”Pagka
“Anong sinabi niya?” Sinabi ulit ni Janus ang tanong ni Quinn, bumuntong hininga, at sinabi nang walang magawa, “Syempre hindi siya naniwala sa akin at sinabi na siguradong niloko ko siya sa likod niya. Sinabi niya na hindi siya maniniwala sa akin kahit paano ko ipaliwanag ang sarili ko.”“Pero, sinabi niya na papatawarin niya ako para sa pera. Hahayaan niya akong bumalik at magpagaling habang binibigyan niya ako ng oras para pag-isipan nang malinaw ang mga bagay-bagay.”“Kapag gumaling ako at patuloy siyang tulungan na kumita ng pera, magpapanggap siya na walang nangyari. Kung hindi, buhay ko ang kapalit.”Habang sinasabi ito ni Janus, ngumiti siya at idinagdag, “Pero, hinding-hindi niya inaakala na may backup plan na ako. Nang nagpasya akong sabihin sa kanya ang lahat ng ito, sinabihan ko na ang unang girlfriend ko na lumabas nang maaga sa villa kasama ang passport niya. Sinabihan ko siya na hintayin niya ako sa hospital malapit sa kumpanya ni Mr. Long.”Nasorpresa si Charlie at
Kahit papaano, siguradong hindi kasing talas at lubusan magplano si Charlie tulad ni Janus kung malalagay siya sa parehong sitwasyon.Sa sandaling ito, mayroong parang batang ekspresyon si Janus sa kanyang mukha habang ngumiti siya at sinabi, “Sa sandaling iyon, nababalot ako ng sugat habang pinadala ako sa hospital, pero sinong mag-aakala na palihim akong tatakas sa hospital at makikipag tanan sa unang girlfriend ko makalipas ang kalahating oras?”Habang nagsasalita si Janus, idinagdag niya, “Sa una ay balak ko na sumukay kami sa eroplano papuntang Southeast Asia at maghanap ng pagkakataon para itago ang sarili namin mula sa Southeast Asia papunta sa United States. Pero, hindi ko inaasahan na nang bumalik si Mr. Long sa villa, hindi niya nakita ang unang girlfriend ko doon, at nalaman niya na dinala niya ang passport niya. Kaya, nagbigay agad siya ng pursuit order pagkatapos nito, nag-alok ng pabuya na 30 million Hong Kong dollars para sa buhay ko…”“Sa sandaling iyon, kadarating l
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay