Nagdala ng liwanag ang sumunod na umaga at dahan-dahan itong kumalat sa langit ng Vancouver, tila ba nagkaroon ng kakaibang alindog ang syudad sa ilalim ng liwanag ng umagang ito.Subalit, walang nakakaalam kung ano ang madilim na bahagi ng Vancouver at kung anong klase ng dumi ang nakatago rito.Dumating rin ang parehong umaga sa Seattle na nasa parehong time zone ng Vancouver.Sa loob ng isang napakagarbong seaside villa na ilang ektarya ang lawak, isang 27 years old na binata ang hindi mapakaling naglalakad pabalik-balik sa loob ng sala.Halos maupos na ang sigarilyong nasa kamay niya.Napakunot ang kanyang kilay at nang malapit nang umabot ang sindi ng sigarilyo sa dulo, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang daliri, at hindi niya namalayang napasigaw siya saka niya naihagis palayo ang sigarilyo. Sumunod, naging malumbay ang ekspresyon sa kanyang mukha, tinanong niya ang tauhan niya, “Wala pa rin bang balita kay Franco?”Ang lalaking nagsalita ngayon lang ay wala ng iba
Sa parehong pagkakataon, sa Vancouver, Canada.Malaking bilang ng Italian families sa siyudad ang nakaramdam ng matinding sindak. Nadiskubre nilang naglaho ang kanilang mga kamag-anak sa loob lang ng isang gabi.Ilan sa kanila nawawala ang asawa, may ibang nawawala ang anak, at ang iba naman nawawala ang kapatid.Hindi sila nakaramdam ng takot noong una dahil alam nilang illegal ang trabaho ng kanilang mga kamag-anak. Madalas hindi sila umuuwi buong gabi kaya sanay na sila sa ganitong klase ng sitwasyon.Subalit, nang mag-usap usap na sila, para bang binagsakan sila ng malamig na yelo dahil sa takot.Kung ilan lang sana ang nawawala, iisipin lang nila na abala ito. Pero, masyado naman yatang kakaiba kung may nawawalang mahigit sa isang tao sa bawat pamilyang naririto.Marami rin ang nakakaalala na tulog na ang mga kamag-anak nila kagabi, pero bigla silang nakatanggap ng tawag mula sa mga kasamahan nila. Mukhang pinapapunta agad sila ng kanilang boss sa Vancouver port, kaya umalis
Pwedeng ring maging alamat ang mga ganitong klaseng tao na may miserableng buhay.Nabibilang dito si Old Godfather Ryan. Lima ang anak na lalaki ni Ryan at hindi niya mapigilang ipagmalaki sila.Sa tradisyunal na paniniwala ng Italian mafia, tanging ang mga anak na lalaki lamang ang pwedeng magpatuloy at magmana ng kanilang Sicily fighting spirit.Kaya, nanatili ang patriarchal ideology sa grupong ito ng mga tao. Para sa mga walang anak na lalaki, malaking kahihiyan ito sa tuwing nakakasalubong nila ang mga kakilala nila sa daan.Hindi mapigilang mainggit ng mga walang anak na lalaki sa tuwing nakikita nila ang ibang miyembro na dala ang kanilang mga anak na lalaki para magbenta ng droga at mangolekta ng protection fees.Iyan ang dahilan kung bakit laging ipinagmamalaki ng mga mafia members ang kanilang mga anak na lalaki. Mas mayabang sila kung mas marami silang anak na lalaki.Pinagpala si Old Godfather Ryan at nabiyayaan siya ng limang anak na lalaki nang magkakasunod. Marami
Nakaramdam ng sindak ang lahat nang marinig nila ang galit na sigaw ni Old Godfather Ryan.Hindi nila maintindihan kung bakit ayaw pumayag ni Old Godfather Ryan na tumawag sila ng pulis.Isang babaeng humahagulgol ang nagtanong, “Godfather, sa ganitong klase ng sitwasyon… May iba ba tayong magagawa maliban sa tumawag ng pulis?”Nagtanong si Old Godfather Ryan habang malagim ang ekspresyon sa mukha, “Hindi ba sinabi sa’yo ng asawa mo na huwag tumawag ng pulis kahit mamatay siya? Ito ang basic rule ng bawat miyembro ng mafia na dapat alam niyo rin!”Nakaramdam ng matinding dalamhati ang babae nang marinig ito. Mahina siyang tumugon, “Sinabi niya na nga ang bagay na iyan, pero…”Malamig na nagsalita si Old Godfather Ryan, “Walang pero pero! Dapat alam niyong magkalaban talaga ang pulis at mafia! Wala ring saysay kahit ipaalam natin sa pulis kung ano ang sitwasyon natin!”“Matagal nang nasa blacklist ng Vancouver police ang mga miyembro ng Italian mafia. Hindi magfafile ng kaso ang p
Sa wakas, may nadiskubre na rin ang search team ng pamilya George. Nakahanap sila ng mahigit sa isang dosenang bangkay at ilang mga labi ng yate mula sa mga alon. Mula sa mga ito, natagpuan rin nila ang bangkay ni Franco.Nang mahanap nila ang bangkay nito, nakasuot ito ng life jacket at nakaangat ang ulo at mga balikat nito sa tubig, samantalang nakalubog naman sa dagat ang ibabang bahagi ng katawan nito. Para siyang isang patay na isda na lumulutang-lutang lang. Kahit madala siya ng malakas na alon, muli siyang lumilitaw sa tulong ng kanyang life jacket.Ganoon din, nagulantang ang lahat nang makita ang itsura ng bangkay.Miserable ang pagkamatay ni Franco.Natatakpan ng kanyang kulot at kulay blonde na buhok ang kanyang noo samantalang nakadilat at nanlalaki pa ang kanyang mga mata.Napansin rin ng mga tauhan ng pamilya George na hindi lang nalagutan ng hininga si Franco. Kundi, ilang beses rin siyang binaril pati sa kanyang mga binti at sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Isang minuto ang makalipas, nakatanggap ng imahe ang satellite phone ni Finley.Mabagal ang pagpapadala ng mensahe dahil satellite ang gamit nila. Noong una, malabo pa ang imaheng natanggap niya, pero nang completely downloaded na ito, nakita niya na nang malinaw ang itsura ng kanyang kapatid.Subalit, hindi kayang tignan ni Finley ang larawan kahit sa malabo nitong bersyon.Nakit niya ang kulay pulang pixelated areas sa ulo, mukha, at binti ng bangkay ng kanyang nakababatang kapatid. Dito pa lang, masasabi niyang dugo ang lahat ng pulang pixelated areas.Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili kapag naging malinaw na ang imahe. Umaasa siyang hindi siya masindak sa makikita niya.Sa kabila nito, nanginig pa rin siya sa gulat nang makita ang malinaw na bersyon ng imahe!Nanginig siya nang matindi sa puntong nabitawan niya ang satellite phone na nasa kamay niya.Nanghina ang kanyang mga tuhod dahil sa tindi ng gulat na naramdaman niya, kaya hindi na siya makatayo at natumba siy
Agad na nagsalita ang assistant, “Master, mula sa mga salitang nakasulat sa noo ni Master, mukhang Oskian ang pumatay sa kanya!”Tumango si Finley habang malagim ang ekspresyon sa mukha. Isinantabi niya ang kanyang galit at sumang-ayon siya, “Hindi lang siya Oskian, pero mukhang marami rin siyang alam sa mga sikreto natin…”Nang mabanggit ito, agad na nagsalita si Finley, “Tama! Dapat tatanggapin ni Franco ang mga bagong stocks mula sa mga Italians kagabi. Tulungan mo akong tanungin sila kung ano ang nangyari kagabi!”Nang marinig ito, agad na tumugon ang assistant, “Kokontakin ko rin sila agad ngayon din!”Sumunod, dinampot ng assistant ang kanyang cellphone at lumabas siya ng kwarto.Samantala, nahimasmasan na nang kaunti si Finley mula sa kanyang gulat at nakakapag-isip na siya nang matino. Sumunod, kinausap niya ang kanyang sarili, “Franco, sana matahimik ang kaluluwa mo. Hahanapin ko ang pumatay sa’yo at ipaghihiganti kita. Nangangako ako na papahirapan ko siya ng 100 na bese
Gusto sanang ipaghiganti ni Finley ang pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid, ganoon pa man, hindi iyan ang pinakamalaki niyang problema sa pagkakataong ito, kundi ang illegal business nila.Kung makukuha ng pagkawala ng Italian mafia ang atensyon ng mundo, siguradong ang illegal business niya ang mauunang bumagsak.Kaya, kailangan niyang pagtakpan ang bagay na ito kahit anong mangyari. Kung hindi, magiging malala ang kahihinatnan nito.Hindi nagtagal, nakarating ang balitang ito sa Canada at nang matanggap ito ni Old Godfather ryan, agad niyang inanunsyo ang magandang balita sa lahat.Sabik siyang nagwika, “Kinontak na ako ng taong nag-hire sa gang. Nangako silang magbabayad sila ng 1 million US dollars bawat tao bilang compensation kung tatlong araw kayong walang matatanggap na kahit anong balita sa mga kamag-anak niyo.”Napabulalas sa gulat ang lahat nang marinig ito. Nirerespeto nila si Old Godfather Ryan pero hindi nila inaasahan ang ganitong resulta.Malaking halaga an
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay