Natulala si Andre, Gopher, at ang ibang mga miyembro ng gang sa mga sinabi ni Charlie.Hindi mapigilan ni Gopher na isipin, โHindi baโt sapat nang mawala sa pag-iisip ang anong-pangalan-niya? Nabaliw na rin ba si Mr. Wade?โHabang nag-iisip si Gopher, pinagdaup ni Porter ang mga kamay niya sa harap ni Charlie. Pagkatapos, humarap siya kina Gopher at Andre, at sinabi nang walang bahala, โHayaan niyong ipakilala ko ang sarili ko. Ako si Porter Waldron.โโPorter Waldron?!โ Nagulat si Gopher nang marinig ang pangalan. Naramdaman niya na pamilyar ito, pero hindi niya ito maalala.Sa sandaling ito, ngumisi si Andre, โPorter Waldron ang pangalan mo? Letse! Hindi nakapagtataka kung bakit sobrang yabang mo. Parehas ang pangalan mo sa lord ng Ten Thousand Armies!โPagkatapos, nalaman ito ng mga tao!Hindi nakapagtataka na sobrang pamilyar ng pangalan na ito!Si Porter Waldron, ang sikat na lord ng Ten Thousand Armies, ay isang maalamat at parang diyos na tao.Pero, wala sa kanila na nani
Nang makita ng ibang gang member na madaling binaluktot ni Porter ang baril, nanginig sila sa takot. Ngayong nakumpirma na nila ang pagkakakilanlan ni Porter, sigurado sila na wala na silang pagkakataon na manalo. Kahit na subukan nilang tumakas, wala silang mapupuntahan.Agad, lumuhod sila at yumuko. Hindi mahalaga kahit na marami sila, o kung puno ng tao ang makitid na hagdan. Lumuhod pa rin silang lahat, natatakot nang sobra na gawin ang ibang bagay.Namutla na ngayon sa takot si Andre. Tumingin siya kay Charlie, nanginginig, lahat ng kumpiyansa at kayabangan niya ay nawala tulad ng hangin. Sa nanginginig na boses, tinanong niya, โMrโฆ Mr. Wadeโฆ Itoโฆ Anong nangyayari? May hindi ba pagkakaintindihan?โSumagot si Charlie habang may madaling ngiti, โWalang hindi pagkakaintindihan. Hindi baโt napanalunan mo ang cargo ship sa akin? Ibibigay ko na ito sayo ngayon.โMarahil ay malaking tanga si Andre, pero sa puntong ito, kahit ang isang tanga na katulad niya ay maiintindihan na nagpapa
Sa sandaling iyon, akala ni Andre na nakahanap siya ng daan palabas. Nang walang pag-aatubili, tumango siya at idineklara nang sabik, โMr. Wade, gusto kong sumali sa Ten Thousand Armies!โTumango si Charlie, nalulugod. Nangyayari ang lahat ayon sa plano. Humarap siya kay Gopher at tinanong, โIkaw, Gopher? Interesado ka bang sumali sa Ten Thousand Armies?โTumingala si Gopher at sinabi nang tapat, โMr. Wade, Sโฆ Sobrang interesado akoโฆ Ang pagsali sa Ten Thousand Armies ay isang napakalaking karangalan!โPatuloy niyang binola si Charlie, at idinagdag, โMr. Wadeโฆ Dahil mapapasailalim mo ang gang namin, may bagay akong iniisip na kung dapat ko bang sabihin sa iyoโฆโDahil sa kung paano gumagalaw ang mga mata ni Gopher, alam ni Charlie na may masamang balak ang lalaking ito. Pero, hindi siya matitinag ng kahit anumang plano ni Gopher. Kaya, kumaway siya at ngumiti nang nalilibang, at sinabi, โSabihin mo.โNagsimula nang sabik si Gopher, โMr. Wade, may lumang kasabihan ang bansa natin na
Sinigaw ng isa sa pagsang-ayon, โHindi nagbago ang mga suweldo namin, pero siguradong tumaas ang dami ng mga gawain namin!โโPinagawa sa amin ni Andre ang mga bagay na hindi pinayagan ng dating boss, at kumita siya ng maraming pera doon. Pero wala kaming natanggap na sobrang kabayaran para sa paghihirap namin!โโWala sa amin ang tumaas ang suweldo, pero tumaas nang sobra ang kita ni Andre sa mga nagdaang buwan. May Rolls Royce pa siya ngayon!โPumukaw ng sama ng loob ang mga pangungusap na ito sa buong grupo.Nagkaisa ang lahat na hindi kwalipikado si Andre na maging leader, kaya dapat siyang patalsikin.Pagkatapos ay tinanong sila ni Charlie, โAno sa tingin niyo kung si Gopher ang magiging boss niyo simula ngayon?โSa ilang sandali, nanahimik ang lahat at tumingin sa isaโt isa.Kahit na masama ang loob nila kay Andre, mahirap tanggapin na bigla silang pamamahalaan ng isang Oskian tulad ni Gopher.Dahil, isa itong Italian organization. Marahil ay hindi sila lahat galing sa Sici
Nagulat ang lahat ng miyembro ng Italian gang sa inamin ni Andre.Tumingin nang masama ang isa kay Gopher at dinemanda nang madilim, โTotoo ba ang sinasabi ni Andre?!โโS-syempre hindi!โ Mabilis na tumanggi si Gopher, pero nanginig nang kaunti ang boses niya habang nagsasalita. Tinuro niya si Andre at umangal, โManahimik ka, Andre! Ngayong hinahayaan ako ni Mr. Wade na maging boss, umaasta ka na para bang inaagawa ko ang lahat ng impluwensya mo! Alam mo na mawawalan ka ng kapangyarihan, kaya sinisiraan mo ako gamit ang mga kasinungalingan. Pinagmumukha mo akong isang walang hiyang kontrabida para madismaya si Mr. Wade sa akin. Pero matalinong lalaki si Mr. Wade. Hindi siya mahuhulog sa mga kasinungalingan mo!โDito, isang kakaibang ngisi ang lumitaw sa mukha ni Charlie. Sumakay siya kay Gopher at sinabi nang malamig, โAndre, medyo masama ang tactic mo! Kung titingnan, mukhang tapat at totoo ang g*go, err, ang lalaking ito. Mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi niya, at may magandang bu
Dahil hindi nakapagsasalita ang isang bangkay, kapag napagsamantalahan ni Gopher ang oportunidad na ito, walang mangyayaring masama sa kanya.Sa pagkakataong inilahad ni Gopher ang kanyang kamay, agad na umaksyon si Porter at hinawakan niya ang braso nito. Gumamit si Porter ng kaunting puwersa at diniin niya nang kaunti ang pulso ni Gopher.Subalit, sapat na ang kaunting galaw na ito para mapahiyaw sa sakit si Gopher. Ganoon din, nagsalita si Charlie, โPorter, huwag mo siyang balian ng kamay. Magiging wala siyang kuwenta sa atin kung sakali.โHindi naunawaan ni Gopher kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ni Charlie, pero nasaksihan niya ang lakas ni Porter ngayon lang at alam niyang kaunting puwersa lang ang kailangan nito para mabalian siya ng kanang kamay. Ang mga salita ni Charlie ang nagligtas sa kanya sa pagkakataong ito.Magalang na tumango si Porter kay Charlie. Nilingon niya ang isa sa kanyang mga tauhan saka siya nagsalita, โPakitali siya!โHumakbang ang is
Kinalimutan na ni Andre ang kaligtasan niya sa puntong ito, wala siyang pakialaman kahit madamay siya.Natatakot siyang i-promote talaga ni Charlie si Gopher. Sa ugali ni Gopher, siguradong papatayin niya rin si Andre pagdating ng tamang pagkakataon.Mas mabuti pang ilantad na lang ni Andre ang insidenteng ito kaysa hayaang makarating si Gopher sa tuktok!Itinago niya ang malinaw na recording na ito bilang alas sakaling kailangan niyang pasunurin si Gopher. Hindi niya naman inaakalang gagamitin niya ito sa ganitong pagkakataonโฆ Minamalas nga naman talaga siya!Sa totoo lang, alam naman talaga ni Gopher na mag-iiwan ng ebidensya si Andre.Mula pa sa sinaunang panahon, isang pagpapanggap lamang ang pagbibigay ng katapatan.Kung may gustong gawin ang isang tao, hindi siya pwedeng makawala sa kasalanang gagawin niya.Isa itong organisasyon kung saan pumapatay sila para magbenta ng illegal goods at gumagawa ng karahasan para mapalawak ang teritoryo. Walang magtitiwala sa isang tao na
Hindi mapigilang magtanong ni Charlie, โOh? Sige magpaliwanag ka. Gusto kong malaman kung bakit sinasabi mong wala kang magawa.โPagkatapos ng ilang sandali, nagdagdag si Charlie, โTeka lang. Hayaan mo akong tawagin ang biktima.โNilingon ni Charlie si Porter, โPorter, dalhin mo siya rito.โโMasusunod, Mr. Wade.โ Tumango si Porter nang magalang saka siya umalis. Sumunod, bumalik siya kasama si Claudia.Sa pagkakataong ito, puno ng luha ang mukha ni Claudia.Mula simula, nakikinig siya. Nang marinig niya ang recording ng usapan ni Gopher at Andre, nakaramdam siya ng matinding galit. Gusto niyang saksakin si Gopher gamit ang sarili niyang mga kamay para ipaghiganti ang kanyang pamilya sa pagkakataong ito.Kinuyom ni Claudia ang kanyang mga kamay hanggang sa dumiin ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad. Nakatitig siya nang masama kay Gophe at nagsalita siya habang malagim ang tono ng boses, โGopher! Ang mga magulang ko ang nag-ampon saโyo at nagbigay ng bagong buhay sa mga pagka
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, โSino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!โSa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, โMahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!โAgad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, โElaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?โMapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, โAnong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?โNapahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, โMahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?โNakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, โMa, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.โTumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, โWala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.โNagulat na nagtanong si Keith, โNapilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?โSumagot si Charlie, โLolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.โAgad na pumayag si Keith. โSige, pumasok na tayo at mag-usap.โPumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Bastaโt suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, โYoung Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.โUmiling si Charlie at sinabi, โBukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.โTumango si Vera at sinabi nang malambot, โMuntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: โUncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?โMabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: โYoung Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.โNang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, โUncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?โSinabi ni Janus, โAng pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro