Share

Kabanata 4014

Author: Lord Leaf
Inutusan ni Charlie si Gopher, “Ihatid mo na kami pauwi.”

Masasabing isang masunuring alalay si Gopher ngayon. Puno siya ng ligalig nang magsalita, “Dito na lang, Mr. Wade!”

Pagkaalis ng casino, hinatid ni Gopher ang tatlo pabalik sa bahay ni Mrs. Lewis.

Dalawang oras lang sila nawala dahil mabilis lang naubos ni Charlie ang lahat ng perang dala niya.

Bago bumaba ng kotse, kinausap ni Gopher si Charlie. Magalang ang kanyang tono, “Magpahinga kayo nang mabuti ngayong gabi, Mr. Wade. Susunduin ko ulit kayo bukas ng gabi!”

Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag siya, “Nga pala, Mr. Wade. Ayos lang ba sa’yo kung kunin ko ang contact information niyo? Kokontakin ko na lang kayo bukas.”

“Hindi na kailangan,” kaswal na tugon ni Charlie. “Si Claudia na lang ang tawagan mo.”

Tumango si Gopher. “Sige. Si Claudia na lang ang tatawagan ko bukas.”

Tumango nang bahagya si Charlie saka niya binuksan ang pinto. Bumaba siya ng sasakyan at pumasok na siya sa villa kasama sila Stephanie at Claudia.

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4015

    Alam ni Charlie sa pagkakataong ito, puno ang utak ni Gopher ng ideya kung ano ang gagawin niya sa 2 million Canadian dollars na dadalhin ni Charlie bukas. Kaya, siguradong walang paki si Gopher sa kanyang naunang balak na dukutin si Stephanie.Nangyari ang lahat ayon sa inaasahan ni Charlie kaya lumipas ang gabing iyon nang tahimik at walang nangyayaring hindi maganda.Nang magising si Charlie kinabukasan ng umaga, nakatanggap siya ng tawag mula kay Porter.Magalang na nagsalita si Porter, “Mr. Wade, nandito na ako sa Vancouver pati na rin ang 300 na miyembro ng Ten Thousand Armies. Handa kami kahit kailan, sabihan niyo lang ako!”Nagitla si Charlie. “Porter? Bakit nandito ka rin?”Agad na tumugon si Porter, “Wala namang mahalagang bagay sa Middle East na kailangan kong asikasuhin nang personal. Alam kong mahalaga ang misyon na binigay niyo at kailangan niyo ng tao kaya sumama ako rito.”Habang nagsasalita, nagtanong si Porter, “Mr. Wade, sabihan niyo lang kami kahit kailan kung

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4016

    Mamaya-maya, bumaba na sila para kumain ng almusal. Ganoon din, nagbigay ng suhestiyon si Stephanie, “Kuya Charlie, bakit hindi muna namin isara ang convenience store ngayong araw? Ipapasyal ka naming tatlo sa Vancouver!”Tumawa si Charlie. “Pasensya na Stephanie. May kailangan akong asikasuhin mamaya.”Hindi mapigilang magtaka ni Mrs. Lewis. “Charlie, may mga aasikasuhin ka pala sa Vancouver?”Ngumiti si Charlie saka siya tumugon, “Mrs. Lewis, nagkataong naghahanap ang ocean shipping company ng pamilya Wade ng cargo ship sa Vancouver. Dahil nandito na ako, pupunta na ako sa port para gawin ang transaction procedures.”Hindi pinagdudahan ni Mrs. Lewis ang sinabi ni Charlie. “Hindi naman malayo ang port dito. Magpahatid ka na lang kay Stephanie.”Agad na tinanggihan ni Charlie ang alok ni Mrs. Lewis. “Hindi na kailangan, Mrs. Lewis. Pwede akong sumakay ng taxi papunta roon.”Nilingon ni Charlie si Stephanie para kausapin ito, “Stephanie, pumunta ka na lang sa convenience store gay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4017

    Hindi nagtagal, gumabi na at dumilim na ang paligid. Pagkatapos ng hapunan, dinala ni Gopher ang Rolls Royce ng kanyang boss at nagmaneho siya papunta sa bahay ni Mrs. Lewis. Naghintay siya hanggang sa magpakita si Charlie.Mamaya-maya, mag-isang lumabas ng villa si Charlie habang may buhat-buhat na malaking sports bag sa kanyang balikat.Naglalaman ng 2 million Canadian dollars na kaka-withdraw lang ni Charlie kanina ang sports bag na dala niya. Maliban dito, nandito rin ang mga papeles ng cargo ship na kabibili niya lang.Nang makita si Charlie, nagliwanag ang mga mata ni Gopher. Para bang nasa alipaap siya sa tuwing naiisip niya ang laki ng pera na makukuha niya ngayon gabi. Maligalig siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan niya ng pinto si Charlie sa passenger’s seat. Nang makarating si Charlie sa harap niya, magalang siyang bumati, “Pumasok na kayo sa kotse, Mr. Wade!”Tumango si Charlie at hindi siya nagsalita. Ilalagay niya na sana sa kotse ang bag nang biglang ilahad ni Gophe

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4018

    Ngumiti si Charlie pabalik at kaswal siyang nagsalita, “Maraming salamat sa kabutihan mo, Andre. Pumunta ako sa Vancouver para mag-asikaso ng ilang personal na bagay, pero masaya akong magkaroon ng pagkakataon na makilala at makalaro ka. Wala naman siguro akong hihingiin na pabor dahil ayaw rin kitang abalahin.”Napaangat ang kilay ni Charlie at tumawa siya, “Pero kung magkakaroon ka ng oportunidad na bumisita ng Oskia sa hinaharap, pwede mo akong kontakin kung kailangan mo ng tulong. Huwag mong kalimutan, buong Oskia ang sinasabi ko. Hindi lang ito limitado sa iisang syudad. Kilala ako sa buong bansa.”Nakaramdam ng kaunting irita si Andre nang marinig ito.Malinaw ang implikasyon sa likod ng mga salita ni Charlie. Ibig sabihin malakas ang kanyang impluwensya sa loob ng isang buong bansa, kumpara kay Andre na limitado lang ang kapangyarihan sa iisang syudad.Alam ni Andre na atake ito sa kanya. Nililinaw ni Charlie na maliit ang tingin niya kay Andre.Hindi mapigilan ni Andre na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4019

    Hindi inaakala ng bunny girl na magiging ganito ka-mapagbigay si Charlie.Iba’t ibang emosyon ang makikita sa kanyang mukha. Gulat, tuwa, at sorpresa ang makikita sa kanyang ekspresyon. Habang hawak ang dalawang chip sa kanyang kamay, sabik at nauutal siyang nagsalita, “Sir… Kayo… Kayo… Ito…”Hindi siya makapaniwala na binigyan siya ni Charlie ng chips na nagkakahalaga ng 20,000 dollars nang walang ginagawang kahit ano. Hindi naman yata ito makatotohanan!Ayon sa rules ng casino, pwede nilang ipagpalit ng pera ang chips na mayroon sila kahit kailan. Sa pagkakataong makalabas siya ng pinto, agad niyang ipagpapalit ng 20,000 Canadian dollars ang dalawang plastic chips na mayroon siya.Tuwang-tuwa ang bunny girl. Hindi siya makapaniwala na may ganitong klase pala ng tao sa mundo.Pinag-aralan ni Charlie ang ekspresyon ng bunny girl at ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala, kunin mo na iyan. Tip ko iyan para sa’yo.”Sumunod, napasulyap siya sa bunny girl na nakatayo sa tabi ni Andre

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4020

    Nang mabanggit ito, tumalikod si Gopher at umalis siya ng kwarto. Si Charlie at Andre na lamang ang naiwan kasama ang dalawang bunny girls.Hindi nag-abala si Charlie na bigyan ng psychological hints ang dealer at hindi rin siya nagpanggap.Balak niyang mawalan ng 2 million Canadian dollars sa una, hanggang sa ipagpalit niya ang kanyang cargo ship.Sa ganitong klase ng hindi patas na poker game, masyadong nakatagilid ang swerte ni Charlie at Andre.Sa loob lamang ng isang oras, kalahati ng 2 million Canadian dollars worth of chips ni Charlie ang nawala sa kanya.Samantala, sa kabilang banda, lalo pang nakaramdam ng sabik si Andre. Hindi niya inaakalang darating ang pera sa harap niya ng ganito kabilis ngayong gabi! Pakiramdam niya para bang lumulutang siya sa langit pagkatapos niyang makatanggap ng 1 million Canadian dollars sa loob lang ng isang oras.Sa pagkakataong ito, isa sa mga tauhan ni Gopher ang lumapit sa kanya para bumulong, “Mr. Gopher, nagtagumpay na kami sa paghuli

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4021

    Agad na tinanggap ni Andre ang makapal na salansan ng mga dokumento sa harap niya saka niya ito maingat na binasa.Pagkatapos basahin ang ilang mga pahina, napakurba ang labi ni Andre. Muling bumalik ang kanyang maliwanag na ekspresyon at napatitig siya kay Charlie habang puno ng papuri, “Naku, Mr. Wade! Talagang nakamamangha ka! May business ka rin pala sa Vancouver. Secondhand lang ang cargo ship na ito pero 20 million US dollars pa rin ang presyo nito. Hindi iyan mura!”Sumagot nang walang emosyon si Charlie. “Isang 15,000-ton cargo ship lang naman iyan. Wala lang iyan!”Sumunod, tila ba nauubusan na ng pasensya si Charlie, “Huwag ka nang magsalita ng kalokohan. Magkano ang halagang pwede mong ipahiram sa akin gamit ang cargo ship na ito? Bigyan mo ako ng numero.”Sinusubukang mag-isip ni Andre kung ano ang magiging pinakamagandang resulta para sa kanya.Madalas na nagdadala ng illegal goods ang gang nila palabas at papasok ng Canada.Dahil sa kakulangan nila sa financial stre

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4022

    “Ayos lang.” Itinuro ni Charlie ang mga papeles na may kinalaman sa cargo ship na nasa harap ni Andre. Nagngitngit ang kanyang ngipin habang nagsasalita, “Mapupunta sa’yo ang cargo ship na iyan kung hindi ko mababayaran ang utang ko!”Tumawa si Andre at sabik siyang nagsalita, “Sige! Mr. Wade, talagang mabilis kang kausap! Sa tingin ko, handa pa akong maglaro ng ilang rounds kasama ka.”Nang mabanggit ito, agad na inutusan ni Andre si Gopher, “Bigyan mo si Mr. Wade ng dagdag na 2 million dollars worth of chips!”Tumakbo si Gopher palabas ng kwarto nang walang pag-aalangan saka siya bumalik dala ang isang tray ng chips.Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng bagong record si Charlie para sa bilis ng oras na maubusan siya ng pera.Nasa 20 minuto lang ang kinailangan niya para mawalan ng 2 million Canadian dollars.Kahit ang bunny girl na nasa tabi niya, hindi pa nakakakita ng ganitong bagay at hindi nito mapigilang magulantang.Hindi professional sa casino ang bunny girl na nasa tabi n

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5741

    Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5740

    Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5739

    Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5738

    Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5737

    Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5736

    Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status