Share

Kabanata 4008

Author: Lord Leaf
Hindi nagtagal, natapos na rin ang masiglang hapunan. Tinulungan ni Claudia at Stephanie si Mrs. Lewis na linisin ang mesa at hugasan ang mga pinagkainan nila. Ganoon din, mula sa kung saan, nag-ring ang cellphone ni Claudia. Si Gopher ang tumatawag.

Nang sagutin ni Claudia ang tawag, maririnig ang boses ni Gopher mula sa kabilang linya. “Claudia, nasa tapat na ako ng pinto ng bahay ni Stephanie. Sabihan mo si Mr. Wade na lumabas.”

Tumugon si Claudia, “Sandali lang. Kakausapin ko lang siya.”

Pagkatapos, ibinaba ni Claudia ang tawag at bumulong siya kay Charlie, “Mr. Wade… Hindi, Kuya Charlie. Nasa tapat raw ng bahay si Gopher.”

Tumango si Charlie. Nilapitan niya si Stephanie saka siya sumagot, “Stephanie bakit hindi mo ako samahan kung wala kang gagawin?”

Alam ni Stephanie na pupunta si Charlie sa casino ni Gopher. Kaya, pumayag siya nang walang pag-aalangan, “Oo naman, Kuya Charlie. Teka lang, hintayin mo ako.”

Pagkatapos, kinausap ni Stephanie si Mrs. Lewis, “Mrs. Lewis, sasama
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4009

    Nasorpresa si Gopher. “Sasama rin ba sila?”Kaswal na tumugon si Charlie, “Dadalhin ko sila sa labas para magsaya. Hindi ko ba pwedeng gawin iyan?”Balak sana ni Gopher na dukutin si Stephanie ngayong gabi. Sa totoo lang, nakapaghanda na rin siya ng mga tauhan na gagawa ng binabalak niya. Ayaw niya nang patagalin ang lahat kaya nagpanggap siyang nag-aalala, “Hindi yata bagay sa mga dalagang gaya nila na pumunta ng casino. Hindi magandang ideya na dalhin natin sila roon. Ano sa tingin mo?”Napasimangot si Charlie. Hindi niya pinag-isipan ang suhestiyon ni Gopher at agad siyang lumingon kay Claudia. “Claudia, may alam ka pa bang ibang casino? Doon na lang tayo pumunta.”Agad na nataranta si Gopher.Kung hindi pupunta si Charlie sa casino nila, siguradong mawawala ang commission niya ngayong gabi.Pero kung dadalhin ni Charlie si Stephanie at Claudia sa ibang casino, hindi lang siya mawawalan ng commission, pero mapapalagpas niya rin ang pagkakataon na dukutin si Stephanie.Ang cas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4010

    Nang sundan ni Charlie, Stephanie, at Claudia si Gopher, napagtanto nilang may hidden room pala sa ibaba ng hagdan.Isang malaking hall na may area na 156 square meters ang sumalubong sa kanilang paningin, puno ito ng iba’t ibang klase ng gambling tables.Isang dealer ang nakatayo sa bawat gambling table. Subalit, ilang mga mesa ang masasabing mas kaunti ang tao kumpara sa iba.Isang sulyap lang ang kailangan ni Charlie para malamang hindi maganda ang takbo ng negosyo. Halos kalahati ng mga gambling tables ang walang customer. May iilan na iisa lang ang player, at para sa iba, nasa tatlo hanggang lima ang naglalaro. Sa madaling salita, masasabing nakakabagot ang ere.Napasimangot si Charlie at nagreklamo siya sa dismayadong tono, “Kaunti lang ang customers ng casino niyo. Bakit ganito ang sitwasyon?”Nakaramdam ng hiya si Gopher nang marinig ang tanong, hindi siya sigurado kung paano siya sasagot.Lalong lumalala nang lumalala ang lagay ng negosyo nila at paunti nang paunti ang m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4011

    Hindi nagtagal, nagdala si Gopher ng isang tray ng makukulay na chips kay Charlie.May mga chips na nasa 100 Canadian dollars ang value, mayroon ring nasa 500 at 1,000 dollars.Inabot ni Gopher ang mga chips kay Charlie habang nakangiti. “Heto na ang mga chips mo!”Tumango si Charlie at kumaway siya na para bang walang pakialam. Walang emosyon siyang nagsalita, “Hawakan mo iyan.”“Huh…” Nagulantang si Gopher. At muli, nakaramdam siya ng matinding galit na kumukulo sa kanyang loob.Kumuha si Charlie ng isang limang 1,000 dollar-chip at isinuksok niya ito sa bulsa ni Gopher saka siya nagsalita, “Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang masayang ang pagod mo.”Agad na naglaho ang galit sa mukha ni Gopher at napalitan ito ng gulat. Inisip niyang isang masugid na manunugal si Charlie na nakapunta na sa iba’t ibang casinos sa mundo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mapagbigay pala si Charlie at inabutan niya agad si Gopher ng 5,000 Canadian dollars! Agad na napangisi ang mukha ni Gophe

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4012

    Muling nanalo si Charlie sa 2nd round.Pagkatapos manalo nang dalawang beses at sunod-sunod, tila ba lalong gumanda ang mood ni Charlie. Hinagis niya ang ilang 100 dollar-chips kay Gopher saka siya nagsalita, “Palitan mo ito ng tig-1,000. Masyadong maliit ang 100.” Tumango nang sabik si Gopher saka niya inutusan ang isang dumadaang waiter.Kaswal na binilang ni Charlie ang kanyang mga chips saka siya naglapag ng 10,000 dollars habang nakangiti. “Gusto kong talunin ng tatlong beses ang dealer ngayong gabi!”Nang makitang puno ng kumpiyansa si Charlie at gusto niyang pagsamantalahan ang sitwasyon, agad na kumindat si Gopher sa dealer.Sa round na ito, hindi malaki ang agwat ni Charlie at ng dealer. Isang point lang na mas mataas ang cards ng dealer kumpara kay Charlie.Bilang resulta, napanalunan ng dealer ang chips ni Charlie saka nito binayaran ang dalawa pang ibang players sa mesa.Subalit, masyadong maliit ang halagang pinusta ng dalawang players, 100 lang ang sa isa, samanta

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4013

    Hindi mapapantayan ang sayang nararamdaman ni Gopher sa pagkakataong ito. Dinala niya ang pera sa counter at masaya niya itong pinapalitan ng chips.Sa pagkakataong ito, hindi siya kumuha ng chips na may value na 100 dollars. Ang pinakamababang halaga ng chips na kinuha ay 1,000 dollars, at sumunod ang 2,000 dollars, 5,000 dollars, at 10,000 dollars.Nang bumalik si Gopher dala ang mga chips, magalang niya itong inilagay sa harap ni Charlie saka siya nagsalita, “Mr. Wade, ito na ang chips niyo. Pakibilang na lang.”“Hindi na kailangan.” Hindi man lang nag-abala si Charlie na suriin ang chips. Kumuha lang siya ng 10,000 worth of Canadian dollars saka niya ito inihagis kay Gopher, “Para sa’yo ‘to.”“Naku! Maraming salamat, Mr. Wade. Napakabuti niyo!”Tuwang-tuwa si Gopher. Puno ng pasasalamat ang kanyang puso habang paulit-ulit niya itong sinasambit kay Charlie. Kitang kumakalat sa buong pagkatao niya ang matinding ligaya.Binalewala lang siya ni Charlie. Sumunod, kumuha siya ng is

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4014

    Inutusan ni Charlie si Gopher, “Ihatid mo na kami pauwi.”Masasabing isang masunuring alalay si Gopher ngayon. Puno siya ng ligalig nang magsalita, “Dito na lang, Mr. Wade!”Pagkaalis ng casino, hinatid ni Gopher ang tatlo pabalik sa bahay ni Mrs. Lewis.Dalawang oras lang sila nawala dahil mabilis lang naubos ni Charlie ang lahat ng perang dala niya.Bago bumaba ng kotse, kinausap ni Gopher si Charlie. Magalang ang kanyang tono, “Magpahinga kayo nang mabuti ngayong gabi, Mr. Wade. Susunduin ko ulit kayo bukas ng gabi!”Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag siya, “Nga pala, Mr. Wade. Ayos lang ba sa’yo kung kunin ko ang contact information niyo? Kokontakin ko na lang kayo bukas.”“Hindi na kailangan,” kaswal na tugon ni Charlie. “Si Claudia na lang ang tawagan mo.”Tumango si Gopher. “Sige. Si Claudia na lang ang tatawagan ko bukas.”Tumango nang bahagya si Charlie saka niya binuksan ang pinto. Bumaba siya ng sasakyan at pumasok na siya sa villa kasama sila Stephanie at Claudia.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4015

    Alam ni Charlie sa pagkakataong ito, puno ang utak ni Gopher ng ideya kung ano ang gagawin niya sa 2 million Canadian dollars na dadalhin ni Charlie bukas. Kaya, siguradong walang paki si Gopher sa kanyang naunang balak na dukutin si Stephanie.Nangyari ang lahat ayon sa inaasahan ni Charlie kaya lumipas ang gabing iyon nang tahimik at walang nangyayaring hindi maganda.Nang magising si Charlie kinabukasan ng umaga, nakatanggap siya ng tawag mula kay Porter.Magalang na nagsalita si Porter, “Mr. Wade, nandito na ako sa Vancouver pati na rin ang 300 na miyembro ng Ten Thousand Armies. Handa kami kahit kailan, sabihan niyo lang ako!”Nagitla si Charlie. “Porter? Bakit nandito ka rin?”Agad na tumugon si Porter, “Wala namang mahalagang bagay sa Middle East na kailangan kong asikasuhin nang personal. Alam kong mahalaga ang misyon na binigay niyo at kailangan niyo ng tao kaya sumama ako rito.”Habang nagsasalita, nagtanong si Porter, “Mr. Wade, sabihan niyo lang kami kahit kailan kung

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4016

    Mamaya-maya, bumaba na sila para kumain ng almusal. Ganoon din, nagbigay ng suhestiyon si Stephanie, “Kuya Charlie, bakit hindi muna namin isara ang convenience store ngayong araw? Ipapasyal ka naming tatlo sa Vancouver!”Tumawa si Charlie. “Pasensya na Stephanie. May kailangan akong asikasuhin mamaya.”Hindi mapigilang magtaka ni Mrs. Lewis. “Charlie, may mga aasikasuhin ka pala sa Vancouver?”Ngumiti si Charlie saka siya tumugon, “Mrs. Lewis, nagkataong naghahanap ang ocean shipping company ng pamilya Wade ng cargo ship sa Vancouver. Dahil nandito na ako, pupunta na ako sa port para gawin ang transaction procedures.”Hindi pinagdudahan ni Mrs. Lewis ang sinabi ni Charlie. “Hindi naman malayo ang port dito. Magpahatid ka na lang kay Stephanie.”Agad na tinanggihan ni Charlie ang alok ni Mrs. Lewis. “Hindi na kailangan, Mrs. Lewis. Pwede akong sumakay ng taxi papunta roon.”Nilingon ni Charlie si Stephanie para kausapin ito, “Stephanie, pumunta ka na lang sa convenience store gay

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5741

    Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5740

    Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5739

    Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5738

    Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5737

    Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5736

    Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status