Mas lalong natulala si Jasmine, at sinabi niya, “Pero… Pero sinabihan mo pa rin ako na palabasin siya kahapon…”Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Hindi ko pa alam ang totoong pagkakakilanlan niya sa oras na iyon. At saka, kahit na alam ko, kailangan niya pa rin palabasin sa sitwasyon na iyon.”Pagkatapos huminto saglit, idinagdag ni Charlie, “Ang dahilan kung bakit ko ginawa ang auction na ito ay hindi dahil gusto kong magbukas ng pinto sa likuran para sa mga kamag-anak ko, ito ay para makapag-bid nang tapat ang mga mayayamang tao na ito para as Rejuvenating Pill ayon sa mga patakaran ko kahit ano pa ang background nila. Hindi dapat sila pwedeng gumamit ng pera para mapasawalang-bisa ang mga patakaran ko. Sa sandaling binuksan ko ang pinto na iyon, magbabago ang buong kalakaran nito.”Tumango nang marahan si Jasmine at sinabi, “Naiintindihan ko, Master Wade. Kung gano’n, sasabihan ko na ang sekretarya ko na imbitahin siya sa reception room. Pupunta ako at makikipagkita sa kany
Pagkatapos marinig ang payo ni Jasmine, nag-atubili saglit si Christian bago siya nagsalita at tinanong, “Miss Moore, kilala mo ba ang pamilya Acker?”“Ang pamilya Acker?” Kumunot ang noo ni Jasmine at tinanong nang kaswal, “Isa ba itong serye sa telebisyon na sumikat kailan lang?”Sinabi nang hindi akma ni Christian, “Hindi ito isang teleserye. Ang pamilya Acker ay isang pamilya na American-Oskian.”Nagpanggap si Jasmine na nasorpresa siya at tinanong, “Mukhang narinig ko na ang pamilya Akcer ay isa sa top three family sa buong mundo at ito rin ang may pinakamataas na ranggo na Oskian family sa buong mundo. Bakit?”Huminga nang maluwag si Christian at sinabi, “Miss Moore, sa totoo lang, Christian Acker ang totoong pangalan ko, ang panganay na anak ng lalaki ng pamilya Acker.”May nagulat na ekspresyon si Jasmine sa kanyang mukha habang tinanong, “Hindi ba’t Carlson Hobbs ang pangalan mo?”Sinabi nang tapat ni Christian, “Isa lang sa mga pagkakakilanlan ko si Carlson Hobbs.”Sin
Nahiya na talaga si Christian na ituloy ang paggamit ng pagkakakilanlan niya bilang miyembro ng pamilya Acker para makahanap ng pakiramdam ng pag-iral niya sa ganitong sitwasyon.Nang maisip niya ito, sinabi niya na lang nang hindi akma, “Okay… Kun gano’n, hindi na kita aabalahin pa, Miss Moore.”Tumango si Jasmine at sinabi nang walang interes,” Mag-ingat ka, Mr. Acker. Hindi na kita ihahatid.”Pagkatapos ay naisip ni Christian na marahil ay magagamit niya ang mas high-end at mas mailap na resources para makagawa ng magandang relasyon kay Jasmine sa hinaharap, kaya, tinanong niya nang magalang, “Miss Moore, maari ba tayong magbigayan ng contact information? Sa ganitong paraan, pwede mo sa akin sabihin kung kailangan mo ng tulong ng pamilya Acker sa hinaharap.”Hindi naantig si Jasmine, at sinabi niya nang walang interes, “Salamat sa kabutihan mo, pero hindi na natin kailangan magpalitan o mag-iwan ng contact information. Kahit na mahigit isang daang beses na mas malakas ang pamily
“Rejuvenating Pill Fragments?!”Nang marinig ito ni Jasmine, nasorpresa siya, at hindi niya mapigilan na itanong, “Master Wade, anong ibig mong sabihin sa Rejuvenating Pill Fragments?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Isa itong uri ng virtual coin sa software natin. Ang ganitong uri ng virtual coin ay hindi ibebenta sa publiko, at hindi pwedeng makipagkalakan ang mga user sa isa’t isa. Ang mga Rejuvenating Pill fragment ay hindi rin naka-link sa kahit anong pera. May nakapirming exchange rate lang sa pagitan nito at ng Rejuvenating Pill.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Ang exchange rate ay ang 10 thousand Rejuvenating Pill Fragments ay katumbas ng isang Rejuvenating Pill.”“Basta’t makakakolekta ang kahit sino ng 10 thousand Rejuvenating Pill Fragments sa software na ito sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang gawain na ilalabas ko, pwede silang pumunta sa Aurous Hill para ipagpalit ang mga fragment para sa isang buong Rejuvenating Pill.”Habang sinasabi ito ni Charlie, nag
Sa sandaling ito, hinangaan na ni Jasmine ang ideya ni Charlie sa punto ng pagpupuri dito, pero habang namamangha siya sa ideya na ito, isang tanong ang lumitaw sa isipan niya, kaya, tinanong niya, “Master Wade, kung ang 10 thousand Rejuvenating Pill Fragments ay isang Rejuvenating Pill, hindi ba’t medyo imposible para sa kanila na makakolekta ng 10 thousand Rejuvenating Pill Fragment?”“Halimbawa, kung ang bawat misyon mo ay may one hundred Rejuvenating Pill Fragment, kailangan nilang makumpleto ang 100 na misyon para makakolekta ng 10 thousand Rejuvenating Pill Fragment, na masyadong mahirap nga. Natatakot ako na mawawalan sila ng motibasyon kapang naisip nila ito…”Tumawa si Charlie at sinabi, ‘Kahit na ang 10 thousand Rejuvenating Pill Fragments ay katumbas ng isang Rejuvenating Pill, hindi ibig sabihin na kailangan mong ipunin ang lahat ng 10 thousand Rejuvenating Pill Fragment bago mo maaaring ipagpalit ang mga ito.”Habang nagsasaltia si Charlie, nagpatuloy siya, “Pagdating n
Sa pagtatapos ng auction, nagsimula na ring maghanda si Claire para sa pagpunta nila ni Charlie sa United States.Maingat na nag-impake si Claire ng dalawang malaking suitcase dahil matagal silang aalis, at gumawa rin siya ng mga listahan ng mga bagay na kailangan nila, inayos ang mga nasa listahan ng isa-isa, natatakot na may maiiwan siya.Sa kabaliktaran, mas kaswal si Charlie.Bukod sa ilang set ng damit, wala nang ibang dinala si Charlie.Ito ay dahil, sa opinyon niya, sa halip na mag-abalang ihanda ang lahat ng bagahe, mas mabuti para sa kanya na kaunti lang ang ihanda. Mas madali para sa kanya na palitan ang mga nawawalang bagay pagkatapos dumating sa United States.Pero, hindi ganito ang iniisip ng matipid na si Claire. Naramdaman niya na nakahanda na ang maraming bagay sa bahay, at kung i-iimpake niya ang mga ito at dadalhin niya, hindi nila kailangan gumastos ng maraming pera para bilhin ang mga ito sa United States.Alam ni Charlie ang ugali niya, kaya, hinayaan niya na
Nang marinig ito ni Elaine, natuwa siya agad habang ngumiti siya nang masaya at sinabi, “Ikaw nga ang mabuti kong manugang! Alam mo talaga ang sasabihin para pasayahin ako!”Pagkasabi nito, tumingin siya kay Jacob, na nasa tabi, at sinabi, “Jacob, iwan mo sa akin ang mga susi ng Cullinan.”Tumingin nang maingat si Jacob kay Elaine at tinanong, “Bakit gusto mo ang mga susi ng kotse ko?!”Sinabi ni Elaine, “Syempre gusto kong magmaneho dito! Bakit ko pa ito hihingiin?”Habang nagsasalita si Elaine, “At saka, kailan pa naging sayo ang kotse? Ang kotse na ito ay regalo para sa mahal kong manugang! Nagagamit mo lang ito dahil sa mabuting manugang mo!”Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Totoo na nagagamit ko ang kotse dahil kay Charlie, pero binigay ni Miss Jane ang kotse sa akin. Ang pangalan ko rin ang nakasulat sa car registration certificate!”Sinabi nang naiinip ni Elaine, “Oh! Tinatamad akong makipagtalo sa iyo. Ibigay mo na lang sa akin ang kotse!”“Hindi ko ito ibibigay sayo!” Sin
Sa tanghali kinabukasan, lumipad sina Charlie at Claire papunta sa New York sa United States sa transoceanic flight ng Air Oskia.Umabot ng labing-anim na oras ang buong flight, at pagdating nila sa New York, 2.00 pm na ang lokal na oras doon.Karaniwan ay ginagamit ni Charlie ang Concorde na tatlong beses na mas mabilis kumpara sa isang civilian airliner, kaya nang sumakay siya sa isang ordinaryong eroplano, naramdaman niya na isa itong direktang pagbaba mula sa isang high-speed rail train sa isang karaniwang tren.Buti na lang, first-class ticker ang binili niya, at pwede silang humiga at matulog sa first-class cabin. Kung hindi, sobrang hirap ng biyahe nila.Pagkatapos ng labing-anim na oras na flight, sobrang ganda pa rin ng estado ni Claire, at hindi siya mukhang pagod. Sa kabaliktaran, umaasa siya at nananabik.Pagkatapos bumaba sa eroplano, inabot pa ng isang oras ang mag-asawa para kumpletuhin ang proseso ng pagpasok at pagkuha ng mga bagahe nila.Pinuntahan ni Charlie a
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis