Medyo ayaw pa rin ng kalooban ni Wendy.Umaasa siya na magiging asawa siya ni Kenneth at umaasa siya na maipapakilala siya ni Kenneth sa maraming mayaman at makapangyarihang tao.Gamit ang tulong ni Kenneth, mas marami ang magiging ugnayan niya at unti-unti siyang magiging makapangyarihang babae sa Aurous Hill.Sa sandaling iyon, hindi lamang siya ang makakakuha ng benepisyo, marami ring makukuhang benepisyo ang Wilson Group. Bukod dito, magiging tanyag na pinuno si Wendy ng Wilson Group.Sa hindi inaasahan, ginamit lang siya ni Kenneth. Para makakuha ng medisina sa pagkalalaki niya, handa si Kenneth na ibigay siya kay Jeffrey nang gano’n lang?Gusto niyang magpatuloy bilang kalambingan ni Kenneth at gusto niyang mamuhay nang marangya. Pero, ayaw niyang maging laruan ng mga mayayamang lalaki. Sa sandaling maririnig ng mga tao na pinagpasa-pasahan siya, hindi siya maikakasal sa isang mayaman at prestihiyosong pamilya sa buong buhay niya!Kaya, mabilis niyang hinawakan ang kamay ni
Pagkatapos siyang iwan ng kanyang nobiyo, si Gerald, naging babae siya ni Kenneth. Sa hindi inaasahan, ginamit lang siya ni Kenneth at tinrato bilang laruan na itinapon kay Jeffrey. Kanino siya ibibigay ni Jeffrey pagkatapos niyang magsawa sa kanya?Sa sandaling ito, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang pinsan, si Claire.Kailanman ay hindi pinag-isipan ni Claire ang tungkol sa mga lalaki. Bukod dito, hindi pa nagkakaroon ng relasyon si Claire dati at pinakasalan niya si Charlie nang walang pag-aatubili. Pero, kahit na basura si Charlie, hindi niya hahayaan na mainsulto si Claire nang ganito...Sa kabaliktaran, marahil ay hindi nagwagi si Wendy.Niyakap nang mahigpit ni Jeffrey si Wendy habang sinabi niya kay Kenneth na may nakangiwi na ekspresyon sa kanyang mukha, “Huwag kang mag-alala Kenneth. Ipapadala ko ang medisina para magamot ang pagkalalaki mo sa sandaling nakuha namin ang buong sangkap ng medisina.”“Magaling!” Sumagot nang nakangiti si Kenneth. Naluwagan siya sa sand
Tinanong ni Charlie, “Bakit mo ako hinahanap?”Bahagyang ngumiti si Jasmine at sinabi, “Kasi, nag-invest ang pamilya Moore sa isang high-end na entertainment club at gusto kitang bigyan ng All Access Supreme VIP membership card. Naghihintay na ako sa labas ng bahay mo ngayon.”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Sige, pwede kang pumasok. Nasa bahay ako ngayon.”Nagmamadaling sumagot si Jasmine, “Magaling! Pupunta na ako.”Ibinaba ni Charlie ang tawag pagkatapos nito.Ilang minuto ang lumipas, pinindot ni Jasmine ang doorbell nila Charlie.Sa sandaling binuksan ni Charlie ang pinto, agad kuminang ang mga mata ni Charlie.May suot na mahabang itim na evening gown si Jasmine at masikip ang dress na ito na ipinapakita ang kanyang payat na baywang at magandang hugis ng katawan. Nagniningning ang mga mahaba at marikit na binti niya na parang isang jade sa ilalim ng kanyang dress.Kasama pa ang kaakit-akit at elegante niyang mukha, sobrang ganda talaga at marikit si Jasmine.Hindi mapig
Sumagot nang marahan si Charlie, “Sabihin mo sa akin ang tungkol dito.”Mabilis na sumagot si Jasmine, “Mr. Wade, mahigit isang bilyong dolyar ang ginastos ng pamilya namin sa Glorious Club at malaking investment ito para sa aming pamilya. Natatakot kami na magkakamali kami. Kaya, sana ay makakapunta at tulungan akong tingnan kung maganda ba ang Feng Shui ng lub. Kung may problema, gusto ko sanang pigilan ang kahit anong sakuna bago pa mahuli ang lahat.”Kinabahan nang kaunti si Jasmine dahil hindi niya alam kung papayag ba si Charlie sa hiling niya. Kaya, tumingin siya nang hindi mapalagay kay Charlie gamit ang mga malaki at makinang na mga mata niya.Ngumiti lang nang kaunti si Charlie nang marinig ang sinabi ni Jasmine. Maganda na ang ginawa ng pamilya Moore at tapat si Jasmine sa kanya. Bukod dito, pumunta mismo si Jasmine sa kanyang bahay upang humingi ng tulong atsaka magalang at marespeto din siya sa kanya. Kaya, naramdaman ni Charlie na hindi naman masamang pumunta at tingna
Mayroong labing-limang palapag ang Glorious Club.Maliban sa lobby sa unang palapag, ang labing-apat na palapag ay ginagamit bilang entertainment venue.May mga pribadong kwarto na may iba’t ibang laki at istilo sa pangalawa hanggang sa ikasampung palapag. Kahit ang mga pribadong kwarto ng ordinaryong Classic member ay sobrang marangya, lalo na ang mga pribadong kwarto para sa mga VIP Gold member. Ang mga pribadong kwarto na iyon ay nararapat para sa isang hari!Para naman sa ikalabing-isa hanggang sa ikalabing-apat na palapag, may mga swimming pool, isang sky garden, pati na rin ang mga fitness at entertainment facility para sa mga miyembro.Sa mga palapag na iyon, ang ikalabing-limang palapag ang pinaka marangya.Nang dumating sila sa ikalabing-limang palapag, naramdaman ni Charlie ang marangyang kapaligiran sa sandaling lumabas siya ng elevator.Kamangha-mangha talaga ang dekorasyon at disenyo sa palapag na ito at ang bawat sulok ng palapag ay sobrang marangya at elegante. Wal
Maganda nga ang Feng Shui sa Glorious Club sa isang tiyak na antas. Pero, sa tingin ni Charlie, walang pambihira tungkol dito.Sa totoo lang, marahil ay maganda para sa ordinaryong tao ang Feng Shui dito, pero para kay Charlie, parang isang simpleng tubig lang ang Feng Shui sa pangalawang palapag. Walang kalamangan o pinsala dito, pero wala rin itong lasa at simple lang.Dahil nangako na si Charlie kay Jasmine, ayos lang kay Charlie na pataasin ang Feng Shui sa Glorious Club.Sa sandaling ito, nag-isip si Charlie habang pinagsasama niya ang mga sikretong Feng Shui na pinag-aralan niya sa Apocalyptic Book bago siya nakaisip ng maraming ideya kung paano palalakasin ang Feng Shui sa lugar na ito.Sa sandaling iyon, biglang narinig ang isang boses ng babae sa likod niya.“Charlie, ikaw basura! Anong ginagawa mo dito?”Sa sandaling narinig niya ito, kumunot ang noo ni Charlie bago siya tumalikod. Sa oras na iyon, nakita niya si Wendy at ang isang lalaking may suot na puting Zegna suit
Tumawa nang malakas si Charlie sa sinabi ni Jeffrey. Hindi siya nainis, sa halip, tumingin siya kay Jeffrey na may kalmadong ngiti at tinanong, “Ah, sabihin mo, bakit hindi ako nararapat dito?”Tumingin nang masama sa kanya si Jeffrey na may mapagmataas na ekspresyon at suminghal, “Hah, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Syempre hindi ka nararapat dito! Tingnan mo ang magulo mong damit—p*ta, mas masahol ka pa sa mga tagaparada ng kotse!”Humagikgik si Charlie. “Pinili ko ang sinuot ko. May dress code ba ang Glorious Club na dapat sundin?”Umirap si Jeffrey. “Syempre hindi. Pwede mong isuot ang gusto mo, pero ito ay isang club ng mga miyembro lamang! Hindi pwede ang hindi miyembro!” Sumulyap siya kay Charlie nang masungit. “Classic member ka ba dito?”Umiling nang kaunti si Charlie. “Hindi.”“Silver member ka?”“Hindi.”Isang mapanghamak na kutya ang narinig. “Huwag mong sabihin na isa kang Gold member!”Kaswal na sumagot si Charlie. “Hindi.”Tumawa si Jeffrey. “Hahaha! Diyos
Kinuha ni Jeffrey ang card at agad sumimangot nang tingnan niya ito.Una, sobrang galing ng pagkakagawa ng card na ito! Mas maganda pa ito sa Classic membership card!Pero hindi niya pa narinig ang tungkol sa Supreme Member level ng Glorious Club! Halatang apat lang ang antas ng membership dito!May sagot si Jeffrey sa kanyang isipan—ginawa ni Charlie nang ilegal ang card!Letse, ang tapang ng mabahong talunan na ito! Gaano siya kangahas na gumawa ng iligal na membership card ng pamilya Moore! Parang gumagawa na rin siya ng iligal na cheque!Kaya, humalukipkip ang mga braso niya at suminghal nang mayabang, “Pare, mabuti pang humingi ka na ng tawad sa akin ngayon din at umalis ka na dito! Huwag mong hintayin na tawagan ko pa si Tito Osca, ang mayordomo ng pamilya Moore. Alam mo ba ang relasyon namin ni Tito Oscar? Magkumpare sila ng ama ko!”Sa totoo lang, walang kinalaman ang ama ni Jeffrey kay Tito Oscar. Nanggaling lang sila sa parehong bayan, at kaunting mas matagal na magkaki
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang