Ang masterclass na tinutukoy ni Kelly ay isang high-end training course na pinapangunahan ng Rhode Island School of Design, ang nasa pinaka itaas ng mundo sa larangan ng design. Ito rin ang pinaka-advanced skill class sa buong larangan ng interior design, at kilala ito bilang duyan ng mga top designer sa buong mundo.Ito ay parang Lakeside University na itinayo ng may-ari ng Alibaba dati. Ang mga makakapasok dito ay sobrang makapangyarihan o maaasahang batang entrepreneur sa Oskia.Para sa ganitong uri ng lugar, bukod sa pagkakaroon ng access sa rurok na kaalaman, teknolohiya, at akademya sa industriya, ang ibig sabihin ng pagtapak sa lugar na ito ay magkakaroon ka ng access sa rurok ng pyramid ng industriya. Sa sandaling nagkaroon ka ng access dito, magiging konektado ka sa pinakamagandang resource sa industriya.Sobrang mas mahirap din na makapasok sa masterclass sa Rhode Island School of Design kumpara sa Lakeside University.Bago itinigil ang Lakeside University, pumipili lan
Samantala, naghahanda si Claire na mananghalian sa kumpanya.Dahil maraming opisyal na gawain at negosyo sa kumpanya, karaniwan ay hindi na nag-aabala si Claire na umuwi sa tanghali para kumain. Sa halip, kakain siya ng mga takeout sa kumpanya dahil mahigit isang oras ang matitipid niya dito.Pupulutin na niya sana ang kanyang cellphone at o-order ng pagkain nang makatanggap siya ng tawag mula kay Kathleen.Kaya, pinulot ni Claire ang cellphone at ngumiti habang sinabi, “Miss jane, ano ang utos mo para sa akin?”Sinabi ni Kathleen, “Claire, hindi ba’t matagal ko nang sinabi sa iyo na huwag mo akong tawaging Miss Jane? Tawagin mo na lang akong Kylie.”Tumawa si Claire at sinabi, “Kaibigan kita kapag hindi oras ng trabaho, pero ikaw ang kliyente ko pagdating sa trabaho, kaya, dapat maging magalang ako sa iyo.”Tumawa nang walang magawa si Kathleen at sinabi, “Tanghali na. Oras pa rin ba ng trabaho? Wala ka bang lunch break sa kumpanya mo?”Ipinaliwanag ni Claire, “May lunch break
“Umalis sa Aurous Hill?!”Nang marinig ni Claire ang tanong ni Kathleen, tinanong sa pagkabigla, “Bakit gusto mo akong umalis sa Aurous Hill?”Ngumiti si Kathleen at sinabi, “Dahil gusto ka namin imbitahin ni Kelly na pumunta sa ibang bansa pansamantala.”“Pumunta sa ibang bansa? Ng isang buwan?!” Nang marinig ito ni Claire, mabilis siyang kumaway at sinabi nang hindi akma, “Paano ako magkakaroon ng napakaraming libreng oras? Kailangan ko pang pamahalaan at alagaan ang kumpanya, at kailangan ko rin alagaan ang pamilya ko. Kaya ko itong pilitin at magkaroon ng oras para dito kung tatlo o limang araw lang ako aalis, pero masyadong matagal ang isang buwan, at hindi ko ito magagawa…”May seryosong ekspresyon si Kathleen habang sinabi, “Claire, hindi mo pa ba naririnig na madalas itong sinasabi ng tao? Ang oras ay parang isang bagay na mayroon ang isang babae… kung pipisilin mo ito, mayroon pa rin dito…”Medyo nahiya si Claire, at hinawakan niya ang kanyang noo habang sinabi nang walan
“Pupunahin?” Sinabi nang mapanghamak ni Kelly, “Sa simula pa lang ay binigyan na ako ng awtoridad ng Rhode Island School of Design na magbigay ng isang special quota. Binigay sa akin ang awtoridad na ito, at ako ang magpapasya na ibigay ito sa kahit sinong gusto ko. Kahit hindi na banggitin na hindi sapat ang kwalipikasyon mo, pero kahit na isa itong tao na hindi nag-aral ng design, basta’t ilalagay ko ang impormasyon niya at ipapadala ito sa Rhode Island School of Design, makakasali nang tapat ang taong ito sa masterclass, at walang makakapagsalita ng kahit isang salita tungkol dito!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Kelly kay Claire at sinabi nang seryoso, “Claire, hindi mo kailangan mag-alala nang sobra. May pagkakataon sa harap mo ngayon, at basta’t itatango mo ang ulo mo, magiging sa iyo ang pagkakataon an ito.”Tinikom ni Claire ang kanyang bibig at tinanong nang medyo nahihirapan, “Kelly… totoo ba ang… sinasabi mo?”Sa sandaling ito, hindi pa rin makapaniwala si Claire s
Lumiwanag agad ang mga mata ni Claire dahil sa mga sinabi ni Kathleen.Bigla siyang napaisip, ‘Kadalasan ay walang mahalagang ginagawa si Charlie sa Aurous Hill. Karaniwan ay tinutulungan niya lang ang ilang kakilala niya para tingnan ang Feng Shui nila, kaya hindi dapat napaka importante…’‘Kung hihilingin ko sa kanya na samahan ako sa United States, siguradong marami siyang oras para gawin ito…’‘Sa ganitong paraan, hindi ko kailangan mag-alala na malayo sa kanya nang napakatagal…’Pagkatapos, inisip ni Claire ang mga magulang niya, at inisip niya nang palihim, ‘Nagkataon na malapit nang pumunta sa Korea si papa para sa exchange activity, at malapit na rin gumaling ang binti ni Mama. Hindi siguro siya magkakaroon ng problema na maging mag-isa sa bahay, at ayon sa ugali ni Mama, magiging mas masaya siya na tumira nang mag-isa sa isang napakalaking bahay.’Nang maisip ito ni Claire, naramdaman niya na ang pagsama ng kanyang asawa, si Charlie, sa United States ang pinakamagandang s
Napatakbo siya palabas sa sorpresa at tinanong, “Pa, Charlie, nasaan si Mama?”Umungol nang dalawang beses si Jacob at sinabi nang kaswal, “Nagpa-facial ang mama mo kasama si Hannah Queen.”“Huh?!” Nagulantang si Claire at tinanong, “Kailan pa lumabas si Mama kasama si Hannah Queen?”Tumawa si Jacob at sinabi, “Hindi ba’t dahil binalik ni Wendy si Hannah? Inaway ng mama mo ang lola mo sa harap ng bahay niya. Simula noon, mukhang naayos na ng dalawang hipag ang dalawa o tatlong dekada na away nila. Nag-usap silang dalawa sa WhatsApp ng ilang araw, at mukhang binigyan ng mama mo si Hannah ng ilang payo para turuan siya kung paano kalabanin ang lola mo. Naging mabuting magkaibigan sila simula noon.”Habang sinasabi ito ni Jacob, pinagtampal niya ang mga labi niya at sinabi, “Tsk… Maniniwala ka ba na naging mabuting magkaibigan na sila ngayon?”Umiling nang walang magawa si Claire at ngumiti habang sinabi, “Kahit na parang kakaiba ito, mabuting bagay din ito. Karaniwan ay kaunti lang
Pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Jacob, hindi talaga alam ni Charlie kung tatawa ba siya o iiyak.Ipinaliwanag niya na lang nang matiyaga kay Jacob, “Pa, sobrang hirap kalkulahin ang hinaharap ng isang tao gamit lang ang isang litrato dahil hindi lang tungkol sa tampolk ng mukha at hitsura ang mukha, ngunit sa buong taong three-dimensional na facial image. Doon lang natin makikita talaga kung ano ang nasa likod ng mukha ng isang tao.”Hindi siya maintindihan ni Jacob, at tinanong niya, “Hindi ba’t ang pagbabasa ng mukha ay ang pagtingin lang sa hitsura ng isang tao para malaman ang karaniwang kapalaran ng isang tao? Tingnan mo kung gaano kalinaw ang litrato na ito! Ito ang opisyal na nilabas na ID photo.”Tinanong ni Charlie nang walang magawa, “Pa, kahit na hindi banggitin ang iba, dapat narinig mo na rin na sinasabi ng mga tao na kapag ang mukha ng isang tao o isang bagay ay itim, mayroong dadanak na dugo. Pero, tingnan mo ang litrato ng lalaking ito. Tumama sa mukha niya ang p
Tumingin si Elaine kay Hannah at tumawa habang sinabi niya sa masungit na paraan, “Tingnan mo, Hipag. Nababalisa siya nang sobra dahil lang sinabi ko ang ilang salita.”Kumulot ang mga labi ni Hannah at sinabi nang mapanghamak, “Hindi ba’t iyon ang ugali at katangian ng lahat ng lalaki sa pamilya Wilson? Mababagal sila kumilos, maliit ang abilidad, at mainitin ang ulo!”Pumalakpak si Elaine at sinabi nang sabik, “Hipag, tama ka talaga! Totoo ang lahat ng sinabi mo, at umaalingawngaw talaga ito sa puso ko.”Naramdaman ni Jacob na nasusunog na ang mukha niya, kaya, tumayo siya agad at sinabi kay Claire, “Claire, umoreder na lang kayo ng takeout. Hindi niyo kailangan umorder para sa akin.”Tinanong nang nagmamadali ni Claire, “Pa, anong gagawin mo?”Galit na sinabi ni Jacob, “Nabusog na ako sa galit, kaya, hihiga na ako sa kwarto ko at magpapahinga.”Walang magawa si Claire, kaya, sinabi niya na lang kay Elaine, “Ma, bakit hindi ka na lang tumigil na magsalita pa?”Nang makita ni H
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl