Lumiwanag agad ang mga mata ni Claire dahil sa mga sinabi ni Kathleen.Bigla siyang napaisip, ‘Kadalasan ay walang mahalagang ginagawa si Charlie sa Aurous Hill. Karaniwan ay tinutulungan niya lang ang ilang kakilala niya para tingnan ang Feng Shui nila, kaya hindi dapat napaka importante…’‘Kung hihilingin ko sa kanya na samahan ako sa United States, siguradong marami siyang oras para gawin ito…’‘Sa ganitong paraan, hindi ko kailangan mag-alala na malayo sa kanya nang napakatagal…’Pagkatapos, inisip ni Claire ang mga magulang niya, at inisip niya nang palihim, ‘Nagkataon na malapit nang pumunta sa Korea si papa para sa exchange activity, at malapit na rin gumaling ang binti ni Mama. Hindi siguro siya magkakaroon ng problema na maging mag-isa sa bahay, at ayon sa ugali ni Mama, magiging mas masaya siya na tumira nang mag-isa sa isang napakalaking bahay.’Nang maisip ito ni Claire, naramdaman niya na ang pagsama ng kanyang asawa, si Charlie, sa United States ang pinakamagandang s
Napatakbo siya palabas sa sorpresa at tinanong, “Pa, Charlie, nasaan si Mama?”Umungol nang dalawang beses si Jacob at sinabi nang kaswal, “Nagpa-facial ang mama mo kasama si Hannah Queen.”“Huh?!” Nagulantang si Claire at tinanong, “Kailan pa lumabas si Mama kasama si Hannah Queen?”Tumawa si Jacob at sinabi, “Hindi ba’t dahil binalik ni Wendy si Hannah? Inaway ng mama mo ang lola mo sa harap ng bahay niya. Simula noon, mukhang naayos na ng dalawang hipag ang dalawa o tatlong dekada na away nila. Nag-usap silang dalawa sa WhatsApp ng ilang araw, at mukhang binigyan ng mama mo si Hannah ng ilang payo para turuan siya kung paano kalabanin ang lola mo. Naging mabuting magkaibigan sila simula noon.”Habang sinasabi ito ni Jacob, pinagtampal niya ang mga labi niya at sinabi, “Tsk… Maniniwala ka ba na naging mabuting magkaibigan na sila ngayon?”Umiling nang walang magawa si Claire at ngumiti habang sinabi, “Kahit na parang kakaiba ito, mabuting bagay din ito. Karaniwan ay kaunti lang
Pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Jacob, hindi talaga alam ni Charlie kung tatawa ba siya o iiyak.Ipinaliwanag niya na lang nang matiyaga kay Jacob, “Pa, sobrang hirap kalkulahin ang hinaharap ng isang tao gamit lang ang isang litrato dahil hindi lang tungkol sa tampolk ng mukha at hitsura ang mukha, ngunit sa buong taong three-dimensional na facial image. Doon lang natin makikita talaga kung ano ang nasa likod ng mukha ng isang tao.”Hindi siya maintindihan ni Jacob, at tinanong niya, “Hindi ba’t ang pagbabasa ng mukha ay ang pagtingin lang sa hitsura ng isang tao para malaman ang karaniwang kapalaran ng isang tao? Tingnan mo kung gaano kalinaw ang litrato na ito! Ito ang opisyal na nilabas na ID photo.”Tinanong ni Charlie nang walang magawa, “Pa, kahit na hindi banggitin ang iba, dapat narinig mo na rin na sinasabi ng mga tao na kapag ang mukha ng isang tao o isang bagay ay itim, mayroong dadanak na dugo. Pero, tingnan mo ang litrato ng lalaking ito. Tumama sa mukha niya ang p
Tumingin si Elaine kay Hannah at tumawa habang sinabi niya sa masungit na paraan, “Tingnan mo, Hipag. Nababalisa siya nang sobra dahil lang sinabi ko ang ilang salita.”Kumulot ang mga labi ni Hannah at sinabi nang mapanghamak, “Hindi ba’t iyon ang ugali at katangian ng lahat ng lalaki sa pamilya Wilson? Mababagal sila kumilos, maliit ang abilidad, at mainitin ang ulo!”Pumalakpak si Elaine at sinabi nang sabik, “Hipag, tama ka talaga! Totoo ang lahat ng sinabi mo, at umaalingawngaw talaga ito sa puso ko.”Naramdaman ni Jacob na nasusunog na ang mukha niya, kaya, tumayo siya agad at sinabi kay Claire, “Claire, umoreder na lang kayo ng takeout. Hindi niyo kailangan umorder para sa akin.”Tinanong nang nagmamadali ni Claire, “Pa, anong gagawin mo?”Galit na sinabi ni Jacob, “Nabusog na ako sa galit, kaya, hihiga na ako sa kwarto ko at magpapahinga.”Walang magawa si Claire, kaya, sinabi niya na lang kay Elaine, “Ma, bakit hindi ka na lang tumigil na magsalita pa?”Nang makita ni H
Nang makita ni Charlie na sobrang seryoso ng tono ni Claire, sinabi niya, “Mahal, sabihin mo sa amin ang gusto mong sabihin.”Tumingin si Claire sa tatlong pinakamalapit na pamilya niya at sinabi, “May pagkakataon akong pumunta sa United States para sumali sa masterclass ng Rhode Island School of Design. Pero, tatagal ito ng isang buwan bago at pagkatapos matapos ng klase…”“Anong masterclass?” Tinanong ni Elaine habang may nasorpresang ekspresyon, “Para saan ito?”Ipapaliwanag na sana ito ni Claire nang nagsalita si Charlie, na nasa tabi, at sinabi kay Elaine, “Ma, ang masterclass sa Rhode Island School of Design ay ang Rhode Island School of Design na hinahangad nang sobra ni Claire. Ito ang pinakamagaling na design school sa buong mundo.”Hindi inaasahan ni Claire na maalala talaga nang malinaw ng asawa niya, ni Charlie, ang pangarap niya, kaya, hindi niya mapigilan na magkaroon ng bugso ng emosyon sa puso niya.Sa sandaling ito, tinanong siya ulit ni Charlie, “Claire, naaalala
Kaya, tinanong niya si Claire, “Mahal, kailan magsisimula ang masterclass na ito?”Sumagot si Claire, “Kung sigurado ako na pupunta ako, kailangan kong pumunta sa school sa katapusan ng buwan. Opisyal na magsisimula ang kurso sa May 1st, at matatapos ito sa May 31st.”Pagkatapos itong sabihin ni Claire, idinagdag niya, “Pero, may three-day salon pagkatapos ng kurso sa May 31st, at pwede akong umalis sa school pagkatapos ng salon.”Hindi mapigilan ni Charlie na huminga nang maluwag nang marinig niya ito.Kahit na matagal na panahon ang pagpunta sa United States nang mahigit isang buwan, mabuti na sa katapusan ito ng buwan. Sa sandaling iyon, tapos na ang auction, at makakapag-relax siya dahil wala siyang ibang gagain.Sa Oskia, bukod sa pamilya Wade, nandito rin ang Emgrand Group, Apothecary Pharmaceutical, at mga bagay na may kinalaman sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group.Pero, ang mabuting bagay ay may mga tao si Charlie na tumutulong sa kanya na alagaan ang mga kumpanya na ito.
Bihira lang lumabas si Elaine sa mga nagdaang panahon dahil sa kanyang binti, kaya matagal na siyang nababagot at hindi komportable.Nagkataon lang na binanggit ni Claire na pupunta siya sa United States, kaya ang unang naisip ni Elaine nang marinig niya ito ay sundan siya at lumabas para maranasan ang mundo.Bukod dito, alam ni Elaine na madaling kumikita ng pera si Charlie, kaya, hindi niya gustong palampasin ang magandang pagkakataon na ito na lumabas kasama si Charlie. Marahil ay bibilhan din siya ni Charlie ng kahit ano.Naramdaman ni Claire na nilagay siya sa medyo mahirap na sitwasyon nang marinig niya na gustong sumama ng kanyang ina.Naramdaman niya na ang pinakamagandang solusyon ay si Charlie lang ang sasama sa kanya, at kung isasama niya ang kanyang ina, magiging medoy hindi akma ang sitwasyon.Kaya, pinayuhan niya si Elaine, “Ma, pakiramdam ko na mas mabuti na magpahinga ka sa bahay. Malayo ang United States, at hindi madali na pumunta doon. At saka, wala kang kaibiga
Sa wakas ay nakahinga na nang maluwag si Charlie. Nakikita niya na ang kanyang asawa, si Claire, na nasa tabi niya, ay mas naging relax na rin sa sandaling ito, tila ba nawala na ang tensyon sa kanyang puso.Sinabi rin ni Claire kay Charlie habang may naka-relax na ekspresyon, “Mahal, kun gano’n, bibigyan ko na ng malinaw na sagot si Kelly at sasabihin sa kanya na pupunta ako sa masterclass!”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “I-text mo dapat siya at kumpirmahin mo nang mabilis ito sa kanya. Aayusin ko na ang oras at kukuha na ako ng gma air ticket.”Tumango nang paulit-ulit si Claire at sinabi nang sabik, “Tatawagan ko na siya ngayon!”Pagkatapos itong sabihin, kinuha niya agad ang kanyang cellphone at tumakbo nang masaya palabas ng bahay habang pumunta siya sa courtyard.Makalipas ang limang minuto, bumalik siya habang may hindi mapapantayang pananabik at sinabi kay Charlie, “Mahal, kinumpirma ko na kay Kelly, at pwede tayong umalis sa 28th sa dulo ng buwan!”Huminga
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas