Share

Kabanata 3743

Author: Lord Leaf
Hindi napagtanto ni Charlie na may mali, kahit na binanggit ni Kathleen ang asawa niyang si Claire. Dahil, sinabi na ng biyenan na lalaki niya sa kanya ang lahat tungkol sa pamilya nila.

Nang makita na balak i-renovate ni Kathleen ang isang napakalaking bahay, sinabi agad ni Charlie sa kanya, “Maraming proyekto ang asawa ko sa mga nagdaang panahon. Marahil ay puno na ang kapasidad niya. Balak mo bang gumawa ng ganap na overhaul? May malaking trabaho para sa isang major renovation dito. Sa tingin ko ay hindi niya makukuha ang proyekto kahit na gusto niya. Sa tingin ko ay mas mabuting maghanap ng ibang kumpanya si Ms. Jane.”

Tumango nang kauntei si Kathleen at ngumisi. “Kung may pagkakataon, bibisitahin ko ang kumpanya ng asawa mo. Mabuti sana kung matatanggap niya ang proyekto, pero ayos lang kung hindi.”

Nag-alala si Kathleen. Ayaw niyang galitin si Charlie, kaya nagpaliwanag siya nang mabilis, “Nirekomenda ni Mr. Wilson ang mga serbisyo niya sa akin. Ayokong malungkot si Mr. Wilson
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3744

    Sa una ay walang plano si Kathleen na i-renovate ang lugar na ito. Hindi niya rin balak na tumira dito. Pero, nagbago nang tuluyan ang mga plano niya pagkatapos malaman na ang asawa ni Charlie, si Claire, ay may interior design company.Balak niyang i-renovate ang lugar na ito, pero hindi para tirahan. Gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para makilala si Claire.Sinabi nang taimtim ni Charlie, “Ms. Jane, dahil balak mong magkaroon ng full renovation, hindi na problema ang kasalukuyang Feng Shui sa loob. Walang problema sa kabuuang Feng Shui ng bahay. Para naman sa Feng Shui sa hinaharap, kailangan nating hintayin hanggang sa makapagpasya ka ng disenyo. Sa sandaling iyon, makakagawa tayo ng mga tiyak na pagbabago ayon sa plano ng disenyo.”Idinagdag ni Charlie, “Dahil umaasa ka na magkaroon ng magandang kalusugan ang mga nakakatanda mo, kaya kitang bigyan ng ilang payo at paalala.”Sinabi nang mabilis ni Kathleen, “Mr. Wade, mangyaring ibahagi mo ang mga payo mo sa akin.”I

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3745

    Alam ni Kathleen na walang pakialam si Charlie sa pagsingil sa kanya ng Feng Shui service, na karaniwan ay nasa pagitan ng milyong-milyong dolyar.Dahil, ang isang Rejuvenating Pill lang ay madaling mabebenta sa halagang 10 billion US dollars o higit pa. Malaki ang posibilidad na si Charlie ang totoong may-ari ng Apothecary Pharmaceutical.Madaling aabot sa saklaw ng bilyon-bilyon hanggang sa 10 billion US dollars ang net profit ng Apothecary Pharmaceutical. Bakit magkakaroon ng pakialam si charlie sa isang milyong dolyar lang?Nang maisip ito, mabilis na nadiskubre ni Kathleen ang mga rason sa likod ng kilos ni Charlie. Nagtatag ng isang imahe ng Feng Shui Master si Charlie sa kanyang pamilya, pero hindi para sa pera. Siguradong may ibang dahilan para dito. Marahil ay kailangan niya ng oras at lugar para magtrabaho sa ilalim ng iba niyang pagkakakilanlan.Sinabi ni Kathleen kay Charlie sa maunawain na tono, “Salamat, Mr. Wade. Sobrang laking pabor ng utang ko sa iyo! Hindi ko alam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3746

    Natigilan si Kathleen sa loob ng ilang sandali saka siya sumabog sa tawa. “Mukhang sinusubukan niya talagang maging low-key hanggang sa puntong tinatago niya kung ano ang tunay na model ng BMW niya!”Napaisip siya sa loob ng ilang sandali saka niya kinausap si Sherry, “Sherry, i-connect mo ang dash cam sa cellphone mo. Subukan mo kung may makukuha ka bang litrato ni Charlie.”Tumawa si Sherry saka niya inabot ang cellphone kay Kathleen. “Young Lady, inexport ko na ang lahat ng pictures galing sa dashcam habang nasa villa kayo kasama si Charlie. Pumili na rin ako ng malilinaw na kuha. Pwede mong tignan.”Pinuri ni Kathleen ang kanyang assistant, “Good job, Sherry! Gumagaling ka lalo sa trabaho mo.”Tumawa si Sherry. “Young Lady, marami akong natutunan sa’yo kaya gumaling ako sa ginagawa ko.”Napangisi si Kathleen. Tinanggap niya ang cellphone at tinignan niya ang mga litrato.Kanina, naunang dumating si Charlie kaya naghintay muna siya sa labas ng kotse. Nang lumapit ang Cadillac

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3747

    Mabilis na kumilos si Porter at agad niyang binalikan si Charlie dala ang resulta ng kanyang imbestigasyon.“Mr. Wade, may isang pamilya ng Oskian sa France na Jane ang apelyido. Pero, katamtaman lang ang kanilang sitwasyon,umaabot lang ng 10 billion euros ang kanilang total net worth.”“Nasa 10 billion euros lang ang kanilang net worth?” Nagulantang si Charlie. “May hindi ka siguro napansin? May mga major projects ba sila?”Nagpaliwanag si Porter, “Mr. Wade, hindi ako sigurado kung may nakaligtaan ba ako. Pero, hindi malayo ang sinabi kong net worth sa actual net worth nila.”Lalo pang nalito si Charlie nang marinig ang sagot ni Porter.Nasa 10 billion euros lang ang net worth ng pamilya Jane. Hindi ito maikukumpara sa net worth ng pamilya Moore.Mas lalong napapaisip si Charlie sa sitwasyon. Sa huli, napagpasyahan niyang tawagan si Graham.Nang sagutin ni Graham ang tawag, may gulat sa kanyang boses. “Master Wade, bakit kayo napatawag?”Nagtanong agad si Charlie, “Mr. Quinton

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3748

    Natuwa si Graham nang alukin siya ni Charlie, “Master Wade, matindi na ang pasasalamat na nararamdaman ko sa inyo sa pagsabi niyo pa lang na handa kayong tumulong. Pero, wala naman akong problema ngayon. Tinawagan ako ni Liam kanina at sinabihan niya akong babayaran na nila ang inorder nilang huling batch ng medicinal stocks sa amin. Kapag natanggap ko na ang bayad, mababawi ko na ang ginastos ko.”Subalit, nagpumilit pa rin si Charlie, “Mr. Quinton, tawagan niyo lang ako kahit kailan kung sakaling may ganito kayong problema ulit.”“Maraming salamat!” Natutuwang sambit ni Graham. “Nauunawaan ko, Master Wade.”Ganoon din, muling nagtanong si Charlie, “Nga pala, kailan niyo balak lumipat ng Thompson First?”Tumugon si Graham, “Abala si Aurora sa pag-aasikaso ng bagay na iyan sa nakalipas na mga araw. Tapos na ang renovation ng bago naming bahay. Wala rin naman akong kailangang masyadong baguhin maliban na lang sa ibang mga kagamitan. Magagamit na siguro namin ito pagkatapos ng ilang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3749

    Napasimangot si Charlie nang maisip niyang may ibang motibo si Kylie. Nagkaroon siya ng kongklusyon na baka masamang loob si Kylie.Nagkaroon rin siya ng espekulasyon na pinabili ni Kylie sa assistant niyang si Sherry ang villa ni Graham hindi para sa lolo nito kundi para lapitan siya.Sa ganitong kaso, maaaring pagpapanggap lang rin ang sponsorship na ginawa niya sa Calligraphy and Painting Association ng Aurous Hill.Baka ang tunay na motiboni Kylie ay malapitan siya sa pamamagitan ng kanyang biyenan na si Jacob. Sumunod, gagamitin ni Kylie ang pangalan ni Jacob bilang palusot para makapag-schedule ng Feng Shui appointment kay Charlie.Biglang naalarma si Charlie.Pagkatapos tanggapin ang 10 billion dollars at ang Emgrand Group galing kay Stephen, sinubukan ni Charlie ang lahat ng kanyang makakaya para itago ang tunay niyang pagkatao mula sa iba, lalo na sa pamilya ng kanyang asawa.Nanatili siya sa anino dahil ayaw niyang may lumapit sa kanya na kahit sino dahil sa kanyang tun

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3750

    “Tama ka.” Tumango si Kathleen saka siya muling bumuntong hininga.“Ngayon, ang kailangan lang nating gawin ay makuha ang loob ng pamilya ni Charlie. Mapapataaas nito ang tsansa natin. Kung hindi, mapapaalis tayo sa pamilya Fox sa loob lang ng ilang taon at magiging walang kuwenta tayong mga palaboy para sa kanila.”Makapangyarihan ang pamilya Fox kahit low-profile Oskian family lang sila. Katulad rin ng mga ordinaryong Oskian families ang pamamalakad sa kanila.Ang pinakamamalang tunggalian sa loob ng kanilang pamilya ay may kinalaman sa inheritance.Si Kathleen nga talaga ang pinaka-pinapaburan sa pamilya Fox, pero dahil lang ito sa kanilang lolong si Jordan. Nagpapanggap lang ang iba nilang mga kamag-anak sa harap ni Kathleen dahil gusto nilang makuha ang loob ng kanilang family head.Pakiramdam ni Kathleen isa siyang princess mula sa ancient ages. Siya ang pinakamamahal na apo ng emperor. Dahil sa pagmamahal ng emperor sa kanya, kailangang magpakita ng respeto ng kahit sinong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3751

    Hindi madaing bagay ang gusto ni Charlie pero determinado siyang malaman kung ano ang tunay na pagkatao ni Kylie sa pinakamabilis na panahon.Pagdating ni Charlie sa kanyang bahay, inutusan niya agad si Porter na gamitin ang koneksyon ng Ten Thousand Armies sa ibang bansa para imbestigahan ang pagkatao ni Kylie Jane.Inisip ni Charlie noong una na fake identity ang Kylie na ginagamit ng kausap niya kanina. Pero, mula sa impormasyong nakuha ni Porter, mukhang may Kylie Jane talaga sa France. Mahahanap ang detalyadong citizen registration information niya sa national registry ng France.Malaking bansa ang France at marami itong immigrants. Maganda ang kanilang pamamalakad at pag-aasikaso ng impormasyon ng kanilang mga mamamayan sa registry. Hindi lamang araw ng kapanganakan, kasarian, antas ng edukasyon ang mahahanap sa registry kundi pati na rin ang trabaho, net income, at religious affiliations ng mga magulang ng isang indibidwal nakatala rin.Mula sa registry information ni Kylie

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5732

    Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5731

    Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5730

    Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5729

    Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5728

    “Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5727

    Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status