Share

Kabanata 3486

Author: Lord Leaf
Nabalisa si Charlie sa biglaang tanong ni Helena.

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang hiniling ni Helena ito nang tapat nilang pinag-uusapan ang kapalaran niya.

Tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Mukhang… hindi naman ito kaugnay sa pinag-uusapan natin, tama?”

Kumindat nang makulit si Helena at ngumiti. Pagkatapos, sinundan ito ng biglaang pagsandal paharap ng katawan niya habang hinalikan niya nang mahigpit si Charlie sa kanyang bibig gamit ang mga pulang labi niya.

Pagkatapos, kinagat agad ni Helena nang bahagya ang ibabang labi niya habang sinabi niya nang nahihiya, “Mr. Wade, kung wala ang BMW na kotse at ang antique vase na iyon, hindi natin makikilala ang isa’t isa, at hindi ako mahuhulog sa iyo sa napakaikling panahon. Hindi mangyayari ang halik na iyon kanina lang, at hindi mo makukuha ang unang halik ko. Kaya, Mr. Wade, tama ka. Ang galing nga ng tadhana. Naiintindihan ko! Naiintindihan ko talaga!”

Ilang sandali na walang masabi si Charlie.

Hindi inaasahan ni Cha
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3487

    Pagkatapos itong sabihin, tinanong ulit ni Helena si Charlie, “Mr. Wade, sobrang daming kasamahan mo ang pumunta sa Mount Wintry para tulungan ka kahapon kahit na mapanganib ito sa buhay nila. Lahat ba sila ay nahulog sa iyo makalipas ang matagal na panahon? Posible ba na wala sa kanila ang nahulog sa iyo sa ilang araw lang tulad ko?”Walang masabi nang ilang sandali si Charlie.Sa mga kasamahan niya, bukod kay Quinn, na kakilala niya simula noong bata pa siya, ang pinakamatagal na kilala niya lang sa kanila ay si Jasmine, na isang taon niya pa lang kilala.Mas maikli pa ang pinagsamahan nila ni Nanako, Sophie, at Rosalie.Nang makita ni Helena na nanatiling tahimik si Charlie, sinabi niya nang emosyonal, “Mr. Wade, umaatras ako hindi dahil sa natatakot ako maging reyna. Natatakot lang ako na hindi na ulit kita makikita pagkatapos kong maging reyna… sa halip nito, mas gugustuhin ko na hindi maging reyna, at mas gugustuhin kong dalhin ang ina ko sa Oskia para kahit papaano, maging m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3488

    “Ang bagay kung saan sinabi mo na gusto mo ako?”Nabigla si Charlie sa isang saglit bago sinabi nang kaswal, “Isasantabi muna natin ang bagay na may gusto ka sa akin. Hindi pa huli na pag-usapan ito pagkatapos mo munang masigurado ang trono.”Hindi mapigilan na itanong ni Helena, “Mr. Wade, may kaugnay ba sa trono ang tungkol sa kagustuhan ko sayo?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang bahala, “Syempre magkaugnay ito. Isa akong uri ng tao na ayaw sa mahinang tao. Kahit ang mga kasamahan ko na binanggit mo kanina, karamihan sa kanila ay pinuno ng ilang malaking pamilya. Lahat sila ay may tiyak na antas ng resources at koneksyon, at maraming kolaborasyon sa pagitan ng isa’t isa.”Nang marinig ito, naintindihan agad ni Helena ang kahulugan sa mga sinabi ni Charlie, at palihim niyang inisip, ‘Sobrang lakas ni Mr. Wade, at kailan lang ay naging pinuno na siya ng pamilya Wade. Kung hindi ako uupo nang matatag sa trono, natatakot ako na hindi man lang ako magiging kwalipikado para mag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3489

    Nag-atubili saglit si Helena, pero tumango pa rin siya. Pagkatapos nito, medyo nabulunan ang boses niya habang sinabi, “Kung gano’n, ingatan mo ang sarili mo, Mr. Wade!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sumagot, “Ikaw rin. Nasa ‘yo ang phone number ko, kaya pwede mo akong tawagan nang direkta kung kailangan mo ang tulong ko.”Sinabi ni Helena habang namumula ang mga mata niya, “Naiintindihan ko. Salamat, Mr. Wade!”“Walang anuman.” Ngumiti si Charlie at tumango. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng kotse at naglakad papunta sa Concorde gamit ang malalaking hakbang.Pagkatapos sumakay sa kotse, umupo si Charlie sa malaking sofa sa passenger cabin. Nakikita niya si Helena, na nakaupo pa rin sa kotse habang nakatingala siya sa kanya, sa porthole ng bintana.Sa sandaling ito, puno na ng luha ang mga mata ni Helena, at may ilang beses na hindi niya napigilang umiyak.Pero, nang mapagtanto niya na nakatingin din si Charlie sa kanya, pinigilan niya ang kagustuhan niyang umiyak, ta

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3490

    Habang pabalik si Charlie sa Oskia sa ilalim ng gabi ng Northern Europe, isa-isang bumalik ang mga miyembro ng collateral family ng pamilya Wade na tumakas habang may nababalisa at nag-aalalang puso. Kaharap nila ang sumisikat na araw habang umakyat sila sa Mount Wintry para harapin ang mga kasalanan nila sa harap ng Ten Thousand Armies.Ito ay dahil gumawa ng anunsyo sa publiko ang Ten Thousand Armies na nasa kanila na ang listahan sa ancestor worship ceremony ng pamilya Wade. Dinemanda rin ng Ten Thousand Armies na dapat bumalik ang lahat ng tao na nasa listahan. Kaya, walang nagawa ang mga miyembro ng collateral family ng pamilya Wade na bumalik nang desperado sa Eastcliff.Nang tumakas sila kagabi, hindi nila inisip na may mali sa pagtakas nila sa gabing iyon.Ito ay dahil sa opinyon nila, mga miyembro lang sila ng collateral family ng pamilya Wade, at hindi dapat sila idamay sa sama ng loob ng Ten Thousand Armies at pamilya Wade.Pero, sa opinyon ni Charlie, ang bawat miyembro

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3491

    Nagalit si Tony, at minura niya nang galit, “Kayo… Kayong mga alila ay nangahas talaga na sampalin ako?!”Sinabi nang malamig ni Stephen, “Tapos na ang tatlong segundo. Baliin ang binti niya!”Sa sandaling narinig nila ang mga ito, maraming miyembro ng collateral family ng pamilya Wade ang nagkaroon agad ng natulalang ekspresyon sa mukha nila. Walang nag-aakala na mayroong ganitong tapang si Stephen.Sa sandaling ito, inipit na ng mga kasamahan ni Stephen si Tony sa sahig. Kumuha ng golf club ang isa sa mga lalaki at biglang hinampas ito nang malakas para tumama ang dulong bakal ng golf club sa kanang tuhod ni Tony, dinurog agad ang kanyang tuhod!Humagulgol sa desperasyon si Tony at gumulong sa sakit habang nagngalit siya at minura sa ilalim ng hininga niya, “Stephen Thompson! Pa… papatayin kita!”Sinabi nang malamig ni Stephen, “Kung magsasabi ka pa ng isang salita simula ngayon, ipapadurog ko ang kabilang tuhod mo!”Sa sandaling sinabi ito ni Stephen, tiniis agad ni Tony ang s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3492

    Nang pinangunahan ni Porter ang mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies at bumaba sa Mount Wintry, natakot nang sobra ang mga miyembro ng collateral family ng pamilya Wade na nakaluhod sa sahig.Wala silang alam sa mga nangyari sa Mount Wintry kahapon, at ang alam lang nila ay yumuko na ang pamilya Wade sa Ten Thousand Armies at binigay sa Ten Thousand Armies ang kalahati ng asset ng pamilya bilang pambayad.At ngayon, pinupuntirya sila ng Ten Thousand Armies.Sa opinyon nila, siguradong pupuntiryahin ng Ten Thousand Armies ang mga asset nila.Sa sandaling ito, mayroong tuwid at walang interes na ekspresyon si Porter sa kanyang mukha habang naglalakad siya sa harap, nakasunod sa kanya ang halos isang daang core soldier ng Ten Thousand Armies.Sa tuwing lalapit ng isang hakbang si Porter sa kanila, mas lalong natatakot at kinakabahan ang mga miyembro ng collateral family ng pamilya Wade.Nang tumayo na si Porter sa harap ng mga taong ito, marami sa kanila ang nanginginig na sa tak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3493

    Sa sandaling sinabi ito ni Porter, mayroong tunog ng paghagulgol sa eksena.Ang paglabas ng kalahati ng asset ng pamilya nila ay mas malupit pa sa pagbabalat nang buhay sa kanila!Dahil, manipis na patong lang ang balat, pero ang hinihingi ni Porter ay kalahati ng asset nila!Patuloy na nagmakaawa ang mga taong ito, at kahit si Tony ay sinabi nang nabubulunan, “Lord Waldron, collateral family lang kami ng pamilya Wade. Hindi mo kami pwedeng tratuhin kung paano mo tinrato ang core family ng pamilya Wade! Sa abot ng kaalaman ko, nilabas lang ng core family ng pamilya Wade ang kalahati ng asset nila, kaya paano mo nagawa na hilingin sa amin ang parehong kondisyon?”Umalingawngaw agad sa iba ang mga sinabi ni Tony.Nagpantato nila na walang magandang mangyayari nang inutusan sila ng Ten Thousand Armies na bumalik sa Mount Wintry ngayong araw, pero hindi nila inaasahan na sobrang sakim pala ng Ten Thousand Armies!Ang paghiling sa kanila ng kalahati ng asset nila ay mas nakakatakot pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3494

    Nanginig sa gulat at takot si Tony dahil sa mga biglang malulupit na sinabi ni Porter.Hindi niya talaga inaasahan na magiging walang humpay si Porter sa punto na papatayin niya ang buong pamilya niya dahil lang hindi niya sinabi ang mga tamang salita.Bukod dito, hindi nagduda si Tony sa kilos ni Porter. Dahil, ang lalaking ito ang lord ng Ten Thousand Armies, at hindi niya sasabihin nang walang bahala ang mga ito sa harap ng napakaraming sundalo at miyembro ng pamilya Wade.Bukod dito, ang lahat ng impormasyon ni Tony at ang impormasyon ng pamilya niya ay nakatala nang detalyado sa genealogy ng pamilya Wade. Hindi man lang siya makakatakas.Nang maisip niya ito, sinabi niya agad sa hindi maikukumparang takot, “Lord Waldron, handa akong sumunod! Ibibigay ko ang kalahating asset ng pamilya ko! Maawa ka sana…”Suminghal nang malamig si Porter at tinanong siya, “Bakit? Natatakot ka na ngayon? Hindi ba’t sinabi mo na pinaghirapang pera mo ang mga asset ng pamilya mo? Akala ko talaga

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5732

    Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5731

    Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5730

    Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5729

    Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5728

    “Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5727

    Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5726

    Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5725

    Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5724

    Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status