Bumaba si Helena kasama si Olivia.Medyo nangangamba at hindi mapakali ang kalooban ni Helena dahil binantaan siya ni Olivia. Sa sandaling dumating si Helena sa banquet hall, hinanap niya agad si Charlie. Ito ay dahil magiging panatag lang ang kalooban niya pagkatapos makita si Charlie.Pero, hindi lumitaw si Charlie sa banquet hall.Nang makita si Helena ng ama ni Olivia, si Richard, ngumiti siya agad at sinabi, “Helena, nakabalik ka na!”Tumingin si Helena kay Richard, pero dahil hindi niya alam kung kasangkot ba ang tito niya sa paglagay sa malalim na coma ni Olivia sa lola niya, naging mapagbantay pa rin siya sa taong ito sa puso niya. Pagkatapos ay nagsalita siya, “Tito Richard, kumusta ka?”Bumuntong hininga nang kaunti si Richard at sinabi, “Bukod sa pag-aalala nang sobra sa kalusugan ng lola niyo, maayos naman ang lahat.”Habang nagsasalita siya, lumapit din si Aman. Tumingin siya kay Helena nang ilang beses habang may pagkahumaling bago siya pumunta sa harap ni Richard
Nang makita ni Richard si Charlie, na may dilaw na balat at itim na mata, nahulaan niya agad na si Charlie ang galing sa pamilya Wade kahit na hindi niya pa siya nakikita. Kaya, ngumiti siya at sinabi, “Naniniwala ako na ang ginoong ito ay galing sa pamilya Wade?”“Oo.” Tumango nang bahagya si Charlie at ngumiti habang tinanong, “Narinig ko ang ideya kung ano ang nangyayari pagpasok ko ngayon lang. Gusto mo ba akong kausapin?”Sinabi agad ni Olivia, na nasa tabi, “Charlie, siya ang ama ko, si Prince Richard ng royal family sa Northern Europe!”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Prince Richard, ano kayang payo ang mayroon ka para sa akin?”Inayos ni Richard ang buhol sa kanyang tie, at mayroon siyang mayabang na hitsura sa kanyang mukha habang sinabi, “Nang pinagpasyahan namin ang marriage contract sa pamilya Wade, hindi namin alam na may kaugnayan ang pamilya Wade sa isang mercenary organization tulad ng Ten Thousand Armies! Noon pa man ay sobrang linis na at may kamalay
Matapos ang lahat, tinuruan na ng leksyon ni Porter ang buong pamilya Wade, pero ngayon, ginagamit pa ni Charlie ang pangalan ni Porter para manakot ng ibang tao. Hindi kapani-paniwala ang sinasabi niya.Habang nakaupo sa tabi ni Helena, nakangiting nagsalita si Aman, “Mr. Wade, kontrata lang maman ang isang marriage contract. Pwede mong gawin ang bahagi mo at syempre pwede mo ring hindi gawin ang bahagi mo. Kung may breach of contract na clause ang dalawang panig, magbabayad ng compensation ang non-performing party dahil sa clause na nakasulat. Kung wala namang clause na nakasulat tungkol sa breach of contract, malayang makakapagdesisyon ang dalawa! Pare-pareho naman tayong edukado, kaya hindi na natin kailangang pagbantaan ang isa’t isa hindi ba?”Napasimangot si Charlie, “Tinatanong ba kita? Sino ka sa tingin mo? May karapatan ka bang magsalita dito?”Hindi inaakala ni Aman na ipapahiya siya ng isang binata sa harap ng publiko sa okasyong ito!Mukhang nasa 20s pa lang ang edad n
Ang dahilan kung bakit sinaktan ni Charlie si Aman ay dahil gusto niyang magbigay ng halimbawa para sa Northern European royal family. Gusto niyang ipahiwatig na hindi nila kailangang magmataas sa harap niya.Higit sa lahat, hindi natatakot si Charlie na ilantad ang tunay niyang pagkatao. Matapos ang lahat, nasa sampu o dalawampu lang naman sila rito. Kung gusto niya, pwede niya namang patumbahin ang lahat ng naririto, iligtas ang kasalukuyang queen, at ilagay si Helena sa trono.Pagkatapos, pwede niyang sabihin si Helena na sentensyahan ang lahat ng naririto ng kahit anong krimen at ilagay sila sa kulungan, isa pagkatapos ng isa.Kung hindi, pwede ring bigyan ni Charlie ng psychological hint ang lahat ng mga naririto para hindi siya magkaroon ng problema sa hinaharap kahit may mali sa kinikilos nila.Subalit, hindi inaakala ni Charlie na magaling sa brainstorming si Richard at nagawa na nitong makapag-isip ng sarili niyang espekulasyon kung saan handa ang Ten Thousand Armies na ma
Habang mas lalong nagiging arogante si Charlie, mas lalong ring nagiging determinado si Richard sa kanyang hula na naririyan lang ang Ten Thousand Armies para protektahan si Charlie. Iyan ang dahilan kung bakit mapagmataas ito.Kapag mas lumala ang sitwasyon, natatakot siya na baka magalit na talaga si Charlie. Kung hindi, kapag pinakiusapan ni Charlie ang Ten Thousand Armies na ligpitin siya, siguradong wala siyang kahit anong magagawa.Kaya, agad na tumugon si Richard, “Mr. Wade, ako ang may problema. Humihingi ako ng tawad sa’yo. Umaasa akong maging mabuti ang loob niyo at hindi niyo ako kagalitan…”Hindi inaakala ni Olivia na bibigay ang kanyang tatay kay Charlie kaya napabulalas siya, “Papa! Bakit ka naman humingi ng tawad sa kanya?!”Agad na pinagalitan ni Richard ang kanyang anak, “Tumahimik ka!”Hindi inaakala ni Olivia na magbabago ng ganito kabilis ang ugali ng kanyang tatay. Magtatanong pa lang sana siya kung ano ang nangyayari nang biglang sampalin ni Aman, na nasa tab
Sa pagkakataong ito, tinuturing na ni Richard si Charlie bilang God of Plague dahil sa nangyayari.Sa ngayon, wala na siyang ibang gustong gawin kundi ayusin ang sitwasyon at iwasan ang kahit anong gulo kasama si Charlie.Kaya, tahimik niyang binigyan ng babala si Olivia gamit ang kanyang mga mata saka niya kinausap si Charlie, “Mr. Wade, pwede na ba tayong opisyal na magsimula?”Tumango si Charlie nang hindi nagsasalita.Nakahinga nang maluwag si Richard. Sa pagkakataong iyon, agad niyang inanunsyo na opisyal nang magsisimula na ang pre-wedding party na isinagawa nila para sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.Habang kumakain ng hapunan, inalis ni Richard ang kanyang ere bilang isang royal member, at madalas siyang nagbibigay ng toast kay Charlie habang magalang ang ekspresyon sa mukha pati na rin ang kanyang pananalita.Hindi talaga maunawaan ni Olivia kung ano ang nangyayari kaya nagbigay siya ng palusot para makausap ang kanyang tatay saka siya nagtanong sa isang mababang bo
Sa isang kurap ng mata, limang tao na ang nakapagtaas ng kanilang mga kamay.Sinadya ni Walliot na hindi muna magtaas ng kanyang kamay, sa halip, naghintay siya hanggang sa sumali muna ang iba saka siya nagsalita, “Sasali rin ako.”Pagkatapos sabihing sasali siya, napatitig siya kay Charlie. Sinusubukan niyang mag-isip ng paraan para mapasali si Charlie sa game. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Charlie na mismo ang nagtaas ng kanyang kamay, “Mahilig rin akong maglaro ng Texas Hold’em Porker. Sasali ako.”Sabik na sabik si Walliot at halos mapahiyaw siya sa saya.‘Sinusubukan ko lang maghanap ng oportunidad para pasalihin si Charlie sa game na ito nang hindi niya nahahalata ang intensyon ko pero hindi ko naman inaakalang handa siyang mahulog sa patibong ko.’‘Perpekto!’Pagkatapos, nagpanggap si Walliot sa isang magalang na paraan, “Mr. Wade, hindi ko inaakalang mahilig ka rin palang maglaro ng Texas Hold’em Poker. Kung iyan ang kaso, maglaro tayo ng dalawang rounds para lang s
Dahil huling minuto na nang mapag-usapan nila na poker ang kanilang lalaruin at isinuko ng taong nagbigay ng suhestiyon ang kanyang partisipasyon na maglaro ng card game at nagboluntaryo pa siyang maging broker, maliban kay Charlie at Olivia, hindi inisip ng iba na may mangyayaring pandaraya.Higit sa lahat, dahil nasa loob sila ng poker room ng Northern European royal family at bago at hindi pa nabubuksan ang deck, hindi sila nagkaroon ng kahit anong duda.Sa totoo lang, wala naman talagang problema sa deck ng cards na gamit nila. Ang tunay na problema ay nasa broker.Isa talaga siyang expert sa gambling at malaki ang naipon niyang yaman mula sa kanyang abilidad. Kahit maglaro siya ng cards kasama ang mga professionals, hindi nila mapapansin ang pandaraya niya lalo naman ang isang grupo ng mga amateur.Mabilis ang kamay ng taong ito, matalas ang isip, maganda ang memorya, at malikot rin ang daliri. Masasabing maikukumpara siya sa isang magician. Kaya nang ishufle niya ang cards, w
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul
Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini
Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma
Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na