Hindi inaasahan ng lahat ng nasa eksena na hindi matatakot si Charlie kahit pagkatapos makita si Porter.Ang mga miyembro ng pamilya Wade na may dala-dalang damit panlamay ay nagmumura sa mga puso nila sa sandaling ito. Mukhang hindi talaga alam ni Charlie kung ano ang pinakamaganda para sa sarili niya.Nangahas pa rin siyang sabihin ang mayabang at mapagpanggap na mga salitang ito kahit na nandito na si Porter. Hinuhukay niya talaga ang libingan niya at hinahanap ang kamatayan…Kahit si Jeremiah ay nanginginig sa takot sa sandaling ito. Natatakot talaga siya na direkta lang silang papatayin ni Porter kung magagalit siya at mawawalan ng kontrol dahil ginalit siya ni Charlie. Sa sandaling iyon, matatapos na ang lahat.Samantala, mas galit pa si Porter.Hinding-hindi niya inaasahan na may tao sa pamilya Wade na mangangahas pa rin na kausapin siya nang ganito!Kaya, tinanong niya sa malamig na boses, “Bata! Medyo masyado kang mayabang. Kaya kitang turuan kung hindi ka marunong magsu
Sinabi nang nagmamadali ni Hunter, “Lord, masyado akong nagsalita. Parusahan mo sana ako!”Hindi siya pinansin ni Porter. Sa halip, tumingin siya kay Charlie at sinabi niya nang malamig, “Huwag mong sabihin na hindi kita binigyan ng pagkakataon. Pwede tayong magkaroon ng magandang laban sa harap ng mga magulang mo at ng mga magulang ko para makita kung sino ang mas malakas!”Sa sandaling ito, nababalisa na nang sobra si Porter at sabik na patayin si Charlie sa harap ng kabaong ng mga magulang niya at sa harap din ng libingan ng mga magulang ni Charlie!Ito ay dahil ito ang pinakamaganda at pinaka perpektong paraan para kay Porter para maghiganti!Dito niya lang masasabi sa mga magulang niya na mas malakas ang anak nila kumpra sa anak ni Curtis!Dito lang maiintindihan ng kaluluwa ng mga magulang niya sa langit na kahit na hindi sila nanalo laban kay Curtis dati, nanalo ang anak nila laban sa anak ni Curtis!Ang ibig sabihin din nito ay matatalo na rin ng ama ni Porter si Curtis!
Naging sobrnag pangit agad ang ekspresyon sa mukha ni Porter nang biglang binanggit ni Charlie si Zayne.Si Zayne ang Green-Eyed Wolf King sa Ten Thousand Armies na pangalawa lang ang lakas kay Porter, at noon pa man ay isa na siya sa pinaka pinapahalagahang heneral ni Porter.Pero ang lalaki na ito mismo, na nasa ibaba lang ng isang lalaki at nasa itaas na sampung libong lalaki, ang nakaranasa ng pinaka masakit na pagkatalo sa Middle East simula noong itinayo ang Ten Thousand Armies.Libo-libong tao ang namatay, at mahiti sampung libong tao ang nahuli. Dahil dito, nawalan ng imahe at reputasyon ang Ten Thousand Armies sa ibang bansa.Bukod dito, walang nakakaalam at hindi nila mahanap ang kinaroroonan ni Zayne simula noon.Walang nakakaalam kung nahuli ba siya, kumalas sa kanila, o patay na siya.Alam ni Porter na dahil kayang banggitin ni Charlie ang pangalan ni Zayne, pinapatunayan nito na alam ni Charlie ang pagkatalo ng Ten Thousand Armies sa Middle East.Pinagtatawanan siy
Ang pinakamalakas na bagay para sa isang martial artist ay ang pagkakaroon ng internal qi. Habang dumarami ang internal qi nila, ang pisikal na lakas, liksi, at laksa ng atake nila ay tataas din.Ito ay dahil ang internal qi ang totoong pinagmumulan ng lakas ng mga martial artist. Kaya, ang bawat martial artist ay kailangan ilipat ang internal qi nila sa mga kamay at paa nila bago umatake upang ipakita ang pinakamalakas na epekto nito sa laban.Pero, ang hindi alam ni Hunter ay hindi kailangan ni Charlie ng tinatawag na internal qi.Sa sandaling ito, puno ng Reiki ang buong katawan ni Charlie, at ang ganitong uri ng enerhiya ay lampas sa maaabot ng isang martial artist.Kaya, humikab lang si Charlie at sinabi kay Hunter, “Matanong ka talaga. Lumaban ka lang kung gusto mo. Bakit ang dami mong sinasabing kalokohan?”“P*ta!” Nagalit nang sobra si Hunter dahil pinapahiya siya ni Charlie sa publiko. Nagngalit siya at sinabi, “Mabait na nga ako para hayaan na ikaw muna ang kumilos, pero
Sinong nag-aakala na biglang may ganitong pagbabago na mangyayari?!Sinong nag-aakala na ang buong lakas na atake ng isang six-star martial artist ay huhusgahan lang ng ‘kasing hina ng babae’ sa mga mata ni Charlie?!Hindi man lang magawa ni Hunter na mag-abala na magalit.Nakatulala lang siya sa kanyang kamao habang binulong, ‘Imposible… Imposible ito… Imposible talaga ito…”Natulala rin si Porter.Kahit na hindi niya malaman kung paano ito nagawa ni Charlie, napagtanto niya ngayon na hindi talaga simple si Charlie!Sa sandaling ito, ang mga miyembro ng pamilya Wade, pati na rin ang mga taong pumunta para tulungan si Charlie, ay naghiyawan na kahit na nagulat din sila sa loob nila!Kung ang isang six-star martial artist ay walang magawa kay Charlie, pinapatunayan nito na may lakas at kumpiyansa talaga si Charlie!Hindi na rin nag-abala si Felix sa karaniwang sama ng loob niya para kay Charlie, at binulong niya kay Clayton, “Si Charlie, may… may alam talaga siya sa martial arti
Ito ay dahil sa ngayon ay ginagamit na ni Hunter ang pinakamalakas na atake niya, ang ‘Divine Tiger Out the Mountain’, mula sa kanyang martial arts technique—Divine Tiger Fist.Ang dahilan kung bakit tinawag na White-Clothed Tiger King si Hunter ay dahil sinasanay niya ang Divin Tiger Fist.Ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang atake sa mga atake sa Divin Tiger Fist ay ang ‘Divine Tiger Out the Mountain’.Ang pinakamagandang katangian ng atake na ito ay ang abilidad na pataasin nang mabilis ang internal qi ng isang tao ng fifty percent.Pero, hindi kaswal na magagamit ang atake na ito.Ito ay dahil may malakas na masamang epekto ang atake na ito sa gumagamit.Sa pinaka magaan na kaso, kailangan ng maraming araw ng katawan para mabagal na pagalingin ang sarili nito. Sa proseso, magagamit lang niya ang kalahati ng lakas niya.Sa msa malalang kaso, bababa nang sobra ang cultivation base ng gumamit, at marahil ay abutin ng isa o dalawang taon para maibalik ang bahagi ng cultiv
Nahiya si Hunter at nagalit nang marinig niya ang panlalait ni Charlie.Nang makita niya ang mapaglaro at nang-aasar na ekspresyon sa mga mata ni Charlie, isang malakas na pakiramdam ng takot ang lumitaw ulit sa puso niya.Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Impo… Imposible ito! Kahit ang isang eight-star martial artist ay hindi kayang pigilan nang madali ang ‘Divine Tiger Out the Mountain’! Paano mo nagawa ito?!”Ang mga sinabi ni Hunter ay ang taos pusong mga salita na gustong itanong ng lahat sa Ten Thousand Armies, kasama na si Porter.Ang bawat isa sa kanila ay hindi inaasahan na mananatiling sobrang hina ng buong puwersang atake ni Hunter sa punto na sobrang kaawa-awa ito sa harap ni Charlie.Nabaliktad ang matagal nang pananaw nila sa mundo ng martial arts sa sandaling ito. Hinding-hindi nila inaakala na may ganito kalakas na eksperto sa mundong ito.Sa sandaling ito, natauhan na si Porter. Napagtanto niya na marahil ay ang plano niya na maghiganti na maingat niyang pinagha
Sa tuwing nananalo siya, palaging magmamakaawa nang mapait at nakakaawa ang natalo niya tulad ng ginagawa niya ngayon. Kailanman ay hindi siya nagpakita ng awa sa kanila dati.Ngayon, mukhang nabaliktad na ang lahat, at si Hunter naman ang nagmamakaawa para mabuhay siya!At malinaw na hindi handa si Charlie na pakawalan siya!Tumingin si Charlie kay Hunter, at biglang tumaas nang bahagya ang mga sulok ng bibig niya, nagpakita ng mapaglaro at malupit na ngiti.Lumamig agad ang puso ni Hunter, tila ba nahulog ito sa isang kuweba ng yelo nang makita niya ang biglang kakaibang ngiti sa mukha ni Charlie.Kahit na hindi alam ni Hunter kung anong gustong gawin sa kanya ni Charlie, napagtanto ni Hunter na tapos na siya!Sa sandaling iyon, ginamit ni Charlie ang kanyang kanang kamay para sunggaban ang mga kamao ni Hunter, at bigla niyang inikot ang pulso niya.Pagkatapos, agad naramdaman ni Hunter na tinulak ang mga braso niya sa isang malakas na gilingan ng karne.Pagkatapos nito, buma
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon