Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Stephen, “Maliban dito, hindi na mapapantayan ang pagkatao mo sa lahat ng pamilya sa bansa, gaya ng tatay mo dati!”Kumaway si Charlie at seryoso siyang nagsalita, “Huwag mong kalimutan na harangan ang lahat ng balita tungkol sa mangyayari bukas. Huwag mong hayaan na malaman ng iba ang tungkol sa tunay kong pagkatao lalo naman ang kumalat ito sa publiko. Hindi pa ito ang oras para magpakitang gilas ako.”Hindi mapigilang magtaka ni Stephen, “Young Master, kung magagawa mong talunin ang Ten Thousand Armies, bakit hindi mo pagsamantalahan ang magandang oportunidad na ito para i-anunsyo ang pagkatao mo pati na rin ang pagiging head ng pamilya Wade?”Tumugon si Charlie, “Walang tunay na impluwensya ang Ten Thousand Armies sa kabila ng dami nila sa organisasyon. Tingnan mo naman ang mga top Jewish families sa wall Street sa United States. Kaya nilang impluwensyahan at kontrolin ang kalahati ng ekonomiya ng mundo. Kaya rin nilang gamitin ang mga fin
Nang marinig ni Yule ang tungkol sa pagpunta ng Ten Thousand Armies sa mansyon ng pamilya Wade ngayong araw, agad siyang lumabas para magmakaawa sa mga kakilala niya na tumulong.Balak niya sanang gamitin ang sarili niyang pangalan at reputasyon para magmakaawa sa kapakanan ng pamilya Wade, pero ngayon, lahat ng mga mararangya at prestihiyosong pamilya sa Eastcliff umalis na para lumayo sa peligro. Takot na takot sila nang marinig nila ang nangyari.Kahanga-hanga ang reputasyon at kakayahan ng Ten Thousand Armies. Dahil kilala sila sa ibang bansa, agad na nagkaroon ng kongklusyon ang mga malalaking pamilya sa Eastcliff na magiging katapusan na ng pamilya Wade.Kaya, walang kahit sino ang handang tumulong o makisali sa gulo ng pamilya Wade sa pagkakataong ito.Iyan rin ang dahilan kung bakit masyadong kampante si Cadfan.Sa opinyon ng lahat, imposible nang makabawi at makatakas ang pamilya Wade sa puntong ito.Matapos ang lahat, para bang isang bakal na karwahe ang Ten Thousand Ar
Tumango si Charlie at tumawa siya, “Masasabing nabigo sila nang matindi sa Middle East dahil sa akin.”Napatulala si Yule nang marinig niya ito. Pagkatapos, hindi niya mapigilang mapatawa nang malakas!Tawang-tawa siya saka siya nagsalita, “Hahaha! Mabuti naman! Mabuti naman! Kung iyan ang kaso, masasabing hindi natin kalaban ang Ten Thousand Armies! Isa pala itong mabuting hukbo na tumawid ng ilang libong milya para lang i-abot ang tagumpay sa’yo, Charlie!”Pagkatapos, inalis ni Yule ang infusion needle mula sa kanyang pulso saka siya kumaway kay Rachel, “Mahal! Bilisan mo at maghanda ka ng pagkain at alak! Gusto kong uminom nang kaunti kasama si Charlie ngayong gabi!”Nakaramdam rin ng sabik si Rachel as loob ng kanyang puso. Subalit, hindi niya inaakalang aalisin lang ng kanyang asawa ang infusion needle nito at magpapahanda agad ito ng pagkain at alak kahit kakaturok lang nito ng antihypertensive medication sa kanyang sarili.Hindi niya mapigilang mapangiti sa huli, “Paano ka
Sa ganap na 5:00 A.M. ng susunod na araw.May hamog na bumabalot sa buong Eastcliff dahil umuulan kagabi at maalinsangan rin ang panahon na nangyayari lang sa buwan ng Tomb Sweeping Festival.Pagkatapos gugulin ang buong gabi sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang, pinuwersa ni Porter paalis ang natitirang alcohol sa kanyang katawan saka siya nagsunog ng tatlong incense sticks at yumuko ng tatlong beses sa harap ng libingan.Hindi nagtagal, naging pirmi ang ekspresyon sa mukha ni Porter saka siya nagsalita, “Papa! Mama! Pasensya na talaga dahil iistorbohin ko ang pagpapahinga niyo ngayong araw! Umaasa ako na mauunawaan ng mga ispiritu niyo sa kalangitan at mapapatawad niyo ako sa mga gagawin ko! Ililipat ko kayong dalawa sa Mount Wintry ngayong araw at iyon ang magiging bago niyong pahingahan!”Pagkatapos itong sabihin, napuno ng luha ang mga mata ni Porter. Nasamid siya habang nagsasalita, “Papa! Mama! Sisiguruhin kong maipaghihiganti ko kayo ngayong araw! Sisirain ko ang mga
Balak nilang magpalit ng damit panlamay at talikuran ang kanilang pamilya para mangako ng katapatan sakaling ayaw magpatalo at sumuko ni Lord Wade sa harap ng Ten Thousand Armies. Balak din nilang pumayag sa lahat ng kondisyon na hihingiin ng kabilang panig mula sa kanila.Kahit anong mangyari, ang buhay nila ang pinakamahalaga.Wala ring kumpiyansa si Jeremiah sa loob ng kanyang puso. Tinipon niya na lang ang lahat ng miyembro nila para tumungo sa Mount Wintry habang inilalagay ang lahat ng kanyang pag-asa kay Charlie.***Pagdating ng 6:20 A.M., pumasok si Charlie sa loob ng sasakyan ni Stephen. Nakaupo ang tatlong miyembo ng pamilya Golding sa isa pang kotse na minamaneho ni Yule habang patungo sila sa Mount Wintry kasama si Charlie.Habang nagmamaneho, kinausap ni Stephen si Charlie, “Young Master, kagabi, palihim na pumuslit paalis ng bahay sila Young Master Felix at Young Master Hugh, pati na rin ang fourth uncle at eldest aunt mo. Sinundan sila ng mga tauhan ko at nadiskubr
Nang makita nilang nakaluhod si Charlie, agad na lumapit ang mga lalaking ito para suportahan siya sa patayo. Matapos ang lahat, sila ang matatapat na tauhan ni Curtis. Hindi nila mapigilang lalong maluha sa ginawa ni Charlie.Mula sa kanila, naluluhang nagsalita ang pinakamatanda, “Young Master, pakiusap huwag! Hindi kami karapat-dapat! Mga tauhan mo lang kami kaya bakit naman kami tatanggap ng ganyang klase ng malaking regalo mula sa inyo?”Determinadong nagsalita si Charlie, “Mga tauhan kayo ng tatay ko at naririto kayong lahat ngayong araw na ito. Ibig sabihin, napakabuti ng puso niyo para sa pamilya namin. Bilang si Charlie Wade, nakaramdam ako ng matinding pasasalamat sa ginawa niyo!”Agad na tumugon ang matandang lalaki, “Young Master, ito naman talaga ang bagay na dapat naming gawin! Sa totoo lang, nang mangyari ang aksidente kay Master Curtis dati, bilang mga tauhan niya, hindi namin nagawa ang makakaya namin dahil wala kami sa tabi niya. Iyan ang pinakamalaki naming pagkak
Bumaba si Charlie mula sa sasakyan, at nang makita niyang kakaunti lamang ang naririto, malamig siyang nagtanong, “Hindi ba ang sabi mo mahigit sa 700 ang miyembro ng collateral families ng Wade mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo? Hindi ba dapat dadalo sila sa okasyon ngayong araw? Saan na sila napunta ngayon?”Nahihiyang tumugon si Jeremiah, “Charlie, gaya ng kasabihan, tumakas na silang lahat kagabi nang malaman nila ang tungkol sa kinakaharap nating kalamidad. Alam nilang hindi nila magagawang tumakas nang buhay kung sasali sila sa gulo, kaya natural lang na hindi nila tayo sasamahan sa kamatayan. Natural lang na tumakas sila bago pa sila madatnan ng delubyo.”Suminghal si Charlie at walang emosyon siyang nagsalita, “Nasaan na ang listahan ng mga bibigatin kahapon? Pakidala ito sa akin.”Agad na humakbang si Clayton, ang eldest uncle ni Charlie, habang mabigat ang loob. Sumunod, inabot niya ang isang makapal na dokumento kay Charlie at galit siyang nagsalita, “Heto na! Ikaw na m
Hindi nagtagal, ilang mga off-road vehicles na may license plates ng Aurous Hill ang nagmaneho patungo sa tuktok ng bundok mula sa ibaba.Nang makita ni Felix ang mga license plates ng mga sasakyan, agad na napangisi si Felix at kinausap niya ang mga taong nasa paligid niya, “Tingnan niyo naman! Tama nga talaga ang sinabi ko. Paano naman magkakaroon ng mahalagang bahagi ang mga pipitsuging ito sa araw na ito? Hindi nga sila karapat-dapat para pumunta rito!”May pagsang-ayon sa ekspresyon ng mga taong nasa paligid ni Felix. Lahat sila pakiramdam nila kahit ano pang tulong ang dinala ni Charlie sa pagkakataong ito, siguradong mabibigo pa rin si Charlie sa harap ng Ten Thousand Armies.Ilang mga off-road vehicles ang tumigil sa puntong ito at isang binibining may mataas na ponytail na nakasuot ng isang itim na training suit ang agad na bumaba mula sa passenger seat ng sasakyang nasa harap.Nang makita ng mga miyembro ng pamilya Wade kung sino ang babaeng ito, nanlaki ang kanilang mga
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon