Para madepensahan ang atake ng grupo na ito, ipinatawag agad ni Hamed ang adjutant niya at tinanong, “Gaano karaming drone pa ang natitira sa base natin?”Sinabi nang nagmamadali ng adjutant, “Mayroon pa tayong mahigit dalawampung drone na binili mula sa Oskia. Bumili pa kami ng ilan sa sandaling iyon dahil sa murang presyo.”Tinanong ni Hamed, “Ano ang tantyang battery life ng mga drone?”Pinag-isipan ito saglit ng adjutant at sumagot, “Nasa twenty-five minutes at hindi ito lalampas sa kalahating oras.”Tumango si Hamed at sinabi nang seryoso, “Kahit na medyo kapos sa oras, sapat na ito. Utusan mo agad na dapat nakahanda ang mga drone. Siguraduhin na palaging may limang drone o higit pa ang nasa itaas ng base natin para pagmasdan ang paligid. Kailangan nating maging alerto sa maliit na grupo ng kalaban na sinusubukang pumasok sa mga fortification natin. Kung may ganitong bakas, iulat mo ito agad sa akin!”“Yes, Commander!”Pagkatapos ay sinabi ni Hamed, “Siya nga pala, kailangan
Makalipas ang sampung minuto, pinili na ni Zephan ang mga kandidato na sasali sa pag-ikot at pag-atake nila sa likod.Ngayon, nagpasya si Zephan na pangunahan ang isang libong elite mula sa Ten Thousand Armies para atakihin sa likod ang permanent fortification ni Hamed mula sa lambak sa kaliwa.Binigyan niya ang isang libong elites na ito ng kalahating oras para maghanda, at sinabi niya sa kanila na dalhin ang lahat ng armas nila at kagamitan upang mapabagsak nila ang base ni Hamed sa isang atake lang.Samantala, sa Sudbury, sa Oskia.Walong itim na extended bulletproof Rolls-Royce ang mabagal na nagmaneho sa labas ng villa ng pamilya Schulz at huminto nang maayos sa harap ng villa nila.Isang matipunong lalaki na nasa twenties niya na may maikling buhok ang lumabas sa unang kotse sa harap ng linya. Binuksan ng lalaking ito ang pinto, at lumabas sa kotse, at mayroon siyang sobrang tatag at tuwid na lakad. Sa unang tingin, malinaw na sumailalim ang taong ito sa professional trainin
Nang maisip niya ito, sumagot si Arrington sa nayayamot na tono, “Maraming tao ang gustong makipagkita kay Lord Schulz araw-araw. Kailangan mo munang ideklara ang pagkakakilanlan mo at ipaalam sa akin kung sino ang gustong makipagkita kay Lord Schulz. Pagkatapos, si Lord Schulz ang magpapasya kung ilalaan niya ba ang mahalagang oras niya para makipagkita sa inyong lahat. Kung hindi, sa tingin mo ba ay makikipagkita si Lord Schulz sa kahit sino?”“Ideklara ang ang pagkakakilanlan namin?” Ngumisi ang binata at sinabi, “Tauhan ka lang, at hindi ka karapat-dapat na malaman ang pagkakakilanlan ng lord namin!”Naramdaman ni Arrington na nainsulto siya nang sobra, at sinabi niya nang galit, “Kahit na tauhan lang ako, hindi ba’t tauhan ka rin? Mga tauhan lang tayo, kaya anong karapatan mo na kausapin ako nang ganito?!”Mabilis na sumugod ang binata kay Arrington, at bago pa magkaroon ng reaksyon si Arrington, sinunggaban na niya nang direkta ang leeg ni Arrington habang itinaas siya at sina
Humigpit bigla ang puso ni Arrington dahil sa mga sinabi ni Henderson.Hindi niya maisip kung paano niya maibabalik ang reputasyon niya sa sandaling ito at sa halip, sinabi niya na lang nang nagmamadali, “Henderson, kung mas malakas talaga ang taong ito sa iyo, anong gagawin natin kung may masamang layunin siya?”Sinabi nang kalmado ni Henderson, “Kung may masamang hangarin talaga ang kabila, matagal na silang kumilos. Dahil, pumunta sila na may dala-dalang walong kotse. Ang lakas ng taong lumabas ay mas malakas na sa lakas ko, kaya marahil ay ang lakas ng mga taong hindi pa lumalabas sa kotse ay mas mataas kumpara sa lakas niya. Sa ganitong sitwasyon, imposible para sa atin na talunin siya.”Lumiit ang leeg ni Arrington sa takot habang tinanong nang nagmamadali, “Kung gano’n, dapat ba natin tanungin si Lord Schulz na gumawa ng desisyon ngayon?”Sinabi ni Henderson, “Pakiramdam ko na walang masamang hangarin ang kabila. Kung hindi, hindi nila pipiliin na makipag-usap sa atin sa gan
Si Henderson, na nasa tabi ni Lord Schulz, ay natakot nang tumingin lang siya ng isang beses sa binatang ito!Naramdaman niya na ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nakakita siya ng ganitong aura na lumalabas sa katawan ng lalaking ito!Kahit ang isang four-start martial artist ay marahil walang laban sa kanya!Kaya, hindi niya mapigilan na sabihin sa puso niya, ‘Saan nanggaling ang lalaking ito?! Paano siya nagkaroon ng ganitong lakas kahit na sobrang bata niya pa?!’Hindi rin inaasahan ni Lord Schulz na ang tinatawag na lord ng kabila ay isang binata na nasa twenty-seven o twenty-eight years old. Kaya, kumunot ang noo niya habang tinanong, “Binata, bakit mo ako gustong makita?”Tumingin ang lalaki kay Lord Schulz at ngumiti habang sinabi, “Lolo Schulz, hindi mo ba ako naaalala?”Hindi mapigilan ni Cadfan ang pagkunot ng noo niya habang inisip, ‘Maaari bang dating kaibigan ang binatang ito?’Pero, kahit paano niya ito tingnan, wala siyang maalala na nakilala niya a
Biglang nanabik si Cadfan nang maisip ito.‘Mukhang hindi ko kalaban si Porter, at marahil ay kaibigan pa siya!’‘Mukhang ang bawat sitwasyon ay may kagandahan din!’‘Kahit hindi na banggitin ang kahit ano, ayon lang sa katotohanan na ang batang ito ay may top master sa ilalim niya na mas malakas pa kay Henderson, marahil ay ang ibig sabihin nito ay matutulungan niya ako nang sobra!’Kaya, pinigilan ni Cadfan ang saya sa loob ng puso niya habang sinabi na may walang kapantay na emosyon, “Ikaw pala ang anak ni Leonardo! Hindi ko talaga ito inaasahan! Hindi ko ito naisip! Lumaki ka na nang sobra!”Habang nagsasalita si Cadfan, biglang dumilim ang ekspresyon sa kanyang mukha habang bumuntong hininga siya at sinabi, “Naaalala ko pa noong sobrang determinado ang Uncle Schulz mo na ampunin ka pagkatapos maaksidente ng ina mo dati. Pero sa oras na iyon, naglaho ka na. Matagal ka niyang hinanap, pero walang balital. Kaya, matagal na niyang sinisisi ang sarili niya para dito.”“Oo.” Tuman
Nanigas saglit si Cadfan bago siya bumuntong hininga nang matagal, at piniga ang pulso niya habang sinabi, “Hay! Si Sheldon, matagal… matagal na siyang nawawala!”“Ano? Nawawala siya?!” Tinanong nang biglaan ni Porter, “Paano… Paano nawala si Uncle Schulz?”Sinabi nang emosyonal ni Cadfan, “Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay naglaho siya habang nasa Aurous Hill siya. Matagal ko nang iniimbestigahan ang tungkol dito, pero wala pa akong nahahanap na kahit anong mahalagang bakas. Bukod dito, ang mastermind sa likod nito ay isang top master na may pambihirang alkas. Nag-isip na ako ng maraming paraan para hanapin ang katotohanan, pero wala pa akong kahit anong resulta…”Habang sinasabi niya ito, bumuntong hininga si Cadfan habang may malungkot at nagdadalamhating ekspresyon sa kanyang mukha.Hindi nag-atubili si Porter na sabihin, “Ako na ang bahala dito. Siguradong hahanapin ko si Uncle Schulz at ililigtas ko siya!”Sa buhay na ito, kay Sheldon lang nagpapasalamat si Porter.Ito
Nanabik nang sobra si Cadfan dahil sa mataas na hangarin ni Porter.Kahit si Cadfan ay hinding-hindi mangangahas na gawin ang sobrang mapangahas na bagay sa pamilya Wade.Isipin mo. Sa sirkulo ng mga mayayamang tao, kung may sisira sa ancestral grave ng ibang pamilya at itatapon ang mga abo ng kabila, sa huli ay kukunin ang mga ancestral grave nila, may batas pa ba sa lugar na ito?Bukod dito, kung gagawin niya talaga ang isang napakalupit na bagay, paano siya mananatili sa sirkulo sa hinaharap? Sino ang gugustuhing makipagtulungan sa ganitong uri ng tao?Dahil, isa itong malupit na tao na naninira ng ancestral grave ng iba nang gano’n lang.Pero, kahit na naramdaman ni Cadfan na nakakagulat talaga ang plano ni Porter na maghiganti, sa sandaling naisip niya na ang target ng paghihiganti ni Porter ay ang pamilya Wade, nanabik siya nang sobra sa puso niya sa punto na muntik na siyang mapasigaw nang malakas.‘Ngayong may sisira sa ancestral grave ng pamilya Wade at pupuwersahin ang
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal