Hinding-hindi aakalain ni Jaime na ang lahat ng impormasyon na nakuha niya mula sa kanyang tauhan ay isang patibong na sadyang ipinahanda ni Charlie kay Isaac.Sadya niyang nilantad ang pagkakakilanlan niya bilang chairman ng Emgrang Group kay Jaime para magkaroon siya ng pakiramdam ng pagmamadali. Sa ganitong paraan, ganap niyang malilipat ang atensyon ni Jaime.Kung hindi, kung patuloy na susuriin ni Jaime ang BMW ng asawa niya, malalaman ni Jaime ang totoong pagkakakilanlan ng asawa ni Charlie.Kaya, sadyang nagpadala si Charlie ng pekeng mensahe para ipaalam sa kabila na pagmamay-ari ng Emgrand Group ang kotse. Sa parehong oras, para palakasin ang tiwala ni Jaime, sinadyang sabihin ni Charlie na ang BMW ay isa talagang BMW 760. Sa ganitong paraan, makukumbinsi niya si Jaime.Sa sandaling naniwala si Jaime na pagmamay-ari ng Emgrand Group ang kotseng ito, ganap na lalayo ang atensyon ni Jaime dahil dito.Pagkatapos, naglabas din si Charlie ng balita na ang chairman ng Emgrand G
Hindi na nagpaligoy-ligoy ang taong ito sa tawag, at direkta niyang ipinakilala ang sarili niya kay Doris habang sinabi, “Hello, ito si Vice Chairman Young mula sa Emgrand Group, tama? Ako ang assistant ni Mr. Jaime Schulz, ang eldest young master ng pamilya Schulz sa Eastcliff. Gustong makipag-usap ng young master namin tungkol sa isang kolaborasyon sa Emgrand Group. May oras ba si Vice Chairman Young na makipagkita sa young master namin?”“Ano? Ang pamilya Schulz mula sa Eastcliff?” Nagpanggap si Doris na nagulat siya. Pagkatapos, agad siyang nagpanggap na sabihin sa nambobolang boses, “Oh! Hindi ko inaasahan na magiging interesado ang eldest young master ng pamilya Schulz sa Emgrand Group! Malaking biyaya talaga ito. Kailan ba libre si Young Master Schulz? Pupunta ako at bibisitahin siya sa anumang oras!”Si Jaime, na nakaupo sa tabi niya, at ang assistant ni Jaime ay nakuntento nang sobra sa pananabik na ipinakita ni Doris. Medyo gumaan din ang ekspresyon sa mukha ni Jaime.Nags
Makalipas ang dalawampung minuto.Dumating ang convoy ni Jaime sa underground parking lot ng Emgrand Group.Pinadala na ni Doris ang kanyang secretary at ang head ng security department ng Emgrand Group para hintayin siya sa underground parking lot.Sa sandaling dumating ang convoy, umabante agad sila at binati siya nang magalang bago nila dinala si Jaime at ang entourage niya mula sa underground parking lot direkta sa top floor ng Emgrand Group gamit ang special elevator.Gusto talaga ni Jaime ang ganitong pakiramdam kung saan maraming tao ang sumisipsip sa kanya. Sa opinyon niya, ang isang enterprise tulad ng Emgrand Group, na isang hundred-billion-dollar enterprise lang, ay dapat ginagalang siya nang sobra dahil siya ang young master ng pamilya Schulz.Ang secretary ni Doris ang nanguna, at habang naglalakad siya, sinabi niya, “Young Master Schulz, hinihintay ka ni Vice Chairman Young sa opisina niya. Pero, hindi malaki ang opisina niya, ka kailangan kong abalahin ang mga miyem
Sinabi nang nagmamadali ng secretary niya, “Okay, Vice Chairman Young!”Pagkatapos umalis ng secretary, inimbita ni Doris si Jaime sa kanyang opisina, at inimbita siyang umupo sa sofa bago tinanong nang magalang, “Bakit ka kaya napunta sa Emgrand Group, Young Master Schulz?”Ngumiti si Jaime at sinabi, “Nasa Aurous Hill ako sa mga nakaraang araw, at balak kong maglagay ng ilang investment sa Aurous Hill. Narinig ko na ang Emgrand Group ang pinakamalaking enterprise sa Aurous Hill, kaya balak kong magkaroon ng kolaborasyon sa inyo.”Habang nagsasalita siya, sadyang idinagdag ni Jaime, “Oh, siya nga pala, kapag sinabi kong ‘ilang’, ang tinutukoy ko na kolaborasyon ay nasa sukat na 50 billion dollars.”“Oh? Gano’n ba?!” Nagpakita agad ng malaking interes si Doris at hindi niya naitago ang pananabik habang tinanong, “Anong uri ng kolaborasyon kaya interesado si Young Master Schulz?”Bahagyang ngumiti si Jaime bago itinaas ang kanyang kamay at itinuro nang malabo ang mga skyscraper sa
Nang sinabi ni Doris na walang masyadong pakialam si Charlie sa ginagawa ng Emgrand Group, sinabi niya talaga ang totoong nararamdaman niya.Alam niya na nasa lounge si Charlie sa likod ng opisina niya. Kaya, sadya niya itong sinabi kay Charlie.Simula noong si Charlie ang naging may-ari ng Emgrand Group, tantya niya na wala pang sampung beses pumunta si Charlie sa Emgrand Group. Bukod dito, walang magawa pa si Doris dahil sa tuwing pumupunta si Charlie sa Emgrand Group, hindi talaga ito para sa isang bagay na kaugnay sa Emgrand Group.Sa ibang salita, si Charlie, na isang boss na nagbibigay ng trabaho sa iba nang walang ginagawa, ay hindi nag-aalala sa direksyon ng pag-unlad ng Emgrand Group.Dati ay walang opinyon si Doris tungkol dito. Sa kabaliktaran, gusto niya ang kalayaan na nasa kanya ang isang daang porsyento na tiwala at magagawa niya ang gusto niya.Pero, simula noong nagkaroon siya ng magandang tingin kay Charlie sa puso niya, naagrabyado siya nang kaunti sa walang pak
Sa sandaling walang rurok, hindi ito mahuhulaan ni Jaime.Medyo mas bumigat ang malalim na pakiramdam ng krisis sa puso ni Jaime.Sa totoo lang, alam din ni Jaime ang sariling halaga niya.Kahit na siya ang panganay na apo ng pamilya Schulz, ine-enjoy niya lang ang buhay sa ilalim ng pangalan ng pamilya Schulz.Ang kanyang lolo, si Cadfan, ang nangingibabaw at ang may kontrol sa buong pamilya Schulz. Kahit na hindi na banggitin si Jaime, ngunit kahit ang sarili niyang ama ay walang totoong kapangyarihan.Kapag walang totoong kapangyarihan, ang ibig sabihin ay walang totoong pera.Madali at malayang nakakapaglabas ang chairman ng Emgrand Group ng sampu-sampung bilyong dolyar na pera, pero imposible para kay Jaime na makapaglabas ng ganito kalaking pera.Kung gano’n, si Jaime ay isang tao lang na may maganda ngunit mapagpanggap na hitsura sa harap ng chairman ng Emgrand Group…At bakit kailangang dumaan ni Jaime sa lahat ng ito para lang ligawan si Quinn?Sa isang dako, ito ay d
Hindi inaakala ni Jaime na may taong biglang magpapakita mula sa loob ng opisina ni Doris.Higit sa lahat, hindi niya mapigilang magtaka kung bakit pamilyar ang boses na ito at parang déjà vu ang lahat.Nang lumingon si Jaime papunta sa direksyon ng boses, nagulantang siya at para bang sasabog na ang kanyang utak sa pagkakataong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at naging blangko ang kanyang isip!Agad niyang nakilala kung sino si Charlie!Matapos ang lahat, malalim ang impresyon na iniwan ni Charlie sa kanya noong nasa Japan sila. Kaya, imposibleng makalimutan niya ang itsura ni Charlie kahit pa sa araw ng kamatayan niya.Sa pagkakataoang ito, natigilan si Jaime. Hindi nagtagal, napabulalas siya, “Ahhh… Ikaw iyon?! Ito… Paano ito naging posible?!”Humakbang si Charlie para harapin si Jaime nang direkta saka siya nagtanong sa isang mapanlokong tono, “Bakit? Hindi naman matagal simula noong huli tayong magkita, pero ngayong nasa harap mo na ulit ako, hindi mo na ako tinuturing na
Kumaway si Charlie, “Dito sa amin, ang unang patakaran ko, kung gusto mo ng investment collaboration kasama kami dapat ilipat mo agad ang pera sa account namin. Hindi ba pumunta ka rito nang buong katapatan? Bilisan mo at kausapin mo na agad ang finance department niyo. Magpa-transfer ka ng 10 billion dollars sa bank account ng Emgrand Group. Kapag nalipat mo na ang pera, saka lang natin pag-uusapan ang magiging collaboration natin.”Tumutulo na parang gripo ang malamig na pawis ni Jaime habang kinakabahan siyang nagsalita, “B-Benefactor, natatakot akong… walang ibang paraan para magawa ko ang sinasabi niyo… Hindi pwedeng magpadala ng ganyan kalaking pera ang finance department namin sa bank account ng ibang enterprise nang hindi nakikita ang kontrata o nagsasagawa ng risk assessment…”Napasinghal si Charlie, “Talaga bang hindi iyan kayang gawin ng finance department niyo, o baka dahil wala ka talagang pera at wala ka talagang intensyon na bumuo ng collaboration kasama ako?”Kinakab
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga