Share

Kabanata 2990

Author: Lord Leaf
Nang marinig ito ni Tom, biglang binaha ng mabuting pag-asa ang puso niya habang inisip niya, ‘Maaari bang wala silang mahanap na bagay na resource para sa mga fishing boat? Kung gano’n, hindi ko mararanasan ang buhay sa isang fishing boat, tama?’

Sa sandaling ito, naging mausisa rin si Charlie habang tinanong si Albert, “Anong ibig mong sabihin?”

Humagikgik si Albert habang sinabi, “May fishing company ako sa Failrage Province, nasa dalawang daang kilometro ang layo sa Aurous Hill, na pinapamahalaan ng ilang tauhan ko. Katatawag ko lang at tinanong sila tungkol dito, at nagkataon na may dalawang fishing boat sila na naghahanda nang umalis sa South China Sea ngayong araw. Ang mga fishing boat na pagmamay-ari ko sa ilalim ng kumpanyang ito ay mga medium-sized fishing boat na may limitadong tonelada. Kaya, hindi ito makakapunta sa malayo. Karaniwan ay malapit lang ito sa South China Sea at iikot doon. Ang operation time nito ay nasa isang buwan, at sa ngayon ay naglalagay sila ng mga s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Allan Buen
mokhang dalawang kabanata lang Ang update nito
goodnovel comment avatar
Allan Buen
tagal naman mag update
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2991

    Nang marinig ito ni Albert, hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding tuwa.Dati, madali lang naman talaga para kay Albert na kumita ng pera. Umaasa lang siya sa kanyang kakayahan at iba’t ibang mga koneksyon para baybayin ang hangganan ng pagiging legal at moral. Sa pamamagitan nito, kumikita siya ng napakalaking halaga bawat taon.Pero, sa mga nakalipas na taon, dahan-dahan nang inaayos ni Albert ang kanyang sarili. Hindi na siya gumagawa ng mga bagay na minsang nagdadala ng malaking pera sa kanya gaya ng dati, kaya malaki ang nabawas nito sa kanyang annual income.Subalit, dahil maraming mga empleyado at katiwala si Albert sa ilalim niya, hindi nabawasan ang gastos niya sa pagpapakain at pagpapasahod ng mga taong ito sa kabila ng pagliit ng kanyang kinikita. Sa kasalungat, habang tumataas ang mga presyo at tumataas rin ang per capita income, lalo pang lumalaki ang kanyang gastos.Kaya, kahit magarbo ang itsura ni Albert sa mga nakalipas na taon, nasa estado na talaga siya ku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2992

    Umiling si Charlie saka siya nagsalita, “Magkaibang bagay iyan, matindi ang paniniwala ni Sophie sa tama at mali. Maraming hindi maitatangging rason kung bakit dapat lang na ipadala natin ang tatay niya sa Syria. Una sa lahat, si Sheldon ang bumuo ng Anti-Wade at Alliance at kinamumuhian niya rin ang tatay ko. Ikalawa, mas malala pa si Sheldon sa halimaw nang makianib siya sa kalaban at kahit hindi niya sinasadya, nagdala siya ng peligro sa dalawa niyang anak. Ikatlo, bilang ama, hindi lamang pinanood ni Sheldon at nagpanggap siyang walang paki nang malagay sa peligro si Sophie, pero nagpatuloy pa siya sa pagluhod sa harap ng kanyang amang si Cadfan Schulz para makuha ang loob nito. Kung ipapadala ko ang isang gaya niya sa Syria, alam ni Sophie na karapat-dapat ito.”Nagdagdag rin si Charlie, “Pero, kung ipapadala ko si Jaime sa Syria ngayon, siguradong hindi ito matatanggap ni Sophie. Maliban dito, wala rin naman akong makatuwirang rason para gawin ito. Hindi ito makabuluhan, sa lohi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2993

    Nang makita ni Sophie si Jaime, agad siyang napahinto sa kanyang lakad at tahimik siyang tumungo sa isang tabi para hindi siya makillala ng kanyang kapatid.Sa parehong pagkakataon, napasulyap nang palihim si Sophie kay Jaime na 20 hanggang 30 metro ang layo sa kanya. Nang makita niya ang maarugang at mapambolang itsura ng kanyang kapatid sa harap ni Dorothy, para bang gusto niyang masuka.Agad niyang naramdaman na tila ba lahat ng lalaki sa pamilya Schulz laging may motibo at tinatagong intensyon sa lahat ng ginagawa nila.Halimbawa na lamang ang kanyang amang si Sheldon. Halos mabawian ng buhay ang dalawa niyang anak sa kamay ni Cadfan, pero nang humingi ito ng tulong kay Sheldon para umuwi at ipakita sa lahat na maayos ang kanilang relasyon, handa pa rin si Sheldon na bitawan ang lahat at bumalik sa panig ni Cadfan para magpanggap na mabuting ama.Sa huli, ginawa niya lamang ang bagay na ito dahil gusto niyang makipagkumpitensya para sa posisyon ng pagiging head ng pamilya Schul

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2994

    Gustong gamitin ni Jaime ang ganitong klase ng pabor para makuha ang loob ni Quinn.Siya mismo sa sarili niya, hindi niya mapigilang mamangha na handa siyang gumastos ng 30 million dollars para lang gawing top international level ang concert ng babaeng iniibig niya. Pakiramdam niya magagawa niyang makuha ang loob ni Quinn sa paggawa ng ganitong pabor.Maliban dito, naisip niyang kahit hindi maging matagumpay ang kanyang love confession sa concert, maghahanap na lang siya ng isang public relations company na tutulong sa kanya para ayusin ang lahat.Sa pagkakataong iyon, basta ba ilantad ng media na gumastos siya ng 30 million dollars at malagyan siya ng tatak na ‘infatuated man’, magkakaroon ng psychological pressure kay Quinn.Minsan, magandang bagay rin ang moral kidnapping para ligawan ang isang tao.Samantala, nang marinig ito ni Dorothy, sa dami ng kanyang karanasan sa industriya, agad niyang naunawaan ang dahilan sa likod ng debosyon at pagiging maaruga ni Jaime. Kaya, agad s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2995

    Sa pagkakataong ito, sa loob ng Rolls-Royce na sinasakyan nila Jaime.Nakaupo si Jaime sa tabi ni Dorothy. Ganoon din, ngumiti siya, “Dorothy, kumuha ako ng maraming advertising spaces sa Aurous Hill sa pagkakataong ito. Naka-play rin ang promotional posters ni Miss Golding dito sa loob ng 24 na oras bawat araw. Makikita mo ang mahigit sa 20 o 30 na advertising resources na sinasabi ko pagdaan natin mamaya sa city center.”Hindi mapigilang magtaka ni Dorothy, “Young Master Schulz, matagal nang sold out ang lahat ng concert tickets ni Quinn. Hindi ba sayang lang kung gagawa ka ng matinding on-site promotion ngayon?”Napangiti si Jaime at naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Gusto kong mag-build up ng momentum! Kahit sold out na ang tickets para sa concert at naabot na natin ang maximum capacity, nasa 30,000 hanggang 50,000 katao lamang ito. Umaabot ng 10 milyon ang populasyon ng mga permanenteng residente sa Aurous Hill. Kung magagawa rin nating kunin ang atensyon nila, m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2996

    Subalit, nasorpresa si Dorothy sa ginawa ni Charlie.Kahit hindi kasing lakas ng pamilya ni Jaime ang background ni Tom, masasabi pa ring bahagi ng prestihiyosong mga pamilya ang mga Zielinski sa bansa.Kahit si Jaime walang lakas ng loob na gumawa ng ganitong klase ng malupit at brutal na paraan para alisin ang isang tao sa industriya, pero mukhang walang paki si Charlie sa ganitong bagay. Mayamang tagapagmana man si Tom at sikat na artista man siya, pagdating niya sa Aurous Hill, nasira agad ni Charlie ang kanyang kinakabukasan. Hindi pa nakikita ni Dorothy ang ganitong klase ng bagay sa tagal ng kanyang pagtatrabaho sa entertainment industry.***Nang makarating ang sinasakyan nila sa entrance ng Shangri-La, kinausap ulit ni Jaime si Dorothy, “Dorothy, may mga kwarto na kayong pinabook, hindi ba?”“Oo.” Tumango si Dorothy. “Nag-advance booking kami.”Napanatag si Jaime, “Sige, hindi ko na kayo ihahatid pa. Hihintayin ko na lang kayo sa kotse dahil kailangan nating umalis agad

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2997

    Walang magawa si Dorothy kundi buksan na lamang ang bagahe ni Quinn pagkatapos nitong makiusap. Sumunod, inilabas niya ang item na kinaiingatan ni Quinn.Napatitig si Quinn sa video sa loob ng ilang sandali saka siya bumuntong hininga nang masiguro nilang walang mali rito. Pagkatapos, nagbigay siya ng utos, “Dorothy, kailangan mong siguraduhin na walang mangyayaring masama sa kayamanan ko. Iyan ang kayamanan ko. Hindi pwedeng magkaroon ng mali diyan.”“Huwag kang mag-alala.” Napakurba ng labi si Dorothy, “Mas gugustuhin ko pang ako ang maaksidente kaysa may mangyaring masama rito. Masaya ka na ba?”“Hehe!” Inilapat ni Quinn ang kanyang baba sa kanyang mga kamay saka siya ngumiti nang masigla, “Dorothy, the best ka talaga! Mahal kita!”“Huwag. Huwag mo kong mahalin!” Naiiritang sagot ni Dorothy, “Doon ka na lang sa Charlie mo!”Seryosong tumugon si Quinn, “Oh, tama ka pala! Bakit ko naman sinabi na mahal kita? Syempre si Kuya Charlie lang ang pwede kong mahalin!”Napasinghal si Do

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2998

    Agad na nagpaliwanag asi Jaime, “Dorothy, huwag ka namang magalit agad. Alam kong wala akong karapatan na gumawa ng pagbabago sa performance execution plan niyo, pero ginawa ko lang ito dahil may mabuti akong intensyon. Matapos ang lahat, ito ang magiging unang performance ni Miss Golding sa concert tour niya ngayong taon. Gusto ko lang namang gawing mas perpekto ito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi na ako nagsabi at pinalitan ko na lang ang mga lighting at sound equipment.”Nang sabihin ito, siniguto ni Jaime si Dorothy, “Pero Dorothy, huwag kang mag-alala. Nag-imbita ako ng pinakamagaling na lighting at sound engineer galing sa United States sa pagkakataong ito. Sila muna ang papalit sa original executive team, gagawin nila kung ano ang nakalagay sa orihinal niyong performance plan. Hindi mo kailangang mag-alala. Hindi lang mas gaganda ang performance niyo pero hindi rin ito makokompromiso.”Napatitig si Dorothy kay Jaime at seryoso siyang nagsalita, “Young Master Schulz, hindi l

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status