Sa sandaling ito, hinawakan ng babaeng assistant ang kanyang mukha na namumula na pagkatapos masampal habang iniyak niya, ‘Young Master, ang lahat ng ito ay pagkakamali ni Daxton! Hindi mo pwedeng ilabas ang galit mo sa akin. Hindi ito patas para sa akin…”“Sinong may pakialam sa pagiging patas?!” Nandiri nang sobra si Tom habang sinabi, “Gusto kong ayusin mo ang mga problema ko ngayon din, hindi sisihin mo ang iba! Wala akong pakialam kung buhay o patay pa si Daxton! Wala itong kinalaman sa akin. Pero, aayusin mo ang tungkol sa airport pickup para sa akin! Kung hindi, tuturuan kita ng leksyon!”Natakot nang sobra ang babaeng assistant sa marahas na hitsura ni Tom sa sandaling ito, at hindi na siya nangahas na gumawa ng dahilan para ipagtanggol ang sarili niya. Kaya, tumango na lang siya sa naagrabyadong paraan habang sinabi, “Okay, Young Master. Susubukan kong humanap ng paraan para tawagan ang lokal na public relation resources…”Inutos ni Tom, “Tandaan mo, gusto ko lang ng mga ba
Nang akala ng babaeng assistant na wala na siyang magagawa, nagpadala ng WhatsApp business card ang isa sa mga dati niyang kaklase sa Aurous Hill at isang voice message na nagsasabi: “Maya, bilisan mo at i-add mo ang contact sa business card na ipinadala ko. Wendy Wilson ang pangalan niya, at siya ang general manager ng Mallow Stenhouse Etiquette Corporation sa Aurous Hill.”“Hindi simple ang babaeng ito, at mayroon siyang nasa lima o anim na raang lokal na hostess sa ilalim niya. Mahigit kalahati ay full-time hostess sa Aurous Hill na may kontrata na sa kumpanya niya. Bukod dito, maraming part-time hostess ang nakakakuha ng trabaho sa kanya. Naniniwala ako na malulutas niya ang kailangan mo kung hahanapin mo siya. Kung hindi ka niya matutulungan, wala talaga sa Aurous Hill ang makakatulong sa problema mo. Dahil, hindi madaling makahanap ng dalawa o tatlong daang dalaga at magandang babae sa loob ng napakaikling panahon.”Nang marinig ng babaeng assistant ang voice message na ito, na
Medyo nagulantang si Wendy pagkatapos pakinggan ang voice message na ito.Medyo matagal na siyang nagtatrabaho bilang isang hostess, at medyo matagal niya na ring pinapaandar ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation. Natanggap niya ang lahat ng uri ng activity, pero kailanman ay hindi pa siya tumatanggap ng ganitong uri ng trabaho na kailangan nilang magpanggap bilang fans upang sunduin ang isang artista sa airport.Kaya, humingi ng tawad si Wendy: “Sorry, Miss Calbot, pero hindi pa namin nagagawa ang ganitong negosyo dati, at hindi kami magaling dito. Pinapayuhan kita na maghanap ng isang propesyonal na kumpanya na magaling sa ganitong larangan upang makipagtulungan sayo upang hindi namin maapektuhan ang negosyo niyo.”Nabalisa agad nang sobra si Maya nang marinig ang mga ito.Maghanap ng isang propesyonal na kumpanya na magaling sa larangan na ito?!Hindi naman sa walang propesyonal na kumpanya, ngunit lahat sila ay kailangan ihanda ang lahat ng resources nila nang maaga!Hin
Naramdaman agad ni Maya na wala siyang magawa.Tumingin siya kay Tom, na nasa tabi niya, habang tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Young Master, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin tungkol dito?”May sobrang dilim na ekspresyon si Tom sa kanyang mukha. Hindi niya talaga inaasahan na tatanggihan pa rin ng kabila ang trabaho kahit na ganitong presyo na ang inalok niya.Kaya, itinuring niya ang desisyon ni Wendy bilang pananamantala ng isang tao na nangangailangan para singilin siya ng mas malaki.Nagngalit si Tom at sinabi nang malamig, “Letse! Ito ay dahil lang gusto niyang makakuha ng mas malaking pera! Sabihin mo sa kanya na hindi na tayo makikipaglokohan sa kanya. Itaas mo lang ang presyo sa 600 thousand dollars!”Mabilis na nagpadala ng voice message si Maya kay Wendy: “Chairman Wilson, ayos lang ba kung tataasan namin ang bayad ng 600 thousand dollars?”Medyo natukso nga si Wendy.Araw ng trabaho ngayon, at Martes ngayon. Karamihan ng nagtatrabaho sa kumpanya tulad ni
Hindi tanga at hindi inosenteng babae si Wendy. Kahit hindi pa siya nakakatapak sa business industry, masasabing marami naman siyang napagdaanan sa nakalipas na isa o dalawang taon. Kaya, malinaw sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin para mabuhay sa lipunan—kailangan niyang ipaglaban ang sarili niyang mga interes.Maliban dito, hindi lang mag-isa si Wendy ngayon. Ilang daang mga dalaga ang tumitingala at umaasa sa kanya para kumita ng pera. Syempre, natural lang na gustong ipaglaban ni Wendy na magkaroon sila ng mas malaking benepisyo.Nang marinig ni Maya na gusto ni Wendy ng 1,000,000 dollars, napatitig siya sa kanyang katabi na si Tom.Personal assistant lamang ni Tom si Maya. Kaya, depende kay Tom kung mag-aaksaya ba sila ng ganito kalaking pera o hindi.Pangit ang ekspresyon sa mukha ni Tom sa pagkakataong ito.Nagngitngit ang kanyang ngipin nang magsalita siya, “Masyadong gahaman ang Wendy Wilson na ito! Ang lakas ng loob niyang manghingi ng 1,000,000 dollars para lang sa
Mabuti na lang, naresolbahan na nila ang lahat ngayon.Kahit malaki ang nagastos ni Tom sa nangyari, kasalanan naman ito ni Daxton, at wala itong kinalaman sa kanya.Ganoon din, mabilis na kinumpirma ni Maya ang collaboration nila kay Wendy saka niya hiningin ang bank account number ng kumpanya nito. Pagkatapos, sinabihan niya agad ang finance department na ipadala ang pera.Nang makasakay si Tom sa kanyang private jet at hinihintay niya na ang takeoff nito, natapos na ng finance department ang proseso ng pagpapadala ng pera kay nila Wendy. Nang apbruhan ni Tom ang payment gamit ang kanyang cellphone, nakatanggap agad si Wendy ng balita mula sa finance department ng kumpanya nila na nakatanggap sila ng 1,000,000 dollars mula sa agency studio ni Tom Zielinski.Tuwang-tuwa si Wendy. Sa kanyang opinyon, mapapaangat ng business deal na ito ang buhay nilang lahat. Kaya, agad siyang nagpadala ng voice message sa WhatsApp group ng kumpanya nila na hihigit sa isang libo ang empleyado. Pagk
Napakahusay ng ginawa ni Wendy.Nakumpirma niya ang 300 na empleyado pagkatapos ng sampung minuto sa pamamagitan ng screening at personnel attendance list.Pagkatapos, pinag-usapan nila ni Maya ang ilang mga detalye, kasama na ang mga slogans na isisigaw ng lahat, ang mga banners, pati na rin ang mga ekspresyon at kilos nila sa pagkakataong iyon.Noong una, hindi natutuwa si Tom kay Wendy, pero nang makita niyang mabilis itong kumilos at propesyunal ito sa kanyang trabaho, lumuwag ang kanyang pakiramdam.Sa pagkakataong ito, nakaalis na ang eroplano ni Tom at patungo na ito sa Aurous Hill. Ganoon din, nagsimula na si Wendy sa pagbibigay ng direksyon sa kanyang mga empleyado. Naghahanda na ang 300 na hostesses para umalis sa iba’t ibang bahagi ng Aurous Hill papunta ng airport.Nang matapos si Wendy sa pag-aayos ng mga kailangan, nakaramdam siya ng tuwa na para bang nanalo siya sa isang digmaan. Tuwang-tuwa siya sa kaibuturan ng kanyang puso.Naalala ni Wendy ang pagkakataon nang
Kaswal na tumugon si Charlie, “Wala naman akong ginagawa talaga. Nagkita lang kami ng kaibigan ko sa labas. Bakit?”Agad na nagsalita si Wendy, “Gano’n pala… Sa totoo lang… wala namang dahilan kung bakit kita tinawagan. Gusto ko lang sana magbigay ng report tungkol sa sitwasyon ng Mallow Stenhouse Etiquette Corporation.”Napangiti si Charlie saka siya nagtanong, “Ibig sabihin ba maganda ang sitwasyon ng kumpanya ngayon?”Agad na sumagot si Wendy, “Bayaw, maganda nga talaga ang sitwasyon ng kumpanya ngayong mg araw! Salamat kay Don Albert at sa mga kasama niya. Sa tulong nila, mas lumago ang negosyo at mas tumaas rin ang kinikita namin. Padami rin nang padami ang mga empleyado namin.”Napangiti si Charlie, “Hindi na rin masama. Umaasa akong ipagpapatuloy mo ang pagsisikap mo para ma-i-angat mo ang kumpanya niyo sa mas mataas na lebel.”Siniguro ni Wendy si Charlie, “Huwag kang mag-alala, bayaw. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas mapalakas at mapalaki ang Mallow Stenhouse
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl