Sa totoo lang, ang ganitong uri ng Healing Pill ay walang halaga kay Charlie.Kahit na bigyan niya ang pamilya Harker ng limampu o isang daang pill kada taon, para kay Charlie, parang pagpitik lang ito ng mga daliri niya.Pero, ang dahilan kung bakit niya gustong kontrolin ang dami sa limang pill kada taon ay dahil gusto niyang siguraduhin na nababatid ng pamilya Harker kung gaano kahalaga talaga ang bagay na ito.Malinaw din kay Charlie ang epekto ng Healing Pill sa mga martial artist, kahit na bigyan niya lang sila ng dalawang pill kada taon, sapat na iyon para gawin ng pamilya Harker ang lahat ng makakaya nila para magtrabaho sa ilalim niya.Ang dahilan kung bakit siya nagpasiya na bigyan sila ng limang pill ay dahil gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang pamilya Harker na umangat sa mga ranggo. Sa ganitong paraan, makakapagplano sila at makakapag-focus sa pag-eensayo ng tatlo o limang talentadong warriors kada taon.Napakalinaw kay Yashita ang kahalagahan ng pill na ito, at na
Ngumiti nang walang interes si Charlie. “Hindi kasama ang dalawang pill na binigay ko sa inyo ni Rosalie. Maliit na tanda ng pasasalamat ko lang ito para sa inyong mag-ina. Bibigyan ko rin kayo ng dalawang sobrang pill kada taon sa hinaharap, at ang dalawang pill na iyon ay walang kinalaman sa pamilya Harker.”Biglang kinabahan nang sobra si Yashita sa punto na hindi niya alam ang sasabihin niya. Nasorpresa siya at nasiyahan habang sinabi, “Masyado… masyadong mahalaga ito. Paano namin magagawang…”Sa sandaling ito, kumaway si Charlie habang nagsalita, “Tinadhana kami ni Rosalie. Bukod dito, magkakaroon ng pangmatagalang kolaborasyon sa pagitan natin sa hinaharap. Kaya, hindi na dapat banggitin ang ilang pill. Madam Harker, hindi mo kailangang mahirapan at malito.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Charlie, “Kayong dalawang mag-ina, ay nagkita na ulit. Kaya, siguradong marami kayong sasabihin sa isa’t isa. Hindi ko na kayo masyadong aabalahin.”Nang makita ni Yashita na nagpas
Sa sandaling naisip niya si Curtis, hindi maiwasang isipin ni Yashita si Sheldon.Nanatili na siya sa tabi ni Sheldon simula noong mga binata at dalaga pa lang sila. Kaya, alam na alam niya ang pagkabata ni Sheldon.Alam niya kung gaano kagaling si Curtis dati, at alam niya rin na palagin nakatira si Sheldon sa ilalim ng anino ni Curtis.Bigla niyang naramdaman na medyo balintuna ito.Dati, dinurog ni Curtis si Sheldon sa lahat ng aspeto, per hindi nakumbinsi si Sheldon sa kailaliman ng puso niya. Nakahinga lang nang maluwag si Sheldon noong pumanaw si Curtis.Pero sinong mag-aakala na ang anak na lalaki ni Curtis ay magiging sobrang galing at kamangha-mangha rin sa punto na hindi na ito kapani-paniwala?!Kahit na ngayong araw lang nakita ni Yashita si Charlie, ayon sa katotohanan na kayang iligtas nang palihim ni Charlie ang anak niya sa Japanese Self-Defense Force at kasama na ang katotohanan na kaya niya itong itago sa lahat nang walang nakakakuha ng kaunting impormasyon tungk
Tinanong ulit nang nagmamadali ni Yashita, “Hindi ba’t nawawala na si Sophie Schulz kasama si Helen Dunn? Nakita mo siya?”Tumango si Rosalie at sinabi nang seryoso, “Nasa hotel din na ito sina Sophie at Tita Dunn.”“Anong sinabi mo?!” Biglang kinabahan nang sobra si Yashita at tinanong nang hindi pinag-isipan, “Nakatira rin dito silang mag-ina? Kung gano’n, alam ba nila na nandito ako?”Noon pa man ay nakokonsensya na nang sobra si Yashita kay Helen sa kailaliman ng puso niya.Dahil, dati, may hindi angkop na relasyon si Yashita sa asawa ni Helen noong buntis pa si Helen. Pagkatapos nito, pinanganak niya pa si Rosalei. Kahit ano pa, isa pa rin siyang kabit na nakialam sa kasal ni Helen, at nakialam pa siya sa kasal nila noong buntis si Helen.Kaya, nag-aatubili si Yashita na makita ulit si Helen.Sa sandaling ito, sinabi ni Rosalie, “Hindi posible na malaman nila na nandito ka. Pagkatapos silang iligtas ni Mr. Wade, tinulungan niya silang manatili dito. Para siguraduhin na walan
Sa sandaling lumabas ang mga salita sa bibig ni Rosalie, nabigla at nagulantang si Yashita habang nakikinig kay Rosalie.Naisip niya ang sampung libong posibilidad na gagamitin ni Charlie para kay Sheldon, perong hinding-hindi niya naisip na ipapadala ni Charlie si Sheldon sa Syria.Sa sandaling ito, pinaalalahanan siya nang nagmamadali ni Rosalie, “Ma, hindi mo dapat isipin na iligtas si papa… May matagal na alitan si Mr. Wade sa pamilya Schulz. Nakatanggap tayong dalawa ng malaking pabor mula kay Mr. Wade. Kaya hindi dapat natin suklian ang kabaitan niya ng poot…”Umiling si Yashita habang sinabi niya nang emosyonal, “Hindi. Hindi na ulit ako masasangkot sa mga problema ng pamilya Schulz. Bukod dito, hindi lang na may matagal na alitan ang pamilya Wade sa pamilya Schulz, ngunit dati, nanguna pa ang ama mo na magtayo ng isang samahan para direktang labanan ang ama ni Young Master Wade. May magandang pakikisama na si Young Master Wade sa pagbibigay sa ama mo ng paraan para mabuhay.”
Pagkatapos huminto saglit, sinabi ulit ni Charlie, “Para naman sa pamilya Schulz, napagtanto na nila na may kalaban sila na may pambihirang lakas sa Aurous Hill ngayon. Nagpadala na sila ng mga tao para maghanap ng mga bakas tungkol sa akin hangga’t maaari. Kaya, kahit na hayaan kong paalisin ang mag-ina makalipas ang ilang araw, iisipin pa rin ng pamilya Schulz na may koneksyon sila sa taong dumukot kina steven at Sheldon Schulz.”Nanahimik saglit si Isaac bago tumango nang marahan at tinanong ulit, “Young Master, paano kung ibubunyag nina Miss Schulz at Madam Dunn ang pagkakakilanlan mo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Naniniwala ako na hindi nila ito gagawin, pero walang sigurado. Gusto ko pang paglaruan ang pamilya Schulz, pero kung ibubunyag talaga nila ang pagkakakilanlan ko, hindi ito mahalaga. Kung may abilidad ang pamilya Schulz na labanan ako, pwede nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para labanan ako. Kahit ano pa, halos matatapos na si Albert sa pagpapalawak ng dog fa
Sa gabi. Nagdidilim na ang langit.Isang Rolls-Royce Cullinan ang mabilis na umaandar sa expressway ng Aurous Hill.Ang taong nagmamaneho ng kotse ay isa sa mga tauhan ni Isaac.Ang taong nakaupo sa passenger seat ay si Isaac.Ang mag-ina, sina Helen at Sophie, ay nakaupo sa likod.Si Isaac, na nakaupo sa passenger seat, ay nakatingin sa mapa sa navigation, at sinabi niya sa kanilang dalawa, “Mangyaring maghintay kayo ng ilang sandali. Nasa sampung minuto na lang tayo mula sa destinasyon natin. Pagdating natin doon, pwede niyo nang tawagan ang mga miyembro ng pamilya niyo.”Nanabik nang sobra sina Helen at sophie. Sobrang tagal na simula noong naaksidente sila. Ang pinaka kinatatakutan nila ay mag-aalala nang sobra ang mga miyembro ng pamilya nila. Kaya, hindi na sila makapaghintay na ipaalam ang balita sa mga miyembro ng pamilya nila na buhay pa sila.Pero, dahil sinabihan na sila ni Isaac na maghintay pa ng sampung minuto, hindi na masyadong nagsalita ang dalawa.Dahil, maram
“Wala.” Sinabi nang seryoso ni Harlem, “Pinakilos ko na ang lahat ng koneksyon ko, at naghanap na rin ako ng maraming private detective at informant mula sa security department. Pero, walang makahanap ng bakas na may relasyon sa kanila.”Tinanong nang nagmamadali ni Jefferson, “Dahil ba hindi seryoso ang mga detective at information at hindi maingat habang naghahanap ng mga bakas?”Naglabas ng nakangiwing ngiti si Harlem at sinabi nang walang magawa, “Pa, sa proseso ng paghahanap ng mga bakas, nakahanap pa sila ng pito o walong spy mula sa ibang bansa nang hindi inaasahan. Talagang walang kapantay ang tindi ng paghahanap nila, pero walang nahanap na mahalagang bakas.”Naglabas ng mahabang buntong hininga si Jefferson. “Hay! Kalokohan ito! May napakalaking aksidente sa tunnel, pero naglaho sila at nawala sa hangin. Hindi ito kapani-paniwala!”Sinabi nang nagmamadali ni Harper, “Pa, kapag mas hindi ito kapani-paniwala, mas pinapatunayan na may pagkakataon pa para mabaliktad ito. Kung
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro