Kaya pala hindi niya mahanap ang bato pagkatapos ng araw na iyon, nahulog niya ito! Nagkaton, o sa kasamaang-palad, napulot ito ni Loreen...Paano niya ito maipapaliwanag? Letse...Kinagat nang mahin ni Charlie ang kanyang mga labi at sinabi nang kaswal, “Anong ibig mong sabihin? Isa lang itong ordinaryong bato.”Tumingin si Loreen sa mga mata ni Charlie at sinabi nang mahigpit, “Huwag kang magsinungaling sa akin! Sinabi na ni Zachary sa akin na sa’yo ang batong ito—bihira lang ito, ang nag-iisang bato ng kapayapaan at kayamanan!”Pinagdaup ni Charlie ang mga labi niya at tumingin sa malayo, tahimik na minumura si Zachary dahil sinabi niya ito!Dahil mayroon nang ebidensya si Loreen, maaari na lang umamin si Charlie na may nag-aalangan na tango, “Sige na, oo na, inaamin ko na ako ang nagligtas sa’yo sa Aurous Bistro, pero nasa distrito lang ako nang nakita kita! Pakiusap at huwag mong sabihin kay Claire!”Nanahimik siya pagkatapos umamin. Kakaiba ang pagkatahimik nila nang ilang
Pagkatapos maka-uwi, kinalimutan na ni Charlie ang pag-uusap nila ni Loreen.Gayunpaman, pagkatapos kumalma, bigla niyang naalala na hindi niya pa nagagawa ang medisinang ipinangako niya kay Anthony Simmons at sa pamilya Moore.Para sa kanila, ang medisinang ito ay ang talagang pinakamagaling na medisina na pwedeng ibigay sa mundong ito.Pero sa opinyon ni Charlie, isa lang ito sa mga pinaka pangkaraniwang medisina sa Apocalyptic Book. Kung kaya niyang maglinang at gumawa ng mas malakas at kamangha-manghang medisina na nakatala sa libro, iniisip niya kung kaya ba nitong buhayin ang patay o gawing imortal ang isang tao?Sa kabila ng posibleng milagro nito, ang mga kamangha-manghang medisina na iyon ay maraming kailangan na kakaiba at bihirang sangkap, ang ilan pa nga ay hindi niya pa naririnig. Ang pinakamahalaga, marami sa kanila ay mga panimula na kailangan ng reiki upang linangin sa magagamit na materyales. Isa pa lang siyang baguhan sa paggawa ng medisina at malayo pa ang kailan
“Magaling, salamat!” Sinabi nang nakangiti ni Charlie. “Tandaan mo na maghanda ka ng marami, may iba pa akong gamit para sa kanila.”May pera si Charlie para sa mga sangkap na ito pero kailangan niya ng maaasahang pagkukunan. Ang mga magagandang sangkap ng medisina ay parang mga magagandang piraso ng mga antigong relikya na hindi madaling mahanap. Para sa mga mahahalagang bagay, hindi problema ang pera, ngunit kung paano sila makukuha.Ang pundasyon niya sa Aurous Hill ay sobrang babaw kumpara sa impluwensya at kapangyarihan ng pamilya Moore sa siyudad. Mayroon silang mga mapagkakatiwalaan na mapagkukunan sa bawat aspeto rito.Sa sandaling ibinaba ni Jasmine ang tawag, natanggap niya ang listahan ng mga sangkap mula kay Charlie. Agad pagtapos, tinawagan niya si Graham Quinton.Kahit na ang pamilya Quinton ay hindi kasing prominente ng pamilya Moore, ang kanilang pangunahing pangangalakal at negosyo ay umiikot sa mga antigo, kultural na relya, at mga Tsinong halamang gamot.Kahit s
Simula noong tinuruan siya ng leksyon ni Charlie, talagang napagtanto ni Aurora na mahalaga ang pagiging mapagpakumbaba at mababang-loob dahil palaging may taong mas magaling sa kanya.Nang malaman niya ang tungkol sa kamangha-manghang abilidad ni Charlie, paghanga at kahihiyan ang lumitaw sa kanyang puso para sa kanya.Nahihiya siya dahil balak niyang makipaglaban sa kanya, nang hindi nalalaman kung sino ang katapat niya.Gayunpaman, ang mga babaeng maangas at masigla tulad niya ay madaling naaakit sa mas malakas na lalaki dahil ang ganitong lalaki lamang ang kayang sumipil sa kanyang pagiging maangas.Kaya, simula noon, itinuring ni Aurora si Charlie bilang kanyang pinakamalaki at pinaka hinahangaang idolo. Nang marinig niya na gustong gumawa ng mahiwagang medisina si Charlie, sinabi niya, “Aba, hindi ko alam na kayang gumawa ng medisina si Master Wade. Ang galing!”Bumuntong hininga si Graham. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano makapangyarihan si Master Wade! Mga maliliit
Naglabas ng nagtatampong hitsura si Graham habang sinabi nang tapat, “Mahal kong anak, hindi matagal, magiging labis na matagumpay si Master Wade na ipapagaspas niya ang kanyang mga pakpak at lilipad sa langit na parang isang agila! Sa sandaling iyon, lahat ng pamilya sa Aurous Hill, hindi, kahit ang mga pamilya sa buong bansa ay gustong kumuha ng pabor sa kanya. Ipapadala nila ang pinakamaganda at pinaka kaakit-akit nilang mga anak na babae sa kanya! Mahal kong anak, kailangan mong kunin ang pagkakataon kapag ipinadala mo ang mga materyales sa kanya!”“Huh…”Namula si Aurora. “Pa, anong sinasabi mo… hindi ko maintindihan… anong pagkakataon…”“Oo, magpanggap ka lang,” tumingin si Graham sa kanya at inasar. “Nakikita ko na labis mo siyang hinahangaan, hindi ba?”Ibinaba nang nahihiya ni Aurora ang kanyang ulo, ngayon ay kasing pula na ng kamatis ang kanyang mukha. Tumango siya nang bahagya.Nagpatuloy si Graham, “May kutob ako na ang isang tunay na maestro tulad ni Master Wade ay h
Bukas nang umaga, pupunta na dapat si Charlie sa pamilihan nang makatanggap siya ng tawag. Ang tumawag ay si Aurora, ang magandang babae ng pamilya Quinton.Umalingawngaw ang nakakaakit na boses ni Aurora sa selpon. “Master Wade, nasa bahay ka po ba ngayon?”“Oo. Bakit? May maitutulong ba ako?”“Ipinahatid sa akin ni papa ang ilang sangkap ng medisina para sa iyo at sinabi niya na utos ito ni Miss Moore. Maaari ko bang malaman kung magandang panahon ba ngayon upang bisitahin kita? Pupunta ako kung may oras ka.”Umalis nang maaga si Claire, abala sa kanyang bagong opisina, habang si Jacob at Elaine ay pumunta sa mansyon ng Thompson First upang tingnan ang progreso ng pag-aayos. Mag-isa lang si Charlie ngayon sa bahay, kaya sinabi niya, “Sige, pumunta ka na.”“Okay! Mabilis lang ako!”Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ng katok si Charlie sa pinto.Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Aurora. May suot siyang magandang damit, ang kanyang mahabang buhok ay nakalatay sa taas ng
Ito ang lahat ng pinakamagandang sangkap ng medisina na nakalagay sa malaking bagahe! Ang ilan pa nga ay sobrang bihira na kahit si Charlie ay hindi kayang bilhin ito!Nagulantang na tumingin si Charlie kay Aurora at tinanong, “Saan nakakuha ang ama mo ng napakaraming magagandang sangkap?”“Sa totoo lang, iba-iba ang negosyo ng pamilya namin, ang isa sa kanila ay mga materyales ng medisina. Ang mga ninuno namin ay negosyante ng mga materyales ng medisina simula pa noong 19th century, at mayroon din kaming sariling delivery team na nag-iipon ng mga pinakamagandang materyales ng medisina sa buong bansa at binebenta namin ang mga ito sa mga mayayaman at mga sikat sa siyudad. Simula noon, ito na ang negosyo namin.”Pagkatapos, sinabi niya nang nagmamadali, “Ah oo nga pala, sinabi ng ama ko na kung may kailangan kang materyales o sangkap ng medisina sa hinaharap, pwede mo itong sabihin direkta sa amin at gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang mabigay ang pangangailangan mo!”Na
Maging si Graham o si Aurora, isang mahiwagang medisina lamang ang mahihingi nila kay Charlie. Ito na ang pinakamalaking jackpot nila! Gamit ang mahiwagang medisina, mabubuhay nila ang miyembro ng pamilya na malapit nang mapunta sa langit at malaki ang halaga nito para sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya tulad nila.Gayunpaman, hindi nila inaasahan na magiging bukas-palad si Charlie at bibigyan sila ng dalawa!Natulala si Aurora na tila ba ang mga sinabi ni Charlie ay isang kidlat na tumama sa kanya. Tumingin siya nang matindi kay Charlie, ang kanyang mga mata ay nababalot ng ulap, at luha ang dumaloy sa kanyang namumulang pisngi. Umiyak siya at sinabi, “Master Wade… seryoso… seryoso ka po ba?”Tumawa si Charlie. “Bakit? Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako sa’yo?”“Ah, hindi! Hindi!” Umiling nang nagmamadali si Aurora, tumalsik ang mga luha niya, at ang eksena ay naging nakakatawa at cute.Pinunasan niya ang mga luha niya at sinabi sa umiiyak pero nagpapasalamat na bo
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka