Nang mabanggit ni Charlie ang pangalan niya, nagulantang si Autumn. May pagkagitla sa kanyang mukha at hindi niya mapigilang matigilan.Hindi niya pa nakikita si Charlie dati, at nag-usap lamang silang dalawa sa voice chat ng WhatsApp isang beses. Dahil hindi sila masyadong nagsalita at walang masyadong laman ang kanilang usapan, hindi nag-iwan ng malalim na impresyon ang boses ni Charlie sa kanya. Hindi niya magawang gawan ng koneksyon ang lalaking ito kay Charlie. Matapos ang lahat, saglit lamang ang pag-uusap nila sa WhatsApp.Pero ngayong narinig niya ang kanyang pangalan, napagtanto na rin ni Autumn ang pagkakapareho!Sa pagkakataong ito, sabik siyang napabulalas, “Mr. Wade… bakit naririto kayo”Umiling si Charlie at bumuntong hininga siya na para bang wala siyang magawa, “Sinabihan na kita na hindi ligtas ang lugar na ito pero ayaw mong maniwala sa akin. Alam mo bang nag-aalala ang papa mo sa’yo?”Hindi mapigilang maluha ni Autumn nang marinig ang mga salitang ito.Nagsalit
Umiling ang Oskian-American na binata habang nasa tabi, “Autumn, alam kong bilang isang babae na natatakot kang mamatay. Pero, kailangan mong maniwala na sa mundong ito, walang kahit sino ang maglalakas loob na pumatay ng isang American citizen. Kaya, sigurado akong maliligtas tayo sa huli!”Hindi mapigilang mamangha ni Charlie at mapatawa sa lalaking ito. Pagkatapos, napatanong siya, “Bro, magsasalita ako nang prangka sa’yo. Maraming nangyayaring shootings kung saan-saan, kahit sa United States maraming namamatay. May mga inosenteng sibilyan rin ang nadadamay. Pero ang lakas ng loob mong sabihin na walang kahit sino ang mangangahas na pumatay ng isang American citizen? Hindi ba magkasalungat ang dalawang bagay na ito?”Namula ang mukha ng lalaking Oskian-American. Makikita nag matinding galit sa kanyang ekspresyon, “Nangyari ang sinasabi mong mga insidente sa loob ng bansa, hindi sa ibang bansa! Bakit mo naman isasama ang bagay na ito sa sitwasyon ngayon?!”Tumawa si Charlie at mul
“Concorde aircraft?!”Natigilan ang lahat at napatulala sila nang banggitin ni Charlie ang dalawang salitang ito.Sino naman ang maniniwalang may Concorde aircraft pa sa ngayon? Ito ang legendary king of speed ng civil aviation at mahigit dalawang dekada na ang nakararaan simula nang mawala ito sa market! Paano ito naging posible?!Napatawa ang lalaking Oskian-American at mapanglait siyang nagsalita, “Marunong ka talagang magyabang. Matagal nang wala sa civil aviation ang Concorde aircraft. Wala ng civil airlines sa buong mundo ang may supersonic airliners na kasalukuyang nasa operasyon. Iniisip mo bang mga hangal kami?”Umiling na lamang si Charlie at hindi niya mapigilang tumawa sa isang mapang-uyam na paraan, “Hay. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagsasayang ng oras na kausapin ang mga kagaya niyo?”Pagkatapos magsalita, napatitig si Charlie kay Autumn, “Kailangan na nating magmadali. Inanunsyo na ng oposisyon sa publiko na magsisimula silang pumata
Nang marinig ni Charlie ang mga salitang ito, agad siyang naging alerto at maingat.Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilang makaramdam ng panghahamak at panlalait para sa pitong hangal na matataas raw kuno ang edukasyon. Hindi ba hinihintay nilang dumating ang United States Navy SEALs na iligtas sila? Bilang resulta, wala pa rin ang sinasabi nilang special force, pero nauna nang dumating ang King of Hades na kinatatakutan nila!Sa puntong ito, naririnig na ni Charlie ang usapan ni Commander Hamed at ni Faizal pati ng iba pa. Tinatanong siguro ng commander kung ano ang sitwasyon ng mga hostage sa loob.Isa sa mga bantay ang agad na sumagot na normal lang naman ang lahat. Pagkatapos, nagsalita si Hamed, “Buksan niyo ang pinto.”Hindi nagtagal, maririnig ang pagbubukas ng pinto.Pagkatapos ng ilang sandali, nagbukas ang bakal na pinto mula sa labas. isang lalaking nakasuot ng desert camouflage uniform ang humakbang sa loob ng kwarto.Ang nakakagulantang na bagay, pagewang-gew
“T*ng i*na!”Agad na nakaramdam ng matinding dismaya si Samed sa loob ng kanyang puso nang marinig ito. Matapos ang lahat, matagal niya nang pinapangasiwaan ang opposition army. Kaya niyang husgahan ang isang sitwasyon nang mabuti.Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang tig-kalahati sila ni Charlie ng kontrol sa buong pangyayari.‘Nasa Oskian na lalaking ito ang kapangyarihan sa loob ng kwartong ito. Una sa lahat, nakatutok ang baril niya sa akin, nakuha niya na rin ang loob ng mga tauhan ko. Pwede niya akong patayin kahit kailan niya gustuhin…’‘Ganoon pa man, hindi ako malulugi sa buong sitwasyon. Matapos ang lahat, kahit gaano pa siya kalakas, imposibleng mabili niya ang isa o dalawang libo kong sundalo sa buong base.’‘Kung may abilidad talaga siyang gawin ito, pinili niya na sanang alisin ako sa puwesto. Bakit pa siya magpapakahirap na pumuslit dito?’Nang maisip ito, agad niyang sinabihan si Charlie, “Kaibigan, mas mabuting huwag tayong kumilos nang paligoy-ligoy. Kung may
Pagkatapos pag-isipan nang mabuti ang sitwasyon, nagngitngit ang ngipin ni Hamed at sinubukan niyang lumaban sa huling pagkakataon, “Kapatid! Sigurado akong hindi madali para sa’yo na makarating dito. Mukhang itinadhana ang pagkikita natin. Hindi ko matatanggihan ang pakiusap mo, pero kailangan mo rin akong bigyan ng dignidad. Hindi mo pwedeng lapastanganin na lang ang lahat ng pagsisikap ko, hindi ba? May kasabihan nga si Oskia? Hindi mo pwedeng sunugin ang lahat ng tulay, kailangan mong mag-iiwan ng iilan para sa hinaharap?”Ngumiti si Charlie, “Inaamin kong hindi masama ang Oskian literature mo. Kaya mo pang magbanggit ng matatas na kasabihan sa harap ko!”Nahihiyang ngumiti si Hamed, “Kung gagamit ako ng isang salita, masasabi kong top student rin ako sa panahon ko dati.”Tumango si Charlie saka siya nagtanong, “Sabi mo bigyan kita ng dignidad. Napapaisip ako, ano ang gusto mong gawin para mangyari iyan?”Kumaway si Hamed at nagsalita siya na para bang isang gangster, “Kapatid,
Nang makita ni Charlie ang agrabyadong mukha ni Hamed, hindi niya mapigilang sambitin, “Dahil si Commander Hamed na ang nagsabi, tatandaan ko ito sa hinaharap.”Pinagtama ni Hamed ang dalawa niyang kamao bilang senyales ng respeto sa harap ni Charlie saka niya itinuro ang walong tao sa kabilang bahagi ng kwarto, “Kapatid, pumili ka na ng hostage na kukunin mo!”Pagkatapos magsalita, natatakot siyang subukan pa ni Charlie na pagsamantalahan ang oportunidad na ito kaya siya na ang naunang mag-alok kahit nagngingitngit ang kanyang ngipin, “Kapatid, bakit hindi na lang ganito ang gawin natin? Handa akong pagbigyan ka pa. Pwede kang pumili ng lima sa kanila!”Lalo pang tumindi ang pagnanais ng pitong taong makaligtas sa puntong iyon!Napatitig si Charlie kay Hamed saka siya ngumiti para purihin ito, “Commander Hamed, napakabuti mong tao. Mula pa lamang rito, masasabi kong ikaw ang tipo ng taong tumutupad ng mga pangako.”Tumango si Hamed at seryoso siyang nagsalita, “Marunong akong tum
Hindi tinago ni Charlie ang katotohanan, at tumango lang siya habang sinabi, “Tama. Miyembro ako ng pamilya Wade.”Sa sandaling lumabas ang mga salita niya, nagulat ang pitong tao.Mga estudyante sila na may mataas na pinag-aralan sa larangan ng pera. Kaya, may malalim na pang-unawa sila sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa, at alam nila ang lakas ng ilang mayaman at maimpluwensyang pamilya sa Oskia.Nang marinig nila na supling ng pamilya Wade si Charlie, agad nilang naintindihan kung bakit kayang pumunta ni Charlie sa Syria gamit ang Concorde sa maikling panahon.Ito ang kapangyarihan ng pamilya Wade!Sayang at hindi nakita ng mga estudyante na ito na may mataas na pinag-aralan ang mas malaking larawan, at nabigo silang makilala ang malaking talento na nasa harap nila!Si Hamed, na nasa gilid, ay binigyan agad siya ng isang thumbs-up habang sinabi, “Hindi ko inaasahan na galing ka sa pamilya Wade. Bilang miyembro ng pamilya Wade, kaya mo talagang pumasok nang mag-isa sa lugar na i
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata