Nang marinig ang tanong ni Charlie, napabulalas ang lalaki at agad siyang sumagot, “Una sa lahat, hindi ako naniniwalang nanggaling ka ng Oskia! Masyadong hindi makatotohanan ang sinasabi mo!”Pagkatapos magsalita, napatitig ang lalaki sa mga kasama niya at naging seryoso ang kanyang tono, “Nag-aral kaming lahat rito ng world geography, natural na napag-aralan namin nang mabuti ang geography ng Oskia. Dapat mong malaman na malaki ang distansya sa pagitan ng Oskia at Syria!”“Kung lilipad ang isang tao mula sa central Oskia, aabot ng anim na libong kilometro ang distansya.”“Kung lilipad ang isang tao mula sa western Oskia, hindi hihigit sa limang libong kilometro ang distansya.”Muling binigyan ng thumbs-up ni Charlie ang lalaki, “Matalino ka nga talaga! Alam mo ang lahat!”Pagkatapos magsalita, muling binaliktad ni Charlie ang usapan, “Pero, mali ang hula mo. Smartypants, hindi ako galing sa Central Oskia o West Oskia. Nanggaling ako sa East Oskia.”“East Oskia?!” Mapanglait na
“Alam mo ba ang ibig sabihin kung hindi nire-report ang isang balita? Sa madaling salita, walang alam ang mga kababayan niyong Americans na nasa kamay kayo ng oposisyon!”“Hindi rin mag-aabala ang United States na magpadala ng kanilang hukbo para pumunta rito, lalo naman ang iligtas kayo. Nagpasya na ang United States Embassy na tanggihan ang ransom ng oposisyon na nagkakahalaga ng 80 million US dollars pero heto ka inaasahan mo pang magpadala sila ng special force para iligats ka? Sa tingin mo ba si Warren Buffett o Bill Gates ang tatay mo?”“Hindi ako naniniwala sa’yo!” Marami sa mga Americans ang sabay-sabay na sumagot. “Nagsisinungaling ka!”Napatitig ang Indian-American na lalaki kay Autumn at malakas siyang nagsalita, “Autumn, kailangan mong mag-ingat sa lalaking ito. Malakas ang suspetsa ko na miyembro siya ng oposisyon! Kung hindi, kahit nakamamangha pa ang kakayahan niya, imposibleng makarating siya rito sa loob lang ng maiksing oras. Bukod pa roon, huwag mong kalimutan na
Nang mabanggit ni Charlie ang pangalan niya, nagulantang si Autumn. May pagkagitla sa kanyang mukha at hindi niya mapigilang matigilan.Hindi niya pa nakikita si Charlie dati, at nag-usap lamang silang dalawa sa voice chat ng WhatsApp isang beses. Dahil hindi sila masyadong nagsalita at walang masyadong laman ang kanilang usapan, hindi nag-iwan ng malalim na impresyon ang boses ni Charlie sa kanya. Hindi niya magawang gawan ng koneksyon ang lalaking ito kay Charlie. Matapos ang lahat, saglit lamang ang pag-uusap nila sa WhatsApp.Pero ngayong narinig niya ang kanyang pangalan, napagtanto na rin ni Autumn ang pagkakapareho!Sa pagkakataong ito, sabik siyang napabulalas, “Mr. Wade… bakit naririto kayo”Umiling si Charlie at bumuntong hininga siya na para bang wala siyang magawa, “Sinabihan na kita na hindi ligtas ang lugar na ito pero ayaw mong maniwala sa akin. Alam mo bang nag-aalala ang papa mo sa’yo?”Hindi mapigilang maluha ni Autumn nang marinig ang mga salitang ito.Nagsalit
Umiling ang Oskian-American na binata habang nasa tabi, “Autumn, alam kong bilang isang babae na natatakot kang mamatay. Pero, kailangan mong maniwala na sa mundong ito, walang kahit sino ang maglalakas loob na pumatay ng isang American citizen. Kaya, sigurado akong maliligtas tayo sa huli!”Hindi mapigilang mamangha ni Charlie at mapatawa sa lalaking ito. Pagkatapos, napatanong siya, “Bro, magsasalita ako nang prangka sa’yo. Maraming nangyayaring shootings kung saan-saan, kahit sa United States maraming namamatay. May mga inosenteng sibilyan rin ang nadadamay. Pero ang lakas ng loob mong sabihin na walang kahit sino ang mangangahas na pumatay ng isang American citizen? Hindi ba magkasalungat ang dalawang bagay na ito?”Namula ang mukha ng lalaking Oskian-American. Makikita nag matinding galit sa kanyang ekspresyon, “Nangyari ang sinasabi mong mga insidente sa loob ng bansa, hindi sa ibang bansa! Bakit mo naman isasama ang bagay na ito sa sitwasyon ngayon?!”Tumawa si Charlie at mul
“Concorde aircraft?!”Natigilan ang lahat at napatulala sila nang banggitin ni Charlie ang dalawang salitang ito.Sino naman ang maniniwalang may Concorde aircraft pa sa ngayon? Ito ang legendary king of speed ng civil aviation at mahigit dalawang dekada na ang nakararaan simula nang mawala ito sa market! Paano ito naging posible?!Napatawa ang lalaking Oskian-American at mapanglait siyang nagsalita, “Marunong ka talagang magyabang. Matagal nang wala sa civil aviation ang Concorde aircraft. Wala ng civil airlines sa buong mundo ang may supersonic airliners na kasalukuyang nasa operasyon. Iniisip mo bang mga hangal kami?”Umiling na lamang si Charlie at hindi niya mapigilang tumawa sa isang mapang-uyam na paraan, “Hay. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagsasayang ng oras na kausapin ang mga kagaya niyo?”Pagkatapos magsalita, napatitig si Charlie kay Autumn, “Kailangan na nating magmadali. Inanunsyo na ng oposisyon sa publiko na magsisimula silang pumata
Nang marinig ni Charlie ang mga salitang ito, agad siyang naging alerto at maingat.Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilang makaramdam ng panghahamak at panlalait para sa pitong hangal na matataas raw kuno ang edukasyon. Hindi ba hinihintay nilang dumating ang United States Navy SEALs na iligtas sila? Bilang resulta, wala pa rin ang sinasabi nilang special force, pero nauna nang dumating ang King of Hades na kinatatakutan nila!Sa puntong ito, naririnig na ni Charlie ang usapan ni Commander Hamed at ni Faizal pati ng iba pa. Tinatanong siguro ng commander kung ano ang sitwasyon ng mga hostage sa loob.Isa sa mga bantay ang agad na sumagot na normal lang naman ang lahat. Pagkatapos, nagsalita si Hamed, “Buksan niyo ang pinto.”Hindi nagtagal, maririnig ang pagbubukas ng pinto.Pagkatapos ng ilang sandali, nagbukas ang bakal na pinto mula sa labas. isang lalaking nakasuot ng desert camouflage uniform ang humakbang sa loob ng kwarto.Ang nakakagulantang na bagay, pagewang-gew
“T*ng i*na!”Agad na nakaramdam ng matinding dismaya si Samed sa loob ng kanyang puso nang marinig ito. Matapos ang lahat, matagal niya nang pinapangasiwaan ang opposition army. Kaya niyang husgahan ang isang sitwasyon nang mabuti.Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang tig-kalahati sila ni Charlie ng kontrol sa buong pangyayari.‘Nasa Oskian na lalaking ito ang kapangyarihan sa loob ng kwartong ito. Una sa lahat, nakatutok ang baril niya sa akin, nakuha niya na rin ang loob ng mga tauhan ko. Pwede niya akong patayin kahit kailan niya gustuhin…’‘Ganoon pa man, hindi ako malulugi sa buong sitwasyon. Matapos ang lahat, kahit gaano pa siya kalakas, imposibleng mabili niya ang isa o dalawang libo kong sundalo sa buong base.’‘Kung may abilidad talaga siyang gawin ito, pinili niya na sanang alisin ako sa puwesto. Bakit pa siya magpapakahirap na pumuslit dito?’Nang maisip ito, agad niyang sinabihan si Charlie, “Kaibigan, mas mabuting huwag tayong kumilos nang paligoy-ligoy. Kung may
Pagkatapos pag-isipan nang mabuti ang sitwasyon, nagngitngit ang ngipin ni Hamed at sinubukan niyang lumaban sa huling pagkakataon, “Kapatid! Sigurado akong hindi madali para sa’yo na makarating dito. Mukhang itinadhana ang pagkikita natin. Hindi ko matatanggihan ang pakiusap mo, pero kailangan mo rin akong bigyan ng dignidad. Hindi mo pwedeng lapastanganin na lang ang lahat ng pagsisikap ko, hindi ba? May kasabihan nga si Oskia? Hindi mo pwedeng sunugin ang lahat ng tulay, kailangan mong mag-iiwan ng iilan para sa hinaharap?”Ngumiti si Charlie, “Inaamin kong hindi masama ang Oskian literature mo. Kaya mo pang magbanggit ng matatas na kasabihan sa harap ko!”Nahihiyang ngumiti si Hamed, “Kung gagamit ako ng isang salita, masasabi kong top student rin ako sa panahon ko dati.”Tumango si Charlie saka siya nagtanong, “Sabi mo bigyan kita ng dignidad. Napapaisip ako, ano ang gusto mong gawin para mangyari iyan?”Kumaway si Hamed at nagsalita siya na para bang isang gangster, “Kapatid,
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya