Sa sandaling ito, nasa loob ng isang maliit na courtyard si Charlie, at may tatlong bahay lang na gawa sa lupa sa maliit na courtyard na ito. Mukhang sobrang sira-sira na ito. Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para maramdaman at maunawaan ang paligid, at napagtanto niya na walang bakas ng kahit sino sa tatlong bahay na ito. Kaya, naghanda siyang umabante nang paunti-unti papunta sa central square ng nayon simula sa courtyard na ito.Habang nag-skydiving si Charlie, nakita niya ang apat na armadong helicopter ng opposition na nakaparada sa central square. Kaya, ipinapakita nito na itinuturing ng kalaban ang central square bilang pinaka ipinagtatanggol na lugar. Dahil ang lahat ng mahalagang helicopter ay nandoon, naniniwala si Charlie na ang walong hostage, kasama si Autumn, ay nakakulong din malapit sa central square.Pagkatapos dumaan ni Charlie sa maliit at walang taong courtyard at nang lilipat na siya sa isa pang maliit na courtyard, narinig niya ang tunog ng mga yapak mula sa
Ang dalawang sundalo ng opposition na ito ay walang depensa sa puso nila, at nag-uusap lang sila kanina.Dahil, ito ang base nila. Hindi lang binabantayan nang sobra ang base nila ng sarili nilang sundalo, ngunit ang mga tao rin dito ay mga taga suporta nila.Kaya, sa ilalim ng isipan nila, basta’t walang digmaan sa labas, sobrang ligtas sa loob ng base nila.Pero, isang di kilalang tao ang biglang lumitaw sa ‘sobrang ligtas’ na kapaligiran na ito!Kinabahan nang sobra silang dalawa sa sandaling ito.Dahil hindi sila responsable sa pagbabantay, wala sa kanilang baril ang handang magamit sa sandaling ito. Ang ibig sabihin ay kung gusto nilang gamitin ang mga baril nila para patayin ang kalaban sa likod nila, kailangan nilang maglagay ng bala sa mga bala at ibaba ang safety pin bago nila hatakin ang gatilyo.Pero, kahit gaano sila kabilis kumilos, ilang segundo pa rin ang kailangan ng proseso na ito.Bukod dito, sobrang lakas ng kamay ng kabila na nakahawak sa leeg nila. Para bang
“Ito…” Nag-alangan nang kaunti ang lalaki bago sinabi, “Sa totoo lang… masasabi ng kahit sino na isa kang foreigner sa isang tingin lang… kung titingnan lang ang mukha mo. KAya, wala talaga ako masyadong magagawa para dalhin ka sa loob…”Tinuro ni Charlie ang sundalo sa tabi niya bago tinanong, “Kung magpapalit ako gamit ang mga damit niya, mapapasok mo ba ako?”Nag-atubili saglit ang lalaki bago sinabi, “Kung… kung isusuot mo ang mga damit niya at magsusuot ng maskara, makakapasok ka sa courtyard… pero kapag pumasok ka sa cellar, walang duda na tatanungin ka ng mga bantay kung sino ka at kung saan ka galing. It oay dahil malinaw na inutos ng commander namin na ilagay sa mahigpit na pagmamanman ang walong tao na ito. Bukod dito, kahit na makapasok ka, hindi maiiwasan na malantad ka…”Habang nagsasalita siya, idinagdag niya, “Bukod dito, kung aatakihin mo sila, malaki ang posibilidad na maalerto mo ang mga bantay sa labas. May makitid na hagdan lang papasok at palabas sa cellar. Sa s
Sa sandaling narinig ng lalaki ang mga sinabi ni Charlie, nagmakaawa siya agad habang sinabi, “Kaibigan! Kaibigan! Hindi ko talaga balak gawin iyon! Na… nalito lang ako. Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon!”Umiling si Charlie. “Pasensya na, pero may isang pagkakataon lang! Kung may isa ka pang buhay, tandaan mo na huwag pagtaksilan ang isang tao na tinatrato ka bilang isang kaibigan.”Namutla ang lalaki sa takot, at nagpasya siyang subukan ang swerte niya sa huling pagkakataon habang binuksan niya ang kanyang bibig para subukang sumigaw ng tulong.Sa sandaling ito, ang pagsigaw ng tulong ang huling pagkakataon niya para mabuhay.Kung Makikita niya ang atensyon ng ibang tao, marahil ay may pagkakataon pa siyang mabuhay.Kahit na hindi siya mabuhay, kahit papaano, makakagawa siya ng problema para sa lalaki sa harap niya!Sa sandaling malantad ang kinaroroonan niya, malaki ang posibilidad na hindi rin makakaalis nang buhay ang lalaking ito sa lugar na ito!Kaya, sinabi niya
Sa wakas ay gumaan na ang pakiramdam ni Charlie, at tinuro niya ang lalaking nakahiga sa sahig habang sinabi, “Tanggalin mo ang pantalon niya at itago mo ang katawan niya. Siguraduhin mo lang na walang makakahanap sa kanya ngayong gabi.”“Okay!”Sumagot ang kabila bago umabante agad at tinanggal ang pantalon ng lalaki. Pagkatapos nito, binuhat niya siya at tinago ang katawan niya sa loob ng isang sira-sirang bahay sa abandonadong courtyard sa tabi nila.Direktang sinuot ni Charlie ang mga damit at pantalon ng lalaki. Sa sandaling ito, bumalik ang lalaking nasa ilalim ng psychological hint ni Charlie at sinabi nang magalang, “Ginawa ko na ang mga utos mo!”Tumango si Charlie bago siya tinanong, “Anong pangalan mo?”Sumagot nang nagmamadali ang lalaki, “Ako si Faizal.”Tinanong siya ni Charlie, “Faizal, may maskara ka ba?”Nagmamadaling nilabas ni Faizal ang isang itim na maskara na nakalagay sa loob ng isang plastic bag mula sa kanyang bulsa bago sinabi, “Binigay ang maskara na i
Sabay na naglakad si Charlie at Faizal sa central square. Sa puntong ito, lalo pang naging nakabibingi ang tunog ng diesel generators.Marami sa mga ordinaryong tao ang mahihirapang makipag-usap sa ganitong klase ng ingay, bukod pa roon marami pang iba’t ibang tunog ang nasa paligid. Para kay Charlie, mabuting bagay ang ganito. Kahit may mangyari sa rescue nila mamaya, hindi mapapansin ng iba ang sigaw ng kahit sino.Ganoon din, tinanong ni Charlie si Faizal sa kanyang tabi, “Gaano katagal nakabukas ang diesel generators niyo?”Magalang na tumugon si Faizal, “Dahil pinutol ng gobyerno ang electric supply namin, nanggagaling sa 50-kilowatt diesel generator ang kuryenteng ginagamit namin. May isang set rin ito ng power storage equipment.”“Dahil mas mababa ang kinokonsumo naming kuryente sa umaga, hindi namin ginagamit ang generator sa araw. Ginagamit lang namin ang power storage equipment para masigurong gagana pa rin ang mga equipment na kailangan namin. Binubuksan lang namin ang g
Muling tinanong ni Charlie si Faizal, “Wala ba kayong iisang lenggwahe na ginagamit dito?”Umiling si Faizal, “Kung isang lenggwahe lang ang gagamitin namin, dapat Arabic sana. Kaso, komplikado ang komposisyon ng hukbo namin, at marami sa amin ang hindi marunong magsalita ng Arabic.”“Marami sa mga naririto ang matagal na nanirahan sa ibang bansa simula noong bata pa sila. May ilan rin ang nakatira sa mga bahaging dating sinakop ng ibang bansa, kaya English o French lang ang sinasalita nila. Hindi talaga madali ang komunikasyon sa amin dahil wala kaming iisang lenggwahe.”“Halimbawa ako. Pumunta kami ng pamilya ko sa United States noong bata pa ako, may green card rin ako. Tatlong taon ko ring pinaglingkuran ang US army. Ilang taon pa lang simula noong bumalik ako para sumali sa Freedom Army. Hindi maganda ang pananalita ko sa Arabic. Masasabing sa English lang ako matatas magsalita.”Tumango si Charlie. Kagaya ng India ang sitwasyon ng multilinggwalismo rito. Marami rin sa mga Ind
Sinundan ni Charlie at ni Faizal ang sundalo habang naglalakad paibaba. Sa pagkakataong iyon, saka lamang nila nadiskubre na napakalalim ng hukay na ginawa ng oposisyon. Sa hagdan pa lang, umaabot na ito ng lima hanggang anim na metro ang lalim, matatantsang aabot ito ng dalawang palapag.Dahil tag-ulan at taglamig sa Syria ngayon, basa ang hagdang dinadaanan nila. Amoy na amoy rin ang lupa mula sa mga pader sa gilid.Habang naglalakad paibaba, nagsalita ag sundalong nasa harap sa isang magiliw na tono, “Captain Faizal, pwede ko bang hingiin ang tulong mo sa isang bagay?Malamig na nagtanong si Faizal, “Ano iyon?”Agad na tumugon ang sundalo, “Captain Faizal, gusto ko sanang mag-apply para sumali ng armored brigade. Kaya kong kumontrol ng mga heavy machine guns!”Napangisi si Faizal at napatanong siya, “Sa tingin ko gusto mo lang sumali ng armored brigade dahil natatakot kang mamatay, tama ba?”“Hindi, hindi.” Agad na nagpaliwanag ang sundalo, “Gusto ko lang sumali ng armored bri
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya