“Ito…” Nag-alangan nang kaunti ang lalaki bago sinabi, “Sa totoo lang… masasabi ng kahit sino na isa kang foreigner sa isang tingin lang… kung titingnan lang ang mukha mo. KAya, wala talaga ako masyadong magagawa para dalhin ka sa loob…”Tinuro ni Charlie ang sundalo sa tabi niya bago tinanong, “Kung magpapalit ako gamit ang mga damit niya, mapapasok mo ba ako?”Nag-atubili saglit ang lalaki bago sinabi, “Kung… kung isusuot mo ang mga damit niya at magsusuot ng maskara, makakapasok ka sa courtyard… pero kapag pumasok ka sa cellar, walang duda na tatanungin ka ng mga bantay kung sino ka at kung saan ka galing. It oay dahil malinaw na inutos ng commander namin na ilagay sa mahigpit na pagmamanman ang walong tao na ito. Bukod dito, kahit na makapasok ka, hindi maiiwasan na malantad ka…”Habang nagsasalita siya, idinagdag niya, “Bukod dito, kung aatakihin mo sila, malaki ang posibilidad na maalerto mo ang mga bantay sa labas. May makitid na hagdan lang papasok at palabas sa cellar. Sa s
Sa sandaling narinig ng lalaki ang mga sinabi ni Charlie, nagmakaawa siya agad habang sinabi, “Kaibigan! Kaibigan! Hindi ko talaga balak gawin iyon! Na… nalito lang ako. Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon!”Umiling si Charlie. “Pasensya na, pero may isang pagkakataon lang! Kung may isa ka pang buhay, tandaan mo na huwag pagtaksilan ang isang tao na tinatrato ka bilang isang kaibigan.”Namutla ang lalaki sa takot, at nagpasya siyang subukan ang swerte niya sa huling pagkakataon habang binuksan niya ang kanyang bibig para subukang sumigaw ng tulong.Sa sandaling ito, ang pagsigaw ng tulong ang huling pagkakataon niya para mabuhay.Kung Makikita niya ang atensyon ng ibang tao, marahil ay may pagkakataon pa siyang mabuhay.Kahit na hindi siya mabuhay, kahit papaano, makakagawa siya ng problema para sa lalaki sa harap niya!Sa sandaling malantad ang kinaroroonan niya, malaki ang posibilidad na hindi rin makakaalis nang buhay ang lalaking ito sa lugar na ito!Kaya, sinabi niya
Sa wakas ay gumaan na ang pakiramdam ni Charlie, at tinuro niya ang lalaking nakahiga sa sahig habang sinabi, “Tanggalin mo ang pantalon niya at itago mo ang katawan niya. Siguraduhin mo lang na walang makakahanap sa kanya ngayong gabi.”“Okay!”Sumagot ang kabila bago umabante agad at tinanggal ang pantalon ng lalaki. Pagkatapos nito, binuhat niya siya at tinago ang katawan niya sa loob ng isang sira-sirang bahay sa abandonadong courtyard sa tabi nila.Direktang sinuot ni Charlie ang mga damit at pantalon ng lalaki. Sa sandaling ito, bumalik ang lalaking nasa ilalim ng psychological hint ni Charlie at sinabi nang magalang, “Ginawa ko na ang mga utos mo!”Tumango si Charlie bago siya tinanong, “Anong pangalan mo?”Sumagot nang nagmamadali ang lalaki, “Ako si Faizal.”Tinanong siya ni Charlie, “Faizal, may maskara ka ba?”Nagmamadaling nilabas ni Faizal ang isang itim na maskara na nakalagay sa loob ng isang plastic bag mula sa kanyang bulsa bago sinabi, “Binigay ang maskara na i
Sabay na naglakad si Charlie at Faizal sa central square. Sa puntong ito, lalo pang naging nakabibingi ang tunog ng diesel generators.Marami sa mga ordinaryong tao ang mahihirapang makipag-usap sa ganitong klase ng ingay, bukod pa roon marami pang iba’t ibang tunog ang nasa paligid. Para kay Charlie, mabuting bagay ang ganito. Kahit may mangyari sa rescue nila mamaya, hindi mapapansin ng iba ang sigaw ng kahit sino.Ganoon din, tinanong ni Charlie si Faizal sa kanyang tabi, “Gaano katagal nakabukas ang diesel generators niyo?”Magalang na tumugon si Faizal, “Dahil pinutol ng gobyerno ang electric supply namin, nanggagaling sa 50-kilowatt diesel generator ang kuryenteng ginagamit namin. May isang set rin ito ng power storage equipment.”“Dahil mas mababa ang kinokonsumo naming kuryente sa umaga, hindi namin ginagamit ang generator sa araw. Ginagamit lang namin ang power storage equipment para masigurong gagana pa rin ang mga equipment na kailangan namin. Binubuksan lang namin ang g
Muling tinanong ni Charlie si Faizal, “Wala ba kayong iisang lenggwahe na ginagamit dito?”Umiling si Faizal, “Kung isang lenggwahe lang ang gagamitin namin, dapat Arabic sana. Kaso, komplikado ang komposisyon ng hukbo namin, at marami sa amin ang hindi marunong magsalita ng Arabic.”“Marami sa mga naririto ang matagal na nanirahan sa ibang bansa simula noong bata pa sila. May ilan rin ang nakatira sa mga bahaging dating sinakop ng ibang bansa, kaya English o French lang ang sinasalita nila. Hindi talaga madali ang komunikasyon sa amin dahil wala kaming iisang lenggwahe.”“Halimbawa ako. Pumunta kami ng pamilya ko sa United States noong bata pa ako, may green card rin ako. Tatlong taon ko ring pinaglingkuran ang US army. Ilang taon pa lang simula noong bumalik ako para sumali sa Freedom Army. Hindi maganda ang pananalita ko sa Arabic. Masasabing sa English lang ako matatas magsalita.”Tumango si Charlie. Kagaya ng India ang sitwasyon ng multilinggwalismo rito. Marami rin sa mga Ind
Sinundan ni Charlie at ni Faizal ang sundalo habang naglalakad paibaba. Sa pagkakataong iyon, saka lamang nila nadiskubre na napakalalim ng hukay na ginawa ng oposisyon. Sa hagdan pa lang, umaabot na ito ng lima hanggang anim na metro ang lalim, matatantsang aabot ito ng dalawang palapag.Dahil tag-ulan at taglamig sa Syria ngayon, basa ang hagdang dinadaanan nila. Amoy na amoy rin ang lupa mula sa mga pader sa gilid.Habang naglalakad paibaba, nagsalita ag sundalong nasa harap sa isang magiliw na tono, “Captain Faizal, pwede ko bang hingiin ang tulong mo sa isang bagay?Malamig na nagtanong si Faizal, “Ano iyon?”Agad na tumugon ang sundalo, “Captain Faizal, gusto ko sanang mag-apply para sumali ng armored brigade. Kaya kong kumontrol ng mga heavy machine guns!”Napangisi si Faizal at napatanong siya, “Sa tingin ko gusto mo lang sumali ng armored brigade dahil natatakot kang mamatay, tama ba?”“Hindi, hindi.” Agad na nagpaliwanag ang sundalo, “Gusto ko lang sumali ng armored bri
Habang nagsasalita, isang bakas ng Reiki ang inilipat niya sa katawan ng kabilang panig direkta sa utak nito.Mamaya-maya, gaya ni Faizal, natanggap ng sundalo ang psychological hint ni Charlie. Nang marinig ito, agad siyang tumugon, “Tama nga ang sinabi mo, bro!”Tumango si Charlie saka niya itinuro ang isa pang tao, “Bro, hindi ka rin ba natutuwa sa trabaho mo?”Agad na tumugon ang lalaki, “Hindi, hindi iyan ang iniisip ko! Gagawin ko ang lahat ng inuutos sa akin ng commander. Wala akong reklamo!”Ngumiti si Charlie saka siya naglakad papunta sa lalaking kasasalita lamang para tapikin ito sa balikat, “Malalim ang pang-unawa mo sa sitwasyon! Sisiguruhin kong magsasabi ako ng magandang bagay sa harap ng commander tungkol sa’yo.”Pagkatapos magsalita, inilipat rin ni Charlie ang isang hibla ng Reiki papunta sa lalaki. Ito ang parehong paraan na ginamit niya para kontrolin ang kamalayan ng naunang sundalo kanina.Sa pagkakataong ito, isang lalaking matapang at masungit ang mukha an
Nang marinig nila ang sinabi ni Charlie, agad na inilabas ng isa ang susi para buksan ang malaking bakal na pinto.Sumunod, inutusan ni Charlie ang limang lalaki, “Magbantay kayong lima sa labas. Kapag may dumating, gawin niyo ang makakaya niyo para paalisin sila.”Ganoon din, napatitig si Charlie sa oras saka siya muling nagsalita, “Sa tingin ko, malapit nang dumating ang commander niyo. Kung gusto niyang pumasok, papasukin niyo lang siya. Kumilos kayo nang natural. Huwag niyong hayaan na may mapansin siyang mali.”“Masusunod!” Sabay-sabay na sagot ng limang lalaki.Hindi nagtagal, nagbukas ang pinto sa kwarto.Nang magbukas ang pinto, sumalubong ang malakas na amoy ng lupa sa loob ng kwarto. Agad na pumasok si Charlie at nadiskubre niyang walang kahit ano sa loob. Tanging iisang lampara lamang ang nakasabit sa taas ng kisame. Hindi lamang iyon, masyadong mababa ang watts ang ilaw kaya madilim ang ilaw nito.Kahit makikita ang bakas ng artificial reinforcement sa kisame, mapapan
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata