Kahit na mukha lang itong simpleng sampal, nang sinampal niya siya, ang lahat ng reiki na inipon ni Charlie ay sumugod at pumasok sa kanyang ulo, umikot sa kanyang katawan sa mga meridian habang pinasabog nito ang lahat ng mga importanteng ugat sa kanyang katawan.Dahil sumabog na ang mga importanteng ugat niya, nawala na rin ang lahat ng kakayahan niya!Natakot nang sobra ang lalaking nakaputi habang sumigaw siya sa sakit.Paano nagkaroon ng ganito kalakas na ispiritwal na enerhiya at reiki ang isang tao? Talagang hindi niya mawari kung sino si Charlie.Paano posible na may ganitong napakagaling na kakayahan ang isang tao sa Aurous Hill?Bukod dito, naramdaman niya na tila ba hindi maikukumpara ang mga kakayahan ni Charlie.Saan nanggaling ang taong ito?Pumunta siya ng kapatid niya upang pumatay, pero bakit parang sila ang pinapatay?Sa sandaling ito, sinuntok ni Charlie ang lalaki sa kanyang tiyan, at sa isang suntok lang, naramdaman ng lalaking nakaputi na tila ba naging wa
Sa sandaling ito, naramdaman ni Loreen na para bang tinamaan siya ng kidlat!Tinitigan niya si Charlie at parang naramdaman niya na nailagay siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon.Hindi alam ni Charlie na napagtanto na ni Loreen na siya ang tagapagligtas niya.Umirap lang si Charlie pagkatapos patayin ang Butcher Brothers.Ang Butcher Brothers? Kahit na sobrang astig ng mga pangalan nila, isa lang silang pares ng ligaw na aso!Mayroong takot na ekspresyon si Zachary sa kanyang mga mata.Gumawa na ng gulo ang Butcher Brothers at pumatay nang maraming tao sa maraming taon. Bukod dito, hindi sila natalo sa kahit anong laban sa buong buhay nila.Ang lahat ng tao sa timog na rehiyon ay takot sa kanila.Sinong mag-aakala na mamamatay ang Butcher Brothers sa mga kamay ni Charlie ngayong araw? Naramdaman ni Zachary na hindi talaga ito kapani-paniwala.Gano’n ba talaga kagaling si Mr. Wade?Sa sandaling ito, sumulyap si Charlie sa dalawang katawan na naging malamig na sa lupa bago
Kung gayon, ibig sabihin ba nito ay hindi niya binibigo ang matalik niyang kaibigan kahit na mahal niya si Charlie?Marahil ay mas gagaan ang buhay ni Claire kung magiging sila ni Charlie sa huli!Nang maisip niya ito, nagmamadaling sinabi ni Loreen kay Charlie,, “Kung gayon, hayaan mong pasalamatan kita nang maaga, Charlie!”Ngumiti si Charlie kay Loreen bago siya sumagot, “Hindi, walang problema ito.”Mas lalong pinabalis ng ngiti niya ang tibok ng puso ni Loreen sa sandaling ito.Kahit na sinasabi sa kaniya ang rason kung bakit wala siyang pag-asa kay Charlie ay dahil siya ang asawa ng matalik niyang kaibigan, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga kakaibang bagay sa kanyang utak dahil sa emosyon na nararamdaman niya.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isip ni Loreen sa sandaling ito. Kaya, binigay niya nang walang pag-aatubili ang numero ng selpon niya kay Loreen.Sa sandaling ito, umabante si Zachary bago niya sinabi nang nambobola, “Mr. Wade, ang galing mo talaga! Kahit
Nang nagmaneho sila papasok sa siyudad, unti-unti nang tumigil ang nakakatakot na bagyo na tila ba walang nangyari kanina.Pagkatapos nito ay tinangay ng malamig na hangin ang maitim na ulap at isang bahaghari ang lumitaw sa langit na parang isang painting. Tumingin ang lahat sa itaas, naakit sa ganda ng kalikasan.Hininto ni Charlie ang kotse sa harap ng lumang merkado ng mga kalakal at ibanaba roon si Zachary.Sa sandaling lumabas ng kotse si Zachary, yumuko siya nang magalang kay Charlie at sinabi, “Salamat, Master Wade!”Tumingin sa kanya si Charlie at sinabi nang payak, “Zach, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa nangyari ngayon, naiintindihan mo ba?”“Opo, syempre! Huwag kang mag-alala, Master Wade,” sinabi ni Zachary sa mabait at seryosong tono. Ang kanyang mukha ay puno ng paghanga dahil itinuring niya si Charlie na parang diyos.Tumango si Charlie at nagmaneho paalis. Si Zachary naman, sa kabilang dako, ay tumayo sa parehong lugar at pinanood siyang
Habang tinitingnan ang nakakalungkot na Jacob na humahakbang sa daan na walang balikan, umiling nang nalulumbay si Charlie at bumalik sa kanyang kwarto.Nakaligo na si Claire at nagsuot siya ng lavender silk spaghetti pajamas.Pinapakita ng pajama ang kanyang mga balikat. Sobrang lambot at kinis ng kutis niya tulad ng silk na pajama at bahagyang natakpan lang ang kanyang likod at niyakap nito nang mahigpit ang kanyang katawan. Naramdaman ni Charlie na kakaiba ang pagkatuyo ng lalamunan niya ngayong gabi habang nakatingin siya nang matindi kay Claire.Nakahiga siya nang patagilid sa kama. Ang kanyang manipis at silk na pajama ay nakalagay sa hugis ng kanyang magandang katawan na parang artipisyal na balat. Tinatakpan ng palda ang kanyang mga hita at ang mahaba at marikit na mga binti niya ay tamad na nakalatay sa kama.Nahihiyang namula si Claire nang mapansin niya ang matinding tingin ni Charlie at sinabi, “Tigilan mo na ang pagtingin sa akin nang ganyan, para namang hindi mo pa it
Pumunta si Claire sa kanyang bagong opisina sa sumunod na umaga.Samantala, sumakay si Charlie sa kanyang electric scooter at pumunta sa pamilihan.Dahil sobrang abala ni Claire sa kanyang opisina, talagang bumili siya ng mga masustansyang sangkap upang magluto ng mga magandang pagkain para sa kanya.Pagkatapos niyang mamili, lumabas si Charlie sa merkado at nakasalubong si Loreen.“Charlie!” Sinigaw ni Loreen ang kanyang pangalan, nasasabik at sobrang saya.Nasorpresa si Charlie. “Hey, Loreen, hindi ko inaasahang makikita kita!”Tumingin si Loreen kay Charlie at binulong nang nag-aatubili, “Oo… erm, hindi… hindi, ako… ako…”Ikiniling ni Charlie ang kanyang ulo, nalilito. “Magsalita ka nang mabagal. May mga nakasalubong problema ka ba kailan lang?”Ang mukha ni Loreen ay naging maliwanag na lilim ng pula. Sa totoo lang, maaga siyang naghintay sa labas ng bahay ni Claire at sinusundan si Charlie sa buong daan.Nilinis ni Loreen ang kanyang lalamunan, nag-ipon ng tapang, at sina
Kaya pala hindi niya mahanap ang bato pagkatapos ng araw na iyon, nahulog niya ito! Nagkaton, o sa kasamaang-palad, napulot ito ni Loreen...Paano niya ito maipapaliwanag? Letse...Kinagat nang mahin ni Charlie ang kanyang mga labi at sinabi nang kaswal, “Anong ibig mong sabihin? Isa lang itong ordinaryong bato.”Tumingin si Loreen sa mga mata ni Charlie at sinabi nang mahigpit, “Huwag kang magsinungaling sa akin! Sinabi na ni Zachary sa akin na sa’yo ang batong ito—bihira lang ito, ang nag-iisang bato ng kapayapaan at kayamanan!”Pinagdaup ni Charlie ang mga labi niya at tumingin sa malayo, tahimik na minumura si Zachary dahil sinabi niya ito!Dahil mayroon nang ebidensya si Loreen, maaari na lang umamin si Charlie na may nag-aalangan na tango, “Sige na, oo na, inaamin ko na ako ang nagligtas sa’yo sa Aurous Bistro, pero nasa distrito lang ako nang nakita kita! Pakiusap at huwag mong sabihin kay Claire!”Nanahimik siya pagkatapos umamin. Kakaiba ang pagkatahimik nila nang ilang
Pagkatapos maka-uwi, kinalimutan na ni Charlie ang pag-uusap nila ni Loreen.Gayunpaman, pagkatapos kumalma, bigla niyang naalala na hindi niya pa nagagawa ang medisinang ipinangako niya kay Anthony Simmons at sa pamilya Moore.Para sa kanila, ang medisinang ito ay ang talagang pinakamagaling na medisina na pwedeng ibigay sa mundong ito.Pero sa opinyon ni Charlie, isa lang ito sa mga pinaka pangkaraniwang medisina sa Apocalyptic Book. Kung kaya niyang maglinang at gumawa ng mas malakas at kamangha-manghang medisina na nakatala sa libro, iniisip niya kung kaya ba nitong buhayin ang patay o gawing imortal ang isang tao?Sa kabila ng posibleng milagro nito, ang mga kamangha-manghang medisina na iyon ay maraming kailangan na kakaiba at bihirang sangkap, ang ilan pa nga ay hindi niya pa naririnig. Ang pinakamahalaga, marami sa kanila ay mga panimula na kailangan ng reiki upang linangin sa magagamit na materyales. Isa pa lang siyang baguhan sa paggawa ng medisina at malayo pa ang kailan
“Ang wakas ng Qing Eliminating Society?” Nang marinig ni Vera ang mga salitang ito, umiling isya at ngumiti sa paraan na parang sinisisi niya ang sarili niya habang sinabi, “Ang mga dead soldier at Armed Calvary Guards na iyon ay mga ibabang antas lang ng Qing Eliminating Society, at wala man lang sila sa gitnang antas.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Ang totoong pundasyon at suporta ng Qing Eliminating Society ay ang limang Military Governor at limang Military Governor Office at mga katiwala ng mga Military Governor. Mga kamag-anak sila ng British Lord, kaya hindi sila mag-aalsa kahit na hindi sila magkasundo. Bukod dito, sa mga eksperto na sinanay ng Hubbert Battalion sa mga nagdaang aon, mahigit kalahati sa kanila ay galing sa limang Military Governor Office. Walang nakakaalam kung gaano karaming eksperto doon ang nasa limang Military Governor Office!”“Bukod dito, walang nakakaalam kung gaano karaming eksperto ang nasa tabi ng British Lord. Kahit na may tatlo pa sa
Tumango si Vera at sinabi nang matatag, “Tama! Kaya, sa tingin ko ay nagsisinungaling siguro ang British Lord!”Tinanong siya ni Mr. Raven, “Ang ibig mong bang sabihin ay peke ang bagay na ito?”Sinabi nang matatag ni Vera, “Hindi. Dahil inulat na patay na si Mr. Jothurn, siguro ay patay na talaga siya. Dahil, walang dahilan ang British Lord para sadyang magsinungaling sa isang napakahalagang bagay at sirain ang kalooban ng hukbo niya.”Pagkasabi nito, binago ni Vera ang paksa at sinabi, “Pero, sa opinyon ko, marahil ay hindi pinatay ang mga tao sa base sa Cyprus at copper refinery sa Turkey tulad ng sinabi ng British Lord. Sa kabaliktaran, naniniwala ako na hinikayat ni Charlie ang mga tao doon na mag-alsa!”Nalito si Mr. Raven at tinanong, “Paano… Paano iyon posible? Kahit na kinamumuhian nang sobra ng mga dead soldier at Armed Calvary Guards ang Qing Eliminating Society, malabo na pagtaksilan nila ang Qing Eliminating Society. Walang kayang gumamot sa lason sa katawan nila, kaya
“Cyprus?” Tinanong ni Vera sa sorpresa, “May nilagay ba ang Qing Eliminating Society na base ng dead soldier doon dati?”Tumango nang bahagya si Mr. Raven at sinabi nang magalang, “Oo, Miss. Direktang inanunsyo ng British Lord ng Qing Eliminating Society ang pagkasira ng base ng mga dead soldier sa Cyprus! Sinasabi na pinatay ng kabila ang lahat ng miyembro ng sa base kasama na ang mahigit isang libong dead soldier at ang mga pamilya nila, pati na rin ang daang-daang Armed Calvary Guards at mga kamag-anak nila. Bukod dito, pinatay din ng kabila ang daang-daang Armed Calvary Guard at halos isang libong pamilya nila sa copper refinery sa Turkey, na ang upper level ng base ng mga dead soldier!”“Gumawa ang kabila ng isang patibong sa base ng mga dead soldier sa Cyprus at gumamit ng napakalakas at mabilis na close-defense missile para patayin si Mr. Jothurn! Sinabihan ng British Lord ang lahat ng tao sa middle pataas na mag-ingat nang sobra, at inutusan niya ang pagtigil ng lahat ng panl
Tinanong ulit ni Charlie, “Ano ang tantyang lakas ng mga taong ito?”Sinabi ni Porter, “Sa kanila, ang dalawang pinakamalakas ay sina Zayne at Hunter, ang dalawang War King ng Ten Thousand Armies. May karangalan sila na inumin ang celebration wine na binigay mo sa Mexico dati, kaya pumasok na sila sa huling yugto ng isang six-star martial artist, at isang hakbang na lang sila para maging isang seven-star martial artist.”Pagkatapos itong sabihin, huminto saglit si Porter at sinabi, “Bukod sa kanilang dalawa, maraming mga five-star martial artist at mahigit isang dosenang four-star martial artist mula sa natitirang miyembro ng Ten Thousand Armies. Ang pinakamahina sa kanilang lahat ay mga three-star martial artist din.”Tumango si Charlie nang marinig ang mga sinabi ni Porter. Mukhang ang mga martial artist na ito ang kayamanan at pundasyon ng Ten Thousand Armies.Palalakasin nang sobra ng training na ito anglakas nila, at tataas nang sobra ang lakas ng Ten Thousand Armies sa larang
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu