“Ito… hindi ko masabi…” Sumagot nang tapat si Carvalho. “Masyadong malakas ang kapalaran ng kabila, at hindi ko ito makita.”Medyo hindi nakumbinsi si Cadfan at hindi nasiyahan habang tinanong, “Maaari bang mas malakas ang kapalaran ng lalaking ito kaysa sa akin?!”Tumango si Carvalho bago sumagot nang taimtim, “Ang kahit sino na may ganitong kapalaran ay ang may pinakamalakas na uri ng kapalaran. Maaari bong ilarawan ito bilang malakas at hindi matatalo. Kaya, imposible para sa kahit sino na magkaroon ng mas malakas na kapalaran kaysa sa kanya!”Natakot nang sobra si Cadfan. Hindi niya maiwasang isipin, ‘Noon pa man ay hinala ko na na buhay pa sina Sophie at Helen. Bukod dito, malaki ang posibilidad na niligtas sila ng misteryosong top master mula sa Japan. Ngayon, sinasabi ni Master Mason na may True Dragon na lumitaw sa kapalaran ko. Maaari bang ang taong ito ang tinutukoy ni Master Mason?!’Nang maisip niya ito, hindi maiwasan ni Cadfan na mataranta. Kung totoo ang lahat ng sin
Simula noong aksidente hanggang ngayon, matagal nang hindi lumabas si Kian sa bahay para makipagkita sa mga tagalabas.Sa una, sobrang nag-aalangan siyang lumabas, at gusto niyang hindi na ulit lumabas sa bahay sa buong buhay niya. Pero, nang marinig niya na may mga eksperto ngayon na maaaring magamot ang problema niya, lumiwanag ang puso niya sa pag-asa.”Pagpasok sa villa, pinangunahan ni Arrington ang dalawang magkapatid sa meeting room.Nagmamadaling ipinakilala siya ni donald sa mga tao, “Lord Schulz, Master Mason, ito ang bunsong anak na lalaki ko, si Kian, at sa tabi niya ang panganay na anak na lalaki ko, si Sean!”Ang mag-ama ng pamilya Schulz ay interesado sa pagsuri kay Kian.Ito ay dahil iba talaga si Kian sa ordinaryong tao, tulad ng kahulugan ng pangalan niya. Noong naging viral ang maikling video niya, ang kasikatan niya ay hindi mas mababa sa mga artista.Hindi naging kumportable si Kian sa buong katawan niya habang tinititigan siya ng mag-ama ng pamilya Schulz. Y
Humuni si Carvalho at tinanong sa mababang boses, “Kaya, naaalala mo ba ang mga hints na binigay sayo ng kabila?”Tumango nang walang ekspresyon si Kian at sinabi, “Naalala ko. Kada oras, sinabi niya sa akin na…”Nagmamadaling sinabi ni Carvalho, “Huminto ka! Kailangan mong tumingin nang maingat sa tansong barya sa kamay ko. Simula ngayon, kalimutan mo ang mga tuso sayo ng iba, naiintindihan mo ba?!”Patuloy na tumango si Kian. “Naiintindihan ko…”Pinunasan ni Carvalho ang kanyang pawis at tinanong nang hindi sigurado, “Kaya, naaalala mo ba ang kahit anong hints na binigay sayo ng kabila?”Sinabi ni Kian nang hindi nag-iisip, “Naaalala ko. Sinabi niya sa akin na…”Naging sobrang pangit ang ekspresyon ni Carvalho, at sinumbat niya nang malakas, “Ikaw… Ikaw… ikaw… manahimik ka ngayon din!”Nabigla si Kian at agad nawala sa hypnotic state, at sinara niya agad ang kanyang bibig.Nakatingin si Donald sa gilid nang walang alam at tinanong nang kinakabahan, “Master Mason, ano ang nang
Pinasigla si Carvalho ng mga sinabi ni Mason!Inaral niya ang pangunahing prinsipyo ng Eight Diagrams, Feng Shui, at metaphysics sa buong buhay niya, at tila ba nasa pinakamataas siya. Pero sa totoo lang, sa angkan ng metaphysics, katatawid niya lang sa entry-level.Ang totoong metaphysics ay higit pa sa Eight Diagrams at Feng Shui, ngunit malaking pag-iisip na pinagsama-samang kaalaman ng mga ninuno at pamana ng Oskia.Dito, maraming metaphysics ang nawala, at halos wala nang nakakaalam tungkol dito.Sa buhay niya, kahit na marami siyang tagumpay sa Feng Shui, may ilang master na mas mataas ang antas kaysa sa kanya. Sa kanila, ang mas mataas nang sobra sa kanya ay si Chandler Lennard, na sampung taon na mas matanda kaysa sa kanya.Maituturing si Chandler na isa sa mga pinaka matagumpay na master sa larangan ng Feng Shui at metaphysics sa mga Oskian Americans.May dalawang master pa na mas mataas ang antas kaysa kay Carvalho, pero pumanaw na sila.Umaasa si Carvalho na pagkatapo
Ito na siguro ang pagkakataon niya sa Aurous Hill!Sa sandaling naisip niya ito, sinabi niya kay Lord Schulz, “Cadfan, ang pangalawang anak mo, ang pinakamatandang manugang na babae, at ang pinakamatandang apong babae mo ay naglaho sa Aurous Hill. Na-hypnotize din ang anak ni Mr. Webb ng isang master sa Aurous Hill. Sa tingin ko, may mga hindi pa nadidiskubreng talento sa Aurous Hill. Kung gano’n, ako mismo ang pupunta doon para makita kung may mahanap akong bakas.”Nang marinig ito ni Lord Schulz, naging sabik agad siya.Ang inaalala niya ngayon ay hindi siya makakakuha ng malinaw na sitwasyon sa Aurous Hill.Dahil handang pumunta si Carvalho, syempre ay sabik siya para dito.Kaya, sinabi niya ang sabik, “Tito Mason, dahil balak mong pumunta sa Aurous Hill, mas mabuti iyon. Kung may kailangan kang ihanda ko nang mas maaga, sabihin mo lang!”Kumaway si Carvalho, “Hindi mo na kailangang maghanda ng kahit ano para sa amin. Kung mas maghahanda ka, mas malaki ang posibilidad na malal
“Si Charlie?” Narinig ni Jasmine ang tanong ni Nanako at nakita niyang may ekspektasyon mula sa mga mata nito. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting emosyon. ‘Mukhang nanunuot sa buto ang nararamdaman ng batang ito para kay Charlie, pero dahil lagi siyang nasa Japan, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa susunod.’Pagkatapos, naisip ni Jasmine ang kanyang sarili at hindi niya mapigilang sikretong laitin ang kanyang sarili. ‘Sa puntong ito, ano ba ang pinagkaiba ko sa kanya? Kahit nakatira kami ni Charlie sa parehong lugar, kasal pa rin siya at hindi madali para sa akin na makipagkita sa kanya.’Nang maalala ito, bumuntong hininga si Jasmine saka siya tumugon, “Hindi ko masyadong nakikita si Charlie ngayong mga araw. Huli ko siyang nakita sa salo-salo sa bahay nila Aurora.”Tumango si Nanako at tila ba dismayado siya. Sumunod, bumuntong hininga siya, “Naku, mukhang wala yata akong pagkakataon na makita si Charlie-kun ngayon…”Napatanong si Jasmine sa sorpresa, “Hindi mo
Ganoon pa man, walang binanggit na kahit ano si Jasmine kaya hindi ipinakita ni Charlie na alam niya na ang sitwasyon. Nagpanggap na lamang siyang nagtataka, “Bakit bigla mo akong gustong imbitahing maghapunan?”Sumagot si Jasmine, “Sabi ni Lolo hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na imbitahan ka sa bahay ngayong mga araw, sinabihan niya akong tanungin ka kung may oras ka para kumain dito sa amin mamaya.”Hindi inaasahan ni Charlie na sasabihin ni Jasmine na si Lord Moore ang nag-imbita sa kanya para kumain ng hapunan. Hindi binanggit ni Jasmine si Nanako kaya nagkaroon siya ng hula na gusto siyang sorpresahin ni Nanako.Nang maalala niya ang maganda, banayad, at tahimik na Yamato Nadeshiko, biglang nagkaroon ng pangungulila si Charlie sa loob ng kanyang puso. Hindi niya mapigilang maalala ang eksena sa Kyoto habang naglalakad silang dalawa sa nyebe.Pagkatapos ng ilang sandali, nagpanggap pa rin si Charlie na wala siyang alam, “Dahil inimbitahan ako ni Lord Moore, hindi ako makaka
Nang marinig ang mga salita ni Jacob, nagulantang si Charlie.‘Kailan ako nangako sa kanya na sasamahan ko siya sa hapunan niya sa Calligraphy and Painting Association?’Habang nagtataka, biglang nakita ni Charlie ang kindat ni Jacob sa kanya, “Charlie, bakit nakasuot ka pa ng apron? Magbihis ka na! Kung hindi, mahuhuli tayo sa lakas!”Sa pagkakataong ito, nagtanong si Elaine, “Jacob, wala ka namang ginagawa sa Calligraphy and Painting Association, bakit mo pa isasama ang manugang natin? Kailan pa siya nagkaroon ng oras na samahan ka sa mga lakad mo?”Napakurba ang labi ni Jacob, “Ano naman ang alam mo? Kilala ni Charlie si Albert. Sikat na sikat si Albert sa buong Aurous Hill. Siguradong hindi ipapahiya ni Mr. Bay si Albert. Nagkataong magbabago na ang top management ng Association ngayon. Gusto ko sanang irekomenda ako ni Mr. Bay na maging vice president. Kapag nangyari ito, ako na ang magiging second in command ng Calligraphy at Painting Association!”Sumagot si Elaine habang m
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo