Share

Kabanata 2263

Author: Lord Leaf
Nang marinig ni Wendy ang mga sinabi ni Xavia, tinanong niya sa sorpresa, “Miss Xavia, hindi ba’t sinabi mo na magkaiba ang sahod para sa event at sa basic salary?”

Kumulot ang mga labi ni Xavia at sinabi, “Wendy, nangangarap ka talaga nang gising! May sasabihin ako sayo. Sinabi ni Mr. Lawry na sa hinaharap, buwanan na ang sahod ng lahat ng hostess namin. Kaya, simula ngayon, kailangan mong magsikap nang mabuti para sa kumpanya. Basta’t makakapunta ka sa dalawampu’t walong event para sa kumpanya kada buwan, makakatanggap ka ng limang libong dolyar sa 15th sa susunod na buwan!”

Biglang nagkaroon ng hindi akma at nahihiyang hitsura si Wendy sa kanyang mukha habang sinabi, “Miss Xavia, dapat ay babayaran ako ng dalawang daang dolyar sa bawat event. Kaya, kung sasali ako sa dalawampu’t walong event, dapat ay makakakuha ako ng limang libo at anim na raang dolyar. Pero, kung babayaran lang ako ng kumpanya ng limang libong dolyar, hindi ba’t ang ibig sabihin ay magtatrabaho ako nang libre s
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
goodnovel comment avatar
mk mei
Update pls
goodnovel comment avatar
Allen Vidal
walang kwentang chapter at update ampoottaa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2264

    “Hindi ako pupunta!” Sinigaw ni Wendy, “Gumagawa ka ng krimen sa kailaliman ng sikat ng araw! Tatawagan ko ang pulis para arestuhin kayong lahat!”“Tawagan ang pulis?” Umabante si Xavia at sinampal nang direkta si Wendy sa kanyang mukha habang sinigaw, “Sa tingin mo ba talaga ay mapipigilan mo ako sa pamamagitan lang ng pagtawag sa pulis? May sasabihin ako sayo. Marami na akong nakita na murang palaaway na babae na tulad mo! Marami akong paraan para parusahan ang mga taong kagaya mo!”Sinabi ni Wendy, “Mga bully lang kayong lahat! May batas ang lipunan natin! Paano niyo magagawa ito dahil lang gusto niyo?!”Ngumisi si Xavia bago sinabi, “Ano naman kung inaapi ka namin? Ang kinahihiligan ko ay apihin ang mga tao! May sasabihin ako sayo. Kilalang tao si Mr. Lawry sa underground world ng Aurous Hill. Kung maglalakas-loob kang magloko kaysa maging masunurin, hindi lang ikaw ang maghihirap sa huli. Magbabayad din ang pamilya mo para sa mga kilos mo!”Habang nagsasalita siya, sinabi ni X

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2265

    Sa sigaw na ito, lumingon nang hindi nag-iisip sila Wendy, Xavia, at ang ibang tao sa pinanggalingan ng boses.Sa sandaling ito, nakita nila si Charlie na nakasakay sa kanyang scooter at dumating nang mabilis sa harap ng lahat.Pagkatapos, pinatigil ni Charlie ang scooter. Pero, hindi siya bumaba. Sa halip, nasa magkabilang bahagi ng scooter ang mga binti niya, at malamig niyang inutos, “Pakawalan niyo siya.”Nasorpresa si Xavia nang makita niya si Charlie sa scooter. Agad siyang naglabas ng mapanghamak na ekspresyon at sumagot nang sarkastiko, “Sa una ay akala ko na isa itong bayani para iligtas ang araw. Isa lang pala itong talunan!”Pagkatapos magsalita, suminghal siya at pinagalitan si Charlie, “Hoy, talunan. May sasabihin ako sayo. Huwag kang makialam, kung hindi, malalagot ka!”Nang makita ang biglaang pagdating ni Charlie, nakaramdam ng malakas na seguridad si Wendy sa kanyang puso. Umiyak siya, “Bayaw, bayaw, iligtas mo sana ako. Oh, bayaw…”Nang marinig ito, hindi maiwas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2266

    Tumango si Charlie, inilagay ang pangalan ni Xavia, at pinindot ang confirm. Sa sandaling naaprubahan ang facial recognition sa PayPal, isang notification ang mabilis na lumitaw na nagsasabi na tagumpay ang transaction.Nanginig nang kunati ang kamay ni Xavia, at isang promot ang agad nagpakita sa kanyang cellphone: [Charlie has transferred five hundred thousand Oskian dollars to you!]Nang makita ang mensahe na ito, nasorpresa siya at naging emosyonal. Inisip niya, ‘Jusko! Sobrang daling kitain ng pera na ito! Hinding-hindi ko naisip na kumita ng pera nang ganito sa buong buhay ko! Kung alam ito ni Mr. Lawry, siguradong bibigyan niya ako ng isang daang libong Oskian dollars!’Bukod sa pagiging emosyonal, nagbago ang pananaw ni Xavia kay Charlie, at tumawa siya, “Hinding-hindi ko inaakala na marangka si Mr. Wade. Para tulungan ang hipag mo, kailangan mo lang igalaw ang daliri mo para maglabas ng limang daang libong Oskian dollars. Sa tingin ko ay hindi ordinaryo ang lakas ng pananal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2267

    Sa simula pa lang, pinagyayabang na ng mga malakas na lalaki sa tabi ni Xavia ang mga muscle nila.Bihasa ang ganitong kumpanya na pagkakitaan ang mga grey areas, at kumikita sila ayon sa mga tagumpay nila.Nakadepende ang tagumpay ni Xavia sa mga dalagang niloko niya. Ang mga dalagang ito ay pinipiga sa buong halaga nila.Para naman sa tagumpay ng mga siga na ito, nakadepende ito sa kung gaano karami ang atake nila.Sa madaling sila, kung wala silang pagkakataon na umatake, basic salary lang ang makukuha nila.Pero, kung may aatakaihin sila, nasa sampu-sampung libo ang kikitain nila.Malinaw para sa kanila ang negosyo ngayong araw—may limang daang libong Oskian dollars sa PayPal ni Xavia. Kung tuturuan nila ng leksyon ang siraulo na ito, magkakaroon sila ng parte sa limang daang libong Oskian dollars, at makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng dalawampu o tatlumpung libo.Kaya, nang marinig nila ang utos ni Xavia, agad silang naglakad papunta kay Charlie, ang bawat isa ay may

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2268

    Nang maisip ito, agad niyang sinabi nang magalang, “Mangyaring maghintay ka nang ilang sandali. Tatawagan ko na ang boss ko ngayon din!”Pagkatapos, mabilis niyang nilabas ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang numero.Sa sandaling kumonekta ang tawag, desperadong sinabi ni Xavia, “Mr. Lawry, mangyaring tulungan mo ako. May problema sa Pearl River Point…”Ang taong nasa kabila ay si Mr. Lawry, kilala rin bilang Hebron Lawry. Dati siyang isang lokal na siga at may kaunting kasikatan. Pero, pumunta siya sa outstation para magsugal at natalo ng malaking pera. Kaya, ginamit niya ang kanyang braso bilang taya, at sa huli, nawala rin ang kanang braso niya.Dahil wala na ang kanang braso niya, hindi na niya kayang mabuhay sa underground world kung saan pinupuntirya ng mga malalakas ang mga mahihina. Kaya, tinipon niya ang maraming tao at gumawa ng isang etiquette company.Ang dahilan kung bakit niya napiling gumawa ng etiquette company ay dahil kaya niyang lapitan ang mga hostess,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2269

    Matiyagang naghintay si Charlie sa loob ng labinlimang minuto.Makalipas ang labinlimang minuto, isang S-class na limousan ang dumating sa car park ng Pearl River Point.Kasunod ng S-class limousin ay dalawang minibuss na may dala-dalang labing-isang pasahero bawat isa. Ang dalawang minibus ay puno ng mga gangster na may mga machete.Nagkataon na dumating ang mga kotse sa likod ni Charlie. Si Hebron, na nasa limousine, ay nakita si Xavia. Pagkatapos, mabilis niyang nakilala ang lalaki sa harap ni Xavia, habang nakatalikod sa kanya at nakaupo sa scooter, siya dapat ang tinutukoy ni Xavia na mayabang na lalaki.Kinutya niya nang mapanghamak, ‘Ang lakas ng loob ng talunan na ito na nakasakay sa scooter na kalabanin ako?!’Pero, sa sandaling naalala niya na sinabi ni Xavia na tinalo ng talunan na ito ang anim na tauhan niya, nag-alinlangan niya.Palihim niyang inisip, “Paano kung kaya talagang lumaban ng taong ito at bugbugin ako… anong gagawin ko?”Nang maisip ito, nagmamadaling hu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2270

    Tinakpan ni Hebron ang kanyang mukha at nagulantang siya nang sobra. Tinanong niya, “Brother Jayden, ikaw… bakit mo ako sinampal?! Dapat ang talunan na iyon ang sinampal mo!”Nagalit nang sobra si Jayden sa punto na nanginginig na ang loob at labas niya. Sinabi niya sa galit, “Ikaw… naghahanap ka talaga ng gulo! Ang lakas ng loob mong tawagin na talunan si Master Wade! Sa tingin ko ay pagod ka na talaga sa buhay mo!”Pagkatapos, inutusan niya agad ang mga tauhan niya, “Hawakan niyo ang put*ng inang to at bugbugin niyo siya!”Marami sa mga tauhan ni Jayden ang hindi pa nakikilala si Charlie. Pero, narinig na nila ang pangalan na Master Wade.Dahil, ito ang tagapagligtas na araw-gabing binabanggit ni Don Albert. Bukod dito, masasabi na si Albert ang godfather ng underworld sa Aurous Hill. Masasabi na ang tagapagligtas niya ang tagapagligtas ng bawat miyembro ng underworld sa Aurous Hill.Sa lahat ng tao, naghanap ng gulo si Hebron kay Master Wade. Hindi ba’t hinahanap niya lang si k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2271

    Ito ang unang pagkakataon na nakakilala si Hebron ng isang tao na katulad ni Charlie.Sa labas, hindi nakipaglaban si Charlie, wala siyang pinagalitan, at palagi siyang nakangiti. Mukha siyang sibilisado kumpara sa kahit sino. Pero sa sandaling binuksan niya ang kanyang bibig, kaya nitong kainin ang mga buto niya.Labinlima’t kalahating milyong Oskian dollars? Paano siya makakapaglabas ng napakalaking pera?!Kahit na maraming kinikita ang etiquette company sa pagbebenta ng laman bilang negosyo, ang mga taong katulad niya ay kumikita nang marami at gumagastos din nang marami.Dahil nasa madilim na underground siya dati, ang ganitong uri ng tao ay may mentalidad na ‘dapat inumin ang alak ngayon hanggang sa malasing ka, ang pera na kinita ay dapat gastusin ngayon at hindi dapat bukas’.Kaya, kahit na marami siyang kinikita sa mga normal na araw, marami ring ginagastos si Hebron.Sa isang taon, kaya niyang kumita ng milyon-milyon. Pero, hindi niya mapigilang gumastos nang sobra. Sa h

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5675

    Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5674

    Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5673

    Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status