“At kayong nagtatrabaho para kay Charlie! Hindi niyo ako pakakawalan, tama? Siguradong makakaganti ako sa inyo, isa-isa kapag nakalabas ako!”“Sa tingin niyo ba na ako, si Carmen Wade, ay isang tao na mapaglalaruan niyo lang?! Bilisan niyo at pakawalan niyo na ako ngayon din!!!”Sa tuwing nagmumura at nagsasalita si Carmen, mas lalo siyang nababalisa. Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang umubo. “Cough, cough, cough.. Cough, cough, cough… If hindi niyo ako pakakawalan, tatalikod ako, itatapon ko kayo sa Yaak River, at ipapakain ko kayo sa mga isda doon! Isa-isa ko kayong papatayin! Papatayin ko kayo at sisiguraduhin ko na hinding-hindi na kayo mabubuhay ulit!”Hindi nakapagtataka na parang baliw na si Carmen sa puntong ito. Dahil, nakatira siya sa ganitong uri ng lugar kung saan naninirahan ang mga pinakamababang klase ng populasyon. Kaya, malapit na siyang mabaliw.At saka, ang Aurous Hill ay matatagpuan sa timog ng Yaak River. Mahalumigmig ang panahon sa taglamig, at walang air
Ayaw na talagang manatili ni Carmen sa ganitong mahirap na buhay.Kung kailangan niya talagang maghintay hanggang sa Tomb Sweeping Festival bago siya makauwi, para bang pinatay na rin siya.Sa sandaling ito, hindi maiwasan ni Jeremiah na pagaanin ang loob niya, “Carmen, pigilan mo lang ang init ng ulo mo at maghintay ka nang matiyaga nang ilang araw. Tatawagan ko si Charlie kung ayaw ka pa rin niya paalasin.”Puno ng naagrabyadong pakiramdam si Carmen sa sandaling ito, pero hindi siya nangahas na magsabi pa ng kahit ano.Inisip niya lang nang palihim, “Naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Sa mga mata ng ama ko, si Charlie ang pinakamahalagang tao sa pamilya Wade.”“Dahil, kung pakakasalan niya talaga ang anak ni Yule, siya na ang magiging tagapagmana ng pamilya Golding na may ari-arian na nasa trilyong-trilyong dolyar. Siguradong malaking tulong ito sa pamilya Wade.”“Sa ganitong sitwasyon, ako ay isang anak na kinasal na sa iba. Kaya, paano ko maikukumpara ang sarili ko sa kaha
Agad naging masunurin si Albert at sinabi, “Master Wade, ano ang mga utos mo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kailangang manatili pa ng ilang araw ang Tita ko sa Aurous Hill. Sa panahong ito, aabalahin kita na bantayan siya. Katulad pa rin ng dati ang lahat.”Tinanong nang nagmamadali ni Albert, “Master Wade, kapag sinabi mong ilang araw… gaano karaming araw ito?”Nag-isip nang ilang sandali si Charlie bago siya tumawa at sinabi, “Gawin natin itong pitong araw! Dapat ibuo na natin itong isang linggo para mas madali itong bilangin! Kung hindi pa rin gagana ang pitong araw na ito, ang ibig sabihin lang ay sobrang sama ng ugali ng tita ko. Kung gano’n, kailangan natin siyang bigyan ng kumpletong treatment course.”Tumawa si Albert habang sinabi, “Okay, Master Wade! Naiintindihan ko!”Ang iniisip ni Charlie sa sandaling ito ay, ‘Carmen, mayabang ka at malaki ang tiwala mo sa sarili dahil anak ka ng pamilya Wade. Sobrang yabang mo at dominante, at umaasta ka na tila ba ikaw ang reyna.
Sa wakas ay tuluyan nang napasuko si Carmen.Kahit na puno pa rin siya ng galit para kay Charlie sa puso niya, hindi na siya nangahas na magpatuloy na tumawad kay Charlie pagkatapos marinig ang mga sinabi niya.Napagtanto na niya na hindi niya mapipigilan ang pagkatao at istilo ng gawain ni Charlie.At saka, teritoryo ni Charlie ang Aurous Hill, at kahit si Lord Wade ay nasa panig ni Charlie. Kaya, wala siyang magagawa kundi tiisin ito.Hindi niya talaga kayang galitin siya.Kaya, pinigilan niya ang lahat ng sama ng loob at galit sa puso niya habang tapat na sumagot, “Okay… ang una ang pipiliin ko…”Tumango si Charlie bago sinabi kay Albert, “Albert, narinig mo ito. Dapat sabihan mo ang mga tauhan mo na bantayan siya nang mahigpit sa susunod na pitong araw. Kung sisigaw pa siya o magmumura o papagalitan ang iba, ipaalam mo agad ito sa akin!”Nagmamadaling tumayo nang tuwid si Albert habang sinabi nang malakas, “Master Wade, huwag kang mag-alala! Siguraduhin sasabihan ko ang mga
Dahil, nakatakas ang isang mahalagang bilanggo tulad ni Rosalie. Ang q2, q1, at ang lahat ng mamamayan ng Japan ay siguradong hindi matatanggap ang katotohanan na ito.Sa sandaling kumonekta ang tawag, narinig agad ang boses ni Nanako, “Charlie, nakarating ka na sa Aurous Hill, tama?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tama. Paano mo ito nalaman?”Ngumiti si Nanako at sinabi, “Sinusundan ko ang balita sa Aurous Hill, at nakita ko ang ilang media na may balita na nakabalik na si Miss Moore. Dahil nakabalik na si Miss Moore sa Aurous Hill, dapat ay nakabalik ka na rin sa Aurous Hill.”“Oo.” Bahagyang ngumiti si Charlie habang sinabi, “Dumating kami kaninang umaga, at nagmadali agad kami sa Moore Group sa sandaling nakabalik kami. Kaya, wala akong oras na iulat ang kaligtasan namin kanina. Pasensya na talaga.”Ngumiti si Nanako habang sinabi, “Charlie, masyado kang magalang. May mas mahalagang gawain ka na dapat mong gawin. Hindi mo ako kailangang tawagan agad. Ayos lang ako kahit matawa
Nang marinig ito ni Nanako, tinanong niya sa sorpresa, “Charlie, anong klaseng regalo ang ibibigay mo sa kanya?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Maipagpapalagay ko na balisang-balisa at galit siya ngayon dahil hindi niya maintindihan kung paano naglaho si Rosalie at napalitan ng iba, tama?”Sumagot si Nanako, “Gano’n na nga. Sinabi ng ama ko na puno ng pressure ang lalaking iyon sa ngayon dahil sobrang hirap talaga na ayusin ang ganitong uri ng mahalagang gawain. Ang pangunahing dahilan ay dahil sobrang taas ng inaasahan ng mga mamamayan. Kung maayos ang gawa niya, walang duda na magiging sobrang saya ng lahat. Pero, kung mabibigo siya sa trabaho niya, malaki ang posibilidad na maghirap siya at harapin niya ang galit ng mga mamamayan.”Sumang-ayon si Charlie at sinabi, “Oo. Ang ganitong bagay ay parang isang patalim na matalas sa magkabilang bahagi. Kung hindi ito magagamit nang maayos, masasaktan ang taong iyon.”Habang nagsasalita siya, ngumiti si Charlie at sinabi, "Pero, matutul
Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi ba’t sinabi mo na nagtatrabaho siya dati sa Homeland Security Bureau ? Sa abot ng kaalaman ko, ang homeland security ang pinakamahalaga para sa kahit anong bansa. Kaya, siguradong may mas mataas na posisyon ang mga tao na nagtatrabaho sa Homeland Security Bureau kumpara sa mga militar. Pwede mong hilingin sa kanya na humingi ng tulong sa mga dati niyang katrabaho o leader. Naniniwala ako na siguradong kikilos ang Homeland Security Bureau para arestuhin ang mga tao sa Japanese Self-Defense Force, at hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang Japanese Self-Defense Force na makialam dito.”Pagkatapos huminto saglit, sinabi ulit ni Charlie, “Pagkatapos arestuhin ng mga officer ng Homeland Security Bureau ang mga lalaking iyon, pwede nilang dalhin ang mga taong iyon sa Tokyo Metropolitan Police Department para sa pagtatanong at interrogation. Kahit gaano karaming tao ang maaresto, dapat hiwa-hiwalay silang tanungin! Siguradong makakahanap siya ng mahalaga
Nang makita ni Sheldon na mukhang galit nang kaunti ang kanyang ama, tumayo siya nang nagmamadali at yumuko nang magalang at sinabi, “Pa, kumalma ka at huwag kang magalit. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang ako kay Rosalie. Kahit ano pa, dugo at laman ko si Rosalie. Dahil hindi natin alam kung buhay o patay siya, medyo nababalisa nga ako…”Tumingin nang malamig sa kanya si Lord Schulz, at sinabi nang mabagal, “Sheldon, kailangan mong maging kalmado at mahinahon kahit na kaharap ang mga paghihirap at pagbabago kung gusto mong gumawa ng mga magaling na bagay. Natataranta ka na nang ganito dahil lang naglaho ang anak mo sa labas? Kung mamamatay ako balang araw, mapapamahalaan mo ba ang pamilya Schulz?!”Nanginig si Sheldon nang marinig niya ang mga ito!Inisip niya, ‘Pinagdududahan na ng matandang lalaki ang mga iniisip at abilidad ko ngayon. Hindi ito maganda!’‘Kung patuloy akong magpapakita ng pag-aaalala kay Rosalie at kung patuloy akong kakabahan, siguradong iisipi
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka