Ngayon lang napagtanto ni Master Lennard ang malaking sakuna na nagawa niya pagkatapos marinig ang paliwanag ni Charlie. Kaya naman ay nagmamadali niyang sinabi, “Miss Moore, patawarin mo ako! Hindi iyon ang layunin ko! Maestro, pakitanggal agad ang batong iyon…”Umiling si Charlie bago siya sumagot, “Wala nang silbi kahit kunin pa ang bato. Dahil, kumpleto na ang ‘dragon encapsulation formation’, at katumbas nito ang pagtatapon ng bato sa tubig. Kahit na kunin mo ang bato mula sa tubig, ang mga alon na ginawa ng bato ay hindi na maibabalik.”Tumingin nang nagulantang si Jasmine kay Charlie. Bigla lumaki nang kaunti ang respeto niya sa kanya, at mabilis niyang tinanong, “Mr. Wade, maaari mo ba akong tulungan na lutasin ang problema na ginawa ng ‘dragon encapsulation formation’? Hindi ako mag-aatubiling bayaran ka kahit gaano kalaki ang babayaran ko upang malutas ang problemang ito!”Sa sandaling narinig ni Albert ang sinabi ni Charlie, mabilis siyang nagsalita, “Mr. Wade, kailangan
’Isa talaga siyang Diyos!” Sa sandaling ito, hindi lamang si Albert ang nagulantang, ngunit sina Jasmine at Oscar din.Talagang kamangha-mangha na nahanap ni Charlie ang tubo ng tubig na nakatago sa loob ng sementong sahig.Nagsalita ulit si Charlie. “Albert, sirain mo ang tubo ng tubig at agad mong pakawalan ang tubig. Sa sandaling bumulwak ang tubig palabas ng tubo, masisira agad ang ‘dragon encapsulation formation’, at mawawala na ang pormasyon ng Feng Shui na ito!”Agad inutos ni Jasmine, “Albert, bilisan mo at sirain mo ang tubo ng tubig!”Tumango si Albert bago niya hinampas ang tubo ng tubig gamit ang bakal na crowbar hanggang masira ito.Isang malaking daloy ng tubig ang agad na tumalsik, at sina Charlie, Jasmine, at Oscar ay agad umatras upang maiwasan nilang mabasa ng tubig. Sa kasamaang-palad, hindi nakatakas sa oras si Albert, at sumabog sa kanya ang tubig.Pagkatapos dumaloy ng tubig, napagtanto ni Charlie na nasira niya na ang ‘dragon encapsulation formation’ dahil
Sobrang nasorpresa si Jasmine at halos mahulog na ang panga niya sa sahig dahil sa malaking pagbabago sa ugali ni Mr. Lambeth.Kahit na galit pa rin siya sa ginawa ni Mr. Lambeth kanina, gusto niya pa rin sumigaw ngayon dahil sa pagkasabik!Gayunpaman, nanatili siyang kalmado at pinanatili ang pagiging mahinahon niya at sinabi, “Sige. Kung gayon, pagplanuhan natin ang oras at lugar kung saan pipirmahan ang kasunduan ng kooperasyon.”Mabilis na sumagot si Mr. Lambeth, “Sige, mas mabuti ang mas mabilis! Pupunta ako sa Aurous Hill bukas upang makausap ka sa personal, Miss Moore!”Tumingin nang humahanga si Jasmine kay Charlie habang binaba niya ang tawag.Nakikita niya na ang kakayahan at kapangyarihan ni Charlie sa tawag ni Mr. Lambeth.Kanina, nang sinira ni Master Lennard ang kanyang kapalaran dahil kinumpleto niya ang ‘dragon encapsulation formation’, tumawag si Mr. Lambeth dahil gusto niyang itigil ang kooperasyon sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa oras na iyon, sinabi ng maest
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tatandaan ko ang sinabi mo ngayon! Baka may ipagawa ako sa iyo sa hinaharap!”Tumango si Albert bago siya sumagot, ‘Mr. Wade, huwag kang mag-alala! Maaari mo akong utusan na gawin ang kahit ano para sa’yo!”Sa sandaling ito, si Master Lennard na nakahiga sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang tiyan ay biglang umiyak at nagmakaawa. “Kuya, pakiusap at pakawalan mo ako! Hindi na ako mangangahas na gawin ulit ito sa hinaharap. Pakiusap, patawarin mo ako at pakawalan mo ako.”Umirap si Albert bago sinabi, “Isa kang sinungaling! Dapat kitang turuan ng leksyon. Papunta na ang mga tauhan ko para parusahan ka!”Tinanong sa mahinang boses ni Charlie, “Ano ang gagawin mo sa kanya?”Sumagot nang malamig si Albert, “Sinabi ko na pagpipira-pirasuhin ko siya bago siya ipakain sa mga ligaw na aso! Paano ko hindi tutuparin ang mga sinabi ko? Mayroon akong kaibigan na may-ari ng ampunan ng mga aso. Sobrang dami ng aso niya doon, at marahil ay kaya nilang kumain ng sa
Kinabukasan ng tanghali.Pumunta sina Charlie at Claire sa Maple Hotel gamit ang kotse.Ang Maple Hotel ay hindi ang pinakamahal sa Aurous Hill, pero isa ito sa mga pinaka eksklusibo at maluhong hotel sa bayan, ipinapakita ang katapatan ni Douglas sa panlilibre sa kanila.Sa totoo lang, gumastos siya nang malaki sa kainan na ito dahil nireserba niya ang isang premium na suite sa hotel. Ito ay may maluhong dekorasyon at malawak na na kaya nitong tumanggap ng dalawampung tao na may bayad na pito o walong libong dolyar sa pinakamababa.Maraming tao na ang nasa suite nang dumating sina Charlie at Claire. Bukod kay Douglas at Loreen, may ilang mga kaklase din sa kolehiyo.Hindi maganda ang nangyari kay Loreen sa mga nakaraang araw.Medyo matagal na siyang dumating sa Aurous Hill mula sa Eastcliff sa layuning makilala ang chairman ng Emgrand Group. Gayunpaman, wala siyang pagkakataon na makita man lang ang chairman pagkatapos magtrabaho nang matagal sa kumpanya.Bukod dito, nanatili s
“Joanne, pinapakinggan mo ba ang sarili mo? Si Douglas ang pinakamalapit nating kaibigan, walang dudang tutulungan niya tayo kung kailangan natin ng tulong.”Isang lalaki na may parisukat na mukha ang nagsalita. Kinuha niya ang kanyang baso at ininom ito sa isang inuman.Tumingin saglit sa kanila si Charlie. Naalala niya sila bilang kaklase niya noong kolehiyo. Ang pangalan ng babae ay Joanne Hampton, at ang lalaki ay si Jerry McLean.Sumagot nang nahihiya si Douglas, “Ah hindi, hindi ko pwedeng akuhin ang lahat ng kredito para doon. Hay, mahabang kwento, kalimutan na natin!”Pagkatapos ay tumingin siya kay Charlie, nagpapasalamat na may kaunting emosyon.Malas talaga na naging nobya niya ang isang manloloko at p*ta. Muntik pang mawala ang lahat sa kanya at mabugbog dahil dito.Sa kabutihang-palad, salamat sa tulong ni Charlie, nabawi niya ang pagmamay-ari ng restaurant at nakatanggap ng dalawang milyon bilang kabayaran. Kaya, ang lahat ng mga pagmamay-ari niya ay dahil kay Charl
Tumingin nang masama si Charlie sa kanila, pero para kay Douglas, hindi na siya nag-abala sa dalawang tangang ito.Sa kabila ng katahimikan ni Charlie, mas lalo siyang kinamuhian nina Joanne at Jerry dahil sa hindi niya ipinagtanggol ang sarili niya pagkatapos niyang malait at mainsulto! Isa talagang talunan!Ipinagpatuloy ni Jerry ang kanyang mga insulto, “Uy, sa opinyon ko, bulag talaga si Claire. Maraming magagaling na lalaki sa klase natin pero, si Charlie, ang talunan ang pinili niya sa huli? Huh, sayang talaga!”Sa gitna ng kanilang panunukso, biglang may tumulak sa pinto ng suite.Bang!Ilang mga matipunong lalaki na nakaitim ang sumugod sa kwarto, at isa sa kanila, isang binata na may crew-cut na gupit at sigarilyo sa kanyang kamay ay sinabi nang malamig, “Umalis kayo rito. Gusto ko ang kwartong ito.”Sumimangot sa inis si Jerry. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Hindi niyo ba nakikita na naghahapunan kami?”Pagkatapos, hinampas niya nang mabangis ang lamesa at sina
“Tama na, Rambo. Naghahapunan kami rito, umalis ka na!”Walang pakialam si Charlie sa maliit na tao tulad ni Rambo, kaya tamad siyang sumenyas at pinaalis sila.Magalang na yumuko si Rambo at sinabi, “Sige po, Mr. Wade. Aalis na ako ngayon din!”Pagkatapos, mabilis siyang umatras mula sa kwarto na parang isang aso.Sobrang nabalisa at nainis sina Jerry at Joanne. Si Charlie, nilait nila at ininsulto sa iba’t ibang paraan, ay naging isang Mr. Wade! Anong nangyayari?!Tiyak na may hindi pagkakaintindihan dito. Isang talunan lang si Charlie! Bakit siya tinawag ni Rambo na Mr. Wade?! Hindi siya karapat-dapat dito!Humarap si Douglas sa kanila at sinabi nang mahigpit, “Kayong dalawa, ingatan niyo ang pananalita niyo. Maging mapagpakumbaba kayo at huwag kumuha ng atensyon. Matalino na kayo at alam niyo na ang pwede at hindi niyo pwedeng sabihin. Sa kabutihang-palad nandito si Charlie ngayon, kung hindi, malaki ang gulo na mapapasukan niyo!”Nanahimik na parang daga sina Jerry at Joann
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka
Pagkatapos ng tawag ni Zachary kay Landon, inulat niya agad ang sitwasyon kay Charlie.Si Charlie, na natanggap ang tawag, ay dumating na sa Champs Elys Resort. Balak ni Charlie na manatili dito hangga’t maaari upang maiwasan ang kahit anong emergency dahil hindi malayo ang Champs Elys Resort sa Willow Manor, kung saan nakatira ang lolo at lola niya.Kaya sinabihan niya si Isaac na maghanda ng isang malakas na rescue helicopter para manatili dito palagi upang direktang makaalis ang helicopter at makarating sa Willow Manor sa loob ng dalawa o tatlong minuto kung may emergency.Agad namangha si Charlie nang marinig niyang sinabi ni Zachary na may tao sa airport na handang magbayad ng three million dollars para bilhin ang jade ring na inihanda niya.Alam ni Charlie na sa wakas ay nandito na ang taong hinihintay niya!Hula niya na siguradong pupunta sa Aurous Hill ang mga tao mula sa Qing Eliminating Society, pero hindi niya inaasahan na sobrang bilis nilang pupunta!Pagkatapos ay ti
Tuwang-tuwa si Landon at sinabi nang nagmamadali, “Okay, Mr. Zachary. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mandaya… Ah, hindi, ang ibig kong sabihin, para magpakilala ng mas maraming customer sayo!”Pinaalalahanan siya ni Zachary, “Huwag kang mag-focus sa pagkuha ng mas maraming customer. Baka malapit nang dumating ang malaking customer mula sa Hong Kong, at iyon ang totoong malaking investor!”Sinabi nang sabik ni Landon, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary! Siguradong hindi ko ito palalagpasin!”Pagkatapos ibaba ang tawag, sabik na naglakad nang pabalik-balik si Landon. Hindi niya alam na narinig na ni Mr. Chardon ang buong usapan nila ni Zachary.Walang napansin na kakaiba si Mr. Chardon sa usapan nina Landon at Zachary. Sa kabaliktaran, mas lumakas ang hula niya kanina, at naniniwala siya nang sobra na ang ibang bagay na binanggit ni Zachary ay maaaring ibang mahiwagang instrumento.Sabik na sabik siya nang maisip ito. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng isang mahiwagan
“Gusto mo itong bilhin?”Tumango si Mr. Chardon at sinabi, “Oo, gusto ko itong bilhin. Bigyan mo sana ako ng presyo para sa singsing na ito!”Nang marinig ni Landon na tinatanong ni Mr. Chardon ang presyo ng singsing, agad niyang naisip nag dating utos ni Zachary. Kailangan niyang magbigay ng napakataas na presyo na mahigit isang beses sa market price ng singsing kahit sino pa ang gustong bumili sa singsing na ito.Hindi naintindihan ni Landon kung bakit ito ginagawa ni Zachary, pero dahil binabayaran lang siya para tapusin ang mga bagay-bagay, kailangan niyang gawin ang papel niya ayon sa pinag-usapan. Nandito lang siya para magsundo ng tao, at kailangan dumiretso ng matandang lalaki kay Zachary kung gusto niya talagang bilhin ang jade ring na ito. Kaya, nag-isip siya saglit. Ang jade ring na ito ay nasa 30 o 50 thousand dollars, kaya kailangan niyang magbigay ng presyo na nasa three o five million dollars kung kailangan niyang pataasin ng isang daang beses ang presyo ayon sa mar
Sa sandaling naglagay si Mr. Chardon ng ilang Reiki sa singsing, naramdaman niya agad ang formation na mabagal na umaandar sa singsing.Nagulat agad siya at inisip niya, ‘Patuloy ang pag-andar ng formation na ito, kaya ano kayang epekto nito.’Kahit na na-master na ni Mr. Chardon ang Reiki, wala siyang masyadong alam sa mga mahiwagang instrumento at formation.Kahit na may kahoy na ispada siya at may attack formation sa kahoy na ispada, kaya niya lang itong gamitin pero hindi ito kayang linlangin.Hindi niya naiintindihan ang misteryo ng formation o naiintindihan ang mga pangunahing prinsipyo at lohika ng formation.Kaya, nang makita niya ang formation na iniwan ni Charlie sa singsing, biglang hindi niya malaman kung ano ang layunin ng formation na ito.Sa totoo lang, ang formation na ito ay isang passive defense formation na nakatala sa Apocalyptic Book. Sa sandaling inatake ang taong may suot ng mahiwang instrumento, agad gagana ang formation, gamit ang sarili nitong enerhiya p
Habang kinokolekta ang pera at pinupuri si Mr. Chardon, hindi nakalimutan ni Landon na bolahin siya habang sinabi, “Tatang, mukhang isa ka ring eksperto! Maaari ba na isa ka ring tomb raider noong bata ka pa?”Ang ibig sabihin ni Landon ay posibleng isang tomb raider si Mr. Chardon na gumawa ng isang tomb-robbing team at nagsilbing pangunahing tao sa team na ito.Kinaway ni Mr. Chardon ang kanyang kamay at sinabi nang nakangiti, “Kaunti lang ang alam ko sa mga antique, pero wala akong alam sa paghuhukay ng mga libingan.”Sa totoo lang, wala talagang masyadong alam si Mr. Chardon sa paghuhukay ng mga libingan.Noong bata pa siya, narinig na niya ang ilang mga tomb raider at mga nangyaring paghuhukay ng libingan, pero ang pangunahing punto ay nagsasanay siya ng Taoism sa templo ng buong taon, at wala siyang interes sa paghuhukay ng libingan o mga kultural na relikya, kaya kaunti lang ang alam niya sa paghuhukay ng libingan.Pero, matagal na siyang nabubuhay, at ang dami ng impormasy
“Oo!” Sinabi ni Landon nang walang pag-aatubili, “Nasa dalawampu o tatlumpung taon na siya sa antique business. Siguradong isa siyang manloloko… ah, hindi, siguradong magaling siya sa mga antique, calligraphy, at mga sinaunang painting!”Tumango si Mr. Chardon, pagkatapos ay naglabas pa ng ilang isang daang dolyar na papel at binigay ang mga ito kay Landon habang sinabi nang nakangiti, “Iho, maaari mo ba akong ipakilala sa boss mo? Gusto ko talaga siyang makilala.”Tumingin si Landon sa matandang lalaki at nakita niya na mukhang handa ang matandang lalaki na mag-alok ng pera sa kanya, kaya agad siyang nagkaroon ng plano sa isipan niya. Sadya siyang umubo nang dalawang beses bago sinabi nang seryoso, “Tatang, dapat alam mo rin na may mga patakaran sa industriya namin. Hindi kita kilala, kaya hindi kita pwedeng dalhin para makita ang boss ko nang gano’n lang. Kung undercover ka at pinuntirya mo kami, hindi ba’t tapos na ang buong buhay ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Oh,