Inisip niya kung paano siya naging sobrang yabang kay Charlie dati. Palagi niya rin siyang sinisigawan, inaapi, at iniinsulto dati. Puno talaga ng pagsisisi si Elaine.Hindi niya maisipang isipin, ‘Paano kung kinamumuhian pa rin ako ni Charlie? Marahil ay magiging masaya siya kapag nawala na ako ngayon. Kung ayaw niya talaga akong pauwiin, hindi na siya mag-aabala na iligtas ako. Ang ibig sabihin ba ay habang buhay na akong magbubuhay ng mga bricks sa brick factory?Sa puntong ito, napaiyak na si Elaine.Tumingin si Donald kay Carmen bago sinabi, “Dahil sinabi mo na isa kang miyembro ng pamilya Wade, may itatanong ako. Anong ebidensya mo para mapatunayan ito?”Sumagot nang nagmamadali si Carmen, “May checkbook ako at may signature stamp ako sa bag ko. Pwede mo itong tingnan!”Tumingin si Donald kay Harold bago tinanong, “Nasaan ang bag niya?”Bumalik agad sa van si Harold at nilabas ang limited-edition Hermes bag ni Carmen.Nakaramdam ng sakit is Donald sa puso niya sa sandaling
Puno ng takot si Donald habang binuksan niya ang Hermes bag ni Carmen.Sa loob ng bag, bukod sa checkbook, may sariling signature stamp nga si Carmen na may pangalan niya.Karaniwan ay walang signature stamp na nakaukit ang isang ordinaryong tao. Dahil, wala silang paggagamitan nito.Pero, kung ang tao ay isang pinuno ng enterprise o mula sa senior management level, siguradong may paggagamitan ito.Bukod dito, karaniwan ay malinaw ang font sa personal signature stamp. Kaya, malinaw na nababasa ni Donald ang dalawang salitang ‘Carmen Wade’ na nakaukit nang malinaw sa seal/Nang makita ni Donal ang personal signature stamp ni Carmen, naramdaman ni Donald na tumataas agad ang blood pressure ni Donald, at halos hindi na siya makatayo.Sa sumunod na sandali, gusto nang mamatay ni Donald.Naramdaman niya na lumabas ang mag-ama ng pamilya Wilson para hulihin ang isang tao. Pero, hindi lang aso ang binalik ng mag-ama, ngunit nagbalik din sila ng isang tigre sa kaguluhan.Ang punto ay s
Pagkatapos huminto nang kaunti, nagpatuloy si Christopher, “Tingnan mo, Mr. Webb. Kung ang Carmen na ito ay ang eldest lady talaga ng mataas at maimpluwensyang pamilya Wade sa Eastcliff, bakit siya pupunta sa Aurous Hill? At saka, ang lahat ng sinabi niya tungkol kay Charlie ay hindi makatwiran! Isang walang kwentang tanga lang si Charlie! Bago siya pumunta sa pamilya Wilson, isa siyang trabahador sa isang construction site na may sariling bahay at pagkain. Isa siyang pulubi! Kung sasabihin ko ito nang tapat, hindi niya man lang kayang bumili ng toilet paper dati! Kaya, paano siya magiging young master ng isang mayaman at maimpluwensyang pamilya? Anong klaseng mayaman at maimpluwensyang pamilya ang handang iwan ang tagapagmana nila sa kalye nang napakatagal?”May tuwid na ekspresyon si Donald sa kanyang mukha at hindi siya sumagot sa mga sinabi ni Christopher.Kahit na mukhang makatwiran ang sinabi ni Christopher, walang ebidensya dito.Pero, nakita na ni Donald ang chekbook at pers
Naramdaman ni Harold na tila ba babagsak na siya nang marinig ito!Nang makita niyang sumusugod ang mga bodyguard ni Donald, natakot siya nang sobra at umatras siya nang hindi nag-iisip at sumigaw, “Mr. Webb, anong ginagawa mo?! Gina… ginagawa namin ito dahil sayo! Ayos lang kung hindi mo ito pahalagahan, pero bakit gusto mong baliin ang mga braso ko?!”Sumabog sa galit si Donald, at sinabi niya, “Kung mangangahas kang sabihin na para sa akin ito ulit, babaliin ko rin ang dalawang binti mo!”Natakot si Harold. Bago pa siya makatakbo, inipit na siya sa sahig ng ilang matangkad at maskuladong bodyguard.Hindi mabuting tao ang mga bodyguard ni Donald, at dahil nag-utos na ang boss nila, hindi sila nag-alangan. Kaya, sa sandaling inipit si Harold sa sahig, pumulot ng isang brick ang isa sa mga bodyguard sa sahig bago ito hinampas sa balikat ni Harold.Sumigaw si Harold sa sakit, pero bago pa siya matapos, agad siyang nakaramdam ng matalas na sakit sa kabilang balikat niya. Nasaktan
Dahil nakatali pa rin si Elaine, hindi siya makapalag. Kaya, hinayaan niya na lang na suntukin ni Carmen ang mukha niya nang paulit-ulit.Sa sandaling ito, umiyak na lang sa sakit si Elaine habang nagmakaawa siya, “Oh! Ate, huwag mo na sana akong suntukin. Mali ako! Alam ko na ngayon na mali ako!”“Alam mo na mali ka ngayon?!” Mas lalong nagalit si Carmen nang marinig ito. Patuloy niyang sinuntok si Elaine habang sumigaw siya, “Nagkaganito ako dahil sayo! Sa tingin mo ba talaga ay pakakawalan kita dahil lang alam mo na nagkamali ka ngayon?! Hindi lang na gusto kitang suntukin, pero papatayin kita ngayong araw!”Natakot nang sobra si Elaine, at sinabi niya, “Mangyaring patawarin mo ako, ate! Huwag mong kalimutan na ikaw ang tita ni Charlie! Ako ang biyenan na babae ni Charlie. Kaya, magkamag-anak tayo! Paano mo magagawang patayin ang kamag-anak mo?! Paano kung labanan ka ng manugang ko sa hinaharap dahil dito? Hindi mo rin masasagip ang karangalan mo!”Suminghal nang malamig si Carm
Nang makita nila ang sumusugod na grupo ng mga nakaitim na lalaki na mayroong live ammunition, natigilan ang lahat.Kinakabahang nagtanong si Donald, “Sino kayo?!”Isa sa kanila, ang lalaking nakaitim na nakasuot ng itim na face shield ay malamig na sumagot, “Kami ang interpol! Binigyan kami ng order na mag-imbestiga sa isang malaking transnational fraud case!”Ang taong nagsalita ay walang iba kung hindi ang pinakatapat na tauhan ni Charlie, si Albert.Sa oras na ito, naghihintay pa rin si Charlie sa loob ng helicopter, at hindi siya bumaba.Hindi niya planong personal na asikasuhin ang nangyayari ngayon. Kung hindi ay wala siyang paraan para ipaliwanag ang sitwasyon sa kaniyang biyenan na si Elaine.Sa sandaling ito, kakaiba ang gulat na gulat na ekspresyon sa mukha ni Donald. Interpol? Isang imbestigasyon sa isang transnational fraud case?! Anong kinalaman nito sa kaniya?!”Ang tanging ginawa niya lang ay dukutin sina Elaine at Carmaine ngayong araw!Gulat na gulat si Elaine
Napatanong si Carmen nang hindi niya namamalayan, “Sino ang tinatawag mo na Cecilia Lawrence? Kailan pa naging makaluma ang pangalan ko?! Ako ang pinakamatandang anak ng pamilya Wade! Ako ang tunay na Carmen Wade!”Malamig na sumigaw si Albert, “Talagang sinusubukan mo pang magpanggap? Marami ka nang naidulot na pahamak at may mga nasawi rin dahil sa mga kasalanan mo. Hindi mo ba kilala ang sarili mo?”Napatulala si Elaine…May boses na bumubulong sa isip niya, ‘Ano bang nangyayari rito? Sino ba talaga ang babaeng ito? Siya ba ang talaga tita ni Charlie o isa lamang siyang transnational scammer?!’‘Kung siya ang tita ni Charlie, bakit may mga interpol officers dito? Nabanggit rin nila ang mga saktong detalye ng sitwasyon pati na rin ang pagkakataong naaresto ako at nalagay sa detention center. Mukhang totoo at may basehan ang sinasabi ng mga officers. Hindi sila mukhang nagsisinungaling.’‘Kung isa siyang transnational scammer, bakit niya naman ako hahanapin para sabihing pilitin
Agad na nakumbinsi si Elaine nang mabanggit ni Albert ang ilang mga mahahalagang punto.May takot pa sa puso ni Elaine nang maalala niya ang tatlong salbaheng babae na nakilala niya sa detention center dati. Talagang nag-iwan ng malaking sugat kay Elaine ang insidenteng iyon, isang psychological effect sa kanyang sistema.Tinitigan ni Albert si Elaine saka siya nagsalita nang seryoso, “Miss Elaine, malaki na ang pagbabagong ipinakita mo ngayon. Hindi ka naloko at hindi ka rin naniwala sa mga kasinungalingan ng scammer na ito. Kung hindi, kapag nasentensiyahan ka ng panghabambuhay na pagkakakulong, sigurado akong ikaw ang magiging punching bag ng mga kaibigan ni Cecilia Lawrence…”Nagulantang si Elaine nang marinig ito!“Diyos ko! Masyado palang delikado ang sitwasyon. Mabuti na lang, naging maingat ako. Kung talagang napunta ako sa kulungan, buong buhay akong bubugbugin ng tatlong salbaheng iyon, hindi ba?!”Lumingon si Albert at tinignan niya si Carmen saka siya nagsalita nang ma
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga